HINDI TAYO PUWEDENG MABUHAY SA TAKOT –DANIEL

(NI ROMMEL PLACENTE)

SABAY na nag-guest sa Magandang Buhay noong Martes sina Ian Veneracion at Daniel Padilla.

Kaya sabay silang pinag-guest sa nasabing morning show   ay dahil nagging very close sila.

Nagsimula ang friendship nila noong nagkasama sila sa defunct drama series ng Kapamilya network  na Pangako Sa ‘Yo

na gumanap sila rito bilang mag-ama.

Nahilig sa motorbike si Daniel dahil naimpluwensiyahan siya ni Ian na naunang nahilig mag-motor.

Ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada ay natatakot daw siya kapag nagmo-motor ang kanyang anak.

“Ang kaluluwa ko! Hindi kayang nagmo-motor si Daniel. Kung hindi si Tito Ian niya, o si Papa ( Rommel Padilla) niya ang makakasama niya (na nagmo-motor), hindi ako talaga (pumapayag).”sabi ni Karla

Patuloy niya,”So kapag magpapaalam siya, tapos dadaaan siya diyan sa kalsada, wala akong pahinga sa nerbiyos ko. Parang you’re in pain, but you just have to be used  to it,”

Sa sinabing ito ni Karla, sumagot si Ian:”Kaya nga sinasabi ko sa kanya (Daniel) lagi, mag-iingat ka.  Kahit ‘yung daliri mo sa paa, hindi pwedeng mabalian. Kahit siguro 50 years old ka na, ‘pag nasugatan ka sa motor, kasalanan ko pa rin ‘yun. Ako ang sisisihin ng nanay mo”

Ayon naman kay Daniel, naiintidihan niya ang nanay niya, kung ganoon na lang itong mag-alala sa kanya.

“Pero lagi ko namang sinasabi sa kanya, “Ma, hindi naman pwedeng lagi na lang tayong natatakot. Hindi tayo pwedeng mabuhay sa takot dahil hindi natin maabot ang  mga pangarap natin,”

Sa sinabing ito ni Daniel, tinanong siya ni Jolina Magdangal, co-host ng mommy niya sa MB, na paano raw kung muling magmahal ang mommy niya, matatakot ba siya? Ang tanging sagot ni Daniel,”Huwag nating pag-usapan ‘yan,”

Sa narinig na sagot ni Daniel, tinanong naman siya ni Melai Cantiveros, kung over-protective ba siya sa kanyang mommy?

“Alam ninyo, lumaki ako na marami akong nakilala rin (na mga minahal ni Karla) and alam naman natin na may darating at darating din. Pero pinag-usapan namin ni Mama. “sabay buntong-hininga ni Daniel at  hindi na itinuloy ang sasabihin.

At ang natatawang reaksyon naman ni Karla sa sinabing ‘yun ni Daniel.

“Ganito na lang anak, mag-compromise tayo. Hindi na ako mag-aasawa hanggang sa pagtanda ko. Pero kasakasama mo ako kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo) I’m just here anak, kasi hindi mo ako binigyan ng buhay ko,”

 Aminado naman si Daniel na seloso siya kaya hangga’t maari ay ayaw niyang mag-asawa ang kanyang ina.

Please follow and like us:
Read More