BRGY CAPTAIN  SA LUMBAN, NIRATRAT SA LOOB NG  VAN

lumban12

(NI NILOU DEL CARMEN)

WALA nang buhay nang datnan ng mga pulis sa loob ng kanyang minamanehong van ang isang barangay captain na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Sta Cruz, Laguna, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rommel “Toktok” Pandakila, residente at chairman ng Barangay Bagong Silang, bayan ng Lumban.

Batay sa report ng Sta Cruz police, sakay ng kanyang ipinapaarkilang   van, kasama ang barangay tanod ng Barangay Bubukal na si Mario de Lima, pupuntahan sana ng kapitan ang umarkilang  pasahero sa nasabing barangay nang makita ng mga ito ang nag-aabang na suspek na nakatayo sa gilid ng highway, alas 11:30 ng gabi.

Sa suspek pa mismo nagtanong ng direksyon ang biktima, subalit apat na bala ang isinagot nito sa kapitan. Pinilit pa ng biktima na patakbuhin ang sasakyan subalit hinabol pa ito ng suspek at muli pang binaril ng tatlong beses.

Agad ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril habang nahulog naman ang sasakyan sa irrigation canal na nasa gilid ng highway.

Ligtas naman ang barangay tanod na kasama nito na nakatalon habang pinuputukan ang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari at inaalam kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen.

Si Pandakila ang ikalawang barangay captain ng Lumban na napatay sa pamamaril ngayong taon.

Noong Pebrero 10 nang  pagbabarilin din ng hindi nakilalang mga riding in tandem suspect  ang barangay captain ng Maytalang 1 na si Ramir Evangelista habang ito ay nakahinto sa isang ginagawang tulay sa bayan ng Lumban.

Please follow and like us:
Read More

BGY CHAIR TODAS SA RIDING-IN-TANDEM

lumban

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI  ang isang barangay chairman matapos na ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa national road, Barangay Maytalang -1, Lumban,  Laguna Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ng Lumban police ang biktima na si Ramir Evangelista, 47. Batay sa report ng Lumban police,  sakay ng kanyang motorsiklo, tumigil ang biktima sa ginagawang tulay dakong alas 10:30 ng umaga at nakipag-usap sa isang kakilala.

Dito na nakakita ng tiyempo ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang chairman.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa Christian General hospital sa bayan ng Pagsanjan ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay.

Please follow and like us:
Read More