TOTOY BINARIL NG AMO, PATAY 

crimeshooting12

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Isang lalaking kasambahay na menor-de-edad ang walang awang binaril hanggang sa mapatay matapos pagmumurahin ng kanyang amo sa Lucena City, nitong Linggo. Sa ulat ng pulisya, nadinig ng mga kapit-bahay si Niño Mikki Sekigawa, veterinary clinic staff, na pinagagalitan ang biktimang hindi pinangalanan sa report, sa loob ng kanilang apartment sa Barangay 11, bandang 10:00 ng gabi. Pagkatapos ng walang patid na pagmumura ay bigla na lang nadinig sa paligid ang putok ng baril mula sa hindi pa malamang kalibre mula sa apartment ng…

Read More

ARMY WALANG HOLY WEEK CEASEFIRE

npa

(NI JUN V. TRINIDAD) CAMP NAKAR, Lucena City – Magpapatuloy ang operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Southern Tagalog at Mimaropa regions sa buong Holy Week. “Walang order na ibinigay sa amin na mag-ceasefire kaya sa ngayon, walang ceasefire,” pahayag ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng Army 2nd Infantry Division na nakabase sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal, sa panayam nitong Martes. Ang Army 2nd ID ay nasa ilalim ng Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command (Solcom) na nakabase naman sa Camp Nakar.…

Read More

3 ARESTADO SA ‘PROJECT BLUE BOX’

bluebox14

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Timbog ng pulisya ang tatlong hinihinalang notoryus na drug pushers sa magkahiwalay na buy-bust operations sa siyudad na ito araw ng Huwebes. Sa report ni Supt. Reydante Ariza, kinilala ang mga nadakip na sina Mareluz Cañeza, ang partner niyang si Jeffrey Kennedy Rosales at si Elquezon Arellano, pawang mga major suppliers ng shabu sa mga drug users sa kani-kanilang barangay. Ani Ariza, nasakote ang mga suspek matapos na isuplong sa pulis ang kanilang pagbebenta ng bawal na gamot sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon…

Read More

BUGBOG-SARADO SA TIBONG DYOWA

lucena

(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dahil sa matinding selos, pinaggugulpi at binantaang totodasin ng isang lasing na tomboy ang kanyang dyowa dito noong Huwebes. Sa police report, dumulog sa pulisya ang bugbog-saradong biktima na pinangalanang “Aileen”, 39, at isinalaysay ang ginawa umanong pambubugbog sa kanya ng tomboy na si “Vane”, 37. Ayon sa biktima, lasing na lasing ang suspek na dumating sa kanyang tahanan sa Barangay Ibabang Iyam dakong 10:40 ng umaga at parang toro sa galit bunga ng grabeng selos sa dating lover ng biktima. Dahil sa…

Read More