AWAY NG MGA BEBOT SA VIDEOKE BAR; 1 PATAY

crime43

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Naging madugo ang masayang inuman at kantahan matapos na mairita ang suspek sa boses ng biktima sa ginagawang pagkanta hanggang sa aksidenteng mabaril ito at mapatay sa labas ng isang videoke bar sa Lucena City sakop ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Liwayway Esguerra, 51, empleyada sa isang lokal na hotel at residente sa Tayabas City.

Batay sa imbestigasyon, masayang nagkakantahan at nag-iinuman ang biktima at mga kasamahan sa Tita V Videoker Bar sa Barangay 5 bandang alas-4 ng madaling araw.

Subalit napansin ng anak ng biktima, na hindi binanggit ang pangalan sa report, na ilang beses na hinihinaan ng suspek na si Venus Davila, 58, at caretaker ng nasabing bar, ang volume ng videoke kapag kumakanta ang kanyang nanay.

Dahil sa kabuwisitan ay tinabig ng anak ang kanilang lamesang inuman na ikinagalit ng suspek.

Lumapit ang biktima sa suspek at humingi ng dispensa sa ginawa ng anak ngunit humantong ito sa mainitang pagtatalo at pag-aaway.

Nang nasa labas na ng bar ang grupo ng biktima ay humabol ang suspek na may dalang ‘homemade shotgun’ o sumpak, ayon sa report.

Inawat ni Esguerra ang suspek hanggang sa magpambuno ang dalawa ngunit aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan ang biktima.

Naagaw ng mga kasama ng biktima ang baril at ginamit itong panghampas sa suspek.

Isinugod ang biktima sa Quezon Medical Center subalit hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng grabeng tama ng baril.

Dinala naman ang nabugbog na suspek sa MMG Hospital at dito siya inaresto ng pulisya. Pansamantalang naka-confine ang suspek sa nasabing ospital upang magpagaling sa tinamong pinsala sa katawan.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder na inihahanda na ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NILUSOB; LALAKI NIRATRAT SA HARAP NG PARTNER

crime

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang lalaki na hinihinalang sangkot sa operasyon ng iligal na droga ang binaril at napatay sa loob ng kanyang bahay sa lungsod na ito noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, masayang nagkukuwentuhan sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Christian Nuera, 28, at ang kanyang live-in partner na si Chris Chenery Datinguinoo, nang biglang pumasok sa loob ng tahanan ang dalawang lalaki na armado ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril na parehong may suot na maskara.

Batay sa testimonya ni Datinguinoo, inutusan umano si Nuera ng dalawang armadong bisita na ilabas ang iligal na droga na nasa pag-iingat ng biktima.

Nang hindi sundin ang utos ay bigla na lang binaril sa ulo ang biktima na siya nitong dagliang ikinamatay.

Iniwan ng mga namaril si Datinguinoo na hindi naman sinaktan.

Hindi kinumpirma sa report kung may talagang kinalaman ang biktima sa lokal na sindikato ng droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang kilalanin ang mga pumatay.

 

Please follow and like us:
Read More

ZUMBA INSTRUCTRESS BINISTAY NG BALA

crimeshooting12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang babaeng zumba instructor sa lungsod na ito ang niratrat at napatay noong Huwebes.

Sunud-sunod na bala ang tumama sa katawan ni Regina Orbes, 41, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo matapos siyang paulanan ng putok ng hindi pa nakikilalang salarin.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng mga grabeng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naganap ang pagpaslang sa isang bahagi ng national highway sakop ng Barangay Mayao Crossing bandang alas-6:00 ng gabi.

Ang biktima ay kilala sa siyudad bilang instructress ng zumba at iba pang sayaw.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang bumaril at ano ang motibo sa pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

LOLO TINODAS SA INTERNET SHOP

crime85

(NI DANN RIVERA)

LUCENA CITY QUEZON-Bulagta ang isang 63-anyos na mananahi matapos itong paulanan ng putok ng hindi nakilalang mga salarin habang ito ay nasa loob ng computer shop sa may Purok Pagkakaisa 2,bahagi ng Barangay Ibabang Iyam nabanggit na lunsod.

Sa report ng Lucena PNP, nakilala ang biktima na si Dante Mendoza at residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon dakong alas 9:00 ng gabi habang nanonood ng video games ang biktima nang biglang lumapit ang isa sa suspek at walang habas na pinagbabaril ito hanggang sa mamatay.

Duguang bumagsak ang biktima at nagtamo ng mga tama ng bala mula sa caliber 45 na baril habang tumakas naman ang mga suspek matapos maisagawa ang pamamaril.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis upang makilala ang salarin at hindi pa rin matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

BUMBERO KULONG SA DROGA; 2 TULAK KUMASA, PATAY!

arrest22

(NI DANN RIVERA)

QUEZON-  Arestado ang isang aktibong miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinagawang drug buy bust operation ng Lucena PNP Intel/DEU na pinamumunuan ni Police Col. Reydante Ariza at PDEA, sa isang hotel sa Brgy. Isabang, Lucena City.

Kinilala ni Col Ariza ang suspek na si Alain Evangelista,52.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas 4:45 ng hapon nang magsagawa ng buy bust ang mga awtoridad sa KM 127 Hotel na nagresulta sa pagkakadakip sa bumbero kung saan nakuha sa posesyon nito ang mga heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money na ginamit ng pulis.

Samantala, kasabay nito ang pagkakapatay sa dalawang tulak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa siyudad ding ito na umano’y nanlaban sa mga pulis sa isang  drug bust operation.

Nasawi si Leo Basa, alyas “Tuga”, 33,  matapos makipagbarilan sa pulis sa may Purok Sta. Theresa, Brgy. Dalahican. Nakuha sa posesyon nito ang shabu at caliber .38 revolver at sa bahagi naman ng Purok Rosal 2, Brgy.10 napatay si Oscar Perlada, alyas “Oca”, 41. Nakuha rin sa pag-iingat nito ang mga droga at sumpak na ginamit  sa pamamaril sa pulis.

Please follow and like us:
Read More

KAGAWAD TODAS SA BALA, 1 PA SUGATAN

shooting

(NI DANN RIVERA)

TATLONG bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang aktibong barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa Brgy. Mayao Crossing, Lunsod ng Lucena, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Col Reydante Ariza hepe ng Lucena PNP, ang biktima na si Brgy.Ibabang Dupay Kagawad Ariel Sotomayor, alyas Tirso, 46.

Base sa report ng pulisya, pasado alas 8:00 ng gabi nang tambangan at pagbabarilin si Sotomayor ng mga gunmen na nakasuot ng face mask habang ito ay nakasakay sa kanyang motorsiklo angkas ang kanyang
asawa.

Ayon naman sa mga nakasaksi, katatapos lang mag coach ng kagawad sa kanyang team sa liga ng basketball sa Mayao Crossing at papauwi na ito sa kanyang bahay nang tambangan ng mga suspek.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo. Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit dead on arrival na ito.

Isang binatilyo na 15 anyos ang tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso na agad namang nagamot sa ospital.

Patuloy pa rin ang mga pulis sa imbestigasyon upang makilala ang mga tumakas na suspek at mabatid ang tunay na motibo ng amamaslang sa barangay kagawad.

Sa kahiwalay naman na lugar, tigok ang isang drug personality sa isinagawang drug buy bust operation ng mga miyembro ng Lucena PNP at PDEA sa Maharlika  Highway, Barangay Isabang, Lucena City.

Nanlaban at nakipagbarilan umano sa mga pulis si Francis Jerome Bartolome kung kaya nasawi ito matapos gumanti ng putok ang pulis.

Nakuha sa posesyon nito ang isang 38 caliber revolver, shabu at marked money na ginamit ng mga operatiba.

Please follow and like us:
Read More

2 TIKLO SA PAGTATANIM NG “MJ”

mj12

(TEKSTO/ PHOTO BY JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Dalawang kalalakihan ang nasakote ng mga alagad ng batas habang nasa aktong nag-aalaga ng tanim na marijuana sa isinagawang raid sa isang commercial farm sa siyudad na ito araw ng Huwebes.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Allan Omanga at Michael Lavarro, parehong manggagawa sa FC Farm sa Barangay Gulang-Gulang sa labas ng siyudad.

Sa report ni P/Lt. Col. Reydante Ariza, Lucena police chief, huli sa akto ng mga police raiders ang dalawang suspek habang abala sa pagaalaga sa tanim nilang marijuana sa isang bahagi ng nasabing farm.

Hindi nakapalag ang mga suspek nang pagsalikupan sila ng mga parak kasama ang ilang opisyales ng barangay bandang 8:40 ng umaga.

Sa kabuuan ay 12 murang puno ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may pahintulot o alam ng may-ari ng FC Farm ang iligal na ginagawa ng dalawang trabahador.

Nakarating sa kaalaman ng pulisya ang iligal na tanim sa pamamagitan ng tawag sa police hotlines mula sa isang nagreklamong residente.

Nakakulong ang dalawang suspek sa Lucena police jail.

Please follow and like us:
Read More

LASING NA TATAY, ANAK NALUNOD

lunod1

(JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Nalunod at parehong namatay ang lasing na tatay at ang kanyang 10-anyos na anak na lalaki sa isang ilog sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Ronaldo Dacer, 30 at ang kanyang anak na lalaki na hindi pinangalanan sa report.

Ayon sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima, isang construction worker, sa mga kamag-anak ng kanyang kalive-in partner sa Barangay Gulang-Gulang sa tabi ng Dumacaa River bandang alas-5:00 ng hapon.

Dahil gustong mabawasan ang epekto ng alak, niyaya ang kanyang anak na lumangoy at magtampisaw sa malamig na tubig ng nasabing ilog.

Subalit pagkalipas ng ilang minuto ay napansin ng mga kainuman na tinangay ng malakas na agos ang magtatay patungo sa malalim na bahagi ng ilog.

Narekober ng search and rescue team mula sa Lucena Disaster and Risk Reduction Management Office ang dalawang biktima at mabilis na isinugod sa Quezon Medical Center sa kalunsuran ngunit hindi na sila umabot ng buhay sa nasabing pagamutan

Please follow and like us:
Read More

20 GAWAAN NG TINAPA NASUNOG SA LUCENA

lucena

(TEKSTO/PHTO BYJUN V. TRINIDAD)

 

LUCENA CITY – Tinatayang nasa 20 bahay ang nasunog sa siyudad na ito araw ng Miyerkoles.

Batay sa report ni Supt. Reydante Ariza, Lucena police chief, naganap ang sunog sa Barangay Marketview bandang ala-1:00 ng madaling araw at naapula ng mga bumbero ang apoy pagkalipas ng tatlong oras.

Nagtamo ng sugat ang ilang residente sa sunog nang tumulong sa mga bumero na iligtas ang mga gamit sa natutupok na bahay.

Sa impormasyon ng mga biktima, tinatayang mahigit na 20 bahay, ang karamihan ay yari sa mga murang kagamitan, ang natupok ng apoy.

Nagsimula umano ang apoy sa lutuan ng “tinapang isda” o “smoked fish” ng isa sa mga nasunog na bahay.

Ang karamihan sa mga biktima ay pawang nagluluto at nagbebenta ng “tinapang isda”, isa sa popular na katutubong produkto ng siyudad na ito.

Agad namang nagpadala ng ayuda si Lucena Mayor Roderick Alcala sa mga biktima ng sunog.

 

Please follow and like us:
Read More

4, KASAMA 2 BABAE, HULI SA HOTEL BUY-BUST

jail

APAT na pinaghihinalaang drug trafficker ang laglag sa isinagawang buy-bust operation sa hotel sa Lucena City, Biyernes ng gabi.

Hindi na nakaporma sina Dennis Delfin, Jonathan de Chaves, Hermagella Sarino at Jancylou Amada nang bitbitin sila ng mga operatiba palabas ng kanilang hotel room bandang alas-7:00 ng gabi.

Unang nagbenta ng shabu si Delfin sa isang undercover police officer sa loob mismo ng hotel room. Nang makumpirma, agad nilusob ang hotel. Naaktuhan din ang dalawang babae na gumagamit ng shabu, ayon sa pulisya.

Nakahuha sa kanila ang 2.76 gramo ng shabu at ilang paraphernalia sa paggamit ng droga. Si Delfin umano ay ex-convit at umano’y lider ng grupo na pawang nasa police drug watch list.

Please follow and like us:
Read More