BINABANTAYANG LPA, PASOK NA SA PAR

NAKAPASOK na sa Phillippine Area of Responsibility o PAR ang binabantayang Low Pressure Area (LPA).

Batay sa weather update ng Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang LPA sa layong 670 kilometro sa Silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nasa karagatan pa ang LPA kaya’t wala pa itong direktang epekto sa anomang parte ng bansa.

Dagdag pa ng PAGASA, mababa ang tsansa na lumakas ang LPA at maging isang bagyo.

Hindi rin inaasahang tatama ang LPA sa bansa subalit sa paglapit nito ay asahan na magdudulot ito ng pag-uulan sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Gayunman, mananatili aniya ito sa gitna ng Philippine Sea bago tuluyang malusaw habang patuloy na nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa buong Luzon. (JG Tumbado)

Please follow and like us:
Read More

PAGASA: LPA POSIBLENG MAGING BAGYO SA PASKO

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG low pressure area ang namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng maging ika-21 bagyo na papasok ng bansa ngayong taon.

Ayon sa Pagasa kung hindi magbabago ang direksyon ng LPA  ay maaaring maging ganap na bagyo na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Kapaskuhan.

Sa ngayon ang sama ng panahon ay namataan 2,000km  sa Mindanao, maaari itong pumasok ng PAR sa Martes, o Christmas eve subalit sa darating na weekend pa lamang ay maaari na itong magdala ng mga pag-uulan sa malaking bahagi ng Mindanao at Visayas .

Sinabi ni Pagasa weather forecaster Sheila Reyes na malayo pa ang sama ng panahon kaya hindi pa madetermina ng Pagasa ang dala nitong lakas ng hangin at ulan.

Samantala isa pang shallow LPA ang namonitor ng Pagasa sa Mindanao ngunit hindi ito inaasahang lalakas pa at matutunaw din sa mga susunud na araw.

Umiiral ang Easterlies sa Eastern Visayas at Caraga na nagdadala ng pag uulan sa lugar habang asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa Luzon kabilang ang Metro Manila sa susunod na 24-oras.

 

Please follow and like us:
Read More

ULAN DULOT NG LPA SA CATANDUANES

ulan1

(NI KIKO CUETO)

MAGIGING maulan ang malaking bahagi ng bansa dahil na rin sa low pressure area, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang  LPA sa  910 kilometers east ng Virac, Catanduanes.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, magdadala ang LPA ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidnat lalo na sa Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Caraga at sa lalawigan ng Quezon, Marinduque at sa Romblon.

Ang nasabing LPA ay posibleng maging bagyo bukas.

Kapag nangyari ito, tatawagin itong Bagyong “Ramon.”

Ang northeast monsoon naman o ang amihan ang magdadala ng maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at sa Central Luzon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng fair weather na may paminsan-minsan na ulan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAGASA: LPA MAGPAPAULAN SA CENTRAL PH

pagasa

(NI KIKO CUETO)

PATULOY na magpapaulan ngayong araw ang low pressure area na tumawid sa central Philippines.

Huli itong namataan sa Sulu Sea, may 150 kilometro west southwest ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Tumawid ito sa Palawan, ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz.

Ang Metro Manila, Calabarzon, Mamaropa, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Visayas at ang mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ay makakaranas ng kalat-kalat na ulan na kulog at pagkidlat.

Bukas ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang LPA.

Inaasahang lalakas ito paglabas ng bansa.

Magdadala ito ng buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘NIMFA’ HAHATAW, ISA PANG LPA, HABAGAT SUMASABAY

bagyo

(NI JEDI PIA REYES)

NABUO na bilang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa Basco, Batanes at tinawag ngayong ‘Nimfa’.

Kasabay ng paghataw ng tropical depression ‘Nimfa’ ay ang isa pang LPA na nasa kanlurang bahagi ng Zambales bukod pa sa malakas na epekto ng hanging Habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astromical Services Administration (Pagasa), hindi na inaasahang magla-landfall ang bagyong ‘Nimfa’ ngunit nagpapabago-bago aniya ang galaw nito.

Asahan na ang mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Central Luzon at Occidental Mindoro kaya’t pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa mga posibleng pagbaha at pagguho.

Ganito rin ang inaasahang panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon gayundin sa Western Visayas.

Huling namataan ang bagyong ‘Nimfa’ dakong alas-kuwatro ng hapon ng Martes sa layong 695 kilometro sa Silangan ng Basco, Batanes. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras.

Kung hindi magbabago ang galaw ng bagyong ‘Nimfa’ ay posibleng nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng umaga.

Samantala, namonitor din ang LPA sa kanluran ng Central Luzon partikular na sa layong 95 kilometro ng kanluran ng Iba, Zambales. Gayunman, maaaring matunaw na rin ang LPA sa susunod na 48 oras.

Please follow and like us:
Read More

PAG-UULAN HANGGANG BIYERNES PA — PAGASA

(NI KIKO CUETO)

HANGGANG Biyernes pa mararanasan ang mga ulan sa bansa ayon sa PAGASA.

Ito’y dahil sa binabantayang dalawang low-pressure areas (LPAs) na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas.

Kapwa nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, inaasahan itong maghahatak ng habagat na siyang nagdadala ng ulan.

Isa sa mga LPA ang namataan 130 kilometers west-southwest ng Iba, Zambales.

Ayon kay weather specialist Meno Mendoza, asahan pa rin ang mga ulan.

Posible ang mga ulan sa Central at southern Luzon maging Western Visayas.

Ang isa pang LPA ay matatagpuan 715 kilometers east ng Basco, Batanes.

May bagyo naman na may international name na Peipah na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pero humina ito at bumaba ulit sa LPA.

Maapektuhan nito ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Palawan at Mindoro Provinces.

Kabilang din ang Bicol Region, Western Visayas, at natitirang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.

Please follow and like us:
Read More

BAGONG LPA PAPASOK SA PAR

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG Low Pressure Area(LPA) ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) sa Miyerkoles, sa oras na maging bagyo ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’, na ika 13 bagyong na pumasok sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon ay bunsod ng hanging habagat.

Apektado ang mga lugar ng Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, Rizal at at Central Luzon.

Sinabi ni  Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na bagamat may Low Pressure Area(LPA) malapit sa PAR ay wala pa itong direktang epekto sa bansa, sa Miyerkoles pa ito inaasahang papasok sa PAR at magiging ganap na bagyo.

Nagbabala ang Pagasang posibilidad ng pagbaha at landslide sa mga lugar na apektado ng hanging habagat.

Samantala sinabi ng Pagasa hydrology division na patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng Pagasa ay nasa  183.68 meters ang water level ng dam.

Maliban dito ay tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo Dam na nasa 100.96 meters gayundin sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Una nang sinabi ng Pagasa na inaasahan nilang magnonormal na ang antas ng tubig sa mga Dam sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre dahil na rin sa inaasahang pag-uulan dala ng bagyo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 LPA MINOMONITOR; MAGPAPAULAN SA LUZON, M’DANAO

pagasa

(NI KIKO CUETO)

DALAWANG sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Mindanao.

Ang isa ay namataan 240 kilometers east ng Aparri, Cagayan, ayon kay weather specialist Gener Quitlong.

Posibleng maging isa itong bagyo bago tuluyang umalis ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sinabi pa ni Quitlong na ang isa pang LPA ay namataan 955 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ngayong Sabado ito pumasok ng PAR.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Quezon ay magiging maulan.

Ang habagat ay patukloy na hahatakin kaya’t magpapaulan maging sa Metro Manila at sa malaking bahagi ng Luzon.

 

Please follow and like us:
Read More

‘INENG’ PAALIS, BAGONG LPA NAMATAAN SA M’DANAO

bagyo1

HABANG paalis ng bansa ang bagyong ‘Ineng’, namataan naman ang isang bagong low pressure area sa Mindanao at minomonitor na ngayon ng Pagasa.

Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong na ang LPA ay namataan sa 1,900 kilometers east ng Mindanao at kasalukuyang wala pang direktang epekto sa bansa.

Nagpapatuloy naman si ‘Ineng’ patungong Batanes at namataan sa 105 kilometers east-northeast ng Basco town.

May bitbit itong lakas na 100 kilometer per hour (kph) at pinakamalakas na hangin ng hanggang 125 kph.

Nakataas pa rin sa signal number 2 ang Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang Apayao, Cagayan, Ilocos Norte, Isabela, Kalinga at northern Abra ay nasa signal number 1.

Sinabi ni Quitlong na magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Cagayan, kabilang ang Babuyan Group of Islands, Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Mindoro Provinces, northern portions ng Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Iloilo at Guimaras.

Inaasahang aalis ng bansa si ‘Ineng’ Sabado ng hapon o gabi.

 

Please follow and like us:
Read More

HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN, ‘GORING’ LUMABAS NA

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang humina at nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyong Goring, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sinabi ni  Pagasa weather specialist Meno Mendoza na makaraang makapasok ng PAR ang bagyong Goring ay tuluyan itong humina, naging Low Pressure Area(LPA) at Biyernes ng gabi ay nakalabas na ng bansa.

Sa ngayon ay wala pang bagong sama ng panahon na namomonitor ang Pagasa ngunit nanatiling aktibo ang hanging habagat na syang magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Uulanin umano ang Luzon lalo sa hapon na epekto ng hanging habagat partikular ang mga lugar ng Batanes, Calayan at  Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan habang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila.

Please follow and like us:
Read More

LPA BALIK-PINAS, NAGING BAGYO

pagasa

UPDATED

(NI DAHLIA S. ANIN)

ISANG Low Pressure Area (LPA) ang lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ang muling bumalik at tuluyan nang naging bagyo.

Ayon sa PAGASA, bumalik sa loob ng PAR ang LPA bandang alas 7:00 ng umaga ng Biyernes at naging ganap ng bagyo na pinangalanang ‘Goring’ makalipas lamang ang isang oras.

Noong Miyerkoles pa binabantayan ang LPA na ito na namataan sa 180 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Samantala, magdudulot naman ng pag ulan southwest monsoon (Habagat) sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila habang nagbabala naman tungkol sa thunderstorm sa natitirang bahagi ng bansa.

Please follow and like us:
Read More

PAGASA: ‘EGAY’ HIHINA SA LOOB NG 24-0RAS

ulan1

INAASAHANG hihina ang bagyong ‘Egay at magiging isang low pressure area na lamang ito sa susunod na 24-oras, ayon sa Pagasa.

Samantala, ang low pressure area na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility ay huling naitala  sa 575 kilometers west ng northern Luzon.

Sinabi ng Pagasa  na ang namumuong bagyo ay hindi papasok sa bansa at sa halip ay tatahak patungong China.

Nananatili ang signal no. 1 sa Batanes habang naitaas na rin ito sa Babuyan Group of Islands.

Bandang alas-4:00 ng umaga ngayong Lunes, ang bagyong Egay ay huling nakita sa 205 kilometers east ng Calayan, Cagayan, na may maximum winds na 45 km per hour at bugso ng hanggang 60 kph.

May bilis ito patungong northwest sa 40 kph, at patuloy na hihila ng hanging habagat.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Antique, Aklan, at western Iloilo ay makararanas ng mahina hanggang malalakas na pag-ulan. Ang iba pang bahagi ng Luzon at Western Visayas ay magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan.

Pinag-iingat din ng Pagasa ang mga residente na nasa delikadong lugar na magmonitor sa weather updates para sa flashfloods at pagbaha.

Please follow and like us:
Read More

LPA GANAP NANG BAGYONG ‘EGAY’ SA SUSUNOD NA 24-ORAS

INAASAHANG magiging bagyo ang low pressure area na namataan sa Catanduanes sa susunod na 24-oras kung saan tatawagin itong bagyong ‘Egay’, ayon sa Pagasa.

Ang namumuong bagyo ay huling namataan sa tinatayang 780 kilometers east ng Virac town, Catanduanes ng alas-3 ng hapon nitong Sabado.

Gayunman, maliit lang ang tsansa nitong bumagsak sa lupa.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Ana Clauren na ang southwest monsoon, ay patuloy na magbibigay ng mga pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Zambales, at Bataan.

Pinaalalahan ng Pagasa ang mga residente sa  mga mabababang lugar na mag-ingat sa mga pagbaha at landslides dulot ng patuloy na pag-ulan.

 

Please follow and like us:
Read More

HUMANDA KAY ‘AMANG’

amang

(NI ABBY MENDOZA)

SA loob ng 24 oras ay magiging bagyong ‘Amang’ ang papasok na Low Pressure Area(LPA) at tatama ito sa Caraga Region subalit posible ding humina at maging isang LPA muli. Gayunman,  nagbabala ang Philipine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa) na humina man ay magdudulot ito ng malakas na pag-uulan sa ilang bahagi ng bansa.

Sa isang pressconference, sinabi ni Pagasa Administrator Vicente Malano na Sabado ng gabi papasok ang bagyo at asahan na makararanas na ng moderate hangang heavy na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, Compostela Valley at Davao Oriental.

Sa Linggo ay uulanin ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Central Visayas, Compostela Valley, Davao Oriental, Southern Quezon, Mindoro Provinces, Romblon at Marinduque at sa Lunes ay uulanin ang Bicol Region, Eastern Visayas, Southern Quezon, Mindoro Provinces, Romblon at Marinduque.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinayuhan ng Pagasa na maging handa sa posibleng pagbaha at landslides.

Ayon kay Malano hindi dapat balewalain ang paparating na bagyo dahil maihahalintulad ito sa bagyong ‘Usman’ noong Disyembre na bagamat naging LPA ay naghatid ng tuloy tuloy na paguulan na nagresulta sa pagbaha at landslide na kumitil sa buhay ng mahigit 100 katao.

Please follow and like us:
Read More