LIVE-IN PARTNER TIMBOG SA INILIBING NA BABY

ARRESTED-9

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG mag-live in partner na naglibing ng kanilang patay na anak sa mismong bakuran nila sa sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Sa report, inilibing ng mga suspek ang kanilang 9-buwang gulang na anak sa bakuran matapos mamatay ito dulot ng sakit.

Sinabi ni alyas Andres sa pulis, Hulyo 17 nang lagnatin ang kanilang bunsong anak bago bawian ng buhay kinabukasan.

“Hindi ko na naisipang humingi pa ng tulong dahil sa dami ng problema. Halos wala pa kaming makain at walang pera,” ani Andres.

Pero nang ilibing ang bata ay mababaw lang ang hukay kaya nangamoy at nagdulot nag pagbulabog sa mga kapitbahay.

Sinabi naman ng residente na si Emilio Pilapil, nagduda ang kanyang pamilya na may bangkay ng tao sa kanilang paligid kaya agad nila ito inireport sa barangay at mga pulis.

“Matindi talaga ang amoy, siguro mga dalawang linggo na namin ‘yun tiniis,” ani Pilapil.

Ayon sa pulisya, nilabag ng mag-live in partner ang Presidential Decree 856 o Code on Sanitation.

“Base sa batas, hindi pwede na kung saan na lang ilibing ang labi ng tao, kailangan na ilibing ito sa sementeryo,” ani P/MSgt. Merlita Reyes ng Carmen Police Station.

Inaalam naman ng pulis ang sinasabing record ng ama na nambububogbog umano ng kanyang mga anak tuwing nalalasing ito.

Planong isailalim ng pulis sa autopsy ang labi ng bata.

“Kung mapatunayan sa autopsy na may foul play at namatay ang bata dahil sa pambubugbog, maaaring masampahan ito ng parricide,” ani Reyes.

Planong iturn-over sa lokal na pamahalaan ang tatlo pang maliliit na anak ng mag-live in partner habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-DYOWA NAG-’BONDING’; ARESTADO SA SHABU

shabu300

(NI ALAIN AJERO)

KULONG ang isang bebot at ang umano’y karelasyon nitong construction worker matapos mabulagang bumabatak sa Caloocan City, Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Monaliza Alapide, 47, ng 12 Wyoming St., at Cirilo Paz Jr., 50, ng Santiago St., kapwa ng Vista Verde Executive Village, Caybiga, Brgy. 166, ng lungsod.

Alas-3 ng madaling araw ay may nagnguso sa mga parak na may gumagamit ng shabu sa isang bahay sa naturang village.

Pagresponde ng mga parak ay nabulaga nito ang mga suspek na nagdya-jamming ng shabu sa Copenhagen St., Llano, Brgy. 165, Vista Verde Executive Village.

Hindi na pumorma ang dalawa at nakumpiska sa mga ito ang nakabukas na transparent sachet, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu , isang lighter at dalawang strip ng aluminum foil.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE O CRIME OF PASSION? LOVERS PINATAY SA HIGHWAY

san fabian pangasinan12

(NI JESSE KABEL)

BUKOD sa kasong road rage, crime of passion  ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa highway killing sa mag-live-in partner na pinagbabaril sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon sa San Fabian PNP, isa sa mga anggulong tinitingnan ang motibong love triangle dahil kapwa umano may asawa ang dalawang biktima

Kinilala ang mag live-in partner na sina Patrocenio Malicdem, 53, ahente ng lupa at Solna Parlan, 54.

Nabatid na bukod sa anggulong love triangle, tinututukan din ng mga imbestigador ang posibleng road altercation o away sa lansangan dahil sa posisyon ng mga sasakyan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na  ang mga biktima, sakay ng kanilang motorsiklo  ang sumusunod sa kulay dilaw na kotse ng suspek nang maganap ang pamamaril.

Hinala ng mga pulis, nag-overtake ang suspect sa kotse saka bumaba para barilin ang mga biktima.

Nagsasagawa na ngayon ng backtracking ang pulisya sa mga dinaanang lugar ng mga biktima upang malaman kung nagkaroon ng kaaway sa daan bago maganap ang pamamaril sa kanila.

Una rito, binabagtas ng mag-live in partner ang San Fabian-San Jacinto Road partikular sa Barangay Angio nang bigla umanong tumigil ang sinusundan nilang dilaw na kotse saka sila pinagbabaril gamit ang kalibre .45 pistola na kanilang ikinasawi.

Please follow and like us:
Read More

MAG-DYOWANG TULAK, 4 BUMABATAK, ARESTADO

shabu-1

(NI ALAIN AJERO)

ARESTADO ang magdyowang tulak at apat nilang parokyano ng shabu sa Caloocan City Huwebes ng gabi.

Kulong sa magkahiwalay na selda ang mag-sweetheart na pusher na sina Rebie Ann Espinosa, 23, at Jeffrey Santos, 36.

Binitbit din sina Daisy Fernando, 39; Edward Sanchez, 58; Alberto Manalo, 18; and Jose Paulina, 49, na nabulagang bumatak sa lugar.

Isang parak ang umiskor ng shagu sa bahay ni Espinosa sa Maypajo, Caloocan at nang magkaliwaan na ng epektos at salapi ay dinamba na ang magsing-irog at isinama naring hulihin ang apat pang suspek naaktuhan ng mga parak na bumabatak.

Apat na sachet ng shabu at sari-saring drug paraphernalia ang nakumpiska sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

P2.3-M SHABU NAKUHA SA LIVE-IN LOVERS

shabu15

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang tatlo katao  at nasamsam ang  halagang P2.380.000 halaga ng shabu   sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police |District (QCPD)  at  Los Banos Police noong Huwebes sa  Los Banos, Laguna.

Kinilala ni  QCPD Director PCSUPT  Joselito Esquivel, Jr. , ang mga naarestong suspek na sina  Shoib Sampal, alias Tikboy, 35  at ang live-in partner nitong si  Rossette Dimas, alias Seth, 39 , negosyante  at residente ng  Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna and Violeta Espina, 31, ng  Tondo, Manila .

Sa report ni QCPD  Director,PCSUPT  Esquivel  kina  PNP Chief, Police Director General Oscar D Albayalde  at  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Director Guillermo Lorenzo T Eleazar,  ang nasamsam na P 2.3 milyon halaga ng shabu ay  mula sa  joint  operation  QCPD Novaliches Police Station (PS 4) at Los Baños Police Station , Los Baños, Laguna .

Ayon kay PS 4 Commander,PSUPT Rosell Cejas,  ang nasabing buy bust operation  ay offshoot  sa nakalipas na  drug operation  sa Brgy. Bagbag, Novaliches  noong Pebrero 13  na nagresulta sa  pagkakaaresto sa apat  na suspek at pagka kumpiska sa  50 gtamo ng shabu  na may street value na  P300,000 halaga ng shabu.

Ang mga naaresto umanong suspek ang nagturo  sa kanilang source na si alyas Tikboy at live-in partner nitong si   Seth na dating nanirahan sa  Brgy. Bagong Silang , Caloocan City bago sila lumipat ng  Los Banos, Laguna.

Sa report ng QCPD, nabatid na bandang alas 9:30  ng gabi noong Pebrero 14, ay  ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng QCPD – PS 4 at  Los Banos Police  sa pamumuno ni PSUPT  Lowie  D Dionglay, sa  L1 Unit 2 B5 Villa  Armanda residences, San Antonio, Los Banos, Laguna.

Bumili umano  ang poseur buyer ng halagang P191.000.00 halaga ng shabu  mula sa mga suspek  na naging sanhi ng  pagkakaaresto sa mag live-in.

Nakuha mula sa mga suspek ang 35- gramo ng shabu na may street value na  P2.380,000. million , limang mobile  phone,  isang dark gray ng  Toyota Fortuner at ang buy bust money .

Please follow and like us:
Read More

BOGA AT BATO: TSINOY, SYOTA ARESTADO

baril7

ISANG Tsinoy na gunrunner na ay pusher pa at ang sinasabing syota nito  ang nahuli sa kanilang lungga matapos inguso ng kanilang magkapatid na tauhan na naunang nahuli,  sa Caloocan City Miyerkoles ng gabi.

Alas-8:30 ng gabi nang masakote ang mag-utol na sina Marlon Ramat, 30, at Mark Anthony, 32, matapos bentahan ng cal. 38 revolver na nagkakahalaga sa P3,000 ang pulis na poseur-buyer malapit sa kanilang bahay 88 D. Arellano St. Brgy. 133 Bagong Barrio.

Nang kapkapan, narekober sa mga suspek ang dalawang plastic packs na naglalaman ng 12 gramo ng shabu na nasa P25,000 ang  street value at ang buy-bust money.

Hindi na pinahirapan ng mag-utol ang mga pulis at nang tanungin ay dagling inginuso ang pinagkukunan nila ng boga at bato.

Alas-9:30 ng gabi ay nabulabog umano sa kanilang pagroromansahan ang sinasabing magsyotang sina Laurence Ang, 36, ng 77 D. Arellano St,. Brgy. 133, at Laarnie Bañez,, 36, ng 7 P. Gomez St., Brgy. 154 nang may pulis na magpanggap na kukuha ng bato at boga sa kanilang kanlungan sa Brgy. 136,  Bagong Barrio.

Nang iabot na ng magsyota ang isang 12-gauge shotgun kapalit ng P3,000 ay pinolserasan na sila ng posas ng mga parak.

Bukod sa nasabing halaga at baril ay nakumpiska din sa mga suspek ang dalawang plastic packs na naglalaman ng 22.5 gramo ng shabu na nasa P45,000 ang street value.

Kinasuhan ang mga dinakip ng paglabag sa R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act  at R.A 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More