EX-PARTNER NAGSELOS SA TEXTMATE; BABAE BINUGBOG

arrested12

HINDI nakayanan ng lalaking ex-lover ang matinding selos at nang mabalitang may bago na itong manliligaw ay sumugod sa dati nilang bahay at binugbog ito, Huwebes ng gabi sa Maynila.

Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos ireklamo ng kanyang ex-live-in partner.

Ayon sa Manila Police District Station 7, natutulog sa loob ng bahay ang biktima nang bigla na lang pumasok sa bahay ang suspek at kinuha ang cellphone ng babae.

Nagising ang biktima at pilit nitong kinukuha ang cellphone niya mula sa suspek.

Sinubukang lumabas ng bahay ng babae pero nahawakan ng suspek ang buhok nito at hinila pabalik ng bahay. Hinataw din ng suspek ang biktima.

Humingi ng tulong sa barangay ang kapatid ng biktima para mahuli ang suspek.

Sinabi ng biktima na sobrang seloso ng suspek at lahat na lang ng tao sa kanyang paligid ay pinagseselosan nito.

Kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act ang kakaharapin ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA, BADING, TODAS SA HOTEL

crime12

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG manager ng insurance company at isang dalagita ang natagpuang patay sa magkahiwalay na hotel sa Batangas at Laguna, Miyerkoles ng umaga.

Sa Lipa City, nagpakamatay umano sa loob ng  Highlander Inn na nasa  Morada St. Brgy. 1, ang 16-anyos na si “Nina”.
Ayon kay  PLTCOL Antonio   Rotol Jr, hepe ng Lipa City police, nakita ng mga roomboy ang bangkay ng dalagita na nakabitin sa loob ng  comfort room sa isa sa mga kwarto  ng hotel alas 6:30 ng umaga.

Gumamit umano ito ng nylon cord na itinali sa dulo ng shower.

Nagtampo umano ang bata sa kanyang mga magulang kaya nagpakamatay.

Sa San Pablo City, halos ilang oras nang patay ang biktimang si Michael Loreno Asuncion, 38, manager ng insurance company, nang madiskubre ang katawan nito na nakadapa sa kama sa loob ng San Pablo City Inn, sa  Colago Avenue alas 9:00 ng umaga.

Unang inakala ng mga roomboy na natutulog lamang ang biktima nang kanilang unang  mapasukan  subalit nang balikan makaraan ang ilang oras, napansin na hindi ito gumalaw at  nagbabago ang pwesto kaya tumawag na ang mga ito sa pulisya.

Batay sa record ng hotel, dakong alas 6:00 lamang ng umaga nang mag check-in ang biktima kasama ang isang kabataang lalaki.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na bading  umano ang biktima at posibleng lover umano nito ang kasama.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang ikinasawi ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

SELOSONG EX-LOVER NAPATAY NG GINANG

(NI SIGFRED ADSUARA)

TULUYAN nang tinapos ng isang 34-anyos na negosyanteng ginang ang pagiging seloso ng kanyang dating live-in partner nang barilin at mapatay nito nang  sumugod sa kanilang bahay matapos na pagselosan ang kanyang driver, sa Imus City, Cavite.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Roderick Linazan, driver  ng Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Ospital ng Imus si Rolly Ayop, 32, may-asawa ng  Green Valley Subd. Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Hawak naman na ng pulisya ang suspek na si Mary Car  Canete, 34, may-asawa, ng B23, L21, Phase 2, Green State subd, Brgy Malagasang 1F, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni SMSgt Ronaldo Orozco ng Imus City Police Station, sumugod umano si Linazan sa bahay ng kanyang dating live-in partner dakong alas-10:10 kamakalawa ng umaga nang nalaman nito na  may lalaki ito saloob.

Kinompronta ni Linazan si Ayop na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang sa  bugbugin siya ng una kaya pumasok ang si Ayop sa loob ng bahay pero sinundan pa rin siya  hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Linazan at sinaksak ito.

Narinig naman ng suspek ang komosyon kaya lumabas ito at nakita ang dalawa kaya bumalik ito ng kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang baril  at kinompronta ang dating live-in partner  at ipinutok ito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Si Ayop ay isinugod naman sa ospital ng mga kapitbahay.

Ayon kay report, apat na buwan na umanong hiwalay ang dalawa dahil sa pagiging seloso ng lalaki, bagama’t biniyayaan sila ng isang anak.

Nabatid pa na kapapasok lamang na driver ng suspek si Ayop.

Narekober sa crime scene  ang isang kalibre 45 na baril na inaalam pa kung lisensiyado ito at isang kitchen knife.

Please follow and like us:
Read More

BABAE MAY LQ SA BF NA RIDER, TUMALON SA MOTORSIKLO, PATAY!

motoraccident12

(NI ANNIE PINEDA)

SUMAMBULAT ang utak sa kalsada ng isang babae matapos umanong tumalon sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang nobyo habang sila ay nag-aaway, iniulat kaninang umaga sa Davao City.

Kinilala ang biktimang si Lanie Casigmulan, 20 at residente ng Bermudez, Tagum City habang ang nobyo nito ay kinilalang si Brylle Jayson Jimenez, 23.

Batay sa report ng Tagum Police, naganap ang insidente madaling araw ng Linggo sa Seminary Drive, Magugpo West Tagum City.

Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng dalawa ang naturang kalsada pauwi nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-nobyo hanggang sa magdesisyon tumalon ang biktima.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad naman dinala sa ospital pero wala na rin buhay nang idating.

Nagpasya naman ang pamilya ng biktima na hindi magsasampa ng kaso laban kay Jimenez.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLA, 29-ANYOS LOVER, NIRATRAT

(NI ANNIE PINEDA)

PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pamamaril at pagpatay sa tatlo katao, kabilang ang mag-live in partner, nang tambangan ng mga suspek habang sakay ng motorsiklo, sa Negros Oriental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Heidi Rio, 60 anyos, nagtitinda ng herbal medicine, kinakasama nitong si Richard Billalos, 29, at John Anthony Bormelado, 15, pawang mga residente ng Sitio Cancaban, Barangay Banga, Bayawan City, Negros Oriental.

Batay sa report ng Bayawan City Police Station, sakay ang mga biktima ng motorsiklo na may plakang XR 125 , galing sa nasabing bayan at ilang metro na lamang ang layo sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng tatlong suspek na sakay din ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direskyon.

Dinala naman sa Bayawan District Hospital ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ang mga ito ng hininga.

Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER SINAGASAAN, SINAKSAK; LOVER NI MISIS KALABOSO

(NI FRANCIS SORIANO)

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang 37-anyos na mister matapos sagasaan at saksakin ng kalaguyo ng misis sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col Carlito Gaces, ang biktima na si Jonathan Dela Cruz, 37, messenger at residente ng 351 Tangke St. Malinta, habang ang suspek naman ay nakilalang si Jamil Jesse Caro Tobias, 20, ng 356 GSIS Road, Brgy Gitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Gaces, naglalakad sa kahabaan ng Mac Arthur Highway si Dela Cruz dakong alas-12:15 ng madaling araw nang bungguin umano ng suspek gamit ang minamanehong motorsiklo sa kanto ng Gov. Santiago St. Brgy. Malinta. Matapos nitong bundulin ay saka naman inudayan ng mga saksak ang biktima na maswerteng makailang at mabilis na nakahingi ng saklolo sa nag papatrulyang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Dahil dito ay kasong attempted murder at illegal possession of deadly weapon ang isinampa ng pulisya laban kay Tobias sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Samantala,  una nang inireklamo umano ng biktima si Tobias at kanyang asawa ng adultery at death threat  noong Setyembre 14.

Please follow and like us:
Read More

MISIS, LOVER, HULI NG OFW NA MISTER SA MOTEL  

(NI SIGFRED ADSUARA)

HULI sa akto ni mister si misis at ang kalaguyo nito na umuwi lang mula sa kanyang pagtratrabaho sa abroad upang patotohanan  ang pagloloko ng kanyang misis, sa loob ng isang motel sa Kawit, Cavite.

Kasong adultery ang isasampa laban sa 37-anyos na misis at 30-anyos na lover nito dahil sa reklamo ng asawa  na si ‘Alvin’,  40, isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa ulat ni PSSgt Mark Joseph Arayata ng Kawit Municipal Police station, dakong alas-12:15 kahapon ng madaling araw nang arestuhin ang dalawa sa loob ng Room 31 Intown Motel, Brgy Putol, Kawit, Cavite.

Nauna dito, sinundan umano ni Alvin ang kanyang asawa hanggang sa pumasok ito kasama ang lover sa loob ng nasabing motel.

Dahil dito, humingi  ng tulong sa pulis ang mister at pinuntahan ang motel saka kinausap ang bellboy na siyang kumatok sa pinasukang kuwarto ng dalawa kung saan naabutan pa ang babae na nakahiga sa kama at walang saplot sa katawan dahilan upang sila’y arestuhin.

Ayon kay Arayata, matagal nang may nagsusumbong kay Alvin na may kinalolokohan driver ang kanyang misis kaya nagplano itong umuwi ng Pilipinas upang patotohanan ang sumbong .

“Dumating si Alvin nito lamang Octiober 5 mula abroad upang hulihin ang kanyang misis,” ayon kay Arayata.

Desidido naman si Alvin na kasuhan ang kanyang misis at kalaguyo nito.

 

Please follow and like us:
Read More

LADY TRAFFIC ENFORCER MINARTILYO NG EX-LOVER, TODAS

crime67

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isang  lady traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang martilyuhin  ng kanyang dating kinakasama matapos  tumangging makipagbalikan, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Naliligo sa sariling dugo nang madiskubre ng kanyang anak  ang biktimang si Concepcion Romero , empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau at residente ng 206 A. Mirasol St. Balut Tondo.

Nakatakas naman ang  suspek na si Roderick Capulong , tambay ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ni PMSG Batay Jansen Rey San Pedro ,ng Manila Police District-homicide section, alas-2:40 ng madaling araw nang madiskubreng duguan ang ginang, ng kanyang 16-anyos na anak na babae.

Nagtungo ito sa bahay ng kanyang tiyahin na si Margaret Bancoro, 46,  kapatid ng biktima at agad isinugod sa Tondo Medical Center, pero  alas  4:34 ng madaling araw nang ideklara itong patay.

Nabatid  na dumating umano sa bahay ang suspek at nagawa pa nitong halikan ang dalawa nitong anak sa biktima.

Kasunod nito ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa , hanggang sa pagpapaluin nito ng martilyo sa ulo ang ginang at  saka mabilis na tumakas.

Hinala ng pulisya na  pinipilit ng suspek  ang biktima na makisama sa kanyang muli pero tumanggi ito na  makisama.

Please follow and like us:
Read More

MISIS, MACHONG LOVER, HULI NI MISTER SA INN

crime21

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY– Agad humingi ng tulong sa pulisya ang isang mister matapos mahuli ang asawa nito na may kasamang macho habang papasok sa ilang lodging inn dito sa lungsod.

Una nito, nagduda ang mister sa kanyang asawa dahil sa makakapal na ang lipstick nito at nagsimulang magpaseksi ng suot.

Dakong alas 9:00 ng gabi, Huwebes, sinundan ni Erwin, 38, ang asawang si Mirasol, 32, ng Kilometro 5, Guadalupe, Barangay Matina Crossing, Talomo District nitong lungsod.

Nagulat na lamang si Erwin dahil nakasuot ng maiksing shorts si Mirasol, habang naka-spaghetti straps ang pang-itaas nito nang makita ng kanyang dalawang mata na pumasok sa lodging inn sa Brgy. 39-D, Trading Boulevard kung saan nag-aabang ang isang machong lalaki.

Matapos humingi ng tulong sa San Pedro PNP, rumesponde ang Mobile Patrol 89 at pinuntahan ang lugar.

Nang katukin ang kwarto dito na tumambad sa mata ni Erwin na wala nang damit ang kanyang asawa, kasama si alyas Roger 41, isang construction worker, ng Punta Dumalag.

Kapwa hubo’t hubad na ang mga ito.

Dahil dito, dinampot ng mga pulis ang dalawa at desidido na si Erwin na kasuhan ang kanyang asawa at kabit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS, LOVER HULI NI MISTER HABANG NAGSE-SEX

ARRESTED-2

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY – Ipinadakip ng mismong mister ang kanyang asawa at kalaguyo nito matapos mahuling naglalaro ng apoy sa loob mismo ng kanilang kuwarto ng bahay sa Doña Salud, Barangay  Sasa, Linggo ng gabi.

Ayon sa Sasa Police Station, naaktuhan ni Jose, 34, ang kanyang asawang si Mariel, 36, na wala nang saplot habang nakapatong sa kanilang kapitbahay na si Brendo at umuungol.

Nagtaka umano si Jose nang marinig na umuungol ang kanyang asawa mula sa kanilang kwarto kaya agad niyang sinilip kung anong nangyari kay Mariel.

Laking gulat ni mister dahil kitang-kita ng kanyang dalawang mata na walang saplot ang kanyang misis at  kapitbahay.

Hindi muna sinita ni Jose ang dalawa at sa halip ay tumawag ito ng pulis kaya’t agad na dumating ang mobile patrol ng Sasa Police Station sa bahay ng mag-asawa.

Sinabi ni Jose sa mga otoridad na walang paglalagyan ang kanyang galit dahil dismayado umano siya sa ginawang panlilinlang ng kanyang asawa.

Matagal umanong nakauwi ang mister dahil nag-overtime ito sa trabaho bandang alas-11:00 ng gabi ngunit hindi niya inakala na sa kanyang pag-uwi ay madaratnan ang misis na nakikipagtalik na sa kanilang kapitbahay.

Sosorpresahin pa sana ni Jose ang kanyang misis dahil sumuweldo umano ito ng araw na iyon ngunit laking gulat na lamang niya nang makitang nakapatong sa hubo’t hubad ding si Brendo.

Agad dinala ng mga pulis ang dalawa sa kanilang istasyon at ipinasok sa selda.

Inihanda na ng mga otoridad ang kasong isasampa laban sa misis at kabit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

 ‘ISASAMA KITA SA HUKAY!’

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang live-in partners na parehong security guard matapos barilin ng lalaki ang babae at pagkatapos ay nagpakamatay din sa Biñan City, Laguna, Sabado ng gabi.

Kapwa nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Biñan sina Logie Palmera Sr. at Jeralyn Laña, kapwa ng ng Southville 5, Barangay Timbao.

Nagtamo si Laña ng mga tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan samantalang isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Palmera.

Batay sa report ng Biñan City police, sinundo ng lalaki ang kanyang kinakasama sa duty nito at saka umuwi sa kanilang bahay upang pag-usapan ang binabalak na pakikipaghiwalay ng babae .

Nauwi umano sa matinding away ang pangyayari matapos mabigo ang lalaki na makumbinsi ang asawa na ituloy ang kanilang relasyon.

Sa sama ng loob, binunot ng mister ang kanyang service firearm na 9mm na baril at sunud-sunod na ipinutok sa babae.

Matapos matanto ang kanyang nagawa,  itinutok umano ng sekyu ang baril sa ulo at saka kinalabit.

Sabay na isinugod ang dalawa sa ospital subalit kapwa din namatay.

 

Please follow and like us:
Read More

NANAY IPINAKULONG ANG ANAK VS SINAKSAK NA LOVER

arrested

(NI DAVE MEDINA)

IDINIIN ng ina ang sariling anak sa krimen ng pananaksak, Martes ng gabi sa Muntinlupa City matapos mag-away ang dalawa at saksakin ng anak ang lover ng nanay.

Ang sugatang  basurero  na lover ng ina ng suspek ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng saksak sa katawan ay nakilalang si Roldan Tagnipis, 30, nakatira sa Santos Compound, Muntinlupa City.

Nakakulong naman ngayon sa Muntinlupa City Police detention facility ang suspek na si Robert Panganiban, 21, na nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report ng Muntinlupa City Police, base sa pahayag ng live-in partner ng biktima na si Lanie Panganiban,  naganap ang insidente dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Sunbay Apartelle sa National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Ayon kay Lanie,  bago ang insidente ay nakita niyang nagtatalo ang  kanyang anak at live-in partner.

Sinabi ng ginang na siya ay pumagitna sa pagtatalo ng dalawa at inaawat ang mga ito subalit nagulat na lamang siya nang bumunot ng patalim ang kanyang anak at sinaksak ang kinakasama niya.

Kaagad nilang dinala ang sugatang biktima sa nabanggit na ospital at ang suspek naman ay ipinadakip ng nanay sa mga kagawad ng Muntinlupa City Police.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

ROMANSAHAN SA JEEP: BADING, LOVER DINAMPOT

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

HULI sa akto ang isang bading at lover nito habang nagroromansahan sa loob ng nakaparadang jeep, Martes ng madaling araw sa Malabon City.

Hindi na nakapalag ang 20-anyos na lover, ng Brgy Tangos, Navotas City habang nagpaparaos sa umano’y bading na isa ring 20-anyos ng Brgy. Dampalit, Malabon, nang arestuhin ng mga barangay tanod.

Nabatid na  nagpapatrulya sa naturang lugar sina Jason Ramos at Edison Amboyon, kapwa tanod ng Barangay Hulong Duhat,  nang makarinig ng halinghing mula sa loob ng isang nakaparadang jeep sa Marlon St., sa naturang barangay, dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Pagdungaw ng mga tanod sa jeep ay naaktuhan ng mga ito ang dalawa habang nakahubad pang-ibaba ang lover.

Hindi rin umano napansin ng dalawa na nasa harap na nila ang mga barangay tanod.

Agad na dinamba ng mga tanod ang dalawa dinala sa Malabon police headquarters upang masampahan ng kasong grave scandal sa piskalya.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS NA MAY KALAGUYO TINADTAD NI MISTER

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis matapos ataduhin ng saksak ng kanyang mister dahil umano sa pangangaliwa, sa Isabela.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang 38-anyos na biktima habang huli naman sa akto ang mister na hawak ang kutsilyo gamit sa pagpatay sa kanyang misis, at kapwa residente ng Barangay Diki, Isabela City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa, narinig nilang nag-aaway ang dalawa dahil sa may ibang lalaki umanong kinalolokohan ang babae.

Nakarinig na lamang sila ng suud-sunod na kalabog at humihingi ng tulong ang biktima at nagmamakaawa sa mister nito.

Dito na pinasok ng mga residente ang bahay ng mag-asawa at nakita nila ang biktima na duguan habang may hawak na patalim ang mister nito.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan .

Dinala naman sa Isabela Police Station ang mister at posibleng maharap sa kasong parricide.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS, LOVER DINAKMA SA HOTEL

(NI FRANCIS SORIANO)

KASONG adultery ang haharapin ng isang ginang at concubinage naman ang isinampa sa kalaguyo nito sa Malabon City Prosecutor’s Office matapos mahuli ng kanyang mister sa isang hotel sa Malabon City.

Kinilala ng Malabon Police ang suspek na, 31-anyos na tricycle driver,  ginang na itinago sa pangalan “Vicky”, 46, at mister nitong si “Randy”, 46, kapwa residente ng Brgy. Longos.

Ayon sa pulisya, naghihinala na ang mister sa kanyang misis na matagal na siya nitong niloloko na naging dahilan upang sundan nito ang asawa nang umalis ng kanilang bahay.

Nakipagkita ang misis sa kanyang lover at nagcheck-in ang mga ito sa Masky Hotel sa kahabaan ng Rapana Road, Brgy. Potrero dakong alas-7 ng gabi.

Nang makumpirma ng mister ang pagpasok ng dalawa sa hotel, agad itong humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 8 na hinintay ang pagcheck-out ng mga ito na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Please follow and like us:
Read More

P5-K PARA ITUMBA ANG LOVER NG MISIS; 5 LAGLAG

(NI GUILLERMO OCTAVIOPHOTO BY AJ GOLEZ)

DINAMPOT ang sinasabing gun-for-hire at apat nitong kasapakat sa pamamaslang sa isang negosyante dahil umano sa love triangle, sa Caloocan City, nitong Sabado.  Kinilala ang mga inaresto na sina Alexander Fernandez alyas “Tatay”, 60, ng Blk 48, Lot 26, TM Kalaw, Sto. Niño; Randy Vicente, 42, ng Manga St., San Vicente Ferrer; Dexter Cariliman, 48, ng Lansones St., San Vicente Ferrer; Jandrex Paguyanan, alyas “Tisoy”, 22, ng TM Kalaw, Sitio Diwa St., pawang ng Brgy. 178; at Jason Villamor alyas “Regie”, 31, ng Phase 2, Package 3, Blk 75, Brgy. 176.

Unang nasakote sina Pagayunan at Villamor at sa isinagawang interogasyon, inginuso nila ang lungga ng kanilang mga kasama sa Blk 48, Lot 26, TM Kalaw, Sto. Niño, Brgy. 178 kaya nasakote rin sina Fernandez, Vicente at Cariliman.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang cal. 45, isang  9mm, dalawang cal. 38, isang cal. 22 rifle, mga bala, dalawang gun replica, dalawang motorsiklo at pitong iba’t ibang cellphone.

Alas-8:50 ng gabi noong June 28 nang pagbabarilin ng hindi kilalang gunman si Eugene Borlaza, 38, negosyante ng Phase 4C, Pkg. 7, Blk 64, Brgy. 176, Bagong Silang habang naglalakad sa Phase 4C.

Matapos ang pamamaril ay tumalilis ang gunman sakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasama habang isinugod naman ang biktima sa Nodados Gen. Hospital subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng mga tama ng bala.

Inamin naman ni Vicente na siya ang bumaril kay Borlaza matapos umano siyang bayaran ng P5,000 ng asawa ng sinasabing lover ng biktima na nasa ibang bansa.

Positibo namang kinilala ng mga saksi si alyas Tisoy na driver ni Vicente habang nagsilbi namang back-up si Cariliman na sakay din ng motorsiklo.

Please follow and like us:
Read More

MISTER VS LOVER NI MISIS: KAPWA SUGATAN SA SAKSAKAN

stab100

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa madugong saksakan ang pagtatalo ng dating mag-asawa nang saklolohan ng kinakasam ng babae ang pananakit ng mister sa Pasay City, Linggo ng gabi.

Nabatid na nagtungo si Rodley Warren Delos Reyes, 26, sa bahay ng dating asawang si Rochelle, para paalagaan ang iniwan na anak sa De Guzman St., Malibay, Pasay, bandang alas-10:00 ng gabi.

Habang nag-uusap umano ang dating mag-asawa ay napunta ang usapin sa kanilang relasyon na mahigpit namang tinutulan ni Rochelle.

Doon na umano naging bayolente si delos Reyes at sinakal sa Rochelle.

Humingi ng saklolo ang mga bata sa bagong kinakasama ng babae na si si Brix Alcantara, 21, at doon ay siya ang pinabalingan ng galit ni delos Reyes.

Bumunot ng patalim si Alcantara at nagpambuno ang dalawa dahilan upang kapwa sila nagtamo ng saksak sa katawan.

Isinugod ang mga ito sa ospital at patuloy na inoobserbahan.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG DATING ASAWA NG LOVER

stab

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG mister ang nasugatan nang pagsasaksakin ng dating asawa ng kanyang kinakasama, na dati na umanong kaalitan sa Barangay Mauway, Mandaluyong nitong Linggo.

Nilapatan na ng lunas ngunit inoobserbahan pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Victor Domingo, 42, habang nakatakas naman ang suspek na si Ronnel Ehiga, dating miyembro ng Bantay Bayan at residente rin ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insidente habang nakaupo si Domingo sa harapan ng kanilang tahanan sa Block 5, Barangay Mauway.

Bigla umanong dumating ang suspect saka bumunot ng isang ‘Rambo knife’ at ilang ulit na pinagsasaksak ang nabiglang biktima.

Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Nang makapanayam naman ng mga imbestigador ang biktima sa emergency room ng pagamutan,  sinabi nito  na ang suspek ay dating asawa ng kanyang live-in partner.

Dati na umano silang may alitan ng suspek dahil sa kasong kriminal na isinampa niya laban dito, ngunit hindi naman na tinukoy ang pinag-ugatan ng naturang kaso.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek upang panagutin sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BGY CHAIRMAN, LOVER, HULI SA MOTEL

san jose12

(NI JG TUMBADO)

NASA kainitan pa ng pagtatalik ang isang kasalukuyang barangay chairman at ng kanyang umanoy “lover” nang datnan at arestuhin ng  pulisya sa loob ng motel sa San Jose City, Nueva Ecija.

Sa himpilan na ng San Jose City Police nakilala ang mga suspek na sina Librado Dulay, 58, at ang 32 anyos na sinasabing “girlfriend ” ni kapitan na si Maria Cecilia Tubiera.

Nabatid na ang dalawa ay kapwa kasal pa rin sa kani-kanilang asawa.

Ayon kay Police Lt. Col. Heryl Bruno, Chief of police ng San Jose City, humingi ng saklolo sa kanila ang mismong mister ni Tubiera matapos madiskubre na may lihim na pakikipagtagpo ito kay Dulay sa isang hotel sa Barangay Caanawan.

Sa koordinasyon na rin ng pamunuan ng hotel sa pulisya ay nabuksan sa pamamagitan ng duplicate na susi ang kuwartong nirentahan ng dalawa.

Dito tumambad kay mister at mga awtoridad ang hubo’t hubad na katawan ng dalawa na nasa kalagitnaan ng kanilang mainit na pagniniig.

Napahinto umano si Dulay sa kanyang ginagawa at mabilis na napatakbo sa loob ng CR habang si Tubiera naman ay nagtaklob na lamang ng manipis na kumot.

Kasong “adultery” ang kinakaharap ng dalawa.

Samantala, dahil sa pangyayari ay nalaman na rin ng maybahay ni kapitan ang bawal na relasyon nito kay Tubiera.

 

Please follow and like us:
Read More

BUGBOG-SARADO SA TIBONG DYOWA

lucena

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Dahil sa matinding selos, pinaggugulpi at binantaang totodasin ng isang lasing na tomboy ang kanyang dyowa dito noong Huwebes.

Sa police report, dumulog sa pulisya ang bugbog-saradong biktima na pinangalanang “Aileen”, 39, at isinalaysay ang ginawa umanong pambubugbog sa kanya ng tomboy na si “Vane”, 37.

Ayon sa biktima, lasing na lasing ang suspek na dumating sa kanyang tahanan sa Barangay Ibabang Iyam dakong 10:40 ng umaga at parang toro sa galit bunga ng grabeng selos sa dating lover ng biktima.

Dahil sa halong galit at kalasingan ay pinagsusuntok umano ng tomboy ang biktima sa ibat ibang parte ng katawan, inihampas ang ulo sa dingding at tinusok pa ng bolpen sa hita.

Kasabay ng pagbabantang: “Kaya kitang patayin dito ng walang nakakaalam at wala akong pakiaalam kung mamatay ako at mapatay kita”.

Pagkaalis ng tomboy ay mabilis na nagtungo ang biktima sa istasyon ng pulisya at ipinagharap ng reklamo ang kanyang lasing at butangerong lover sa ginawa nitong pambubugbog sa kanya.

Mabilis namang inaresto ng pulisya ang tomboy at ikinulong sa city jail.

Please follow and like us:
Read More