KENO, SCRATCH IT GAMES, OK NA ULIT

(NI DAHLIA S. ANIN) BALIK-OPERASYON na ang Keno Game at Instant Sweepstake Scratch-it ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado. Ito ay matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa naturang game scheme at epektibo na ito simula ngayong Setyembre 28, 2019. Noong Hulyo nitong taon ay sinuspende ng Pangulo ang prangkisa, permit at lisensya ng lahat ng operasyon ng lotto game mula sa PCSO dahil umano sa korapsyon.  

Read More

OPERASYON NG LOTTO OK NA ULIT

lotto

TULOY nang muli ang operasyon ng lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ay matapos alisin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon nito, Martes ng gabi. “As per the advice of Executive Secretary Salvador C. Medialdea, the suspension of Lotto operations has been ordered lifted by the President,” sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang statement. Gayunman, nilinaw ni Panelo na ang iba pang gaming operations ng PCSO — tulad ng Small-Town Lottery (STL), Keno, at Peryahan ng Bayan (PNB) — ay nananatiling suspended. Mananatili aniyang suspendido…

Read More

KUBRADOR SA BATANGAS DINAMPOT; LOTTO OUTLETS IKINANDADO

(NI NILOU DEL CARMEN) SA lalawigan ng Batangas, umaabot sa 40 kubrador ng STL mula sa ibat-ibang bayan ang inaresto ng mga pulis nitong Sabado, sa unang araw ng pagbabawal ng   operasyon ng PCSO games. Karamihan sa mga naaresto ay mga kalalakihan  at mga kababaihan. Pinakamarami ang dinampot sa lunsod ng Lipa na umaabot sa 20 kubrador. Dinala sa mga presinto ang mga hinuli at kinumpiska ang mga STL paraphernalia at mga perang pinagpatayaan ng mga ito. Ayon sa ibang nahuli, hindi sila nagpasabihan agad at hindi nila alam na…

Read More

LOTTO OUTLETS INIISA-ISA NANG ISINASARA

(NI MAC CABREROS) BILANG pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinuyod ng Eastern Police Districtang mga lotto outlets sa Lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong City at San Juan  (PaMaMariSan), ngayong Sabado ng umaga. Pinamunuan mismo ni EPD director, BGen. Nolasco Bathan, kasama si San Juan City  Police chief, Col. Ariel R. Fulo sa pagsasara sa mga lotto outlets sa 79 F. Blumentritt St., 107, N. Domingo St., Brgy. Pedro Cruz; 02 G.B Santos St., Brgy Rivera; 19-A N. Domingo St., Brgy Progreso; 146 Aurora Blvd, Brgy Balong Bato; Aurora…

Read More

P239-M LOTTO JACKPOT NASUNGKIT NA

lotto

NAKUHA ng nag-iisang winner na taga Cebu ang mahigit sa P239 milyon nang manalo sa kombinasyon ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Lunes ng gabi. Sa kanilang Facebook page ng Martes, sinabi ng PCSO na ang winning combination ng 17-07-38-08-05-10 sa January 21 daw ay nasungkit ng nag-iisang winner at kukumbra ng P239,204,944. Ang winning bet ay tinayaan sa Lucky Circle Corp outlet sa SM City, Cebu.

Read More