PULIS BINARIL SA ULO NG TAUHAN SA NEGOSYO

crime

(NI NILOU DEL CARMEN)

LOS BAÑOS, LAGUNA — Patay ang isang pulis matapos barilin ng kanyang sariling tauhan sa kanyang negosyo sa Los Baños, Laguna, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni PLtCol Louie Dionglay, hepe ng Los Baños Police, ang biktima na si Police Staff Master Sergeant Dominic Obligado, 43, nakatalaga sa Lucena City Police Station.

Batay sa report, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa Barangay  Tuntungin-Putho  alas 9:50 ng gabi, nang biglang dumating ang suspek na si Ruel Nabatilan, alyas Burnok at binaril ang biktima gamit ang kalibre 45 baril.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at nasawi matapos mairating sa  Los Baños Doctors Hospital.

Tumakas naman ang suspek at ang kasama nito na si Cresencio Pitogo matapos ang pamamaril.

Napag-alaman na ang dalawa  ay parehong pinagkakatiwalaan o mga  tauhan ng pulis sa kanilang negosyong pautang.

Nagkasa na ng manhunt operation ang mga awtoridad  laban kay Nabatilan at Pitogo.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI ITINUMBA SA BAR

ambush

(NI NILO DEL CARMEN)

NASAWI ang isang mekaniko  nang ito ay pasukin at pagbabarilin ng isang armadong lalaki sa loob ng bar sa Los Baños, Laguna, Linggo ng gabi.

Wala nang buhay nang idating sa  Bay District Hospital ang biktimang si Ruel Donato, 43, residente ng Barangay Maahas.

Batay sa report ng Los Baños police, masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa loob ng Raymart Resto Bar sa national highway, Barangay San Antonio nang pumasok ang armadong suspek dakong alas-9:30 ng gabi.

Nilapitan at walang sabi-sabing pinagbabaril nito ang nakaupong biktima.

Agad ding tumakas ang suspek na sumakay sa naghihintay na motorsiklo sa labas ng bar at  minamaneho ng umano’y  kasabwat nito.

Wala namang nakakilala sa suspek na nakasuot ng itim na sumbrero, itim na jacket at itim din na pantalon.

Nakarekober ang mga awtoridad ng tatlong basyo ng kalibre .45 baril.

Please follow and like us:
Read More

PATAGALAN SA ILALIM NG TUBIG, PASLIT KRITIKAL

lunod2

(NI NILOU DEL CARMEN)

DAHIL sa larong patagalan sa ilalim ng tubig, kritikal  ang isang 7-anyos na batang lalaki na nalunod sa pool ng isang resort sa los Baños, Laguna Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Javey Borda y Silaya,  residente ng  Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa report ng Los Baños police, nagtungo sa Hill Spa Resort sa Brgy. Lalakay ang pamilya ng biktima upang ipagdiwang ang wedding anniversary ng isang kapamilya.

Subalit habang naliligo sa kiddie pool ang mga batang kasama, naglaro umano ang mga ito ng patagalang nakalubog sa tubig.

Makalipas ang ilang sandali, nakita na lamang ang biktima na nakalutang ng padapa sa pool.

Agad itong sinagip at matapos lapatan ng first aid ay isinugod sa ospital.

Kasalukuyan pa ring comatose at  nasa kritikal na kondisyon ang biktima, ayon sa doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

P2.3-M SHABU NAKUHA SA LIVE-IN LOVERS

shabu15

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang tatlo katao  at nasamsam ang  halagang P2.380.000 halaga ng shabu   sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police |District (QCPD)  at  Los Banos Police noong Huwebes sa  Los Banos, Laguna.

Kinilala ni  QCPD Director PCSUPT  Joselito Esquivel, Jr. , ang mga naarestong suspek na sina  Shoib Sampal, alias Tikboy, 35  at ang live-in partner nitong si  Rossette Dimas, alias Seth, 39 , negosyante  at residente ng  Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna and Violeta Espina, 31, ng  Tondo, Manila .

Sa report ni QCPD  Director,PCSUPT  Esquivel  kina  PNP Chief, Police Director General Oscar D Albayalde  at  National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Police Director Guillermo Lorenzo T Eleazar,  ang nasamsam na P 2.3 milyon halaga ng shabu ay  mula sa  joint  operation  QCPD Novaliches Police Station (PS 4) at Los Baños Police Station , Los Baños, Laguna .

Ayon kay PS 4 Commander,PSUPT Rosell Cejas,  ang nasabing buy bust operation  ay offshoot  sa nakalipas na  drug operation  sa Brgy. Bagbag, Novaliches  noong Pebrero 13  na nagresulta sa  pagkakaaresto sa apat  na suspek at pagka kumpiska sa  50 gtamo ng shabu  na may street value na  P300,000 halaga ng shabu.

Ang mga naaresto umanong suspek ang nagturo  sa kanilang source na si alyas Tikboy at live-in partner nitong si   Seth na dating nanirahan sa  Brgy. Bagong Silang , Caloocan City bago sila lumipat ng  Los Banos, Laguna.

Sa report ng QCPD, nabatid na bandang alas 9:30  ng gabi noong Pebrero 14, ay  ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng QCPD – PS 4 at  Los Banos Police  sa pamumuno ni PSUPT  Lowie  D Dionglay, sa  L1 Unit 2 B5 Villa  Armanda residences, San Antonio, Los Banos, Laguna.

Bumili umano  ang poseur buyer ng halagang P191.000.00 halaga ng shabu  mula sa mga suspek  na naging sanhi ng  pagkakaaresto sa mag live-in.

Nakuha mula sa mga suspek ang 35- gramo ng shabu na may street value na  P2.380,000. million , limang mobile  phone,  isang dark gray ng  Toyota Fortuner at ang buy bust money .

Please follow and like us:
Read More