LT, BET SI NADINE BILANG DARNA

nadine12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon kung sino kaya ang posibleng pumalit kay Liza Soberano bilang pinakabagong ‘Darna’ sa pelikula. Matunog ang pangalan ni Nadine Lustre na posibleng mag-Darna at kamakailan nga ay kumalat sa social media ang video ng aktres na lumunok kunwari ng bato at sumigaw ng ‘Darna.’

Nagbigay ng reaksyon ang gumanap din bilang ‘Darna’ noon sa telebisyon na si Lorna Tolentino tungkol dito. “Marami raw nag-audition eh. Sa palagay ko kailangan meron din silang post kagaya kay Nadine. Kasi siya ‘yung nakita ko, bagay eh,” nakangiting pahayag ni Lorna.

Para sa beteranang aktres ay kakaibang hirap din ang naranasan niya noong araw nang gumanap siya bilang isang superhero.  “Ako ang unang Darna sa TV na naka-bathing suit ha, hindi bikini, naka-one piece si Darna, bawal pa ang two-piece noong araw. Traumatic sa akin kasi hindi nadaya ‘yung pagpukpok do’n sa guy. Meron lang nagtuturo ng stunts pero walang double. Kaya nga tinamaan ko ‘yung hindi dapat tamaan eh. Chroma, tapos walang harness no’n. Kaya nakahiga ka sa lamesa, tapos naka-tangle ‘yung paa at kamay mo. Mahirap din ‘yon ha. Na-enjoy ko naman ang twelve na episodes,” masayang kwento ng aktres.

Samantala, pagdating sa buhay pag-ibig ay kuntento naman daw si Lorna ngayon. Mula nang namatay ang asawang si Rudy Fernandez ay hindi na raw muling umibig pa ang aktres. “Kasama kong tumanda ang mga bata at aking apo. No more, it’s okay. I’m happy as is,” natatawang pagtatapos ni LT.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More