76-ANYOS LOLO NA RAPIST, 2 PA, ARESTADO

ARRESTEDHAND12

(NI GINA BORLONGAN)

NAKORNER ng pulisya ang isang 76-anyos na lolo na nanrape sa isang ginang na may diprensya sa pag-iisip gayundin ang dalawang magkaibigang nanggahasa sa kanilang nalasing na kainuman sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City at bayan ng Bulakan, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Col.Chito G. Bersaluna, Bulacan police director,ang mga naarestong rapist na si Florentino Lopez,76, ng Barangay Bangbang, Bulakan at sina John Paul Sanchez,25 at kaibigan nitong si Angelo Francia, 35, kapwa ng Barangay Tugatog, Meycauayan City.

Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Bulakan PNP sa over-all supervision ni P/Major Moner M. Orang, acting Chief of Police ng Bulakan Municipal Police Station, nang makatanggap ng reklamo hinggil sa panggagahasa ng lolong suspek sa isang 46-anyos na babae na may diprensya sa pag-iisip kaya kaagad silang nagsagawa ng police response sa Barangay Bangbang at madakip ang suspek.

Samantala, base naman sa report ni P/Lt.Col.Aquino Olivar, Meycauayan City police chief, kanilang inaresto ang dalawang suspek na sina Sanchez at Francia matapos nilang halinhinang ginahasa ang isang 20-anyos na babae na kanilang niyaya sa inuman sa Barangay Tugatog, ng nasabing lungsod at nang malasing ang biktima ay doon na nila ito ni-rape.

Please follow and like us:
Read More

LOLO PAPUNTA SA KASAL, PINASLANG

(NI BONG PAULO)

CARMEN, NORTH COTABATO – Patay ang isang 76-anyos na lolo nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman habang sakay ng motorsiklong papunta sa kasal sa Sayre National Highway sa Barangay Kimadzil, Carmen, Cotabato, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Salik Datol, ng Patadon, Kidapawan City habang sugatan naman si Thoto Badal Endigay, 45, ng Pagalungan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Carmen PNP, pasado alas 9:10 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima habang lulan ng motorsiklo papuntang kasalan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Barangay Aroman ng bayan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaril.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

LOLA TINAGA NG LOLO DAHIL SA TALONG

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lola na dahil lamang sa kanyang tanim na talong ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan pagtatagain ito ng kapitbahay na lolo na pinagbintangang nagnakaw ng mga bunga ng kanyang talong, iniulat kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Prisciano Baraclan 64, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Magdaleno Ypanto, 60, at kapwa residente ng Sitio Acacia Barangay Tungkop, Minglanilla, Cebu .

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa nasabing lugar nang sugurin umano ng biktima ang suspek sa bahay nito.

Lumabas sa imbestigasyon, nagalit umano ang biktima nang mawala ang mga bunga ng kanyang talong at wala ibang pinagdudahan kumuha kundi si Ypanto.

Dito, pumunta umano ang biktima sa bahay ng suspek at sinabihan ito at nanguha ng mga bunga ng talong. Sa galit ng suspek, kumuha ito ng itak at pinagtataga ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Nakatakda naman sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

81-ANYOS KUBRADOR NG STL PATAY SA VAN

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Todas ang isang 81-anyos na lalaking kubrador ng Small Town Lottery (STL) matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na van sa Maharlika Highway sakop ng bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito noong Lunes.

Sa report ng Atimonan police station, kinilala ang biktima na si Rolando Montejo Sr., residente ng Barangay Tagbakin.

Tumatawid ang biktima sa highway sakop ng nasabing barangay, bandang alas-6:20 ng gabi habang nangongolekta ng taya sa STL nang salpukin ito ng humahagibis na Toyota Hi-ace Commuter van na minamaneho ni Robert Dosdo, 42.

Tumilapon ang biktima sa lakas ng pagkakabangga at nagtamo ito ng grabeng pinsala sa katawan.

Isinugod sa Doña Marta Hospital sa kabayanan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay sanhi ng malubhang kalagayan.

Nakakulong ang tsuper ng van sa Atimonan police jail.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO, KASAMA, ITINUMBA NG TANDEM

(NI BONG PAULO)

DEAD on the spot ang isang senior citizen at isa pang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Kidapawan City at Mlang, North Cotabato, nitong Miyerkoles.

Unang pinagbabaril ang isang lolo sa Purok 4, New Esperanza, Mlang, Cotabato na nakilalang si Jame Dumlao Bebillo, 62, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na pinagbabaril ang biktima habang nakatayo lamang sa harap ng kanilang bahay alas 7:50 ng gabi nang lapitan siya ng mga suspek na mabilis ding tumakas patungo sa Barangay Neuva Vida, Mlang, matapos ang krimen.

Samantala, sa Kidapawan City, pasado alas 7:00 ng umaga nitong Miyerkoles, patay din matapos barilin ang isang 39-anyos lalaki na nakilalang si Eldin Vinte Biyo.

Base sa nakuhang mga identification card ng biktima, dalawa umano ang tirahan nito sa Barangay Luhong Antipas at Barangay Linao, Matalam.

Sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima habang binabaybay ang daan patungong Matalam. Pagsapit sa lugar ay dinikitan siya ng riding in tandem at pinagbabaril.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA NABUNTIS NI LOLO

(NI ANNIE PINEDA)

SA edad na 15, magiging isang ina na ANG dalagitang nabuntis umano ng sariling lolo matapos paulit-ulit na gahasain, iniulat kaninang umaga sa Baguio City.

Pormal na nagtungo sa himpilan ng Baguio City-PNP ang biktima na itinago sa pangalanh Cora, kasama ang kanyang ina, para magsampa ng kasong rape laban sa 64-anyos na suspek at lolo nito.

Batay sa reklamo ni Cora, una siyang ginahasa ng kanyang lolo habang naliligo at nasundan pa ito ng makailang beses habang wala sa kanilang bahay ang mga magulang.

Nabuko na lamang ang panggagahasa ng suspek nang makaramdam ng kakaiba sa katawan ang biktima at nagdududa na rin ang ina nito kung bakit tumataba at lumalaki ang tiyan.

Kaagad na dinala sa doktor ang biktima ng kanyang ina at lumabas sa pagsusuri na higit apat na buwan na itong buntis.

Hinihintay na lamang ang arrest warrant laban sa suspek para sa pag-aresto.

Please follow and like us:
Read More

LOLO PATAY SA SEX

crime123

(NI SIGFRED ADSUARA)

NAKARATING pa sa rurok ng kaligayahan bago tuluyang nalagutan ng hininga ang isang 62-anyos Lolo mula sa kandungan ng isang bebot sa loob ng hotel sa Gen. Trias City, Cavite.

Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si alias ‘Ernie’, may-asawa ng 12 Buenaflor St., Brgy. Kaunlaran, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni  PSSgt  Armine Matro, ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-9:45 Martes ng gabi nang pumasok ang biktima sa One Sereneta Hotel sa Brgy. Bacao, Gen Trias City, Cavite, kasama ang isang menor de edad.

Gayunman, pagkatapos na ilang oras na pagtatalik ay nakaramadam umano ng hirap sa paghinga ang biktima kaya lumabas si ‘Sirene’ upang humingi ng tulong  sa roomboy ng hotel kaya agad isinugod ito sa ospital pero dakong ala-1:30  kahapon ng madaling araw nang ideklara itong patay.

“Katatapos lang daw nilang mag-sex ng biktima nang nakaramdam ng  hirap sa paghinga ang biktima,” ayon kay Matro.

Dagdag pa ni Matro, ito na ang pangalawang pagkakataon na inatake ang biktima sa loob ng hotel matapos na nakipag-sex sa isang babae kung saan ang una ay  sa isang hotel sa Dasmarinas City.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima bagama’t tumanggi nang isailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

ENFORCER NA LOLO SINAGASAAN NG TINIKITAN NA DRIVER

crime12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PATAY ang isang enforcer matapos umanong sagasaan ng isang truck driver na hinuhuli dahil sa paglabag sa batas trapiko, sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jesus Paulite, Jr., 61, ng Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), ng Sta. Maria, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan matapos sagasaan ng Mitsubishi tractor head na may plakang 030101, na minamaneho ng nadakip na suspek na si Rommel Cabillos.

Napag-alama na nagmamando ng trapik sa kanto ng Samson Road at Heroes del 96  sa harap ng STI College ang biktima dakong alas -7:50  nang parahin ang minamanehong tractor head ng suspek na patungong Bonifacio Monument Circle dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Nang hingin ng enforcer ang lisensya ni Cabillo ay dinedma lang nito ang biktima at itinuloy ang pagmamaneho at sinadyang banggain ang lolong enforcer na bumulagta sa kalsada.

Sa halip hintuan, sinagasaan pa ni Cabillo si Paulite na dagli nitong ikinamatay.

 

Please follow and like us:
Read More

WALANG TEXT, TAWAG SI MISIS; 74-ANYOS LOLO NAGBIGTI

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nakapaghintay pa ang isang lolo na matatawagan pa ito ng kanyang misis, dahilan para wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti, sa Roxas City.

Kinilala ang biktima sa pangalan Teddy, 74, ng Barangay Lawaan, Roxas City.

Batay sa report ng pulisya, natagpuan na lamang ang biktima ng kanyang kapatid na si Mary sa kusinang bahagi ng bahay nito na nakabigti gamit ang nylon cord.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa kanilang kaanak na si Adelina Arciga at dinala pa sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Lumabas sa imbestigasyon, wala naman naikuwentong problema ang biktima maliban sa pagdamdam nitong hindi na siya tinatawagan ng kanyang misis na nagtatrabaho sa Metro Manila.

Nabatid na kasama ng biktima ang kanyang anak na lalaking namamasada ng tricycle .

Posible umanong na-depress ang biktima sa pag-iisip sa kanya ng asawa at naisip na kinalimutan na siya nito.

Please follow and like us:
Read More

2 LOLO NASAGASAAN NG 2 JEEP, DEDO

accident12

(NI KEVIN COLLANTES)

DALAWANG lolo ang kapwa patay nang magkasunod na masagasaan ng dalawang pampasaherong jeepney habang magkasabay na tumatawid sa national road sa Cardona, Rizal, Lunes ng gabi.

Kapwa dead on arrival sa pagamutan ang mga biktimang sina Roland Julian, 62, at Eulogio Estrella, 61, kapwa residente ng ID Julian Street, Barangay San Roque, Cardona, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, arestado naman at kapwa nakapiit na ang mga driver ng passenger jeepney na sina Edgar Saligumba, 23, ng 1353 Hinayon Street, Barangay Calumpang at Jan Miggs Tabadero, 22, ng Anore Street, Barangay Mambog, kapwa sa Binangonan, Rizal.

Batay sa ulat ng Cardona Municipal Police Station, sa Rizal Police Provincial Office, dakong alas-7:10 ng gabi nang maganap ang aksidente sa national road sa Barangay San Roque, sa Cardona.

Magkasabay umanong tumatawid ang mga biktima sa national road, nang bigla na lang silang salpukin ng mga pampasaherong jeepney na minamaneho naman ng mga suspek mula Cardona patungong Binangonan.

Si Julian ay nabangga ng itim na Isuzu passenger jeepney na may plakang DXG-181, na minamaneho ni Saligumba at dinala sa Rizal Provincial Hospital, sa Morong, Rizal ngunit idineklara na ring patay ng attending physician na si Dra. Rowena Buloran, habang si Estrella naman ay nabundol ng pulang Isuzu passenger jeepney, na may plakang TXE-759 at minamaneho ni Tabadero, at isinugod naman sa Queen Mary Hospital, sa Cardona, ngunit idineklara na ring dead on arrival ng attending physician na si Dra. Ma. Teresa Tero.

Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng mga kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO NA NA-STROKE TUMALON SA TULAY 

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

SA pakiramdam ay isa na siyang inutil matapos ma-stroke ang isang lolo , minabuti na lamang umano nitong tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Kinilala ang biktimang Hernan Gonzaga, 69, ng Pavia, Iloilo City.

Batay sa report ng Pavia Municipal Police Station, natagpuan na lamang ang biktima sa ilalim ng tulay at wala na itong buhay.

Ayon sa misis ng biktima, sinadya ng biktima ang pagtalon sa tulay dahilan para magkabali-bali ang katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Kuwento ng misis, na-stroke ang kanyang mister at naapektuhan na umano ang utak nito na kung minsan ay bumabalik sa pagkabata.

Madalas din umanong sinasabing ng biktima na mas mabuti pang tumalon na lamang siya sa tulay ay hindi umano nito inaakalang totohanin ng mister ang pagpakamatay.

 

Please follow and like us:
Read More

PULUTAN BUMARA SA LALAMUNAN, LOLO TODAS

crime23

(NI JG TUMBADO)

ISANG 63-anyos na lolo ang hindi na umabot nang buhay sa ospital makaraang mabilaukan ng karne na pinupulutan nito habang mag-isang tumatagay sa kanyang bahay sa bayan ng Cauayan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Alfredo Ayuman, electrician at residente ng Barangay District 1 sa nasabing lungsod.
Nabatid sa report ng Cauayan police, nangyari ang insidente pasado alas 4:00 ng hapon ng Lunes sa mismong

bahay ng biktima sa naturang lugar.
Base sa asawa ng biktima, kasama umano niya ang mister sa pagtitinda sa palengke nang magpaalam na uuwi at

magpapahinga.

Ngunit ilang sandali pa umano ay nakatanggap ang misis ng impormasyon mula sa kanilang kaanak na patay na ang kanyang mister.

Napag-alamang nakuha ng sumuring doktor mula sa lalamunan ng biktima ang ilang piraso ng karne na kanyang pinupulutan.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO PINATAY SA INN

(NI BONG PAULO)

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang senior citizen makaraang pagsasaksakin sa loob ng Double Decker Inn, Makakua, Street, Barangay Poblacion 5, Cotabato City, Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Danilo de Guzman Makaraeg, 63, ng Purok Mahogay, Barangay Making, Parang Maguindanao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 1, pasado alas-9:00 ng umaga  nang mapansin ng isang room boy ang kahina-hinalang kilos ng dalawa katao na pumasok sa silid ng biktima.

Nagkaroon ng sigawan at komosyon sa loob dahilan para tumawag ang roomboy sa istasyon ng pulis.

Mabilis namang tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek na isang babae at lalaki.

Nakuha mula sa crime scene ang isang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak sa biktima.

Tinutugis na ng mga pulis ang mga suspek at inaalam pa ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

NAUBUSAN NG PULUTAN; LOLO KINATAY

crime44

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG basurang itinapon ang bangkay ng isang lolo sa bundok nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman na umano’y naubusan ng pulutan habang nag-iinuman, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Jose Villanueva, 63, ng Ragay, Camarines Sur.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Adrian Miranda.

Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente, nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang isang Edwin Manriza nang magkaroon umano ng pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima hanggang sa mamatay, nang wala na umanong mailatag na pulutan.

Kuwento ni Manriza, nagulat na lamang siya nang hiramin sa kanya ni Miranda ang kanyang kalabaw na may karetelya at isinakay ang naliligo sa dugong bangkay ng biktima.

Sinabihan pa siya ng suspek na patay ang biktima at itatapon niya ito sa bundok saka mahigpit pa siyang pinagsabihan na huwag magsusumbong na ito ang pumatay sa biktima.

Subalit, hindi pinatulog ng kanyang konsensiya si Manriza at nagsumbong na ito sa pulisya pero nakatakas na ang suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

ULO NG BABAE TINAPYAS NG LOLO

isabela

(NI ANNIE PINEDA)

TAPYAS ang bahagi ng ulo ng isang babae na nakikipag-inuman nang tagain ito ng isang lolo matapos pagtripan batuhin ng una ang bahay ng huli, sa Isabela.

Ginamot sa ospital ang biktima na kinilalang si Renalyn Soliven, 24, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Domingo Nelmida, 61, ng Brgy. Sta Luciana, Cauayan City, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nag-iinuman ang biktima at mga kasama nito ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng suspek nang maisipan nitong batuhin ang bahay ng suspek.

Ikinagalit ng suspek ang pagbato sa kanyang bahay kaya lumabas ito bitbit ang pantabas at nilapitan ang biktima saka dali-daling tinaga ang kaliwang bahagi ng ulo ni Soliven.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

Nakatakda naman sampahan ng karampatang kaso laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

78-ANYOS LOLO NA NAKALAYA SA GCTA, BALIK-BILIBID

arrested12

(NI NILOU DEL CARMEN)

MAKARAAN ang kulang -kulang na isang taong kalayaan, namimilegrong mapabalik sa bilibid ang isang 78- anyos na lolo na nakalaya sa bisa ng  Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sumuko noong Huwebes ng hapon sa Magdalena police station sa Laguna ang convict na si Jose Mendoza, ng Brgy Ibabang Butnong, Magdalena.

Nasentensyahan ito  ng habambuhay na pagkabilanggo  noong September 24, 2012  dahil sa kasong rape at nakulong sa sa New Bilibid Prison.

Makaraang magbuno ng anim na taon sa loob, nakalaya ito noong October 22, 2018 matapos  magkwalipika sa GCTA.

Pero ayon kay Mendoza o  Lolo Ute, nalulungkot siya dahil akala niya ay tuluy-tuloy na niyang makakasama ang kanyang pamilya sa anya ay mga huling taon na nalalabi sa kanyang buhay.

Pinagsisihan na rin niya umano ng lubos ang kanyang nagawang krimen at nagpakabuti siya sa loob ng kulungan upang mabigyan pa siya ng isang pagkakataon na magbagong buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO ITINUMBA NG TANDEM

(NI JG TUMBADO)

UTAS ang isang senior citizen makaraang pagbabarilin sa Barangay Mabini, Daraga sa Albay, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police, ang biktimang si Eriberto Lomerio, 64.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Lomerio ang kanyang traysikel dakong alas-6:40 ng gabi nang sabayan ng suspek at malapitang pagbabarilin ng suspek.

Isinugod pa si Lomerio sa Daraga Doctors Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang motibo at nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO ‘NAGTAGO’ NG 2 ORAS SA ITAAS NG PUNO SA RAPE CASE

arrested124

(NI KIKO CUETO)

PANANCAN, Davao City — Arestado ang isang 62 taong gulang na lolo dahil sa panghahalay sa kanyang 11 na taong gulang na apo sa Bgy. Communal, Malagamot.

Sa report, sinasabing umakyat pa ng puno ng niyog ang suspek, dahil ayaw magpaaresto.

Inabot pa ng dalawang oras ang negosasyon bago siya napababa.

Mismong ang kanyang pamilya ang nagsumbong sa manyak na lolo.

“Pahirapan ang pagrescue sa kanya sa itaas. Natagalan pa kami makumbinsi siya,” sinabi ni Bgy. Communal Punong Bgy. Mark Galvez.

Sa salaysay ng biktima, naliligo noon ang kanyang nanay nang mangyari ang panggagahasa.

Agad naman na umalis ang suspek para magtago.

“Inamin naman niya ang nangyari” sinabi ni Galvez.

Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan ng rape ang lolo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

68-ANYOS ARESTADO SA RAPE NG 6-ANYOS

(Ni FRANCIS SORIANO)

MAKALIPAS ang tatlong taong pagtatago, bumagsak na sa kamay ng awtoridad ang isang lolo na wanted sa kasong rape sa Navotas City.

Kinilala ni  P/Col. Rolando Balasaba, hepe ng Navotas City Police Station ang suspek na si Reynaldo Aguilar, ng Ignacio St. Bagong Bayan North (BBN).

Ayon kay Balasabas, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section sa pangunguna nina PSMS Generoso Cagatiga, PCpl Mark Anthony Diaz, PCpl Jerwin Layco,  NUP Maria Elisa Orsolino, sa ilalim ng pangangasiwa ni PEMS Alvin Bautista, sa pinagtataguan ng suspek sa Blk 5, Ponciano St. Fatima Village, Brgy. Sta Cruz, Porac, Pampanga.

Sa record ng pulisya, kinasuhan at binigyan si Aguilar ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 288 ng Navotas City dahil sa kasong Statutory Rape noong March 2016 sa panggagahasa sa isang anim na taon gulang na batang babae na kanyang kalugar sa lungsod ng Navotas.

 

 

Please follow and like us:
Read More

APO PUMUTOK ANG ULO SA LASING NA LOLO

crime

(NI ANNIE PINEDA)

PUTOK ang ulo ng siyam na taong gulang na batang babae makaraan paluin ito ng matigas na kahoy ng kanyang sariling lolo, sa Ilocos Norte.

Dinala naman sa ospital ang biktimang si Nene at tinahi ang malaking  hiwa sa ulo nito sanhi ng malakas ng pagkakapalo na matigas at mahabang kahoy.

Nadakip naman ang suspek at lolo nitong si Dennis Saludez, residente ng Pinili, Ilocos Norte.

Batay sa report ng pulisya, nagalit umano ang suspek nang umalis ang biktima na walang paalam kaya hinabol niya ito ng kahoy saka hinataw.

Nakita naman ng ilang residente ang pangyayari at sinaklolohan ang bata saka dinala sa ospital.

Agad naman nahuli ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong frustrated homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO, 80-ANYOS,  KALABOSO SA PANGMOLESTIYA NG 5-ANYOS 

(NI JG TUMBADO)

HIMAS-REHAS sa loob ng detention facility ng San Carlos Municipal Police station sa Pangasinan ang 80-taong gulang na lolo dahil sa pangmomolestiya sa isang 5-anyos na babae na kalaro ng kanyang apo.

Nahaharap ang lolo sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang child abuse law.

Sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng San Carlos Police, nangyari ang pangmomolestiya sa bahay ng suspek, Lunes ng umaga.

Dumating umano ang biktima para makipaglaro sa apo ng suspek subalit inutusan muna nitong maligo ang apo.

Habang naliligo ang apo ay dito pinasok naman ng suspek sa kuwarto ang biktima at doon umano minolestiya ang bata.

Sa presinto ikinatuwiran ng lolo na aksidente lamang umano niyang nahipo ang maselang bahagi ng katawan ng bata habang naglalaro ito sa loob ng kanyang kuwarto.

Naging dahilan ng pagkakaaresto ng lolo nang magsumbong ang mismong biktima sa kanyang magulang.

 

Please follow and like us:
Read More

BINATA BINIRO NA ‘SUPOT’, PUMATAY NG LOLO 

(NI ANNIE PINEDA)

INATADO ng saksak ang isang lolo ng kanyang kasamahan sa trabaho nang kantiyawan umano ng una ang huli na supot kaya hindi pa nakapag-asawa, sa Cotabato City.

Kinilala ng biktimang si Mario Bumalod, 63, karpintero, may asawa at residente ng Cabisera 17-21, Ilagan City, Isabela.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Larry Corpuz, 46 anyos, soltero,  at residente naman ng Aggasian, Ilagan City, Isabela.

Batay sa report ng Quirino Police Station, dakong alas 10:00 ng gabi nang maganap ang insidnete sa gusali ng ospital na pinagtatrabahuhan ng suspek at biktima sa Brgy Luna, Quirino, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente, nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang mga kapwa karpintero nang mapikon umano si Corpuz kay Bumalod sa kwentuhan nilang hindi pa siya nag-aasawa.

Nabatid, na nagbitiw rin umano ang biktima na tiyak supot ang suspek kaya hindi ito nakapag-asawa.

Hanggang sa nakita na lamang ng isa sa kanilang kainuman ang pagtatalo ng dalawa subalit ang akala lang nito ay sinusuntok lamang ni Corpuz si Bumalod at ng kanilang tiNgnan, nakita na lamang nilang pinagsasaksak na ito ng suspek.

Nagtamo ng 11 saksak sa iba’t ibang parte ng katawa ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Sinampahan na ng kasong homicide ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

LOLO NAGBARIL SA ULO

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa matinding depression, tinapos na ng isang lolo ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa Caloocan City, Martes ng hapon.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Justiniano Malinana, 81, residente ng No. 98 Salvador St. Brgy. 150, Baesa.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng kanyang anak na si Marivic Enriquez, 54, ang kanyang ama sa loob ng kuwarto nito na duguan na may tama ng bala sa ulo at wala na itong buhay.

Dahil dito ay agad humingi ng tulong sa kanyang mister si Enriquez bago mabilis na isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit, hindi na rin ito umabot nang buhay.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang cal. 22 revolver na kargado ng isang basyo ng bala at dalawang hindi pumutok na bala at suicide note kung saan nakasaad ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

71-ANYOS LOLO PISAK SA BATO SA QUARRY SITE

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

BASAG ang ulo ng isang lolo makaraan mabagsakan ito ng malaking bato sa isang quarry site, iniulat sa probinsya ng Albay.

Kinilala ang biktimang si Melchor Balderama, 71-anyos at residente ng Brgy. Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Batay sa report ng Sto. Domingo PNP, nagtungo sa quarry site ang biktima kasama ang kaibigan para sana kumuha ng graba at buhangin.

Subalit, habang nasa gitna ng quarry site si Balderama, bigla na lamang gumuho ang malaking bato at nabagsakan ang biktima.

Napag-alaman na may taas 10 metro ang taas ng pinagkukunan ng mga ito ng buhangin at bato.

Nakita naman ng kanyang mga kasama ang pagbagsak ng biktima pero inabot pa ng higit sa 30-minuto ang kanilang pagtulong sa takot na baka may sumunod pang bumagsak at sila ang matamaan.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

 

Please follow and like us:
Read More