LOLA NAMATAY SA EVAC CENTER

PATAY

BATANGAS –  Isang lola ang namatay habang nasa evacuation center sa Santo Tomas,  sa lalawigan. Kinilala ang namatay na si Zenaida Ortilla, 72, mula sa Talisay, Batangas. Hiling ng pamilya ng nasawi na mailibing ito sa Talisay na kasalukuyang lockdown. Lumikas ang Pamilya Ortilla mula sa Talisay, isang bayan malapit sa Bulkang taal, dahil na rin sa pagbuga nito ng mga abo. Napag-alaman na bedridden na ang lola nang mga panahon na iyun. oong Sabado isang evacuee mula sa San Nicolas ang namatay dahil sa atake sa puso sa San…

Read More

LOLA UTAS SA SUV NG DOKTOR

accident121

(NI FRANCIS SORIANO) KASONG reckless imprudence resulting in homicide ngayon ang haharaping kaso ng isang 59-anyos na doktor matapos nitong mabundol at mapatay ang isang lola sa Malabon City, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Dr. Emmanuel Santos, 58, ng 95 C. Arellano St. Brgy. Ibaba habang ang biktima  naman ay nakilalang si lola Iluminada Matias, 68, ng 32 Paez St. Brgy. Concepcion. Ayon imbestigasyon nina P/Cpl. Anthony Codog at P/Cpl. Robert Hugo, dakong alas-5:30 ng madaling araw, minamaneho ni Santos ang kanyang Toyota…

Read More

LOLA NATUSTA SA SUNOG

(NI ANNIE PINEDA) MISTULANG uling nang matagpuan ang bangkay isang lola nang ma-trap ito sa nasunog niyang bahay nang magsindi ng posporo at itinapon sa mga labahin na damit, kaninang madaling-araw sa lalawigan ng Isabela. Kinilala ang biktimang si Magdalena Garcia, 90-anyos at residente ng Purok 7, Sunset Village , Isabela City. Batay sa report ng Isabela-PNP, dakong ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima. Lumabas sa imbestigasyon, nagsindi ng kandila ang biktima sa loob ng kanyang silid at aksidenteng…

Read More

LOLA, 82-ANYOS, PISAK SA MOTORSIKLO 

(NI ANNIE PINEDA) PISAK ang isang lola matapos masagasaan ng humaharurot na motorsiklo, sa Davao City. Kinilala ang biktimang si Pacita Ococa, 82, ng Purok 2-A Poblacion Laac, Laak, Davao de Oro. Sumuko naman sa pulisya ang suspek at driver ng motorsiklo na kinilalang si Janrey Tibor, 22, ng Purok 1, Macopa, Laak, Davao de Oro, Batay sa report ng Laak PNP, dakong alas 12:30 hapon nang maganap ang insidente sa Purok 2-A, Poblacion, ng nasabing probinsya. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng suspek ang kanyang motorsiklo pauwi sa…

Read More

LOLANG BAKASYUNISTA PATAY SA SUNOG SA PUERTO PRINCESA

(NI JG TUMBADO) PATAY ang 67-anyos na babae makaraang masunog ang tinutuluyan nitong bahay sa Puerto Princesa City, Palawan, Miyerkoles ng gabi. Kasabay nito, nabatid mula kay Fire Marshal Chief Inspector Nilo Caabay, Jr. na aabot sa siyam na bahay ang natupok sa sunog na nagresulta ng halaga ng pinsala sa P200,000. Dakong alas-7:46 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Purok Huwaran, Barangay Tiniguiban ng nasabing lungsod. Bandang alas-9:00na ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy. Ilang oras matapos maapula ang sunog ay natagpuan ng kanyang anak na si…

Read More

80-ANYOS NANAY SINAKSAK NG GUNTING NG ANAK

(NI SIGFRED ADSUARA0 IMBES na magpasalamat sa pagsisilbi sa kanya ng Ina, saksak ang tugon ng isang 50-anyos na lalaki sa matanda na nitong Ina nang  hindi nagustuhan ang pagkain na inihanda para sa kanya sa Dasmarinas City, Cavite. Ginagamot ngayon sa ospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Eliza Edradan, 80, na nasa ligtas ng kalagayan  habang hawak na ng pulisya ang anak nitong si Edwin Edradan, may-asawa ng Blk 96 Zone 10, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmarinas City…

Read More

LOLA NATUSTA SA SULO

(NI SIGFRED ADSUARA) TULUYAN nang hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 78-anyos na Lola nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Cavite City. Kinilala ang biktima na si Apolonia Valenzuela,  biyuda,  ng 706 Romualdo St., Brgy 24, Caridad, Cavite City. Sa ulat ni FO1 Julie De Villa, ng Cavite City  Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2:30 Huwebes ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa barong-barong ni Lola Apolonia at dahil sa gawa lamang sa light materials ay mabilis na nilamon ng apoy at maging ang…

Read More

LOLA NI-RAPE, POSIBLENG MABULAG SA SUNTOK NG RAPIST

rape

(NI ANNIE PINEDA) KAAWA-AWA ang sinapit ng isang lola na posibleng umanong mabulag matapos itong gahasain at suntukin sa mata ng isang lalaki na hinihinalang adik sa droga, sa Iloilo City. Inoobserbahan ngayon sa ospital ang biktima na hindi pinangalanan ng kanyang pamilya, at residente ng Barangay Batiti, Concepcion, Iloilo. Nadakip naman ang suspek na si alyas Boy, 18, binata at residente ng nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng madaling-araw nang maabutan ang biktima ng kanyang anak sa labas ng bahay nito at duguan ang…

Read More

63-ANYOS NA LOLANG SASAMBA, UTAS TRAK

north cotabato 12

(NI BONG PAULO) DEAD on arrival sa ospital ang isang senior citizen matapos mabangga ng pickup truck sa harap ng simbahan ng Iglesia Ni Cristo, sa Barangay Baguer, Libungan, North Cotabato. Kinilala ang biktima na si Luzviminda Norilla Galvez, 63, balo, ng Sitio Baleleng ng naturang barangay. Habang kinilala naman ang driver ng pick-up truck na nakabangga sa biktima na si Jhon Leo Tobias Reoma, 26, ng Barangay Presbitero, Pigcawayan. Sa ulat ng Libungan PNP, patawid sana ang biktima para magsimba nang biglang mahagip ng humaharurot na Mitsubishi Strada na…

Read More

LOLA KINATAY NG KAAWAY NA PAMILYA 

(NI ANNIE PINEDA) DAHIL lamang sa sumabay sa paglalaba, pinagtulungan pagtatagain ng isang pamilya ang lola matapos ang pagtatalo sa isa sa mga suspek na hindi umano nagustuhan sa pakikisabay na maglaba ang biktima, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Misamis Oriental. Kinilala ang biktimang si Melodia Ordinal, 64, ng Purok 3,Brgy Mandahilag,Talisayan, Misamis Oriental. Habang nadakip naman ang mga suspek na mag-asawang Marian, Michael at anak nilang si Roberto Mandapiton, pawang mga residente ng nasabing lugar. Batay sa report ng Talisayan Police Station, magkasabay umanong naglalaba sina Ordinal at…

Read More

LOLA PINAPAK NG ‘ASUWANG’

(NI ANNIE PINEDA) BUTO na lamang ang dalawang kamay ng isang lola nang matagpuan ang katawan nito sa loob ng kanyang bahay matapos umanong papakin ng asuwang, iniulat kahapon sa Cebu City. Kinilala ang biktimang si Maria Abraham Miras, 86, at residente ng Barangay Candamyang, Santander, Cebu City. Batay sa report ng Santander PNP, nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay habang ang dalawang kamay nito ay nakabitin sa bubong at buto na lamang samantalang ang dalawang paa nito ay nakalusot sa ilalim ng sahig ng bahay. Kuwento…

Read More

LOLA, 29-ANYOS LOVER, NIRATRAT

(NI ANNIE PINEDA) PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pamamaril at pagpatay sa tatlo katao, kabilang ang mag-live in partner, nang tambangan ng mga suspek habang sakay ng motorsiklo, sa Negros Oriental. Kinilala ang mga nasawi na sina Heidi Rio, 60 anyos, nagtitinda ng herbal medicine, kinakasama nitong si Richard Billalos, 29, at John Anthony Bormelado, 15, pawang mga residente ng Sitio Cancaban, Barangay Banga, Bayawan City, Negros Oriental. Batay sa report ng Bayawan City Police Station, sakay ang mga biktima ng motorsiklo na may plakang XR 125 , galing…

Read More

BANGKAY NI LOLA ‘NILARO’ NG 2 TOTOY  

crime123

(NINA DONDON DINOY, ANNIE PINEDA) HINDI pinaglagpas ng dalawang binatilyo ang bangkay ng isang lola  na kalilibing lamang, matapos ilabas sa nitso at umano’y pagsamantalahan, iniulat kahapon sa Digos City. Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development-Digos City ang dalawang binatilyo na kilala sa mga alyas Panggong at Guyo, kapwa ng nasabing lungsod. Ayon sa Digos City Police Station, dumulog sa kanilang himpilan ang anak ng namayapang 83-anyos, para ireklamo ang ginawang pambabastos sa bangkay ng kanyang ina . Kuwento ng anak, kalilibing lamang ng kanilang ina, nang makitang…

Read More

LOLA DADALO SA PRAYER MEETING, NASAGASAAN, TIGOK

accident12

(NI ANNIE PINEDA) HINDI na umabot pa sa dadaluhan prayer meeting ang isang lola makaraan masagasaan ito ng humaharurot na motorsiklo, sa Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Demetria Guillermo, 64, ng Maramba, Lingayen , Pangasinan. Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa kalsada ng Maramba Blvd. ng nasabing bayan. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, patawid ang biktima sa kalsada patungo sa religious activity subalit nahagip ito ng suspek at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na agad nitong ikinamatay. Hindi naman nagawang tumakas ng suspek matapos itong sumemplang…

Read More

81-ANYOS LOLA NAHULOG SA JEEP, PATAY

crime44

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang 81-anyos lola makaraang mahulog sa sinasakyan nitong pampasaherong jeep na nahagip ng isang cargo truck sa Camarines Sur, Biyernes ng hapon. Nakilala ang biktima na si Elzabeth Gueruela ng Brgy. Bikal, Libmanan, sa nasabing lalawigan. Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nahagip umano ng papalusong na Mitsubishi Fuso double deck stake truck na may kargang 56 units ng iba’t ibang motorsiklo na nawalan ng preno ang pampasaherong jeep na nasa northbound pagsapit sa crossing ng Brgy. Tara, sa bayan ng Sipocot bandang alas-3:00…

Read More

LOLA, 2 BATA, PATAY SA PACO FIRE

(NI HARVEY PEREZ) PATAY sa suffocation ang tatlo katao, kinabibilangan  ng isang lola at dalawang bata nang ma-trap sa  sunog na sumiklab sa isang residential area, Biyernes ng tanghali  sa Paco, Maynila. Wala nang buhay nang matagpuan ng mga tauhan ng  Manila Fire Department ang mga nasawing sina  Veronica Lopez, 74; Jamila Erich Miranda, 2; at Don France Anco, 7, na hindi nakalabas  sa loob ng kanilang tahanan. Ayon sa  imbestigasyon  ng MFD alas 12:30 ng tanghali nang magsimulang maglagablab ang apoy sa tahanan ng mga biktima sa Cristobal Street,…

Read More

LOLA, 2 APO NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI ANNIE PINEDA) HALOS hindi na makilala ang sunog na bangkay ng isang lola at dalawang apo makaraan tupukin ng apoy ang gusali habang natutulog ang mga ito, kaninang madaling-araw sa Davao de Oro. Kinilala ang mga nasawi na sina Mariarita Mag-aso, 73; at mga apo na sina Mark Prince Ladroma, 9, at Willy Boy Mag-aso, Grade 8 student, ng Purok 3, Brgy. Poblacion, Davao de Oro. Batay sa report ng Compostela Fire Station, madaling-araw nitong Lunes nang magsimula ang sunog sa isang commercial building sa nasabing lugar kung saan…

Read More

BEBOT NAMBOLA SA LOLA, TIMBOG SA SIMBAHAN

ARRESTEDHAND12

(NI ALAIN AJERO) DINAKIP sa entrapment operation ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling  tangkaing huthutan ang isang senior citizen na negosyanteng babae, Huwebes ng umaga sa Malabon City. Arestado si Cristina Clarito, 33, ng 47 Emilio Jacinto St., Brgy. Concepcion matapos tanggapin ang P2,500 marked money at original na titulo ng lupa mula kay Claudia Ramirez-Golosino, 62, ng 92 Emilio Jacinto St. sa loob ng Immaculate Conception Church dakong alas- 10:40 ng umaga. Nabatid na nagpakilala si Clarito na kasapi ng TUPAD, isang grupo ng streetsweepers at…

Read More

LOLA NA DRUG COURIER TIMBOG

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Isang 63-anyos na babae na hinihinalang drug courier ang nasakote ng pulisya habang magdedeliber umano ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P587,000 sa bayan ng Infanta lalawigang ito, Miyerkoles ng gabi. Dinakip ng mga operatiba si Marilyn Galvan, residente ng Meycauayan, Bulacan, na may dalang dalawang plastic ng shabu sa loob ng kanyang bag habang nakatayo sa tapat ng isang electronics store sa kabayanan, bandang 6:30 ng gabi, ayon sa report ni Major Dandy Aguilar, Infanta police chief. Ang suspek ay kilala rin sa…

Read More

LOLA SUGATAN SA JEEP

accident

(KEVIN COLLANTES) Sugatan ang isang 73-anyos na lola nang masagi ng isang pampasaherong jeepney habang tumatawid sa kalsada sa Barangay Sto. Niño, Marikina City nitong Martes. Nilapatan na ng lunas sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Angelica Rodriguez, 73, ng naturang lungsod, habang nakapiit naman sa Marikina Custodial facility ang suspek na si Mark Anthony Solivas, 19, jeepney driver, na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury. Sa ulat ng Marikina City Police, lumilitaw na dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa…

Read More

CP BINALIKAN; LOLA KASAMANG NILAMON NG BAHA

crime145

(NI GUILLERMO OCATAVIO) PATULOY na pinaghahanap ang isang 60-anyos na lola na tinangay ng agos nang balikan ang naiwan na cellular phone at abutan sa loob nang magiba ang kanilang bahay matapos ang malakas na buhos ng ulan at biglaang pagbaha sa Caloocan City. Hindi pa muling nakikita si Stephanie Apolinario Rin, mula nang lamunin ng tubig-baha kasama ng kanilang nawasak na tahanan patungo sa kalapit na sapa. Sa kasagsagan ng buhos ng ulan at pagbaha ay binalikan umano ng lola ang kanyang cellular phone sa kanilang bahay sa Matrix…

Read More

LOLA NALITSON NANG BUHAY

fire

(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang 82-anyos na lola matapos malitson sa nasusunog nitong bahay sa relocation site sa barangay Magsaysay, Kidapawan City, Sabado ng tanghali. Kinilala ang biktima na si Rosita Diaz na umano’y mag-isa lamang sa bahay nang maganap ang insidente. Hindi na umano nakalabas ng kanilang bahay si Diaz dahil sa sobrang katandaan nito. Nakakandado rin ang kanilang gate kaya maging ang mga kapitbahay ay hindi na siya nasaklolohan. Ayon sa ulat, posibleng nagsiga umano ang matanda para magluto ng kanyang pananghalian. Isa ito…

Read More

LOLA, NANAY, HULI SA DROGA

zambales12

(NI JAY CZAR CRUZ DELA TORRE) ZAMBALES – “Pampalakas sa paglalabada.” Iyan ang sinabi ng 37-anyos na nanay na may 10 anak na si Mechelle Realino, habang gamot naman daw sa kanyang hika ang dahilan ni Lola Alicia Caseja, alyas Beng, 62, sa paggamit nila ng shabu matapos silang mahuli sa ikinasang operasyon kontra iligal na droga sa bayan ng Subic noong Sabado ng gabi. Gayunman, hindi ito hadlang para hindi ikulong ang mga suspect at pagbayaran ang nagawa. Ayon sa hepe ng Subic Municipal Police Station na si Police…

Read More

85-ANYOS NA LOLA NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI BONG PAULO) NASUNOG nang buhay ang isang 85-anyos na lola nang matupok ng apoy ang kanilang karinderya sa National Highway ng Barangay Poblacion, Antipas, North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw. Sa ulat ni FO2 Mikhail Joseph Cadungon, ng Antipas BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-12:45 ng madaling araw at tuluyang na fire-out matapos ang isang oras. Kinilala ang nasawi na si Presca Dag-oman, residente ng nasabing lugar. Nakulong ito sa kusina nang kumapal ang usok at hindi na nagawang mailigtas ng mga kaanak.

Read More