CHRISTMAS TREE SA PLAZA NAGLIYAB

(NI KIKO CUETO) BACOLOD CITY — Nasunog ang isang Christmas tree Huwebes ng gabi sa gitna ng plaza sa bayan ng Hinigaran, Bacolod. Ito kasunod ng pag-spark ng isang wire ng Christmas lights. Agad na rumesponde at naagapan ito ng Bureau of Fire Protection (BFP). Sinabi ni Andrew Cayetano, ng BFP, dalawang araw na hindi pinailaw ang Christmas tree dahil sa ulan. Muli itong pinailaw ng alas-6 ng gabi ng Huwebes at may nakitang nag-spark at doon na nagsimula ang apoy. Agad namang naapula ng BFP ang sunog.  

Read More

GRADE 7 NAGLIYAB SA COSTUME SA INTRAMURALS

crime43

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY—Nagtano ng mga paso sa katawan nang biglang lumiyab ang suot na abaka costume ng isang Grade 7 na mag-aaral sa paaralan ng Calinan nitong lungsod, ala-1:00 nga hapon, Biyernes, Oktubre 25. Sa imbestigasyon ng mga otoridad kinilala ang biktima na isang Ann, 13-anyos, residente nga Brgy. Calinan Proper. Nagsasagawa umano ng programa ang paaralan para sa Mr. & Ms. Intramurals kung saan kandidata ang biktima. Ayon sa mga otoridad nasa loob ng silid aralan ng Grade 3 ang biktima kung saan inaayos ng mga kaklase…

Read More

LALAKI LUMIYAB, TIGOK; 1 KRITIKAL

(NI ANNIE PINEDA) LUMIYAB sa gitna ng palayan ang isang lalaki habang kritikal sa ospital ang kaibigan nito makaraan tamaan sila ng kidlat, sa Capiz. Kinilala ang namatay na si Frederick Medalla habang sugatan ang kaibigan nitong si Fredy Uadan, kapwa residente sa bayan ng Ivisan, Capiz. Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang mga biktima sa gitna ng palayan kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Danilo Macato pauwi sa kani-kanilang tahanan nang biglang bumuhos ang ulan. Dahil sa walang masilungan mabilis na tumakbo si Macato at may…

Read More