5.6 MAGNITUDE QUAKE TUMAMA SA DAVAO OCCIDENTAL 

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 5.6 magnitude lindol ang tumama sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental, ayon sa Phillippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs alas 12:10 ng madaling araw tumama ang lindol na may lalim na 143km,tectonic ang pinagmulan nito.

Wala namang inaasahang damage sa naganap na lindol at wala ding inaasahang aftershocks.

Please follow and like us:
Read More

DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 6.2 LINDOL

davao oriental12

ISANG  6.2 -magnitude na lindol ang naranasan sa Governor Generoso, Davao Oriental nitong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang epicenter ay nasa 92 kilometers southeast ng Governor Generoso, bandang alas-6:12 ng gabi.

Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay tectonic origin at may 76-kilometer depth of focus.

Ang pagyanig ay naitalaga sa mga sumusunot na intensity:

Intensity V – Mati City

Intensity II – Bislig City

Instrumental intensities

Intensity IV – Alabel and Kiamba, Sarangani

Intensity III – Kidapawan City

Intensity I – Cagayan de Oro City; Bislig City

Asahan umano ang mga aftershocks kasunod na naganap na lindol.

Walang pinsalang inaasahan ang Phivolcs sa lindol.

Please follow and like us:
Read More

MGA DAPAT GAWIN MATAPOS ANG LINDOL 

AFTER EARTHQUAKE.jpg

(Ni Edzer Lanuza /Huling labas) 

BAGAMAN hindi na bago ang Pilipinas sa mga pagyanig dulot ng lindol ay nararapat pa rin ang paulit-ulit na drill o pagsasanay at mga paalala lalo pa’t marami ang nakalilimot sa mga dapat gawin sa oras na tumama ang lindol at matapos ito.

Sa kasaysayan ng lindol sa Pilipinas, kabilang sa mga hindi malilimutang kaganapan ang Casiguran earthquake na tumama noong August 2, 1968.

268 ang iniulat na namatay rito at 261 naman ang nasugatan. Ito rin ang dahilan ng pagguho ng Ruby Tower sa Binondo, Maynila.

Nagdulot rin ang 7.3 magnitude na lindol sa Casigu­ran ng malawakang landslide at tsunami sa bahagi ng nasabing lalawigan,

This 7.3-magnitude earth­­quake killed a total of 270 people and also caused massive landslides and tsunami in Casiguran,

Madaling araw nang maganap ang Casiguran quake kaya halos lahat ng mga biktima ay nasa kahimbingan ng pagtulog.

Ito ang sinasabing dahilan kaya halos naubos manga­matay ang mga residente sa Ruby Tower na isang commercial/residential 6-storey building. Nakatayo ang gusali sa T. Alonso at Doroteo Jose Sts. sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa tindi ng pinsala, halos nawasak ang buong gusali.

At bilang alaala sa mga nasawi sa Ruby Tower na ka­ramihan ay Filipino-Chinese, isang memorial tower ang itinayo noong 1974 sa loob ng Manila Chinese Cemetery.

Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy ay may payo sa publiko kung ano ang mga dapat gawin sa sandali ng lindol:

Kung inabutan ng lindol sa isang lumang gusali, maglakad nang mabilis at ha­napin ang pinakaligtas na daan.

Lumabas nang matiwasay at maayos nang hindi nag-uunahan.

Gumamit ng hagdan sa pagbaba. Huwag gumamit ng elevator.

Suriin ang sarili at ang iba sa mga pinsala.

Maliban kung nanganga­ilangan ng kagyat na tulong:

Huwag gamitin ang linya ng inyong telepono upang tumawag sa mga kamag-anak at

kaibigan. Ang mga linya ng telepono ay kailangan ng mga maykapangyarihan para sa madaliang pagkalap at pagsasalin ng mga impormasyon tungkol sa kalamidad na naganap.

Huwag gamitin ang inyong sasakyan upang magmaneho at magmasid sa mga napinsalang lugar. Kailangan ang maluwag na kalsada para sa mabilis na operasyon ng mga taong magliligtas at magbibigay tulong sa mga taong napinsala.

Tumulong na pababain ang bilang ng mga taong na­pinsala.

Huwag pumasok sa mga gusaling may nasirang bahagi. Maaaring matuluyan ang pagkaguho o

pagbagsak ng mga ito kapag dumating ang malalakas na “aftershock”.

Makinig at mangalap ng balita at mga instruksyon ga­ling sa mga awtoridad tungkol sa mga paraan ng pag-iwas sa mga sakuna sa pamamagitan ng pakikinig sa mga de bater­yang transistor.

Sumunod sa mga reglamentong pangkaligtasan.

Siyasatin ang kapaligiran.

Linisin ang mga lumigwak o natapong nakalalason at madaling magliyab na mga kemikal upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga ‘di kanais-nais na pangyayari at pagdami pa ng mga mapipinsala. Alamin ang posibilidad ng pagkakaroon ng sunog at agad na kontrolin

at supilin ito.

Siyasatin ang linya ng tubig at kuryente. Tingnan kung nagkaroon ng diperensya o sira ang mga ito.

Kung inaakalang nagkaroon ng sira, patayin ang pinaka-linya ng tubig o kuryente.

Kung kinakailangang lisanin ang tahanan, mag-iwan ng mensahe kung saan nakasaad ang lugar na patutu­nguhan.

Dalhin ninyo ang “gamit pangkaligtasan pang lindol”, na naglalaman ng mahalagang bagay para sa inyong proteksyon at kaginhawaan.

Tandaan, maging handa sa anomang kalamidad at iwasan ang mag-panic upang mailigtas ang sarili at makapag­ligtas din ng kapwa.

(Mga impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Bureau of Fire Protection)

Please follow and like us:
Read More

20,000 LINDOL TAUN-TAON 

Prince William Earthquake

(Ni Edzer Lanuza /Ikatlong labas) 

SA tala ng National Earthquake Information Center (NEIC) na karaniwan ang 20,000 earthquakes na nagaganap kada taon (tinatayang 50 bawat araw) sa buong mundo.

Datapwa’t milyun-milyong lindol ang nakakalkulang nangyayari taun-taon sa iba’t ibang bansa subalit dahil sa sobrang hina ng pagsalakay ng mga ito, hindi naitatala.

Samantala, sa bawat taon, ang southern California area ang tinatamaan ng tinatayang may 10,000 earthquakes, pero karamihan dito ay hindi napapansin.

Gayunman, kung may isang malaking lindol, ang aftershock sequence ay lumilikha ng mas maraming paglindol sa lahat ng magnitudes sa loob ng mga buwan.

Halos 80% paglindol sa planeta ay nagaganap sa gilid ng Pacific Ocean na tinatawag na “Ring of Fire”; isang region nakapaligid sa Pacific Ocean na tahanan ng 452 volcanoes (75% active at dormant volcanoes sa buong mundo).

Ang largest recorded earthquake sa United States ay isang magnitude 9.2 na tumama sa Prince William Sound, Alaska noong March 28, 1964.

Samantalang ang largest recorded earthquake sa mundo ay nasa magnitude 9.5 na naganap sa Chile noong May 22, 1960.

Nang maganap ang Chilean earthquake noong 1960, nakapagtala ang seismographs ng seismic waves na naglakbay sa palibot ng mundo. Ang seismic waves ay yumanig sa earth sa loob ng ilang araw.

Ang undersea earthquake sa Indian Ocean ay nagbunsod ng serye ng nakapangwawasak na tsunamis noong Dec. 26, 2004.

Tinamaan ng tsunamis ang mga baybayin ng karamihang landmasses na humahanggan sa Indian Ocean, nagdulot ng 100-foot waves at kumitil sa mahigit 225,000 katao sa 11 mga bansa.

Kilala ang Alaska sa most earthquake-prone state at isa sa pinaka-seismically active regions sa buong mundo. Ang region ay nakararanas ng magnitude 7.0 lindol kada taon.

At nakararanas din ng isang magnitude 8.0 o higit pang laki ng paglindol humigit kumulang isang beses tuwing ika-14 taon ang nasabing bansa.

Samantalang dahil ang Pilipinas ay nakahimlay sa kahabaan ng Pacific Ring of Fire, kaya’t madalas tayong nakararanas ng seismic at volcanic activity sa ating bansa.

Nakaranas ang bansa ng 17 iba’t ibang intensity ng pag­lindol simula 17th century. Kung saan naganap ang napakatinding paglindol sa intensity IX sa Southern Luzon noong 1648.

Isa itong napakarahas na pagyanig kung saan nagdulot ng napakalaking kapinsalaan sa mga gusali at nagpahirap sa buhay ng mga tao.

Ang magnitude 7.5 quake na tumama sa Luzon noong November 30, 1645, ang pinakamalakas na naganap na paglindol simula Spanish conquest.

Winasak nito ang newly constructed churches at Manila Cathedral, maging ang residential villas at mga gusali sa siyudad at kalapit na lalawigan. Umabot sa 600 katao ang naitalang patay rito.

Isa sa ‘di malilimutang bagsik ng pagyanig ng lupa ay naganap noong mid to late

20th century sa bansa.

Kung saan isang magnitude 8.0 earthquake ang tumama sa Mindanao noong August 16, 1976.

Ang quake ay nagbunsod ng nakapangwawasak na tsunami na tumama sa 700 km coastline sa isla ng Mindanao na humahanggan sa Moro Gulf sa  North Celebes Sea.

Tinatayang 5,000 – 8,000 katao ang namatay rito. Ang major cause sa napakalawak na dami ng casualties ay dahil nangyari ito sa hatinggabi kung saan tulog ang mga tao.

Isang napakalaking tsunami ang umikot, humampas sa mga baybayin mula sa iba’t ibang direksyon at sumalakay sa mga taong walang kaalam-alam.

Sa magnitude 7.2 earthquake na tumama sa Bohol noong October 15, 2013 dakong alas 8:12 a.m., 222 ang naiulat na nasawi rito habang 796 ang sugatan. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

AFTERSHOCKS NARARAMDAMAN PA RIN

phivolcs lindol12

(NI JEDI PIA REYES)

PATULOY na nararamdaman ang aftershocks sa mga malalakas na lindol na naranasan sa ilang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hanggang alas-8:00 ng Linggo ng umaga, naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang 883 aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nuong Lunes. Mula sa nasabing bilang, 111 ang plotted habang 11 ang may intensity o naramdaman.

Nakapagtala rin ng aftershocks sa magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar na umabot na nitong Linggo ng 158 kung saan ay 33 ang plotted at anim ang naramdaman.

Aabot naman sa 481 ang aftershocks ang namonitor ng Phivolcs dahil sa malakas na lindol sa General Luna, Surigao del Norte. Nasa 173 ang plotted habang tatlo ang may intensity.

Samantala, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroon pa ring limang indibidwal na nawawala sa Region 3 matapos ang lindol sa Castillejos, Zambales.

Sa huling situational report ng NDRRMC, 3,632 pamilya o katumbas ng mahigit 17,410 na indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa nasabing rehiyon.

Naitala rin ang 1,549 na bahay na napinsala sa Bataan at Pampanga habang mayruon pang 334 istruktura at gusali ang nasira sa Region 1, 3, National Capital Region at Calabarzon.

Nasa mahigit P505 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga eskuwelahan, kalsada at tulay sa Region 1, 3, Calabazon at NCR.

 

Please follow and like us:
Read More

NANG UMUGA ANG LUPA 

LINDOL-4

(Ni Edzer Lanuza / Ikalawang bahagi)

ANG intensity ay isang numerical rating base sa kaugnay na epekto sa tao, bagay, kapaligiran at mga istraktura sa kapaligiran. Ang intensity ay karaniwang mas mataas kung malapit sa epicenter.

Kinakatawan ito ng Roman Numerals (hal., II, IV, IX). Sa bansa, ang intensity ng isang lindol ay tinutukoy ­gamit ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS).

Ang lindol ay maaaring maging sanhi ng malawak na pinsala sa mga gusali at imprastraktura, nag-uudyok ng tsunami, at binabago ng ­puwersa ang surface ng Earth.

Taun-taon, nakapagtatala ang seismology bodies ng tens of thousands ng lindol, kung saan ilang malalayong bahagi ng daigdig ang mas nasa panganib na mapinsala kaysa sa iba.

Ang Pilipinas ay nakapagtatala ng humigit kumulang 20 lindol sa isang araw. Ayon kay Phivolcs Executive Director Renato Solidum, ang bilang na ito ay pangkaraniwan lamang.

“Iyung iba rito ay nararamdaman, di ganoon kalakas. Araw-araw namang mayroong nangyayari at nagkakataon na mayroong malaki sa isang araw, at sa susunod na araw.

“Normal po iyon, kasi ganoon kaaktibo ang ating bansa pagdating sa mga paglindol,” dagdag pa nito.

At dahil na rin, ang bansa ay nakasakay sa Pacific “Ring of Fire”, isang arko ng napakatinding seismic activity simula sa Japan hanggang sa Southeast Asia at sa ibayo pa ng Pacific basin.

Pero paano nga ba nagsisimula ang lindol, at paano nito nagagawang mas mapinsala ang ibang lugar kaysa sa iba?

Paano nagsisimula ang isang lindol?

Ang mga buto o pinanggagalingan ng isang lindol ay nakapatong sa tectonic plates na bumubuo sa Earth’s surface at kung saan ang mga kontinente ay nakaluklok.

Napakabagal ng pagkilos ng nasabing plates, karaniwang dalawang sentimentro kada isang taon, dahil sila ay nakalutang sa liquid mantle ng planeta.

Sa miniscule movements, nangangahulugang alinman sa plates na ito ay nagbabanggaan (converging), lumilipat sa (diverging) o mabilis na dumadausdos (transforming) sa isa’t isa.

Kaya’t ang nasabing pagkilos sa plate boundaries ang responsable sa halos karamihang paglindol o pagyanig sa ilalim ng mga kalupaan.

Aftershocks, Foreshocks at Mainshocks

Ang aftershocks ay mga lindol na sinusundan ng largest shock sa isang earthquake sequence. Mas maliliit sila kaysa sa mainshock at nasa loob ng 1-2 fault lengths distance mula sa mainshock fault.

Maaaring magpatuloy ang aftershocks sa loob ng mga linggo, mga buwan, o mga taon. Kalimitan, ang napakalaking mainshock ay sinusundan ng mas malalaki rin at mas maraming aftershocks, at mas matagal ang kanilang pagpapatuloy.

Ang foreshocks ay mas maliliit na lindol na nauuna sa largest earthquake sa isang serye, na tinatawag na mainshock. Samantala, hindi naman lahat ng mainshocks ay may foreshocks.

Nagaganap ang lindol kapag ang dalawang bloke sa mundo ay biglang dumulas sa isa’t isa. Tinatawag na fault o fault plane ang ibabaw kung saan ito nagsasanga.

Tinatawag namang hypocenter ang lugar sa ilalim ng earth’s surface kung saan nagsimula ang lindol, at ang lugar, diretso paitaas sa ibabaw ng earth ay tinatawag na epicenter.

Ang scientists ang makapagsasabi kung ang lindol ay isang foreshock hanggang sa maganap ang mas malalaking paglindol. Ang largest, main earthquake ay tinatawag na mainshock.

Ano ang mga sanhi ng lindol at saan ito nagaganap?

Earth cross-section

May apat na major layers ang earth: ang inner core, outer core, mantle at crust.  Ang crust at ang tuktok ng mantle ay gawa sa manipis na (skin) kalatagan sa ibabaw ng ating planeta.

Pero ang nasabing ­kalatagan ay hindi pare-pareho- gawa ito sa maraming bahagi gaya ng isang  puzzle na sumusuklob sa earth.

Hindi lang ito, ang nasabing mga piraso ng puzzle ay mabagal na gumagalaw sa palibot, nag-uunahan silang dumausdos at bumunggo sa isa’t isa.

Ang nasabing mga bahagi ng puzzle ay tinatawag namang tectonic plates, at ang mga gilid ng plates ay ang tinatawag na plate boundaries.

Gawa sa maraming faults ang plate boundaries, at karamihan sa earthquakes sa buong mundo ay  pinangyayarihan ng nasabing  mga depekto o faults.

Dahil ang mga gilid ng plates ay magagaspang, ­naprepreserba ang mga ito habang ang ibang plates ay patuloy namang kumikilos o gumagalaw.

Sa kalaunan, ang  plates ay nalilipat sa ibang lugar, ang isa sa mga gilid nito ay  naglalabas naman ng fault at doon nagaganap ang isang ­paglindol.

Bakit nakakalog ang  earth kapag mayroong lindol?

Kapag ang mga gilid ng fault ay nagdidikit sa isa’t isa, ang ibang tipak dito ay ­gumagalaw, ang  energy na karaniwang nagiging dahilan ng pagdausdos ng mga tipak ay  naiimbak.

Kapag ang puwersa ng moving blocks ay sumobra sa pagkikiskisan, ang matalim (pointed)  na gilid ng fault ay  naghihiwalay, kaya’t ang napreserbang lakas ay napakakawalan.

Bunga nito, ang lakas o puwersa ay nagsasanga palabas mula sa fault patungo sa lahat ng direksyon sa isang uri ng seismic waves, na  gaya nang pag-alpas ng mumunting alon sa lawa.

Ang natural events gaya ng volcanic eruptions at meteor impacts ay maaaring pagmulan ng lindol, pero karamihan sa naturally-occurring earthquakes ay bunsod ng movement ng earth’s plates.

Nagtataglay ang earth’s surface ng 20 tuloy-tuloy na moving plates. Nadadagdagan ang pressure mula sa shifting plates kaya’t maaaring pagmulan ito ng pagkabasag ng crust.

Ang nasabing pagkabasag ay nagbubunga ng ­puwersa para mapakawalan ang energy, na kumikilos sa earth sa anyo ng mga alon o waves (at ito ang earthquakes).

Karaniwan, hindi ang pagkalog mismo ang kumukuha ng buhay ng mga tao sa panahon ng paglindol. Kundi ang koneksyon nito sa pakagiba ng man-made structures.

Gayundin, namamatay ang tao sa pagkapukaw ng iba pang natural disasters tulad ng tsunamis, mga pagguho at landslides. Samantala, hindi lang sarili mo ang dapat pagplanuhan sa  pagdating ng lindol.

Kundi maging ang mga alagang hayop ay nangangailangan din ng isang disaster plan. Gumawa ng earthquake plan para sa mga hayop sa paligid, para sa pagsalakay ng disaster, nakahanda ka na.         (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

LINDOL!

LINDOL-3

(Ni Edzer Lanuza / Unang Labas)

NOONG Lunes ng hapon, binalot ng masidhing sindak at pangamba ang mga naninirahan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon nang yanigin ng 6.1 magnitude lindol ang kalupaan.

Ang magnitude 6.1 tremor ay tumama dakong alas-5:11 ng hapon sa local time. Sa kasalukuyang reports, umabot na sa 18 ang natagpuang nasawi.

Sa pinakahuling ulat, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, 15-katao na ang naitalang patay sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga.

Marami pang tao ang pinaniniwalaang na-trap sa ilalim ng nag-collapse na gusali sa lalawigan na pinaniniwalaang worst-hit area.

Ayon kay Pineda, bagaman may nakikita pang mga bangkay, inuunang sagipin ang mga buhay pa. “Maririnig mo silang nananangis sa sakit. Pero ‘di madaling mailigtas sila.”

Bukod pa rito, may tatlo pang patay na naitala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Pampanga noong Martes ng umaga.

Namatay sa Lubao ang 56 anyos at ang 7 anyos na maglolo matapos matabunan ng mga pader. Sa Zambales, nagdulot ng landslide ang lindol kung saan namatay ang 6 anyos na bata sa pagguho.

Sa pahayag ni Jaime Melo, president ng Clark International Airport Corporation, pito ang nagtamo ng minor injuries nang bumagsak ang isang bahagi ng kisame sa  check-in lobby ng passenger terminal.

Gumewang-gewang din ang skyscrapers dahil sa puwersa ng lindol, dahilan para magtakbuhan palabas ang ­office workers sa  high-rise buildings sa Maynila.

Patuloy pang ina-assess ng National Grid Corporation of the Philippines ang lawak ng pinsala sa transmission lines sa Luzon, sanhi ng power outages sa ilang bahagi ng bansa.

Nagkaroon ng power interruption sa ilang bahagi ng lugar tulad sa Pangasinan, La Union, Pampanga, Bataan, ­Quezon, Batangas. Camarines Sur at Sorsogon.

Samantala, ayon kay ­Philippine Institute of ­Volcanology and Seismology (PHILVOCS) Director/Usec Renato Solidum, 79 ­aftershocks ang na-monitor kinabukasan matapos ang pagyanig.

Nilinaw ng USEC na sa sequence ng earthquake kapag ang unang lindol na ­dumating ay malaki, tinatawag itong main shock, at ang sumunod na maliliit ay aftershocks.

“Pero kung sakaling next few days ay nagkaroon ng mas malaki, ang naunang earthquake ay magiging foreshock o main shock, at ang susunod na maliliit ay aftershocks.”

Sinabi nitong sa isang earthquake sequence hindi naman nagtatapos ang ­terminology  application, puwedeng mas maging mataas ang susunod na pagyanig.

Pero sa kaso ng katatapos na earthquake, sinabi niyang di gayon kalaki ang kumilos na fault, “Baka mas malamang ang sumunod na lindol ay mas maliliit sa naunang 6.1.”

“Hindi natin inaalis na baka kapareho o mas malakas nang bahagya ang sumunod na mangyari, pero  kadalasan mas maliliit ang mga sumusunod,” sabi pa nito.

Nilinaw rin niyang ang dumaang paggalaw ay isang local fault o walang pangalan. O  hindi ito ang kalinya ng kinatatakutan ng marami, ang sinasabing ‘Big One’.

Ang ‘Big One’ ay isang hypothetical earthquake na magnitude 8 o higit pa, na ­inaasahang magaganap ngunit di tiyak kung kailan dahil hindi pa ito nape-predict ng scientists.

Samantala, ayon pa sa USEC, depende  ang impact ng lindol sa kinaroroonan ng tao. Kung ground floor lang at mababa ang bahay o building madaling matapos ang pag-uga.

Pero kung ang opisina ay nasa highrise building, kahit tapos na ang paggalaw ng lupa, ang building ay magba-vibrate pa rin hanggang tumigil ang pag-uga.

Sinabi pa ng USEC, nilo-locate ang bawat lindol kung saan ito nagmumula. Kung ang aftershocks ay ‘di mula sa pinanggalingan ng malakas na pagyanig, isa itong separate sequence ng insidente.

Ipinahayag niyang patuloy ang operations sa ­monitoring ng lindol, walang tigil ang pagbabantay. Paalala niyang kung may makitang damages sa gusali, kailangang lumabas ang mga tao.

Kaugnay nito, kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) USEC Ricardo B. Jalad, ang reports ng damages sa tatlong probinsya ng Region 3 ang Bataan, Zambales at Pampanga.

Ayon kay USEC Jalad, nakatuon ang operasyon sa Lubao, Porac at Clark. Sa Porac, kumpirmadong apat ang nasawi, apat ang nawawala at pito ang na-rescue mula sa gumuhong supermarket dito.

Kinumpirma rin niya ang minor reports ng damages sa Bataan. Sa Zambales, sa ulat  ng earthquake induced landslide at pinsala sa Clark International Airport.

Sa NCR, tanging ang ­tumabinging gusali sa Emilio Aguinaldo College pa lamang ang naiuulat, bagaman hinihintay pang makumpleto ang reports habang sinusulat ito.

Aniya, di  naman napakalaki ang impact ng lindol kaya hindi gayon karami ang response units at reponders pero  maraming nakaistambay na region para sa tulong.

Iniutos naman ng Pangulo sa NDRRMC na tiyakin ang kaligtasan ng mga kababayan, pangunahin ang pagsasagawa ng inspeksyon sa kanya-kanyang mga gusali.

Paalala ng USEC, ang lindol ay isa sa natural hazards na dapat paghandaan kaya may quarterly earthquake drills na dapat pagtuunan ng pansin para sa mas malakas na lindol na darating.

Mahalaga rin umanong paghandaan ang pagpapatibay sa mga gusali at kabahayan, at pangunahing pangangailangan ng mga tao at ng mga ­organisasyon.

Kasama rin sa paghahanda ang battery ng cellphone, tubig, pagkain gaya ng ready-to-eat foods, iba pang hygiene kits, damit at mga gamot.

Please follow and like us:
Read More

4.4 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA DAVAO OCC.

davao occ12

(NI DAHLIA S. ANIN)

ISANG lindol na naman ang naganap, Huwebes ng alas 9:34 ng umaga, sa Mindanao malapit sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay galing sa dagat na 267 kilometro mula sa TimogSilangang bahagi ng bayan ng Saranggani sa Davao Occidental.

Ang lindol na aabot sa magnitude 4 hanggang 4.9 ay kinokonsidera na katamtaman lang ang lakas at hindi masyadong makapipinsala, ayon pa sa Phivolcs.

Ito ang pinakabagong naitalang lindol na nagpayanig sa tatlong pangunahing isla sa bansa ngayong linggo at ang ikalawa sa Mindanao matapos ang 4.7 na pagyanig sa Baganga,Davao Oriental nitong Miyerkules.

 

Please follow and like us:
Read More

EMILIO AGUINALDO COLLEGE BLDG SA MAYNILA, TUMAGILID

EAC121

(NI DAHLIA ANIN/PHOTO BY JHAY JALBUNA)

HINDI nakaligtas sa pagtama ng 6.1 magnitude na lindol ang Emilio Aguinaldo College Building sa UN Ave. Manila.

Ayon sa mga pulis, ang katabing building nito ay parehong gumalaw sa gitna ng lindol noong Lunes ng hapon.

May mga bumagsak na debris mula sa ikaanim na palapag ng gusali at  nakasandal na ito sa katabing building.

Ininspeksyon na ng pulisya ang gusali at pansamantalang isinara ang San Marcelino Street corner UN Avenue para sa kaligtasan ng publiko.

Nauna na umanong ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa safety officer ng EAC na huwag munang gamitin ang building dahil sa insidente.

Nilagyan na rin ng kordon ng tauhan ng DPWH ang isang linya sa UN Avenue para hindi na makagambala pa ang building at hindi na magdulot ng abala sa mga dumaraang motorista.

 

Please follow and like us:
Read More

7 SUGATAN SA GUMUHONG KISAME NG CLARK AIRPORT

clarkairport12

PITO katao ang iniulat na nasaktan matapos gumuho ang isang bahagi ng kisame ng Clark International Airport sa Pampanga matapos ang malakas na lindol na yumanig sa Luzon, Lunes ng hapon.

Sinabi ni Jaime Melo, president ng Clark International Airport Corp (CIAC) na bumigay ang check-in counter kung saan ilan ang isinugod sa ospital.

“Patuloy naming tinitingnan ang tindi ng pinsala gayundin ang pasilidad ng paliparan,” sabi ni Melo.

Ang Clark International Airport ang nagsisilbing alternatibo ng Ninoy Aquino International Airport at pansamantalang isasara sa loob ng 24-oras.

Please follow and like us:
Read More

LUZON, MM NILINDOL

phivolcs

NIYANIG ng 4.9 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, Sabado ng alas-5:58 ng hapon, ayon sa Phivolcs.

Natukoy ang epicenter nito sa layong 22 km hilagang kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro. May lalim itong 109 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Narito ang reported Intensities :
Intensity III – Abra de Ilog, Occidental Mindoro
Intensity II – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Quezon City; Parañaque City; Manila City
Intensity I – Paluan, Occidental Mindoro

Instrumental Intensities:
Intensity III – Calatagan, Batangas
Intensity II – Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tagaytay City
Intensity I – Dolores and Mulanay, Quezon; Olongapo City; Quezon City

Please follow and like us:
Read More

DAVAO OCCIDENTAL NIYANIG NG 5.6 LINDOL

davao3

(NI JEDI PIA REYES)

NIYANIG ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental at naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao, Sabado ng umaga.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, may lalim na 97 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity V sa Koronadal City habang naramdaman ang Intensity III sa Davao City.

Batay naman sa instrumental intensities, naitala ang Intensity V sa bayan ng Alabel, Sarangani; General Santos City sa South Cotabato; Intensity IV sa Kiamba, Sarangani at Intensity III sa T’Boli, South Cotabato at Davao City.

Sinabi ni Solidum na hindi na nila inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol na normal na nararanasan umano sa nasabing lugar. Gayunman, posible pa rin aniya ang aftershocks.

Please follow and like us:
Read More

SURIGAO NIYANIG NG 5.5 LINDOL, AFTERSHOCKS INAASAHAN

suri

(NI ABBY MENDOZA)

TUMAMA  ang magnitude 5.5 earthquake sa Surigao del Sur at dahil mababaw ang lindol at may kalakasan ay asahan umano na may kasunod na mga aftershocks, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs  alas 8:12 ng umaga nang maganap ang lindol na ang sentro ay naitala sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur province.

May lalim ito na 14km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman sa mga kalapit bayan ang pagyanig kung saan Intensity IV ang naitala sa  Bislig City, Surigao del Sur at  Intensity II naman sa Davao City.

Bagamat malakas ang naging pagyanig sinabi ng Regional Office Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) at Northeastern Mindanao Office of Civil Defense (OCD) na walang naitalang pinsala.

Please follow and like us:
Read More

ILOCOS NORTE NIYANIG NG 5.3 LINDOL

phivolcs

NIYANIG ng 5.3 magnitude na lindol ang 52 kilometrong northwest ng Burgos sa Ilocos Norte, Linggo ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol ng alas-3:46 ng madaling araw at tectonic ang pinagmulan na may 22 kilometro ang lalim.

Ang pagyanig na Intensity IV ay naramdaman sa Laoag, Ilocos Norte, at Intensity III sa  Badoc, Ilocos Norte; Bantay, Ilocos Sur; Magsingal, Ilocos Sur; San Ildefonso, Ilocos Sur; Santo Domingo, Ilocos Sur; Sinait, Ilocos Sur; at Vigan, Ilocos Sur.

Intensity IV din sa Pasuquin, Ilocos Norte; at Intensity III sa  Vigan City, Gonzaga, Cagayan.

Please follow and like us:
Read More

ZAMBO DEL NORTE NILINDOL

zambo

NIYANIG ng 5.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Western Mindanao. Naitala ito kaninang alas-11:11 ng umaga. Natukoy ang epicenter sa layong 22 km hilagang kanluran ng Baliguian, Zamboanga Del Norte. May lalim itong 35 km at tectonic ang pinagmulan. Dahil dito, naramdaman ang sumusunod na intensities: Intensity V – Siocon, Zamboanga del Norte Intensity IV – Zamboanga City; Liloy, Zamboanga del Norte Intensity III – Sindangan & Labason, Zamboanga del Norte Intensity II – Dipolog City; Manukan, Zamboanga del Norte

Please follow and like us:
Read More