‘LIFE BEGINS AT 40’, SIMULA NG KATAPUSAN

heart attac-1

ANG paniniwala tungkol sa ‘life begins at 40’ ay hango noong 20th century; una rito mas tumpak nilang pinaniniwalaang  ‘death begins at 40’ dahil karamihan sa mga tao ay di na lumalagpas sa nasabing edad.

Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan sa pananaliksik na ang ‘life begins at 40’ ay kathang isip lamang. Sa research, ipinagpapalagay na ang edad na ito ay ‘simula ng katapusan.’

Pinag-aralan ang 2,282 katao mula edad 18 hanggang 87, natuklasan nila na pagsapit sa 40 ang tao ay nagi­ging makakalimutin na, kulang sa konsentrasyon at may  poor focus.

Habang ang katalinuhan ay nananatiling matatag sa paglipas ng panahon, ayon sa psychologists, ang everyday mental skills tulad ng pag-alala sa mga numero at pangalan ng tao, ay nababawasan pagsapit ng edad 40 pataas.

Nadiskubre ni Prof Keith Wesnes, ng Cognitive Drug Research Ltd, isang private research company sa Reading, na ang mga tao sa pagitan ng edad 40 at 50 ay bumabagal ng 15 porsiyento sa pagkumpleto ng simpleng computerized tasks kaya nasa 20s.

Ipinahayag niya sa Bri­tish Psychological Society’s conference sa London na,  “ang decline ay mas higit na may kinalaman sa speed kaysa accuracy.”

Pinatotohanan ni  William R. Klemm Ph.D., Me­mory Medic, na habang tayo ay nagkakaedad, humihina ang ating reflexes. Bumabagal ang ating paglalakad at pagkilos.

Maging ang pagsasalita, at ang ating memorya at nagsisimulang bumagsak,  lalo na sa short-term form ng memory ability na sobrang mahalaga sa pagkatuto sa mga bagong bagay.

Isa itong malupit na katotohanan. Ang buong so­cieties ay apektado ng major economic at social ways sa mga bansang ang populasyon ay mabilis tumatanda. Gaya sa Japan (23% over 65), Germany (20.5%), Italy (20.4%), at sa U.S. (13%).

Buhay ng Pinoy, ­hanggang 69.3 lang

Ayon sa World Health Organization’s Statistics 2018, ang karaniwang taong nakatira sa Pilipinas ay may lifespan na 69.3 years. Ang  panukat na ito ay halos tatlong taon mas maiksi kaysa global average na edad 72.

Tipikal na nabubuhay hanggang edad 72.6  ang mga babae sa Pilipinas, habang ang global benchmark ay 74.2 years para sa mga kababaihan.

Dahilan ng ­Kamatayan sa ­Pilipinas

Base sa 2016 World Health Organization study, 35% ng pagkamatay sa lahat ng edad sa bansa ay bunga ng cardiovascular diseases.

Lagpas ang percentage kumpara sa Canada at United Kingdom (25%), Japan (27%), Spain at Australia (28%), Singa­pore (29%), America (30%) at New Zealand (31%).

Gayunpaman, ang cardiovascular disease sa Germany (37%) at  Italy (36%) ay nagpapakita ng mas matatas na  mortality rates kaysa sa Pilipinas.

Ang cardiovascular di­sease ay sinusundan ng  cancer, 10% na  pinagmumulan ng kamatayan sa mga Filipino. Ang respiratory diseases ay sanhi ng 5% sa home country fatalities, at 4% ay diabetes.

Sinasabing ang ating bansa ay isa sa may highest number ng diabetics. At pinangangambahan na mas mataas pa ang bilang nito dahil maraming  Filipino ang di pa nada- diagnosed ng diabetes.

At sa kasalukuyang popu­lasyon ng bansa na mahigit 100 milyon, may mahigit 5 milyong Filipino umano ang na-diagnosed na may diabetes.

Mas pumapatay naman ang alcoholism kaysa pagsamahin pa ang HIV/AIDS, violence at road accidents, ayon sa nakaraang report ng United Nations health agency.

Lumabas sa WHO, Glo­bal Status Report On Alcohol And Health 2018, na ang HIV/AIDS ay responsable sa 1.8 percent ng global deaths, road injuries sa 2.5 percent at  violence  0.8 percent.

Sa pagkukumpara, ang mapaminsalang pag-inom ng alcohol ay sanhi ng pagkamatay ng mahigit 3 milyong katao kada taon. Tinatayang 1 sa 20 deaths, at karamihan sa kanila ay mga lalaki.

Paninigarilyo. Sa earlier study ng World Lung Foundation, nakita na 34.7% ng mga lalaki sa bansa ay re­gular na naninigarilyo kumpara sa 7.7% Filipino women. Iyan ang dahilan kung bakit mas mahaba ng 7 taon ang buhay ng mga babae kaysa mga lalaki.

Para mabawasan ang rate ng pagkamatay sa bansa, nakasentro ang  anti-aging industry sa vitamins at supplements, fat diets, gym facilities, mind training programs, at mga aklat patungkol sa memory.

Ang magandang balita, nakakatulong umano ang mga bagay na ito, kung pasisimulan habang ang mga tao ay naroroon sa kanilang early middle age.

Samantala, ang malimit pinagmumulan ng mental dec­line sa mga tao ay ang pinaliit na blood flow sa small vessels na madaling napasakan ng  cholesterol at fats o pagputok ng high blood pressure.

Ang undetected “mini-strokes” ay karaniwan sa atin habang tayo’y nagkakaedad, pinagmumulan ito ng naiipon at  progresibong pinsala.

Isa pang source ng da­mage ay ang lifetime cumulative effect ng oxidative free radicals na may epekto sa ener­gy metabolism. Ang utak ay kumukunsumo ng tinatayang  20% sa lahat ng oxygen sa katawan.

Please follow and like us:
Read More