AWAY NG 3 LASING; 2 PATAY SA SAKSAK

crime34

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang dalawang lalaking nag-iinuman nang  pagsasaksakin ng hindi inaasahang bisita sa Barangay Gimarco, Palompon, Leyte.

Kapwa idineklarang dead on the spot sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan sina Richard Samson at Ruel De Guzman, parehong residente ng nasabing lugar.

Matapos ang krimen kusang sumuko ang suspek na kinilalang si Rene Almerino, 33, ng Sitio Calunasan, Barangay Mabini, Palompon Leyte.

Ayon kay P/MSgt. Alvin Auman, duty investigator ng Palompon Police Station, nag- iinuman ang dalawang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumaan ang suspek galing sa isang party at niyaya nilang makipagkuwentuhan sa kanila.

Nagkwento umano ito na kaapelyido ng nanay niya ang biktimang si Richard pero hindi ito naniwala kaya’t paulit-ulit na tinanong ang suspek kung totoo ang kanyang sinasabi.

Sinasabing napikon sa kakatanong ang suspek at bigla itong nagbunot ng dalang kutsilyo at  pinagsasaksak ang magbayaw na biktima.

Kasalukuyang nakadetine sa Palompon lock up facility at nahaharp sa kasong double homicide  ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

NAKALIGTAS SA MURIATIC, ALCOHOL; NATULUYAN SA NYLON CORD

(NI ANNIE PINEDA)

SA ikatlong pagkakataong pagtatangka sa kanyang buhay, natuluyan ang isang lalaki na may problema sa pag-iisip nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Leyte.

Kinilala ang biktimang si Jay Cayubit, 24, ng Brgy. Caltayan, La Paz Leyte.

Batay sa report ng La Paz Municipal Police Station, nakabitin  at wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang ina ang biktima sa kusina ng kanilang bahay matapos magbigti gamit ang nylon cord.

Kuwento ng ina ng biktima, may problema sa pag-iisip ang biktima at tatlong beses na rin itong nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at alcohol, pero naagapan ito.

Nabatid na una na rin nagpakamatay ang lola at tiyuhin ng biktima.

Wala naman nakikita ang mga awtoridad na may foul play sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

COURT EMPLOYEE TIGOK SA AMBUSH 

(NI ANNIE PINEDA)

NALILIGO sa sariling dugong  sumemplang ang isang kawani ng korte sa isang munisipalidad matapos tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, sa probinsya ng Leyte.

Kinilala ang biktimangsi Jose Cedric Saavedra, empelyado ng Alangalang Municipal Trial Court at residente ng Sitio Bonol Bgy. Binongtoan Alangalang, Leyte.

Batay sa report ng Alangalang Municipal Police Station, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek na lulan din ng motorsiklo.

Pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinasawi.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN ‘IMPORMANTE’ NG MILITAR,  ITINUMBA NG NPA

leyte12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng apat na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Hilongos sa probinsya ng Leyte.

Nakilala ang biktima na si Juan Loquisa, 43, ng Barangay San Antonio na dead on the spot sa lugar bunsod ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo.

Batay sa inisyal na report ng Hilongos Municipal Police, kasama ng biktima ang kanyang biyenan at dalawa pa nang isagawa ang pagpaslang kay Loquisa sa labas ng bahay nito Huwebes ng hapon.

Bago tumakas ang mga suspek ay sinabihan ng mga ito ang kasamahan ni Loquisa na sila ay miyembro ng NPA at napag-utusang patahimikin ang punong barangay bilang ganti dahil sa umanoy pagiging isang impormante nito ng militar.

Kaugnay nito ay kinondena naman ni General Lope Dagoy, ang commanding officer ng 802nd Infantry Brigade na nakabase sa Ormoc City ang pagpaslang kay Loquias.

“We are calling the people to stand and fight the inhumane, senseless, and brutal actions of this organization (NPA). Do not let this brigands run fear in our community,” pahayag ni Dagoy.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG FLAT SCREW, PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

TIGOK ang isang lalaking tauhan ng munisipyo makaraan saksakin ito ng flat screw ng kanyang kaaway, iniulat kaninang umaga sa probisnya ng Leyte.

Kinilala ang biktimang si Jimuel Tado, 28,  job order employee ng Sta. Fe Municipal, at ng Barangay Zone 3, Sta Fe, Leyte.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Donaldo Quero, kalugar ng biktima .

Batay sa report ng Sta. Fe Police Station, bumili ang biktima ng gamot sa isang tindahan sa kanilang lugar nang bigla na lamang dumating ang suspek at walang babalang pinagsasaksak ang biktima gamit ang flat screw.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Tumakas ang suspek pero nadakip din ng mga awtoridad sa ginawang follow-up operation.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal na alitan ang motibo sa krimen.

Nakakulong ngayon sa Sta. Fe Police Station ang suspek at naharap sa kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

BRGY CAPT, 3 PA SUGATAN SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang isang barangay captain, kasama ang tatlong iba pa, makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang sinsakyan brand new mini multi-purpose vehicle sa mataong lugar sa kahabaan ng national road sa Jaro, Leyte, Linggo ng gabi.

Nakilala ang mga biktimang nasugatan na sina Estrella Geraldo, 62, village chief ng San Pedro sa bayan ng  Tunga ;  Leopoldo Po, 44, negosyante (driver);  Ailen Po, 40, public teacher at Rachel Cuña, 40.

Ayon kay   P/Lt. Arnel Saregumba, hepe ng Jaro Municipal Police Station (MPS), galing ang mga biktima sa Tacloban City pauwi sa kanilang tahanan sa bayan ng Tunga, nang ratratin ng mga suspek lulan ng isang sports utility vehicle na hinihinalang nakabuntot sa kanila.

Masuwerte namang hindi nahagip ng bala ang 62-anyos na si  Wilfredo Geraldo at dalawang bata na 6 at 4- anyos na kasama ng mga biktima ng maganap ang pag-atake sa  Hibucawan village.

Agad namang naisugod ng mga rescuers ang mga biktima sa isang ospital sa Tacloban City para lapatan ng lunas.

Nabatid na tinamaan umano sa ulo ang kanilang driver dahilan para mawalan ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan na sumadsad sa isang bangin malapit sa isang tulay.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang mga salarin na tumakas at bumuwelta pabalik sa direksyon ng Tacloban.

 

Please follow and like us:
Read More

MGA PARI KABILANG SA 12 SA LUMUBOG NA BANGKA

(NI ANNIE PINEDA)

NAGPAPATULOY ang ginagawang search and rescue operation ng mga awtoridad, sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG), sa lumubog na bangka sakay ang 12 katao na karamihan ay mga pari, nitong Lunes sa bayan ng Padre Burgos at Limasawa, Southern Leyte, Tacloban City.

Ayon kay Sgt. Jerf Alvarez, galing Padre Burgos at papuntang Limasawa ang motorbanca na sinasakyan ng mga biktima nang salubungin ng malakas na alon dulot ng tropical depression ‘Falcon’ na nasa Eastern seaboard ng bansa.

Sinasabing pawang mga pari ang sakay ng maliit na pump boat.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga lugar na posibleng pag-anuran ng mga biktima at umaasang ligtas ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More

2 DAYUHAN, 3 PA, NAWALA SA KARAGATAN NG LEYTE, NASAGIP

(NI NICK ECHEVARRIA)

LIGTAS na ang lima katao na naunang iniulat na nawawala, matapos umanong lumubog ang sinasakyang bangka ng mga ito  sa karagatang sakop ng Southern Leyte, Linggo ng umaga.

Kabilang sa mga nasagip ang dalawang Australian national na sina Grahame David Hastings at Donald Don Cox, kapwa 60-anyos at ang mga Filipino na sina Jar-ar Aradaza, 19; Serecio Adanza, 40, at Michael Samatina, 33.

Ang lima ay nasagip ng mga tauhan ng Hinunangan, Silago at Hinundayan disaster risk and reduction management office, kasama ang mga rescuers ng Loreto, Surigao del Norte, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police sa pagitan ng Southern Leyte at Surigao del Norte.

Ayon sa ulat ng Hinundayan Municipal Police Station, natagpuan ang lima na palutang-lutang sa karagatan malapit sa Homonhon Island habang nakakapit sa mga nalalabing bahagi ng bangkang de-motor na kanilang sinasakyan Linggo ng hapon.

Nagsasagawa umano ng fishing expedition ang mga nasagip noong Linggo ng umaga nang lumubog ang kanilang bangka makaraang magka-problema ang makina.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PATAY, 5 SUGATAN SA KIDLAT

(NI KIKO CUETO)

PATAY ang magsasaksa habang sugatan ang limang iba pa nang masapul ng kidlat sa bayan ng San Miguel, Leyte.

Kinilala ang namatay na si Rexie Sequijod, 21.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Eastern Visayas Regional Medical Center sina Erlinda Solayao, 60; Wilma Antoni, 59; Marilyn Erandio, 32; Zaldy Antoni, 26; at Virginia Bague, 57.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naghahanda ng itatanim na palay ang mga biktima nang tamaan ng kidlat.

Dinala pa sa Rural Health Unit ng San Miguel si Sequijod pero idineklarang dead on arrival  si Sequijod. 

 

Please follow and like us:
Read More

9-ANYOS, NI-RAPE, PINATAY

(NI JESSE KABEL)

DALAWANG araw matapos  i-report na nawawala, natagpuang bangkay na ang siyam na taong gulang na batang babae na sinasabing ginahasa muna bago pinaslang sa Carigara, Leyte.

Ayon sa Leyte Provincial Police Office patay na nang matagpuan ang biktima sa Brgy. Guindapunan West, bayan ng Carigara.

Lumalabas sa pagsisiyasat na Lunes ng gabi ay inutusan ang biktima ng kanyang pinsan  na iuwi ang anak nito sa kanilang bahay .

Subalit makalipas ang ilang oras ay hindi pa bumabalik ang batang babae kaya inireport na ito sa mga awtoridad hanggang sa makita ang bangkay nito sa tabing-dagat.

Sa isinagawang follow-up investigation ay nadakip ng mga pulis Carigara ang suspek na kinilalang si Jomar Canete Pacites na agad umamin sa krimen.

Lumilitaw na kainuman ng kanyang pinsan ang suspek.

Kumpirmadong nagahasa ang biktima dahil sa ginawang pa g-amin ng suspek na kasalukuyang nakadetine sa Carigara jail.

 

Please follow and like us:
Read More

8 PATAY SA BANGGAANG VAN, TRUCK

accident121

(NI JG TUMBADO)

WALO katao ang patay sa malagim na insidente ng banggaan ng van at truck sa bayan ng Babatngon, Leyte, araw ng Biyernes.

Alas 7:00 ng umaga nang maganap ang trahedya sa bahagi ng national highway sa Sitio Tab-ang.

Base sa nakarating na incident report kay Police Lt. Col. Maria Delia Rentuya, tagapagsalita  ng Police Regional Office  8 (PRO8), kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na lahat ay pawang mga pasahero ng van.

Nabatid sa imbestigasyon na patungong Tacloban ang van habang ang 6 wheeler truck ay bumabagtas naman papuntang Babatngon.

Human error umano ang tinitingnan anggulo sa malagim na trahedya dahil pinilit umanong mag-overtake ng driver ng van na isa sa mga nasawi sa isang sasakyan.

Hindi na umano nagawang makabalik sa linya ang sasakyan na dahilan naman para salpukin nito ang kasalubong na truck.

Patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad kaugnay nito.

Please follow and like us:
Read More

MUNICIPAL ADMIN SA LEYTE DEDO SA AMBUSH

leyte12

(NI JG TUMBADO)

NASAWI matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang municipal administrator ng bayan ng San Isidro, Leyte.

Ayon kay Police Capt. Edgar Octaviano, spokesperson ng Leyte PNP, alas 7:30 umaga ng Miyerkoles nang pagbabarilin ang biktima na si Levi Mabini, alyas “Bambam” sa Barangay Capiñahan.

Lumalabas sa imbestigasyon na umalis sakay ng motor ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na nakasakay din sa hiwalay na motorsiklo na sina Joseph Misa at Alan Amen.

Habang binabagtas ang national highway sa Barangay Capiñahan, napahinto sila sa isang gasolinahan kung saan biglang sulpot sa kanilang harapan ang isang kulay puting SUV at bigla na lamang silang pinagbabaril.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Mabini na nagresulta sa agaran nitong pagkasawi habang nasugatan naman matapos tamaan sa binti ang kasamahan nitong si Misa.

Samantala, nadamay din sa pamamaril ang isang Jea Itang,19, na tinamaan ng bala sa paa.
Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen habang patuloy pa ang pagtugis at imbestigasyon ng pulisya.

Nakuha sa crime scene ang 4 na bala ng M16 at 1 bala mula sa 9 mm na baril.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG DENTISTA ITINUMBA

dentist12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang babaeng dentista habang sakay sa kanyang kulay gray na pick up sa Calbayog City, Leyte Lunes ng hapon.

Duguan at wala nag buhay na nakasalampak sa driver seat bunga ng tinamong limang tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na si Dra. Vicky Romhur.

Sa Barangay Rawis na isinagawa ng dalawang armadong suspek na lulan sa motorsiklo ang pananambang sa biktima pasado alas 4:00 ng hapon.

Nabatid sa report na pauwi na sana sa bahay ang biktima sa Narcisa Hills Subdivision ang biktima nang sundan ito ng mga suspek at nang makatyempo ay doon na ito sunud-sunod na pinagbabaril.

Umabante pa umano ang sasakyan hanggang 100 metro mula sa pinangyarihan bago ito huminto.

Tinutukoy ng mga awtoridad kung may koneksyon ang pagpatay sa 69-taong-gulang na dentista sa hindi pa nareresolbang pagpaslang din sa kapatid nitong babae na si Catherine Romhur Johnson.

Pinatay din ang kapatid ng dentista habang bumibili sa bakery noong nakaraang taon.

 

Please follow and like us:
Read More

AGAWAN SA BEBOT, GRADE 10 TINAGA NG KAPWA ESTUDYANTE

CRIME12

(NI JG TUMBADO)

TAGA sa katawan ang inabot ng isang Grade 10 student mula sa kapwa estudyante nito na nag-aagawan sa isang babae sa bayan ng Lapaz sa Leyte.

Nagpapagamot sa ospital bunga ng malaking sugat sa braso ang biktima na nakilalang si Benjie Maurelio, 19, habang ang suspek naman ay si Maynard Tragora, 18, grade 11 student.

Batay sa report kay Police Inspector Lito Catalo, hepe ng Lapaz Municipal Police Station, naliligo sa ilog sa Barangay Canbanez ang suspek at biktima kasama ang kanilang ibang kaibigan nang magkainitan ang dalawa na nagresulta sa insidente ng pananaga gamit ang isang itak.

Lumalabas sa ulat na may matagal nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa away lamang sa isang babae na parehong ginugusto nina Maurelio at Tragora.

Mabilis naman nadakip ng mga awtoridad ang suspek sa follow up operation na ngayon ay nasa kostudiya na ng Lapaz police at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Please follow and like us:
Read More

PULIS NAAKTUHAN SA MOTEL, HULI SA SEXTORTION

sextortion

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng pulisya ang kanilang kabaro matapos maaktuhang may kinakasamang 16-anyos na babae sa loob ng motel sa Barangay Tampoong, Sugod sa Southern Leyte kamakalawa ng hapon.

Agad pinosasan ang suspek na nakilalang si PO3 Ramil Aragon, 31, may-asawa at residente ng Barangay Combado, Maasin City.

Batay sa nakuhang report, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Southern Leyte laban sa nabanggit na pulis matapos na ireklamo ito ng isang ina sa ginagawang pananakot sa kanyang  4thyear high school student na anak.

Base sa inihaing reklamo ng ina, ilalantad umano ni PO3 Aragon sa social media ang ilang mga hubad na larawan ng menor de edad na biktima na itinago sa pangalang “Ana” kung hindi ito makikipag kita sa kanya sa hotel.

Dakong alas 4 ng hapon ng Sabado nang isagawa ang operasyon ng mga awtoridad kung saan sinalakay agad ang motel na tinutuluyan ng pulis sa JMJ Pension hotel and motel sa Barangay Tampoong kung saan kasama na nito ang biktima.

Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol at ilang piraso ng condom.

Nakapiit ngayon sa Southern Leyte Provincial Police Office si PO3 Aragon kung saan ito nakatalaga sa Operation Branch habang inihahanda ang kaso nito sa paglabag sa child abuse law o ang RA 7610.

 

Please follow and like us:
Read More

NEGROS ORIENTAL, LEYTE, NILINDOL

map

(NI FRANCIS ATALIA)

MULING nakaranas ng lindol ang lalawigan ng Leyte sa bayan ng Calubian na may magnitude 3.2 kaninang alas- 6:13 ng umaga. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 13 kilometers. Naitala ang pagyanig sa tatlong kilomentro sa northeast ng bayan ng Calubian.

Samantala, niyanig din ng 4.9 na lindol ang Negros Oriental alas-10:30 Lunes ng gabi. Niyanig din ang mga bayan ng Ayungon at Manjuyod, Negros Oriental.  Walang iniulat na nasaktan sa lindol.

Please follow and like us:
Read More