ARNEL, LEA, APL DE AP MAGPAPASABOG SA 30TH SEAG

(NI ANN ENCARNACION)

STAR-STUDDED ang 30th South East Asian Games na gaganapin sa bansa na tatampukan ni Grammy-award winner Black Eyed Peas member Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang Apl De Ap, Arnel Pineda ng grupong Journey at Tony-award winner Lea Salonga.

Maliban sa tatlong international Pinoy performers, patuloy na nakikipagusap si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Inc. Chief Executive Officer Ramon “Tatz” Suzara sa iba pang kilalang musicians para magbigay-kulay at kasiyahan sa biennial meet na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Kinakausap pa namin ang iba pang mga world-class artist natin. Ang initial plan is to have Lea (Salonga) perform in the opening ceremony together with Apl De Ap,” sabi ni Suzara. “But now, maraming artists pa ang nilalapitan namin para sa SEA Games kasi para naman ito sa bansa natin.”

Nauna nang sinabi ni Philippine Sports Commission chair at Chef de Mission sa 30th SEAG William “Butch” Ramirez na ang darating na biennial meet ang magiging pinakabongga sa kasaysayan.

Hindi matatawaran ang husay nina Apl De Ap, Pineda at Salonga na kilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Si Apl De Ap ay isang singer-song writer na miyembro ng sikat na grupong Black Eyed Peas, habang si Pineda ay sumikat sa international scenes nang mapabilang sa bandang Journey.

Si Salonga naman ay isang kilalang singer-actress na unang nakilala sa mundo nang gumanap na “Kim” sa stage-musical na Miss Saigon kung saan siya nanalo ng Best Actrerss sa Tony Awards (1991), pinakauna para sa isang Asian. Nauna rito ay napanalunan niya rin ang Laurence Olivier Award for Best Actress in a Musical (1990).
Naging boses din siya ng dalawang Disney Princess characters na sina Jasmine sa Aladdin (1992) at Fa Mulan sa Mulan (1998), at siya rin kumanta ng theme song ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

LEA NA-DISTRACT SA NAG-RING NA PHONE SA CONCERT

(NI GORGY RULA)

INI-UPDATE ako through messenger ng kaibigan kong taga-Arizona, USA nang mag-concert doon si Lea Salonga nung nakaraang Biyernes, May 17 ng gabi.

Ginanap daw ang concert sa Scottsdale Center for the Performing Arts, at sold-out daw ito.

Hanggang ngayon ay mabenta pa rin talaga si Lea dahil laging iba-iba raw ang repertoire at magaling naman kasi.

Kaagad napuno raw ang venue, at nang pumasok na si Lea, ang lakas ng sigawan at palakpakan.

Ipinaliwanag pa niyang naka-sneakers siya kahit naka-gown ito dahil nagti-therapy pa pala siya pagkatapos niyang maaksidente sa skiing vacation niya nung nakaraang January.

Hindi pa rin nagbabago ang boses at lalo pa nga raw yatang gumaling kaya keri niyang magtaray kung type niya.

Noong nasa pangalawang kanta raw niya, nabigla raw si Lea nang may tumunog na ring ng cellphone sa audience.

Pagkatapos daw ng second song niya, nagp-dialogue daw ito ng tipong; “I heard a phone ringing over there and I will stop and ask you to answer because it could be emergency.

“Emergency happens and just go ahead and answer it. I’ll wait, that could be an emergency.”

Medyo nakataas daw ang kilay ng lola mo dahil isa kasi yan sa ikinairita niya talaga habang nagpi-perform.

Bago magsimula ang concert, may warning naman na i-off ang mobile phone o kaya i-mute para hindi maka-distract sa performance ng artist.

Kaya hindi pinalagpas ‘yun ni Lea.

Masaya naman ang nanood sa concert niya na karamihan mga Pinoy. Mabenta talaga ang concert ni Lea dahil sulit naman daw ang biniling ticket na nagkakahalaga ng 35 at 85 US dollars.

Please follow and like us:
Read More

LEA KUMANTA NANG NAKA-WHEELCHAIR

lea22

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYOKO sanang banggitin ang tungkol dito Tito Kc, kasi nga hindi ako pabor doon sa pagpayag nating maglabas pasok ang mga foreign artists dito sa Pilipinas, humahakot ng pera ng mga fans, ganoong napakaraming mga singers na Pilipino na hindi nabibigyan ng pagkakataon, at kumakanta na lang sa mga stage na nakapatong sa drum sa mga pista sa baryo.

Pero minsan hindi mo maiiwasan kung talagang napakagaling. Pero ang gusto naming i-punto, napakahusay talagang performer ni Lea Salonga. Dahil naaksidente nga kamakailan lamang, lumabas siyang naka upo sa isang wheel chair. Alam naman ninyo ang singer, hirap kumanta iyan nang nakaupo, pero sa kabila noon lumabas ang lahat ng matataas na nota nang napakahusay.

Kinanta niya iyong All I Ask of You, na love song ng klasikong Phantom of the Opera, na ka-duet si Josh Groban. Aywan kung masasabing biased lang kami dahil Pinoy nga si Lea, pero sa pandinig namin ay mas maganda ang kanyang version kaysa sa pagkaka-awit noon ng orihinal na si Sarah Brightman. Siguro nga masasabing kasing galing ng version ni Barbara Streisand.

Iyong version na ginawa ni Lea ay iba ang areglo, at maririnig mo na iba rin ang kanyang expression ng nasabing kanta.

Tapos sinundan pa niya iyon ng The Prayer na ka-duet din si Groban, at napakalakas din ng dating. May iba pang mga kantang kinanta ni Lea nang solo, at talagang magaling siya.

Sayang, kulang nga lang sa push eh, at saka alam naman natin na ang mga recordings ng mga singers na Asyano, gaano man sila kagaling ay nakalagay sa “foreign records section” sa tindahan ng mga kano. Pero kung talents ang pag-uusapan, may mga kagaya ni Lea na tumatalo sa mga puti.

Hindi ba noong Miss Saigon, natalo niya sila sa Laurence Olivier award, siya rin ang nanalo sa Critics’ Desk award sa New York, at pati na ang Tony awards.

 

Please follow and like us:
Read More