2 PATAY SA LAMBANOG POISONING SA LUCENA

HINDI pa man natatapos ang imbestigasyon sa sunud-sunod na pagkamatay sa pag-inom ng lambanog, dalawa katao ang naiulat na namatay din sa pinakabagong insidente nitong Pasko sa Barangay Dalahican, Lucena. Kapwa isinugod sa pagamutan nang bumula ang mga bibig nina Arvin Jun Santiago, 34, at Dominic Torres Colegio, 29. Ayon sa Lucena City Police, alas-8 ng umaga noong Disyembre 24 nang isugod sa Quezon Medical Center ang dalawa na parehong nakaranas ng sintomas ng pagkalason tulad ng pagsusuka at pagkahilo. Martes, Disyembre 24, ng gabi namatay si Santiago, habang hapon…

Read More

11 EVACUEES NALASON SA SPAGHETTI 

(NI DONDON DINOY) MATANAO, Davao del Sur-Nasa 11 evacuees sa Barangay Mangga ang nailigtas matapos malason sa kinaing spaghetti noong Disyembre 22. Halos mga biktima ay mga bata na nag-edad isang taon hanggang 16 anyos. Kasali sa dinala sa pagamutan ang 35-anyos na si Hazel Gabin, na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagdudumi ilang minuto matapos kumain ng pasta. Agad dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga biktima ngunit sa makeshift emergency shelter lamang sila nilapatan ng gamot dahil may mga tension crack na rin ang…

Read More

NALASON SA LAMBANOG?  NASA 40 KATAO, ISINUGOD SA OSPITAL

(NI NILOU DEL CARMEN) TINATAYANG hindi bababa sa 40 katao ang isinugod sa ospital matapos na umano ay malason sa ininom na lambanog sa Laguna noong Linggo. Sa inisyal na ulat mula sa Laguna PDRRMO, nagmula sa bayan ng Rizal at Nagcarlan  ang mga biktima na umano ay nag-inuman ng lambanog, Sabado ng gabi. Kinumpirma rin ng Laguna PDRRMO na mayoon ng mga nasawi bagamat inaalam pa nila umano ang kabuuang bilang. Ang mga naospital ay dinala na sa Philippine General Hospital matapos malapatan ng paunang lunas at maitala sa…

Read More

4 NALASON SA MUSHROOM 

(NI ANNIE PINEDA) ISINUGOD sa ospital ang apat na lalaki matapos umanong malason sa kinain nilang kabute, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bacolod City. Patuloy na inoobserbahan sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang mga biktima na kinilalang sina Jospeh Hagdasal, 29, ng Brgy. Handumanan, Bacolod City; Jon Rey Mondejar;  Gino Mondejar , ng Brgy. 16, Bacolod City at Noli Alcansari, 43, ng Brgy. San. Isidro, Calatrava. Batay sa report, bandang alas-10:00 ng umaga ng Sabado, magkakasama ang apat at kumain ang mga ito ng kabute subalit makalipas ang…

Read More

DONASYON NA PAGKAIN SA BAKWIT HINIGPITAN

(NI DONDON DINOY) MAKILALA, North Cotabato — Nagpatupad ng mahigpit na seguridad at ilang panuntunan ang lokal na gobyerno sa pagbibigay ng pagkain sa mga evacuation centers. Ito’y matapos malason ang 30 katao sa pagkain na dinala sa evacuation center. Nasa mabuting kalagayan na umano ang mga biktima matapos makaranas ng pananakit ng tiyan makaraang kumain ng pastil. Maliban sa pananakit ng tiyan, nagsusuka rin ang mga biktima kasabay ng kanilang loose bowel movement (LBM). Pawang mga residente ng Barangay Patulangon at Malabuan nitong bayan ang nakaranas ng pagkalason na…

Read More

MISTER PINATAY SA SAKAL ANG MISIS BAGO LUMAKLAK NG LASON

(NI ANNIE PINEDA) MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos, matapos mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa sakal matapos umanong magtalo dahil sa selos, saka naman napagkamatay ang suspek sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, sa Tacloban City. Kinilala ang mga namatay na sina Rhea Mae Azucena, 28, at Jeffrey Azucena, 30, kapwa residente ng Barangay 109-A V&G Subdivision, Tacloban City. Batay sa report ng San Jose Police Station 1 ng Tacloban City, madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ng mag-asawa na nagtatalo sa…

Read More

14 KASAPI NG SIMBAHAN NALASON SA FELLOWSHIP

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY — Labingapat katao ang agad dinala sa pagamutan matapos mahilo sa pinagsaluhang pagkain sa mismong araw ng kanilang fellowship noong Lunes. Sa ulat ng Buhangin Police Station nangyari ang insidente sa Palm Drive, Buhangin, nitong lungsod. Dinala sa Southern Philippines Medical Center ang mga biktima na pawang mga miyembro ng Seventh Day Adventist sa naturang lugar. Ayon sa pulisya, isinagawa ng simbahan ang quarterly fellowship kung saan nagsalu-salo ang mga kasapi nito sa tanghalian. Napag-alaman na kumain ang mga biktima ng inihandang bihon, tuna at…

Read More

TUBIG O LASON?

(NI KEVIN COLLANTES) INAALAM pa ng awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng isang ginang na uminom lamang ng tubig sa kanyang tahanan sa Barangay Tumana, Marikina City, nitong Huwebes ng gabi. Batay sa ulat ng Marikina City Police, ang biktimang si Rosalyn Castillo, 47, residente ng Block 48, Vergara Street, Barangay Tumana, ay binawian ng buhay matapos uminom ng tubig sa dakong alas-10:55 ng gabi. Sa salaysay sa pulisya ni Rolando Castillo, 53, asawa ng biktima, bago ang insidente ay naghapunan umano ang kanilang pamilya sa tahanan ng kanilang anak…

Read More

AMO TINANGKANG LASUNIN, KASAMBAHAY KULONG

arested12

(NI DAVE MEDINA) NAKAKULONG ngayon sa Muntinlupa City Police Detention Facility ang isang housemaid dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang among babae . Sa tala ng Muntinlupa City Police, mismong ang target na biktima na kinilalang si Remedios Dalit Gimena, 76, residente  ng Block 11 Lot 2 Soldiers Hills Village, Brgy. Putatan, Muntinlupa City, ang nakadiskubre na gusto siyang lasunin ng housemaid dakong alas-8:30 ng umaga ng Sabado. Sa salaysay pa ni Gimena, iinumim niya sana ang herbal medicine liquid nang mapansin niya ang kakaibang lasa at nang kanyang silipin ang…

Read More