LASING, WALANG GAWANG MAGALING

ALAK-11

(Ni Guillermo Octavio / Huling labas) TOTOONG walang buting maidudulot ang pagpapakasawa sa alak. Marami ang napapasama at napapariwara dahil sa pag-inom ng alak nang sobra. Hindi nga masama ang uminom ng alak suba­lit kailangang kaya itong dalhin ng isipan. Hindi puwedeng mangibabaw ang espiritu ng alak sa utak ng umiinom dahil kapag nangyari iyon, tiyak na gulo ang mangyayari.  Walang basagan ng trip Noong Marso, agaw-buhay ang isang closed-circuit television technician nang pagsasaksakin ng kainuman nang tangkaing umawat ng biktima sa pagtatalo ng suspek at isa pa nilang kainuman …

Read More

BUMANGGA SA 3 SASAKYAN; 2 LASING NA RIDER TODAS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) KAPWA namatay ang dalawa umanong lasing na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang sinasakyan ng mga ito ay kumarambola at sumalpok sa tatlong sasakyan  sa Tagatay – Nasugbu highway sa Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas Martes ng gabi. Dead on the spot ang backrider na si Rene Gonzales, 46,  samantalang nasawi  rin matapos na maisugod sa ospital ang nagmamaneho na si Gilmark De Villa. Ayon kay PMAJ Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police, batay sa findings nang doktor sa pinagdalahan na Metropolitan Hospital, parehong amoy alak ang dalawa. Base sa report,…

Read More

COED NATULOG NANG LASING, ‘DI NA NAGISING

crime43

(NI ANNIE PINEDA) HINDI na nagising pa ang isang college student mula sa himbing nitong pagkakatulog matapos makipag-inuman sa harap ng kanyang boarding house, iniulat kaninang umaga sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang biktimang si Jomel Enot Sebuya, 27,  estudyante sa Caraga State University, at taga Purok-1, Barangay Charito, Bayugan City Agusan Del Sur. Batay sa report ng Butuan City Police Station-4, dakong alas 12:-00 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng boarding house nito sa Purok-6, Barangay Ampayon,  Butuan City. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong…

Read More

TRIP-TRIP LANG: NATULOG SA INUMAN, SINILABAN

fire

DAHIL pawang mga lasing na, pinagtripan ng isang lalaki ang kapitbahay na lasing na umano’y natulog sa kalagitnaan ng inuman sa Barangay Bangkas Heights Toril, Davao City. Kinilala ang biktima na si William Chiong, 50. Nagtamo ito ng lapnos sa katawan at inoobserbahan pa sa ospital. Ayon sa pinsan niya, nakipag-inuman ang biktima sa mga kapitbahay hanggang sa nakatulog siya sa ilalim ng isang puno sa sobrang kalasingan. Sa imbestigasyon, pinagtripan umano ng suspect ang biktima na gustong gisingin para uminom pa. Para magising ay sinilaban ng suspek ang biktima…

Read More

LALAKI TINAGA SA ULO NG SINAWAY NA LASING 

(NI ANNIE PINEDA) NASA balag ng alanganin ngayon ang buhay ng isang lalaki makaraang tagain sa ulo ng lasing na kapitbahay na nagwawala dahilan para kanya itong sawayin, Sabado ng gabi, sa Capiz. Kinilala ang biktimang si Lot Labetoria, 31,  habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Reneboy Victor, 39, kapwa residente ng Brgy Roxas, Tapaz, Capiz. Batay sa report ng Tapaz-PNP, dakong alas 8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, lasing ang suspek at nagwawala ito sa labas ng kanilang…

Read More

BABY NABITIWAN NG LASING NA TATAY SA SEAWALL, NALUNOD

crime23

(NI ANNIE PINEDA) NAWALA ang kalasingan ng isang mister nang matagpuan na lamang ang anak nitong nagpalutang-lutang sa dagat nang mabitawan umano nito habang nasa sea wall, sa Iloilo City. Ayon sa Guimbal Municipal Police Station, bitbit ng amang si Vales, residente ng Barangay Pescadores, Guimbal, Iloilo ang kanyang 6-buwan sanggol na anak habang nagpapahangin sa sea wall malapit sa kanilang bahay. Sinabi ng ama na nakainom siya ng alak at maaring nakaidlip siya nang malasing kaya hindi na niya napansing nabitawan ang anak. Nagising na lamang siya nang masisigaw…

Read More

LASING NAGWALA, TINAGPAS NG KAINUMAN

(NI ANNIE PINEDA) SA buwisit ng kanyang kainuman, tinagpas ang isang lalaki nang mag-iingay ito at magwala habang nag-iinuman , iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Zamboanga del Norte. Kinilala ang biktimang si Ranie Fuentes, 38, habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilalang si Jemar Cadano, 44, kapwa residente ng Brgy. Linabo, Polanco, Zamboanga del Norte. Batay sa report ng pulisya, nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang iba pang kaibigan sa nasabing lugar. Makalipas ang ilang oras ay parehong nalasing sina Fuentes at Cadano hanggang sa nag-iingay…

Read More

DALAGITA NILASING; 42-ANYOS KAINUMAN HULI SA RAPE 

(NI ANNIE PINEDA) “BASTA may alak, may balak!” MULI na naman napatunayan ang salita sa nasabing kanta, makaraan gahasain ang isang 16-anyos ng lalaking kanyang kainuman sa loob ng bahay nito, sa Kalibo, Aklan. Kinilala ang nadakip na si Malcom Salayon, 42, ng nasabing bayan. Batay sa report ng Kalibo Police station, dumulog sa kanilang himpilan ang 16-anyos na dalagita at kaibigan nito para pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek. Kuwento ng biktima, niyaya sila ng suspek sa bahay nito na mag-inuman. Makalipas ang ilang oras ay nalasing…

Read More

TRIP NG LASING; 15-ANYOS HINAMBALOS SA ULO

arrested12

(NI CHERK BALAGTAS) TRAUMA ang inabot ng isang 15-anyos na binatilyo matapos siyang paghahampasin sa ulo nang walang dahilan ng nakasalubong na lasing na lalaki sa Lungsod ng Valenzuela, Sabado ng hapon. Sa ulat ng Valenzuela City Police -Women and Children Protection Desk (WCPD), bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Bautista, Barangay Marulas ng nasabing lungsod. Naglalakad papunta sa bahay ng kanyang kaibigan ang biktimang itinago sa pangalang Aldrin, nang makasalubong ang lango sa alak na suspek na si Jolan Daza, 34, ng nasabi…

Read More

ANAK PUMALAG SA KAAWAY NG TATAY, 2 TINAGA SA ULO

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON — Dalawang senglot na magkapatid ang parehong tinaga ng nabuwisit na anak matapos na hamunin ng away ang kanyang tatay sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito noong Sabado. Sa report ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Jayson Leynes, 29, at Marte Leynes, 29, parehong residente ng Barangay Banugao sa nasabing bayan. Parehong lango sa alak ang dalawang biktima na nagtungo sa bahay ni Vilmar Soltura, 33, bandang 10:50 ng gabi. Naging magulo ang magkapatid sa tapat ng bahay at pilit na hinahamon…

Read More

MAGSASAKA HINIGOP NG IRIGASYON 

(NI ANNIE PINEDA) WALA nang buhay nang lumutang ang isang magsasaka na lasing nang higupin ito ng malakas na alon sa irigasyon matapos tumalon para maligo, iniulat sa probinsya ng  Kalinga. Kinilala ang biktimang si Marvin Bagyo, 43, residente ng Brgy Bulo. Tabuk City, Kalinga. Batay sa report ng pulisya, wala ng buhay nang iahon sa irrigation canal ang biktima sa nasabing lugar. Kuwento ng misis ng biktima, sinundo niya ang kanyang asawa sa inuman dahil lasing na ito at habang pauwi ay napadaan sila sa irrigation canal at sinabi ng…

Read More

LALAKING LASING NAHULOG SA SAPA, PATAY

crime

(NI JESSE KABEL) ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan kahapon ng umaga sa sapa sa Mandurriao district, Iloilo City  na sinasabing nagbibiro lamang nang mahulog sa sapa. Kinilala ang biktima na si Ramcel John Porral, isang construction worker. Huli umanong nakitang lasing si Porral na nangungulit na tatalon sa tulay patungong Dungon Creek sa Mandurriao district. Tumanggi namang kumpirmahin ng pamilya ng biktima na nagpakamatay si Porral dahil nasa impluwensiya lamang umano ito ng alak kaya tumalon sa creek. Wala naman nakitang malalaking sugat sa katawan ng bangkay maliban sa…

Read More

KUYA NAGHURAMENTADO, PATAY SA DALAGITANG KAPATID 

crime145

(NI ANNIE PINEDA) TULUYANG pinatahimik ang isang lalaki ng kanyang dalagitang kapatid matapos guluhin ang birthday party ng kanilang ina sa loob ng bahay, sa Albay. Namatay ang 33-anyos na lalaking hindi pinangalanan, habang dinakip naman ng mga awtoridad ang 17-anyos na dalagita at kapwa residente ng Barangay Nagas Oas, Albay. Batay sa report ng Oas- Albay PNP, masayang nag-iinuman ang pamilya ng magkakapatid sa loob ng kanilang bahay dahil sa ika-60 kaarawan ng kanilang ina. Kinagabihan, nalasing ang biktima at nagwawala ito hanggang sa sirain pa ang kanilang bahay…

Read More

LASING NA TATAY, ANAK NALUNOD

lunod1

(JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Nalunod at parehong namatay ang lasing na tatay at ang kanyang 10-anyos na anak na lalaki sa isang ilog sa lungsod na ito Linggo ng hapon. Sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Ronaldo Dacer, 30 at ang kanyang anak na lalaki na hindi pinangalanan sa report. Ayon sa imbestigasyon, nakikipag-inuman ang biktima, isang construction worker, sa mga kamag-anak ng kanyang kalive-in partner sa Barangay Gulang-Gulang sa tabi ng Dumacaa River bandang alas-5:00 ng hapon. Dahil gustong mabawasan ang epekto ng alak,…

Read More

LASING NAHIGA SA HWAY PATAY SA MOBILE CAR

isabela

(NI KIKO CUETO) ILAGAN CITY, ISABELA – -Patay ang isang umano’y naka-inom na lalaki na nahiga sa gitna ng kalsada nang aksidenteng masagasaan ng police mobile car. Kinilala ng pulis ang biktima na si Mark Anthony Meneses, 25-anyos. Sa imbestigasyon, sinabing nakahiga umano sa isang bahagi ng national highway ng Barangay Baligatan ang biktima, nang mapadaan ang police mobile na minamaneho ni Police Officer 1 Maynard Marayag. May kabilisan ang takbo ng sasakyan dahil rumeresponde ito sa kaguluhan sa Barangay Alibagu ayon sa tagapagsalita ng Isabela Police na si Senior…

Read More

TOTOY UMAYAW SA TAGAY, UMUWING MAY BLACKEYE

8black

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AMOY chico at may black eye nang umuwi ang isang totoy na nasa Ikawalong Baitang matapos na tugisin ng lagari, sapakin at batuhin ng basong may alak ng isang lasing na construction worker nang tumanggi sa tagay ang estudyante sa lungsod ng Valenzuela Huwebes ng gabi. Naglalakad mula sa paaralan sa kahabaan ng Feliciano Street, Barangay Mapulang Lupa , kasama ang mga kaibigan, ang 14-anyos na itinago sa pangalang Elmer nang alukin ng tagay ng bangengeng obrerong si Jimmy Mengote, 51. Tumanggi si Elmer at sinabi umano sa…

Read More