LASING NA LOLO TINADTAD NG SAKSAK NG KAPITBAHAY

cebu city12

(NI ANNIE PINEDA)

TULUYAN nang pinatahimik ang isang lolo matapos itong ataduhin ng saksak ng kanyang kapitbahay na naingayan sa una dahil sa sobrang kalasingan, iniulat kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Maximo Cañete, 61, habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Marciano Banse, 59, at kapwa mga residente ng Brgy. Santa Rosa, Olango Island Lapu-Lapu City.

Batay sa report ng Olango Police Station, lasing umano ang biktima at nag-iingay ito. Dahil narindi na ang suspek sa ingay, kinuha nito ang isang 16-inch na Flamenco knife at lumabas ng bahay saka sinaksak si Cañete sa dibdib at ibang parte ng katawan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima pero hindi na rin ito umabot pang buhay.

Matapos ang insidente sumuko naman sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

 

Please follow and like us:
Read More