HEPE, 4 PULIS SIBAK SA INUMAN SA HARAP NG PRESINTO

PNPLOGO1

(NI ROSE PULGAR)

TINANGGAL sa puwesto ang apat na pulis Las Pinas matapos maaktuhan nag–iinuman sa labas ng presinto habang ang mga ito at naka-duty sa isinagawang surprise inspection ng isang opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Las Pinas City, Biyernes ng madaling araw.

Agad na ipinag-utos ni Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General Nolacso Bathan kay Las Pinas City Police Chief Police Col. Simran Gran ang pagsibak sa apat na sina Patrolman Samrus Inoc,Police Corpural Robemar Abales, P/Corporal Randy Danao, at Patrolman Alquin Orgen na kapwa nakalataga sa Police Community Precinct (PCP)- 6 sa Las Piñas City Police.

Bukod sa apat, tinanggal din sa kanyang puwesto ang commander ng PCP 6 na si Police Captain Gladys Biare dahil sa command responsibility.

Lumabas sa report ,nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si B/Gen Jerry Galvan, hepe ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ng NCRPO, kung saan naabutang nag-iinuman ang apat na pulis sa mismong Police Assistance Desk (PAD) sa Petron gasoline station, Alabang-Zapote Road,Barangay Talon 1 sa Las Pinas City, dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Kaagad na dinis-armahan ang apat na pulis at nakatikim pa ng matinding sermon mula sa nasabing opisyal.

Agad na dinala sa SPD headquarters ang apat para sumailalim sa community service at turuan ng leksyon ang mga ito.

Kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang apat na pulis at sasampahan ng kasong administratibo.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NATIONAL NA NAKAPOSAS NAHULOG SA MALL

crime12

(NI DAVE MEDINA)

NAMATAY ang isang Chinese national matapos mahulog mula sa ikaanim na palapag na gusali, Biyernes ng umaga, sa Las Pinas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yang Kang, 27, at nagtatrabaho sa Vista Mall sa Alabang-Zapote Road, Pamplona 2, Las Pinas City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ng security guard ng naturang mall dakong alas-7:30 ng umaga habang nagsasagawa ng inspeksyon.

Sa pahayag ng security guard sa pulisya, natagpuan ang biktima na walang malay sa ibaba ng gusali at nakaposas kung kaya agad niya itong pinagbigay alam sa malapit na Police Community Precinct.

Agad namang isinugod sa Las Pinas District Hospital ang biktima upang mabigyan ng lunas.

Subalit, ayon sa pulisya, dakong alas-9:48 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa Asian Hospital sa Muntinlupa City sa pagkamatay ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nahulog mula sa ika-6 na na palapag ng naturang mall subalit isang palaisapan kung bakit ito ay nakaposas nang matagpuan.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PAMANGKIN GINAHASA NG ‘GUARDIAN’  NA GRAB DRIVER

(NI DAVE MEDINA)

TIMBOG ang isang Grab driver na guardian ng mga bata dahil sa reklamong panggagahasa sa mga ito.

Ilang oras matapos gawin ang kahalayan sa mga alagang estudyante ay idinulog sa pulisya ng  complainant na kapwa grade 7 students ang reklamo laban sa suspek na si  Michael Nacional Tasarra, 38, Grab driver ng Las Pinas City.

Sa salaysay ng mga biktima, na ang edad ay 14 at 12 anyos, sa Women and Children’s Complaint Desk ng Las Pinas City Police, ipinasok ng suspek na si Tasarra ang kanyang ari sa mga kaselanan ng mga biktima habang wala ang asawa  ng suspek,  dakong alas 8:00 ng umaga, nitong Sabado.

Makailang beses umanong ginawa ng suspek na si Tasarra ang panggagahasa sa kanila at hindi na nila makayanan ang pang-aabuso sa kanila kaya nagsumbong sa kanilang tiyahin na nagsama sa kanila sa istasyon ng pulisya.

Sa mabilis na aksyon ng mga pulis makaraan ang pagrereklamo ng mga biktima at tiyahin  dakong ala-1:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa kanilang tinitirhan.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Rape si Tasarra sa Las Pinas City Prosecutors Office.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG EX-COP VS KIDNAP NI-RAID:  P1.3-M CASH, ARMAS NAKUHA

(NI DAVE MEDINA)

NAKAKUMPISKA ang mga awtoridad ng P1.3 milyong halaga ng pera at ilang armas sa bahay ng isang dating pulis na umano’y sangkot sa kaso ng kidnapping sa limang Chinese national sa Las Piñas City.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Las Piñas City Police at Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang bahay ni dating Staff Sgt. Magdaleno Fernandez Pacia Jr. at live-in partner nitong si Andrelyn Gayumali Naldoza sa Barangay Pulang Lupa Uno alas 5:00 ng madaling-araw ng Biyernes.  Naaresto si Naldoza  sa kanilang bahay sa Pulang Lupa Uno ngunit wala si Pacia nang magsagawa ng operasyon ang pulisya.

Maliban sa pera, nakuha rin sa tinitirhang bahay ni Naldoza ang 9mm pistol,  dalawang kalibre .45 na baril, ilang bala para sa iba’t ibang uri ng baril,  granada at ilang cellphone.

Kasamang nasamsam ang police uniform ni Pacia na may name plate, bull cap at mga badge na may logo pa ng National Bureau of Investigaton (NBI).

Nakuha rin sa bahay ang 30 piraso ng credit card , 150 card ng Visa at pitong identification card na may pangalang Angel Vertucio.

Dating nakatalaga si Pacia sa Southern Police District (SPD) pero nasibak sa puwesto noong April 2018 dahil sa kasong pagnanakaw at illegal possession of explosives.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA NANUHOL SA PULIS, INARESTO

arrestwomen12

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang dalaga makaraang tangkaing suhulan ng pera ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Pinas City Police kapalit ng pagpapalaya sa kanyang naarestong ama na nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod, Martes ng madaling araw.

Agad na pinosasan ni P/Sgt. Earl Loterte ng SDEU si Mikka Montalban, 24, residente ng no. 1303 F Santos St Barangay Zapote matapos tangkaing manuhol ng halagang P10,000 sa mga pulis kapalit ng pagpapalaya sa kanyang amang si Nicanor Montalban, 49,

Nauna rito, dinakip ng mga tauhan ng SDEU noong Lunes ng gabi, dakong alas 10:30 ang matandang Montalban sa Burgos St. Barangay Pamplona sa isinagawang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakuha mula kay Montalban ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money na halagang P200 na kaagad na dinala sa tanggapan ng SDEU upang imbestigahan.

Gayunman, dakong ala-1:16 ng madaling araw, nagtungo sa naturang tanggapan ang anak ni Montalban na si Mikka, bitbit ang nasabing halaga ng salapi na kanyang isinusuhol sa mga arresting policemen kapalit ng kalayaan ng kanyang ama.

Kaagad na inaresto ng mga awtoridad si Mikka matapos kumpiskahin ang dalang salapi upang magamit bilang ebidensiya sa pagsasampa ng kasong corruption of public official laban sa kanya sa Las Pinas City Prosecutor’s Office.

Ang mag-ama ay kapwa na nakakulong sa himpilan ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

AWAY-TRAPIKO SA SUBDIVISION; MAG-AMA SUGATAN

las pinas12

 

(TEKSTO/PHOTO BY JHAY JALBUNA)

DAHIL lamang umano sa away sa trapiko, pinagbabaril ng mga suspect na umano’y mga Muslim ang mag-ama sakay ng sasakyan sa loob ng Doña Manuela Subdivision, Barangay Pamplona 3, Las Pinas City, bandang alas-5:00 ng hapon nitong Miyerkoles.

Ilang minuto rin nagka-tensiyon sa loob ng subdivision matapos rumesponde ang mga pulis at paligiran ang isang unit doon.

Sugatan at isinugod naman sa ospital ang mag-ama.

Please follow and like us:
Read More

TATAY NAWALAN NG TRABAHO, NAGBARIL SA ULO

crime

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA kritikal na kondisyon ang isang 42-anyos na mister nang magbaril  sa sarili matapos magkaroon ng depression nang tanggalin sa trabaho, Lunes ng umaga sa Las Pinas City.

Ang biktima na nakilalang si Kenneth Mirao, ng 14 Dinar St., Camella Homes Subdivision, Barangay Pamplona 3, ay nasa kritikal na kondisyon sa Perpetual Medical Hospital.

Ayon sa pulisya, si Kenneth ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .380 na baril.

Sa pahayag ng anak ng biktima, bago ang insidente ay nasa sala siya samantalang ang kanyang ama naman ay lumabas ng kanilang bahay dakong alas-7:00 ng umaga.

Dagdag pa ng anak ng biktima na bigla na lang itong nakarinig ng putok ng baril kung kaya nagmadali siyang lumabas upang tingnan ang kanyang ama na kalalabas lamang ng kanilang bahay.

Laking gulat ng anak ng biktima nang makitang duguan at nakahundusay sa semento ang kanyang ama.

Agad naman na humingi ng saklolo ang anak ng biktima sa kanyang kapamilya at isinugod sa naturang hospital.

Napag-alaman ng pulisya sa kaanak ng biktima  na  ito ay nagbaril sa sarili dahil dumaranas ng matinding depression  matapos itong tanggalin sa trabaho.

Please follow and like us:
Read More

5 HULI SA SPA ‘EXTRA SERVICE’

arrest21

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS-REHAS ngayon ang lima katao habang nakatakas naman ang dalawang may-ari ng Blue Orchids Wellness and Spa nang magsagawa ng operasyon ang otoridad ng Follow Up Section at Women’s and Children’s Protection Center (WCPC) ng Las Piñas City Police Station, kasama rin ang mga kagawad ng Business Permit Licensing Office, nitong Lunes ng gabi sa Alabang-Zapote Road, Barangay Pamplona Uno ng Las Piñas.

Nakilala ang mga nakatakas na may-ari na sina Arnaldo Dagohoy at Philip Ortiz, 38. Arestado sina Jessa Kate Miranda, 25, manager ng nasabing wellness spa at ang mga therapist na sina April Joy Madapat, alyas “Joy”, 33, Cariza Rose Miranda, 29, Maria Peralta, 31, Criselda Nemis, 25.

Base sa ipinadalang report ni Las Piñas City Chief of Police P/Col. Simnar Gran kay Southern Police District (SPD) Dir. Eliseo DC. Cruz, nakatanggap ng sumbong ang mga otoridad na may nagaganap na prostitusyon at wala rin business permits ang lugar kaya’t agad bumuo ng plano ang mga kapulisan at nagpanggap na mga kostumer kasabay ng pakikipagtransaksiyon. Nang magpositibo ang transaksyon ay agad inaresto ang limang suspek.

Narekober sa mga therapist ang tinanggap na P3,500 na marked money, isang face towel na kulay puti at isang ginamit na condom.

Nakakulong ngayon sa Las Piñas custodial center ang mga nahuling suspek habang inihahanda sa korte ang mga kasong kakaharapin. Patuloy naman pinaghahanap ang mga may ari na sina Dagohoy at Ortiz.

 

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE PINATAY NG BOARDER

map

(NI ROSE PULGAR)

WALA  nang buhay nang matagpuan ang isang matandang negosyante sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Zapote Las Pinas City kahapon ng umaga.

Ang labi ng biktima ay kasalukuyan nakalagak ngayon sa People’s Funeral Homes na nakilalang si Felimon Dela Cruz , 78, binata, nakatira sa no. 1391-F Santos Avenue Barangay Zapote nang nasabing lungsod.

Base sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Las Pinas City Police dakong alas-7:15 ng umaga nang matagpuan ang biktima  na duguan at may busal ang bibig nito sa loob ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Mismong ang kaibigan at kapitbahay ng biktima na si Marcelino Ayera ang nakadiskubre sa labi na kung saan duguang nakahandusay sa loob ng bahay.

Batay sa pahayag ni Ayera sa pulisya, napansin nitong hindi lumalabas ng bahay ang kaibigan na dating ginagawa nito na tuwing umaga ay nasa labas ng bahay ito.

Hanggang sa nagduda na si Ayera nang puntahan ang kaibigan sa loob ng bahay ay dito na tumambad sa kanya na duguang at may busal ang bibig nito na mistulang sinaktan at pinahirapan.

Agad naman ipingabigay alam ni Ayera sa kanilang barangay at sa mga awtoridad ang insidente.

Aniya, bago maganap ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang kanyang boarder na nakilalang si Francis Villareal, dahil sa paninigil ng upa sa bahay na dalawang buwan nang hindi nakakabayad.

Kaya’t hinala ni Ayera na si Villareal ang gumawa umano sa pagpatay sa biktima dahil ito lamang ang nakaaway ng kanyang kaibigan bago matagpuan ang labi nito.

Bukod pa dito wala na sa inupahan bahay at mga gamit ng suspect matapos ang insidente.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad upang madakip at sampahan ng kaso ang tumakas na suspect.

Please follow and like us:
Read More

DAYUHAN NAGPAKAMATAY

suicide

(NI ROSE PULGAR)

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang senior citizen na Indonesian national matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Las Pinas City kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Yosep Bodiono, 60, nakatira nakatira sa no. 816 Santiago St., Phase 5, Barangay Manuyo 2, Gatchalian Subdivision ng nabanggit na lungsod.

Base sa natanggap na report ni Senior Supt. Simnar Gran  hepe ng Las Pinas City Police , dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang misis na si Cesmarie Magada.  Nakatali ang leeg nito sa nylon cord at nakabigti sa  kisame ng kanilang bahay.

Agad na humingi ng tulong ang ginang sa ilang taong naroroon para kalagan ang biktima at kaagad na dinala ito sa Olivarez Medical Center, ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigayon ang Las Pinas City Police hinggil sa motibo nang pagpapatiwakal ng naturang dayuhan.

Dahil tikom pa rin ang bibig ng misis ng biktima hinggil sa insidente dahil sa labis na pagkabigla.

Please follow and like us:
Read More