TAXI NILAMON NG LUPA

cab321

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY– Nilamon ng lupa ang isang taxi habang dumaraan sa Diversion Road sa Barangay Ma-a sa lungsod na ito sa kasagsagan ng ulan, Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ni James Babao, nagulat na lang siya nang biglang natabunan ang kanyang taxi.
Kwento pa ni Babao, natakot sila sa nasaksihan at hindi agad na nakaatras dahil na rin sa mga sasakyan na kasunod nila sa likod.

“Na-stuck ako kasi yung paa ko, hindi ko na maapakan ang brake kasi takot na ako. Nabigla ako eh. Nanginginig na ang tuhod ko. Natagalan pa akong kumilos. May tumalsik na tubig sa gilid ng taxi. Napasigaw na kami lahat.

Bumulwak na yung lupa, may kasamang kahoy,” sabi ni Babao.

Tinulungan si Babao ng Barangay rescue team ng Matina Crossing at pag-rescue ng Central 911 Urban Search and Rescue Team sa pasahero’t driver na na-trap sa loob ng natabunang lupa.

Matagumpay naman silang nailigtas.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Diversion Road na apektado ng landslide habang patuloy ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways.

Please follow and like us:
Read More

BATA INANOD SA TUMAAS NA ILOG

davao

DALAWA ng ang patay habang isa pa ang nawawala sa pagbaha at pagguho sa malaking bahagi ng Southern Mindanao bunga ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng cold front.

Natabunan ng gumuhong lupa sina Dennis Pesadilla, ng Compostela at Rommel Gogo, ng Montevista. Noong Sabado pa binabayo ng malakas na pag-ulan ang lalawigan.

Si Pesadilla ay namatay nang matabunan ng mining village bandang alas-4:00 ng hapon gayundin si Gogo na natabunan nang gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Barangay Tapia.

Nawawala naman ang 12-anyos na si Krisel Hermosura nang anurin ng tumaas na Handurumog River sa Nabunturan, Sabado ng hapon. Sugatan din ang kanyang lola nang nangkaing sagipin ang bata.

Linggo ng madaling araw ay umabot na sa 907 pamilya mula sa anim na lalawigan ang inilikas.

Wala ring kuryente sa Monkayo, ayon sa Davao del Norte

Davao del Norte Electric Cooperative (Daneco).

Please follow and like us:
Read More

RESIDENTE PINAG-IINGAT SA LANDSLIDE, BAHA NI ‘AMANG’

rain

NAKATAAS pa rin ang alert level ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga residente sa ilang lugar na tatamaan ng bagyong ‘Amang’ kahit malaki ang posibilidad na maging low pressure area na lamang ito sa mga susunod na oras.

Sinabi ni Pagasa Senior Weather Specialist Chris Perez, magdadala pa rin ng maraming ulan kahit na LPA na lamang si ‘Amang’.

Pinag-iingat din ang mga residente sa pagbaha at pagguho ng lupa, higit sa mga lugar na tatamaan nito, Huling namataan ang bago salayong 40km hilaga hilangang silngan ng Guiuan, Eastern Samar o 45km silangan timog-silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph.

Tinatahak nito ang direksiyong pa-hilaga sa bilis na 10 kph.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Masbate kabilang na ang Ticao Island, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Libong pasahero naman ang stranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Coast Guar.

Sa huling tala, ang mga pasaherong stranded ay: Central Visayas – 280 pasahero

Northern Mindanao – 354, Eastern Visayas – 2,083, Southern Visayas, 85

Bukod sa mga pasahero, may 55 vessels, 423 rolling cargoes, at 10 motorbancas ang kasalukuyang ding hindi pinabyahe.

 

Please follow and like us:
Read More

RESIDENTE ILILIKAS DAHIL SA MALAMBOT NA LUPA

lanslide

NAGA CITY – Habang lumalakad ang araw ay patuloy na nadaragdagan ang biktima ng landslide dahilan para ilikas na ang may 1,000 residente sa posible pang mga pagguho ng lupa sa Barangay Iraya, Buhi, Camarines Sur.

Masyado umanong malambot ang lupa sa maraming lugar sa Camarines Sur kaya’t nagdesisyon nang ilikas ang mga residenteng nakaligtas sa mga pagguho. Kagabi ay may report sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga narerekober na bangkay. Umaabot na sa 22 biktima ang nakuha habang marami pa ang iniulat na nawawala.

Nagpasiya na rin ang lokal na pamunuan na pansamantalang itigil ang retrieval operations sa Barangay Ipil dahil delikado umano sa kaligtasan ng team dahil sa sobrang lambot ng lupa.

Please follow and like us:
Read More

PATAY SA LANDSLIDE SA SAGNAY CAMSUR UMAKYAT NA SA 30

CAMSUR LANDSLIDE

UMAKYAT na sa tatlumpu ang patay sa landslide sa Sagnay, Camarines Sur matapos makuha kanina ang bangkay ng limang miyembro ng isang pamilya sa Sitio Igot.

Target ng mga rescuer na pasukin bukas ang Sitio Garang na apektado rin ng anim hanggang walong ektaryang pagguho ng lupa mula sa bundok.

Tinatayang may mahigit na 50 bahay ang natabunan at mga sasakyang dumadaan sa national hiway ng Sitio, Garang ang pinangangambahang nadamay sa landslide.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ANAK PATAY SA LANDSLIDE

albay

PATAY ang tatlo katao matapos matabunan nang buhay sa landslide sa kanilang bahay sa Legazpi City, Albay, Sabado ng madaling-araw. Hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga biktima – mag-asawa at kanilang anak – na natutulog nang maganap ang trahedya bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Barangay San Francisco. Patuloy sa pag-ulan sa lugar dulot ng bagyong ‘Usman’ dahilan para lumambot ang lupa at gumuho.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY GUMUHO: 6 PATAY

guho

ANIM ang iniulat na namatay matapos gumuho ang kinatitirikang bahay malapit sa creek sa Sitio Bathala, Bgy Bahay Toro, Quezon City kaninang  madaling araw.

Ayon kay Mike Marasigan ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management office, pito ang natabunan ng gumuhong bahay sa gilid ng Culiat River.  Naidala pa sa ospital ang dalawang biktima subalit ang anim na nasawi ay naipit at nalunod sa ilog.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina  Nilo Manguso, 46; Ryan Rigueros, 31; Benito Añora, 45; Jun Gabin; Ronald Conde, 65; at Rey Gestro, ayon kay PO1 Armed Pascual. Ginagamot naman sa ospital si Efren Milan at Fredericko Rigueros na nagtamo ng sugat sa katawan matapos tumalon habang gumuguho ang bahay

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, may nakita silang paglabag sa 3-meter easement sa mga waterways sa bahay na gumuho. Nasa creek na ang pundasyon ng itinatayong extension ng bahay ng biktimang si Ryan Rigueros.

Posible umanong lumambot ang lupa ng pundasyon dahil sa pag-ulan  at bumigay ito.

Please follow and like us:
Read More