SUB LEADER NG MAUTE, 1 PA, SUMUKO SA LANAO

(NI AMIHAN SABILLO)

BALIK- pamahalaan na ang dalawang sinasabing miyembro ng local terrorist group sa Lanao Del Norte matapos sumuko ang mga ito.

Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, Commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) “With the neutralization of their potential leaders, the capability of local terrorist groups in Lanao area is now dwindling.”

Sinabi pa ni Sobejana, sumuko ang 2 terorista sa tropa ng 49th Infantry Battalion sa Poblacion, Bayabao, Butig, Lanao del Sur nitong Martes.

Pinangalanan ni Sobejana ang mga sumuko na sina Hadji Omar Olama, alyas Omar/Ivan na dating sub-leader ng Maute Group at kanyang tagasunod na si Ibrahim Abbas Olama, alyas Abbas.

Bitbit ng dalawang terorista sa kanilang pagsuko ang mga baril at bala.

Umaasa naman si Sobejana na dahil sa pagsuko ng dalawa ay hihina nang tuluyan ang puwersa ng mga local terrorist sa Mindanao.

“While we continuously conduct our focused military operations, we encourage all the remaining bandits to submit themselves to the government forces and take advantage of the livelihood programs and other services offered by the national government and its stakeholders,” pagtatapos ni Sobejana.

 

Please follow and like us:
Read More

P6.8M SHABU NABAWI; 2 ARESTADO SA LANAO DEL SUR

lanaodelsur12

ARESTADO ang dalawa katao habang umaabot sa P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa buy bust operation na naganap sa Lanao del Sur nitong Biyernes.

Nasamsam ang droga sa joint buy bust operation sa Purok Kapigis, Eastern Eastern Wao in Lanao del Sur.

Ikinasa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM, PDEA Region 12, Wao Municipal Police Station, 34th Infantry Battallion Philippine Army, Lanao del Sur Provincial Police Office, at CIDG BARMM ang buy bust operation.

Nahuli sina Darangji Ombo Angatong, alyas Salaudin at Lendi Asiw Mangondacan  na sugatan din sa pagsalakay at agad isinugod sa Wao District Hospital.

Nabawi rin ang isang transparent plastic bag na naglalaman ng may isang kilong hinihinalang shabu na may halagang P6.8 million, buy bust money, iba’t ibang card, at isang blue Kia Picanto.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS TIMBOG SA KOTONG

(NI BONG PAULO)

KALABOSO ang dalawang mga pulis matapos  arestuhin ng mga kabaro nila sa inilatag na entrapment operation na ikinasa ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) dahil sa pangingikil ng mga suspek sa kanilang inaresto sa bayan ng Wao, Lanao del Sur, nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga pulis na inaresto na sina Police Staff Sergeant Jeffrey Romero Fabros at Police Master Sergeant Erwin Piquero.

Ayon kay CITF commander Police Col. Romeo Caramat, ang dalawa ay kapwa nahuli sa aktong nangongotong matapos na tumatanggap ng P50,000 na marked money mula sa complainant.

Ayon sa nagrereklamong si Laut Madale, naaresto ang kanyang anak nina Piquero matapos salakayin ang kanilang bahay na walang search warrant noong Mayo 17 para sa illegal possession of firearms at nakuhanan ng isang .45 kalibre na baril.

Hiningan umano ng mga nadakip na pulis si Madale ng P200,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang anak at mapababa ang kaso.

Sinabi pa ni Madale na nakapagbigay na siya ng P100,000 at pinalabas ang anak. At may balanse pa silang isang daan libo na bumaba sa P50,000.00.

Dahilan para magsumbong si Madale sa CITF at dito naaktuhan tinatanggap nina Piquero ang P50,000 marked money.

Napag-alaman na ang dalawang mga parak ay inilipat sa Midnanao matapos na madawit ang mga ito sa illegal na droga.

 

Please follow and like us:
Read More

DAANG RESIDENTE LUMIKAS SA BAKBAKANG MAUTE, MILITAR

tuburan1

LUMIKAS sa takot ang mga residente matapos sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga government troops at mga natitirang Maute terrorist group.

Bandang alas-3:00 ng hapon ng Lunes unang narinig ang putukan sa Barangay Padas at hanggang gabi ay hindi pa rin natatapos, ayon sa disaster management office.

Nagsipanakbuhan ang mga residente sa kalapit na Tubaran town habang ang iba ang sinagip ng grupo ng gobyerno.

Hanggang Martes ng umaga ay nagpapatuloy ang pagtugis sa Maute group kaya’t muling nahintakutan ang mga residente lalo pa’t tumatak sa kanilang isipan ang madugong pananakot at pag-giyera ng terorista.

Ang teroristang Maute ay nanumpa sa Islamic State at nagsagawa ng paglusob at paninira sa Marawi noong 2017, dahilan para  magdeklara ng martial law sa buong Mindanao.

Please follow and like us:
Read More

3 MAUTE-ISIS PATAY SA PATULOY NA BAKBAKAN

lanao

(NI JG TUMBADO)

NASAWI ang tatlong miyembro ng ISIS-linked terror group na Maute sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahaaan sa bulubunduking bahagi ng Lanao del Sur.

Sa report kay 103rd Infantry Brigade Commander, Col. Romeo Brawner, kasabay ng operasyon ang pagkakakubkob nila sa kuta ng Maute group sa Sultan Dumalondong at Marogong sa Lanao del Sur.

Nakasagupa aniya ng mga tropa ang grupo ng teroristang grupo na pinamumunuan ni Owaida Marohombsar, alyas Abu Dar.

Tatlo naman sa panig ng military ang nasugatan.

Sinabi ni Brawner sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalondong sa Lanao Del Sur ang nakubkob ng mga sundalo kung saan maliban sa tatlong nasawi ay dalawang Maute pa ang sumuko.

Patuloy pa umano ang operasyon ng militar laban sa iba pang miyembro ng grupo na pinaniniwalaang nasa 30 ang bilang, gayundin sa lider na si Abu Dar.

Nanawagan naman si Brawner sa mga residente sa lugar na huwag mag-panic dahil confined lang sa bulubunduking bahagi ng Sultan Dumalondong ang bakbakan.

samantala, sinabi ni Sr. Supt. Madzgani Mukaram ng Lanao del Sur provincial police naglagay na sila ng roadblocks sa mga lansangan sa lugar para maiwasang makatakas si Abu Dar at kaniyang mga tauhan.

Please follow and like us:
Read More

BAKBAKANG MILITAR VS MAUTE NAGPAPATULOY

lanao

(NI JESSE KABEL)

TATLONG sundalo na ang nasusugatan sa nagpapatuloy na bakbakan nang salakayin ng Philippine Army ang kuta ng nalalabing Maute-ISIS terror group sa pangunguna ni Abu Dar  isang  most wanted terrorist leader  Huwebes ng umaga na ikinasawi rin ng ilang terorista  sa Sultan Dumalondong, Lanao Del Sur.

Sa initial na impormasyong ibinahagi ni  Army Col Romeo “Omet” Brawner, pinuno ng 103rd Infantry Brigade,  bandang alas 6:00 Miyerkoles ng  hapon ay sinimulan na nilang gapangin ang pinagkukutaan ni Abu Dar sa Brgy Sumalindao bayan ng Sultan Dumalondong.

Bandang alas 8:10 Huwebes ng umaga ay nagsimula na ang bakbakan nang pasukin  ng mga sundalo ang kanilang target na binubuo ng may 30 miyembro ng  Maute-ISIS.

May tatlong sundalo na ang inulat na nasugatan habang nagpapatuloy ang pagtugis ng militar .

Ayon kay Col Gerry Besana Western Mindnao Command spokesman hangang kahapon ay nagpapatuloy pa ang bakbakan at pinaniniwalaang marami na rin ang nalagas at sugatan sa hanay ng mga terorista.

Please follow and like us:
Read More

2 MAUTE-ISIS SUMUKO

maute

(NI DEREK LIPANA)

SUMUKO sa mga tauhan ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakabase sa Pagawayan, Lanao del Sur ang dalawang miyembro ng Maute ISIS remnants terrorist group noong Biyernes  bandang alas-9:00 ng umaga.

Ang dalawang Maute na sumuko na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan para sa kanilang seguridad ay sinasabing mga tauhan ni ni Owayda Benito Marohombsar na kilala sa alyas na Abu Dar.

Matatandaan na matapos mapatay ng militar ang leader ng Islamic State group sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon at ang Maute Brothers na lumusob sa Marawi City noong May 23, 2017 ay si Abu Dar na ang tumayong pinuno ng mga natitirang miyembro ng Maute ISIS.

Ayon kay Lt. Col. Ian Ignes, commander ng 55th IB sadyang pagod na ang dalawang sumukong Maute sa katatakbo sa pag-iwas sa pinaigting na military offensive laban sa kanila, kung kaya’t mas minabuti na lamang nilang sumuko sa pamahalaan at maka-avail ng tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga nagbabalik- loob.

Kasalukuyan silang sumasailalim ngayon sa custodial debriefing  sa kampo ng militar samantalang kasamang isinuko ng dalawang returnees ang kanilang mga armas na isang calibre KG 9 sub machine gun at isang kalibre .45 baril.

Sinabi naman ni Col. Romeo Brawner, ang bagong commander ng 103rd Infantry Brigade na nakabase sa Marawi City, Lanao del Sur, hindi nila titigilan ang paglulunsad ng combat operation laban sa mga nalalabi pang kasapi ng teroristang Maute ISIS upang hindi rin maantala ang recovery at reconstruction ng Marawi na nagmistulang “ghost town” sa limang buwang  bakbakan ng militar at mga Maute militants.

 

Please follow and like us:
Read More