3 BATA NILAMON NG LAWA 

lunod1

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang tatlong bata matapos maligo sa lawa na nabuo sa isang quarrying site na pag-aari ng isang contractor sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa bagong Clark City project sa Tarlac, Tarlac.

Hindi na nagawang makaahon pa mula sa pagkakalunod ang mga biktima na nakilalang sina Richel Bruno, 7, ang kapatid na si Raymar, 9, at ang 10 taong gulang na  kalaro na si Eunice Gutierrez.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre na lamang ang bangkay ng tatlong bata na lumulutang sa lawa ng isang Jelvin Umali nang mapadaan ito sa nabanggit na lugar pasado alas 10:00 ng umaga ng Martes.

Sinasabing ang lawa kung saan umano’y naligo at nalunod ang mga bata ay nabuo sa isang quarry site na may 30 metrong haba, 15 metro lawak at nasa tinatayang 5 hanggang 7 talampakang lalim.

Nasa 1.2 kilometro naman ang layo ng lawa mula sa bahay ng mga biktima sa Sitio Kalangitan, Barangay Cutcut.

Nabatid sa report na maaga umanong pumapasok sa trabaho ang magulang ng mga bata at lingid sa kanilang kaalaman ay nagtutungo ang mga anak sa lawa.

Please follow and like us:
Read More