SUPPLIER NG NAKALASONG LAMBANOG SA QUEZON, LAGUNA, IISA

(UPDATE) (NI NILOU DEL CARMEN) IISA ang pinanggalingan ng lambanog na umano ay naging sanhi ng pagkalason at pagkamatay ng walo katao at higit sa 300 katao ang nabiktima sa Candelaria, Quezon at bayan ng Rizal at Nagcarlan sa Laguna nitong linggo. Nagmula umano ito sa Barangay Tipaz,  San Juan, Batangas. Ayon kay PCPT Lindley Tibuc, hepe ng Rizal police, nitong Lunes ng umaga ay nagtungo at nakipag-ugnayan na sa  Rizal police station ang isang  Fred De Los Reyes,  na siya umanong representative ng Rey Lambanog na pag-aari ni Nicanor Buela Delos Reyes na ang gawaan ng…

Read More

P400-K SHABU NABAWI, DRUG SUSPECT NANLABAN, PATAY!

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang hinihinalang bigtime pusher matapos manlaban sa mga otoridad sa bayan ng Lumban, Laguna, Huwebes ng madaling araw. Kinilala ni Laguna police director Col. Eleazar Matta ang suspek na si Jeffrey Brosas, na residente ng Barangay Oogong sa Sta. Cruz. Ayon kay Matta, isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Brosas. Habang nagaganap ang transaksyon bandang ala-1:45 ng madaling araw, bigla na lamang umanong bumunot ng baril si Brosas nang mahalata na pulis ang katransaksyon. Nagpaputok ito sa pulis dahilan para gumanti…

Read More

MAGKAANGKAS NA BAGETS TUMILAPON; 1 PATAY

accident121

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang 18-anyos na binatang nagmamaneho sa motorsiklo  samantalang  sugatan ang 16-anyos na dalagang kaangkas nito nang ang sinasakyan ng mga ito maaksidente sa kurbadang bahagi ng  highway sa Nagcarlan, Laguna, Sabado ng maghahatinggabi. Dead on the spot ang biktimang si Harold Villegas, taga Brgy. Talangan, Nagcarlan,   matapos na ang ulo nito ay tumama sa kongkretong poste sa gilid ng highway. Malubha namang nasugatan ang backrider nito na si Katrina Ramirez, residente ng Liliw, na nagtamo ng mga sugat sa katawan matapos na ito ay magpagulong-gulong sa sementadong kalsada.…

Read More

NANAY ADIK SA DROGA,  BUNSO PINATAY,  1 PA KINATAY

crime

(NI NILOU DEL CARMEN) KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng dalawang paslit sa kamay mismo ng kanilang ina sa bayan ng Rizal sa Laguna. Ayon sa awtoridad, pinatay ng 30-anyos na ginang ang kanyang 5-taong gulang na anak na babae sa pamamagitan ng pag-suffocate. Kinilala   ang suspek na si Ana Loraine Medalla, ng Viriña Subdivision, sa Barangay Tuy. Nasa ospital naman ngayon ang 11-taong gulang na panganay na si Keisha Kayle Caponpon matapos niyang saksakin ng gunting ng 26 beses. Ayon kay Capt. Lindey Tibuc, hepe ng Rizal Municipal Police Station, nadiskubre ng…

Read More

2 BUWAN BABY, IBINITIN, INIHULOG NG TATAY SA SEMENTO

crime

(NI JG TUMBADO) KINARATE saka inihulog umano sa semento ng isang lalaki ang kanyang sariling anak sa Sta. Cruz, Laguna. Kalaboso ngayon ang suspek na si Robert Binaya na nahaharap ngayon sa kasong parricide. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing si Binaya at nakitang nakahiga ang paslit na biktimang si Daniel. Hinawakan umano ng suspek sa mga paa ang bata at ibinitin patiwarik. Kinarate rin umano nito ang sanggol sa ulo at pagkatapos ay inihulog sa semento. “Hindi ko naman po ibinagsak. May kutson naman po doon sa higaan…

Read More

SEKRETARYA NG CPP-NPA-NDF, ARESTADO

cppnpa12

(NI CYRILL QUILO) SINALAKAY ang bahay ng pumalit na sekretarya ng CPP-NPA-NDF sa Brgy. Rosario, San Pedro, Laguna. Sa pinagsanib pwersa ng Laguna Provincial Intelligence , Regional Intelligence Division 4-A at Philippine Army, nilusob ang tinutuluyan ni Antonia Tonog Eusebia Dizon, alyas Tonet, sa Olympia Village, Brgy. Rosario San Pedro City, Laguna. Nagsagawa ng Oplan Manhunt kay Dizon sa kasong murder na isinampa sa Bayugan Agusan del Sur RTC Branch 7 at Search Warrant ng Sta. Cruz, Laguna RTC . Ayon kay PMaj. Ryan Ojapa ng PIB ,si Tonet ang…

Read More

 ‘ISASAMA KITA SA HUKAY!’

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang live-in partners na parehong security guard matapos barilin ng lalaki ang babae at pagkatapos ay nagpakamatay din sa Biñan City, Laguna, Sabado ng gabi. Kapwa nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Biñan sina Logie Palmera Sr. at Jeralyn Laña, kapwa ng ng Southville 5, Barangay Timbao. Nagtamo si Laña ng mga tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan samantalang isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Palmera. Batay sa report ng Biñan City police, sinundo ng lalaki ang kanyang kinakasama…

Read More

COACH HULI SA ‘RAPE’ NG VOLLEYBALL PLAYER

(NI CYRILL QUILO) HULI sa isang entrapment operation sa Bay Laguna ang isang volleyball coach matapos ulitin ang panghahalay sa kanyang player sa isang resort. Kasama ang Provincial Intelligence Branch at Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Pila Municipal Police Station nang puntahan ng awtoridad ang isang resort bandang 4:30 ng hapon at sagipin ang isang menor de edad na estudyante sa kamay ng kanyang coach na si Jimwell de Leon, alyas We-we, 18, grade 11 student ng CMDI Senior High School at residente Brgy. Calo, Bay, Laguna. Ayon…

Read More

DUGO NG KAPITAN DUMANAK SA PALENGKE

(NI NILOU DEL CARMEN) NAGING madugo ang umaga sa Alaminos public market sa Alaminos, Laguna matapos pagbabarilin ang isang barangay captain na nagmamay-ari ng isang puwesto ng tindahan ng karne sa loob mismo ng palengke sa Barangay Poblacion 3, Biyernes ng madaling araw. Kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Romeo Sagario, barangay captain ng Barangay San Andres. Batay sa report, nasa kanyang tindahan ang kapitan dakong alas 4:30 ng umaga,  at abala sa pagtitinda nang humalo sa mga mamimili ang tatlong  suspek. Bigla na lamang pinagbabaril nang malapitan ang…

Read More

NOT ONCE BUT TWICE: EX-SEX BOMB DANCER, TIMBOG SA DROGA

(NI NILOU DEL CARMEN) MULING naaresto ng mga operatiba ng PDEA 4A at mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng San Pablo police at Laguna PNP  ang dating miyembro ng sexbomb dancers at ang kalive-in nito sa drug buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna Martes ng gabi. Kinilala ang San Pablo City police ang suspek na si Sheena Joana Roño Uypico, alyas Sheena, 34,  at ang kinakasama nito na si Elmer Panaligan Señoreses, 40, Batay sa report, isinagawa ang buy bust sa Barangay San Nicolas, alas 6:45 ng hapon matapos dumating…

Read More

2 ORAS NA PAGITAN; 4 PATAY SA LAGUNA DRUG OPS

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN) APAT ang tumimbuwang sa tatlong magkakasunod na drug buy-bust operation na lahat ay nauwi umano  sa engkwentro sa Laguna sa loob lamang ng dalawang oras, Miyerkoles ng madaling araw. Batay sa report ng Laguna PNP, isa ang napatay sa San Pedro City, isa sa Cabuyao City at dalawa sa isang operation sa Calamba City. Alas 12:05 ng madaling araw nang maganap ang unang  engkwentro sa PNR site, Barangay Nueva, San Pedro City kung saan napatay ang isang alyas Meng na nakipagbarilan sa mga aworidad gamit ang isang kalibre…

Read More

SUSPEK SA EXTORTION, TINODAS SA HIGHWAY

crimeshooting

(NI NILOU DEL CARMEN) ISANG umano ay extortionist  at miyembro ng criminal group ang pinagbabaril  hanggang sa mapatay ng mga hindi nakilalang salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Calamba City Huwebes ng hapon. Kinilala ang napatay na si Alfredo Fajardo, miyembro umano ng Marvin Fajardo criminal and drug group na nag-ooperate sa Calamba City at sa iba pang bahagi ng Laguna. Batay sa report ng Calamba City police, sakay ng motorsiklo ang biktima at tinatahak ang national highway sa Barangay Lecheria nang makita na hinahabol ito ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas…

Read More

PINATAY NA PASLIT ISINILID SA ECO BAG

sta cruz laguna1

(NI NILOU DEL CARMEN) KALUNUS-LUNOS na kamatayang ang sinapit ng isang batang babae na matapos saksakin ng isang hinihinalang drug addict ay isinilid na lamang ang bangkay nito sa eco bag sa Sta. Cruz, Laguna, nitong Sabado. Narekober ng mga awtoridad  ang bangkay ng  5-anyos na biktimang si Redelyn Sumague sa isang bahay sa Sityo 1, Barangay Patimbao, na nakasilid sa eco bag at may tama ng icepick sa leeg matapos na ito ay i-report ng may-ari ng bahay na siyang nakadiskubre sa krimen. Naabutan at naaresto naman ng mga pulis ang…

Read More

BUNGO SA PLASTIC CONTAINER, NAHUGOT SA FALLS

twin falls12

(NI NILOU DEL CARMEN) LAKING gulat ng isang lifeguard sa resort  sa Kalayaan, Laguna nang madiskubre nito ang plastic container na may laman ng bungo ng tao at itinago sa ilalim ng falls. Ayon kay Rosauro Sadsad, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes, nang mapansin niya ang brown plastic container sa ilalim ng tubig sa Twin Falls Resort, sa Barangay San Juan. Agad niya itong iniahon subalit nang buksan ay tumambad sa kanya ang nabubulok nang bungo ng tao. Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung paano napunta doon ang container. Inaalam na…

Read More

MAG-AAPO NA-HIT-AND-RUN SA LAGUNA

crime hitandrun12

(NI NILOU DEL CARMEN) SUGATAN ang apat na  magkakapamilya, kasama ng dalawang bata, matapos na ang sinasakyan ng mga itong tricycle ay salpukin ng isang hindi naplakahang SUV sa national road sa Calamba City, Laguna, Sabado ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Sigfredo Abordo, 58, tricycle driver, asawang si Consolacion Abordo, 54; at ang mga apong sina Vince Lenard at John Denver Abordo, kapwa limang taong gulang. Batay sa imbaestigasyon, galing  sa Calamba City ang pamilya at pauwi na sa  Barangay Suba, Majayjay lulan ng tricycle dakong 1:30 ng madaling…

Read More

TULAK BULAGTA SA DRUG BUST

crimeshoot

(NI CYRILL QUILO) PATAY ang isang tulak nang manlaban sa operatiba ng Laguna Police Provincial Office / Drug Enforcement Unit (LPPO/DEU) sa isinagawang drug buy bust operation sa Bgy. Prinza, Calamba City, Biyernes ng hapon. Kinilala ni Police Lt. Col. Jac Malinao, hepe ng Calamba City Police ang nasawing suspek na si Eduardo Dumasing, residente sa naturang barangay. Si Dumasing ay kabilang sa Directoriate Intelligence watchlist ng Calamba police. Sa imbestigasyon ni Pat. Robinson Manaig, may hawak ng kaso, naganap dakong alas 2:30 ng hapon ang isinagawang buy bust operation sa hideout…

Read More

‘ATONG ANG’, HINATAW NG HOLDAPER SA PARKING LOT

crime23

(NI NILOU DEL CARMEN) SUGATAN ang isang Chinese national na kapangalan ni gaming tycoon at gambling operator na si Atong Ang sa holdapan na naganap sa parking lot ng isang condo sa Biñan City, Laguna, Lunes ng madaling araw. Batay sa report ng Biñan City police, nasa parking area  ng Holland Park Condo, Barangay  San Francisco ang 35-anyos na Chinese national nang biglang lumapit ang hindi nakilalang lalaki. Hinambalos muna ng suspek ng matigas na bagay ang biktima at saka kinuha ang itim na bag nito  na naglalaman ng nasa P80,000.00. Agad ding…

Read More

NATAGPUANG SUNOG NA BANGKAY ‘DI KAY FAJARDO

allanfajardo12

ITINANGGI ng mga kaanak ng dinukot na dating aide ng pinaslang na dating Tanauan mayor Antonio Halili na sa kanya ang nakitang sunog na bangkay sa Dasmarinas Cavite, Huwebes ng gabi. Sinabi ng kapatid ni Allan Fajardo, na si Cristy Fajardo-Maranan, na hindi ang kapatid niya ang nakitang sunog na bangkay. Unang nakita ang bangkay sa Dasmarinas Cavite at agad inireport sa Sta. Rosa, Laguna kung saan huling nakita at dinukot si Fajardo kasama ang driver na si Ricky Atienza, habang kumakain sa loob ng hotel sa Nuvali, Sta. Rosa,…

Read More

ANGKAS PASSENGER, SINUNTOK NG DRIVER, TINANGAYAN NG IPHONE

angkas12

(NI NILOU DEL CARMEN) INIREKLAMO ng isang estudyante ang kanyang nasakyang Angkas rider matapos siyang suntukin at itakbo ang kanyang mamahaling cellphone nang hindi niya mabayaran ang hinihingi sa kanyang pamasahe mula Pasay hanggang Laguna. Ayon sa 19-anyos na biktimang si  Rafael Ace Tan, Huwebes ng umaga ay sumakay siya sa motorsiklo ng rider na kanyang inarkila mula Pasay Taft hanggang sa   Pacita Complex sa San Pedro City. Nang dumating sila sa destinasyon ay sinisingil umano siya ng halagang P2,500 na pamasahe. Ayon sa estudyante, binigyan muna niya ito ng P250  at sinabing…

Read More

KILLER NG PSG NAARESTO MATAPOS ANG 13-TAON SA LAGUNA

nbi12

(NI JULIE DUIGAN) MULA pa sa 13 taong pagtatago, naaresto na  ang isang convicted murderer na may kinakaharap pang kasong murder sa Manila court sa pagpatay sa isang pulis na miyembro ng Presidential Security Guard (PSG) noong 2016, matapos madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Task Force Agianst Illegal Drugs (NBI-TFAID) noong Lunes, sa San Pedro, Laguna. Iniharap sa mga mamamahayag ni  Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI-TFAID, ang suspek na nakilalang si Ronnie Rivera, alyas ‘Ogie’ , na convicted sa kasong murder dahil sa pagpatay sa…

Read More

BANGKAY NG BABAE SA SAKO NATAGPUAN SA TULAY

BEBOTLAGUNA1

(TEKSTO/PHOTO BY NILOU DEL CARMEN) INAALAM pa rin ang mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa bangkay ng babae na natagpuang nakasilid sa sako at itinapon  sa ilalim ng tulay sa Carmona, Cavite. Ayon kay PO1 Emerson Busto, imbestigador ng Carmona police, Martes ng hapon nang madiskubre ang bangkay matapos tuntunin  ng mga security guard   ng Manila Southwoods Residence sa  Barangay  Cabilang Baybay, Carmona, ang pinagmumulan ng masangsang na amoy na inirereklamo ng mga naninirahan sa naturang subdivision. Humantong ang paghahanap sa ilalim ng tulay sa Southwoods river kungsaan tumambad mula sa sako ang bangkay ng babae na…

Read More

KOTSE NG AMO TINANGAY NG BAGONG PASOK NA DRIVER

KOTSE

(NI NILOU DEL CARMEN) PINAGHAHANAP ang isang namasukang driver matapos tangayin nito umano ang kotse ng kanyang among negosyante sa Biñan City, Laguna, nitong Biyernes. Kinilala ang suspek na si Jayar   Peril, 23 anyos, tubong   San Isidro, Surigao Del Norte at may address na Commonwealth Extension, Kalinisan, Quezon City. Ipinagharap na ito ng kasong carnapping ng negosyanteng si Vincent Ongsiaco, residente ng South City Homes, Brgy. Santo Tomas, Biñan City at nagmamay-ari ng nawawalang Silver Toyota Vios na may plate number na NAH-1838. Ayon sa biktima tatlong araw pa lamang itong namamasukan…

Read More

HOLDAPER PATAY NANG KUMASA SA PULIS

crime

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang lalaking nangholdap sa isang dalaga matapos na ito ay makipagbarilan sa mga humahabol na pulis sa Calamba City Biyernes ng madaling araw. Ayon kay Senior Supt. Eleazar Matta, Laguna police director, nangyari ang engkwentro sa Barangay Pansol, kungsaan naabutan ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang holdaper pasado alas:12:00 ng hatinggabi. Unang hinoldap ng suspek ang biktimang si Bernadette Reyes habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa highway sa harap ng isang resort dakong alas 11:40. Kasabay ng pagtutok ng baril, kinuha ng suspek…

Read More

BGY CHAIR TODAS SA RIDING-IN-TANDEM

lumban

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI  ang isang barangay chairman matapos na ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa national road, Barangay Maytalang -1, Lumban,  Laguna Miyerkoles ng umaga. Kinilala ng Lumban police ang biktima na si Ramir Evangelista, 47. Batay sa report ng Lumban police,  sakay ng kanyang motorsiklo, tumigil ang biktima sa ginagawang tulay dakong alas 10:30 ng umaga at nakipag-usap sa isang kakilala. Dito na nakakita ng tiyempo ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang chairman. Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang…

Read More