KYLIE BUNTIS NA NAMAN

(NI ED DE LEON)

BUNTIS na naman pala si Kylie Padilla. Wala nang career iyan, hindi biru-biro iyong mag-alaga ka ng dalawang anak. Siguro pagbutihin na lang nila kung ano mang negosyo ang magagawa nila dahil wala rin namang naririnig na galaw sa career ni Aljur Abrenica.

Palagay naman namin napaghandaan na nilang lahat iyan pati kinabukasan ng kanilang mga anak. Hindi naman siguro sila umasa na forever na ang kanilang career. Bihira ang kagaya ni Eddie Garcia at hindi naman mukhang si Aljur ang ganoon.

 

Please follow and like us:
Read More

ALJUR, KYLIE, NAGPAPLANO NANG SUNDAN SI ALAS

kulie12

(NI BOY ABUNDA)

MALAYUNG-MALAYO raw sa personalidad ni Aljur Abrenica ang bagong karakter na kanyang gagampanan sa teleseryeng ‘Sandugo’ ng ABS-CBN.  Makakasama ng aktor sa bagong proyekto sina Ejay Falcon, Elisse Joson at marami pang iba.

“First time ko makatrabaho sina Elisse, Ejay Falcon and Vina Morales. The rest nakatrabaho ko na. Exciting, challenging, hindi mabigat ‘yung project na ibinigay sa amin.  So kailangan naming ma-meet ‘yung pinaghirapan ng ABS-CBN for us. It requires a lot of time.”

“Maraming oras ang nire-require kasi merong pagbabago sa karakter eh. Malayo sa akin eh, boses, kilos, sensibilidad, breeding, malayo sa pagkatao ko. It requires a lot of time and I dedicate myself everyday to it. Para maging top-rated ‘yung show,” nakangiting pahayag ni Aljur.

Samantala, masayang-masaya raw ngayon ang aktor sa kanyang buhay mula nang magkaroon ng sariling pamilya. Matatandaang nagpakasal sina Aljur at Kylie Padilla noon lamang December 11, 2018. Magdadalawang taon na rin sa darating na August ang anak nilang si Alas.  “It’s the best, na buhay may-asawa ka na. The best na ikinasal na kami ni Kylie. Kasama ko ‘yung anak namin. Enjoy ko ‘yung journey on being a father kasi wala siyang katapusan na pag-aaral. I’m learning a lot. Isa na rin siyang healing for myself sa pagkabata ko. Nalalaman ko kung paano mag-alaga ng bata, pagnu-nurture ng bata, the best way to nurture them,” pagbabahagi ng aktor.

Sa ngayon ay nagpaplano na rin ang mag-asawa na sundan na ang kanilang panganay na anak. “Gusto ko na, nagpa-family planning eh. Very soon, let’s see. Mga two, three years from now,” pagtatapos niya. -Reports from JCC- 

 

Please follow and like us:
Read More