HORROR FILM NI SHARON NAKA P2.5-M SA FIRST DAY

shawuie12

(NI GORGY RULA)

MASAYA ang mga taga-Reality Entertainment dahil tumaas pa raw lalo ang kinita ng Kuwaresma sa second day of showing nito.

Ayon sa aming reliable source, halos 2.5M daw ang kinita ng horror movie na ito ni Sharon Cuneta nung nagbukas ito nung nakaraang Miyerkules.

Kasabay niya ang Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto na mahigit 2.5M naman daw ang kinita nito nung unang  araw.

Hindi ko na na-monitor ang pelikula nila sa pangalawang araw, pero ang kina Sharon sabi ng mga taga-Reality tumaas pa raw lalo.

Halos nasa 200 cinemas pa ito nationwide at may dalawang version pala ito.

Yung napapanood sa mga SM cinemas ay nasa R 13, pero sa ibang sinehan ay R 16.

Tuwang-tuwa naman si Sharon sa magandang feedback sa pelikula, lalo na’t pinuri ang acting nila rito.

Ibang Sharon nga ang atake rito ni megastar na siguro nadala rin siya ni John Arcilla na napakagaling sa pelikulang iyun.

Ang isa pang kapansin-pansin ay ang bagong talent ng Reality na si Kent Gonzales.

Halos sa kanya nakatutok ang kuwento kaya bidang-bida rin siya rito, at okay lang iyun kay Sharon na nabibigyan ng mas malaking exposure ang baguhang artista kagaya ni Kent.

Magaling naman ang bata, kaya deserved niyang mabigyan ng ganung exposure.

Ang isa pang napakagaling din dito ay si Guila Alvarez na di na gaanong active sa pag-aartista dahil nasa advertising na ito. Pero pinagbigyan niya si direk Erik Matti dahil bagay nga sa kanya ang role.

Kaya bongga naman ang pelikulang ito.

Sa totoo lang, mababa pa yang mahigit 3M na kinita ng Kuwaresma pero sa panahon ngayon, malaki na yan sa sunud-sunod na flop ng mga pelikula nating ipinapalabas. Sana nga maganda rin ang kalalabasan sa mga susunod pang magsu-showing na pelikulang Pinoy.

Please follow and like us:
Read More

MABIGAT SA DIBDIB ANG TAPATANG JULIA, SHARON

(NI GORGY RULA)

MIYERKOLES nagsimulang mag-showing ang dalawang Pinoy film, ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta at ang Between Maybes nina Julia Barreto at Gerald Anderson.

Mabigat talaga sa dibdib ni Sharon na magkatapat sila ng showing ng pelikula nila ni Julia.

Sobrang love daw niya talaga ang Kapamilya young actress, kaya pinu-promote na rin niya ito.

Binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board ang Kuwaresma at A naman sa Between Maybes.

Suportado ng mga close sa pamilya Barretto ang premire night nito nung kamakalawa nang gabi.

Ang Kuwaresma naman ay ginamit ang Cinema 1 at 2 ng SM Megamall ang premiere night nito nung

Mga close kay Sharon ang ilan sa dumalo sa premiere night nung nakaraang Lunes gaya nina Zsa Zsa Padilla at Iza Calzado.

Suportado rin ng Star Cinema Films executive na sina Olive Lamazan at Malou Santos.

Pati sina Mother Lily at Roselle Monteverde ay dumating din bilang suporta naman kina Dondon Monteverde at direk Erik Matti ng Reality Entertainment.

Kapansin-pansin lang dun ang magkasamang dumating sina JK Labajo at Maureen Wroblewitz.

Bago natapos ang pelikula ay umalis na si JK at sumusunod si Maureen.

Obvious na merong namamagitan sa dalawa, pero sabi ng  mga taga-Prima Stella na nagha-handle kay Maureen, close friends lang daw ang dalawa dahil pareho silang may halong German at kampante raw silang nag-uusap ng German.

Dumating din pala roon ang magkasintahang Jerome Ponce at ang volleyball player na si Mika Reyes.

Please follow and like us:
Read More

KWARESMA

KUWARESMA

QUADRAGESIMA ang salitang latin na ang ibig sabihin ay Kwaresma o “pang apatnapu”.

Ang Kwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagtitika na tradisyunal na isinasagawa ng mga Romano Katoliko at ilang denominasyong Protestante sa paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay.

Nagsisimula ito sa araw ng pagpapalagay ng abo sa noo o Ash Wesnesday at nata-tapos sa Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

TRADISYON

Kabilang sa paghahandang ginagawa tuwing Semana Santa ang pananalangin, pag-pepenitensya, pag-aayuno, pagtatakip sa mga rebultong santo ng kulay lila na tela hanggang sa prusisyon sa Pasko ng Pagkabuhay.

Sa Pilipinas kung saan malaki ang porsyento ng mga Romano Katoliko, iba’t iba ang interpretasyon ng mga tao sa pagpepenitensya base sa sekta ng Kristiyano na si-nusunod nito.

May mga nagbubuhat ng krus na inihahalintulad nila sa paghihirap ni Hesukristo sa kamay ng mga sundalong Hudyo bago ito ipako sa krus.

Mayroon namang sinusugatan ang sarili sa pamamagitan ng paghampas sa likod tulad noong hinagupit si Kristo.

Mayroon ding mga Kristiyano na naglalakad ng nakayapak na may punyal na nakatu-tok sa batok at leeg. Nagpapapako sa krus, nagpapasipa at nagpapahagupit sa likod habang nakadapa. Isa raw itong paraan ng kanilang paghingi ng kapatawaran sa mga kasalanan na sinasabayan ng taimtin na panalangin.

SIMBAHANG KATOLIKA

Sa pagpapatuloy ng nakasanayang tradisyon ng mga deboto tuwing Semana Santa, nanatiling malakas ang paniniwala hanggang sa kasalukuyang panahon dahil na rin sa turo ng Simbahan.

Ang kaugaliang ito ng mga ninuno ay ipinasa sa mga sumunod na henerasyon.

Subalit, noong ikalawang-siglo, biglang ipinatigil ng simbahan ang tradisyon.

Ayon sa simbahan, hindi kailangang magpenitensya o sugatan at saktan ang sarili sapagkat maaari naman daw manalangin na lamang nang taimtim kung nais humingi ng kapatawaran sa kasalanan o dumaing sa Diyos.

Magkagayuman, kahit ipinagbabawal ng simbahan ang ganitong kaugalian tuwing Semana Santa, marami pa rin ang patuloy na ginagawa ito dahil ayon sa kanila, tunay ngang nagmimilagro ang Diyos. Sinasagot ang kanilang dasal dahil sa pagsasa-kripisyo sa tuwing kwaresma.

Please follow and like us:
Read More