UTOL TODAS KAY UTOL, 1 PA SUGATAN 

crime34

(NI SIGFRED ADSUARA)

HULI na ang  pagsisisi ng isang 31-anyos na mangingisda  nang nahimasmasan sa sobrang kalasingan at nalaman niya na napatay niya ang kanyang nakababatang utol at nadamay pa ang kanyang kainuman  sa Maragondon, Cavite.

Namatay noon din si Kenneth De Guzman, 29, ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite habang namatay din habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH)  si  Mark Aries Mojica, , isa ring Mangingisda ng Bry Patungan, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Nakakulong na sa Maragondon, Custodial Center ang suspek na si Sonnylet De Guzman, 31, isang mangingisda, nakatatandang kapatid ni Kenneth at kapitbahay nito sa Brgy Patungan, Maragondon, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Juviel De Leon ng Maragondon, Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng Martes ng gabi nang naganap ang insidente kung saan nag-iinuman si Kenneth at Mark sa loob ng bahay ng una nang dumating ang nakatatanda nitong kapatid na si Sonnylet na nakainom din.

Agad umanong sumiklab ang galit ng nakatatandang De Guzman dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ng patalim si Sonnylet at itinarak sa dibdib ng nakababata nitong kapatid na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Tinangka namang namagitan si Mark Aries pero siya naman ang binalingan ni Sonnylet na may tama rin sa ulo na hinihinalang nakuha nito habang nakikipambuno sa kanyang kapatid.

Ayon kay De Leon, may matagal na umanong alitan ang magkapatid na sumiklab ito nang nagpang-abot sa bahay ng nakababatang utol.

 

Please follow and like us:
Read More