LALAKI NANGISAY SA PAILAW

QUZON – Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos na makuryente sa street light ng isang barangay sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Albert Agana Liop, residente ng Barangay Angeles. Batay sa report ng Atimonan police, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima dakong alas 9:00 ng gabi  nang mapahawak ito sa  isa sa mga poste ng street lights ng nasabing barangay. Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang nangisay ang biktima nang mapadikit sa mababa at nakalawit na kable mula…

Read More

LALAKI NAKURYENTE SA HEADPHONE, PATAY! 

(NI ANNIE PINEDA) NAKABULAGTA at wala nang buhay nang matagpuan ang isang helper nang makuryente umano sa suot na headphone habang naglalaba, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala lamang ang biktima sa pangalan ‘Boyet’, ng Rosalina 3, Baliok, Talomo District, ng nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 8:45 ng umaga huling nakitang buhay ang biktima na naglalaba. Kuwento ni Niko Arielle Amoguis, amo ng biktima, nagulat na lamang siya nang makitang nakabulagta si ‘Boyet’ habang suot ang headphone at wala ng buhay. Kaagad naman dinala sa…

Read More

DALAGITA NAG-SELFIE SA CHRISTMAS DISPLAY, PATAY SA KURYENTE

electrocution

HINDI na umabot sa Pasko ang isang 14-anyos na dalagita matapos makuryente sa isang pampublikong Christmas display sa Mulanay, Quezon, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktima na si Ma. Precila Sabid Penaflor, isang estudyante. Masayang namamasyal umano ang biktima kasama ang mga kaibigan nang maganap ang aksidente, ayon kay Patrolman Juan Ferador Alzate, assistant investigator ng Mulanay Police. Nagse-selfie umano ang biktima nang aksidenteng mahawakan ang live wire. Naka-display sa baywalk ng bayan ang nasabing Christmas display. Kasalukuyang nakaburol sa kanilang tirahan sa Barangay Butanyog ang biktima. Patuloy pa ang…

Read More

17-ANYOS NA NAKURYENTE SA LUNETA POST, NAMATAY NA

electrocution

(NI RENE CRISOSTOMO) TULUYAN nang bumigay ang murang katawan ng isang 17-anyos na binatilyo nang bawian ito nang buhay, makaraang makuryente sa poste sa luneta Park sa Ermita,Manila, kamakailan . Miyerkoles ng gabi ,nang bawian nang buhay sa Philippine General Hospital si Rene Boy de la Cruz, helper at residente ng  254 Claro M  Recto Avenue sakop ng Binondo. Nauna rito,bandang alas-5:30 ng hapon noong December 7,nang makuryente ang binatilyo sa poste makaraan umanong tangkain nitong umakyat sa barrier at humawak umano sa live wire. Napag-alaman naman  kay Manila Police District-Public Information…

Read More

BEBOT BIKTIMA NG LINDOL, PATAY SA KURYENTE SA TENT

electrocution

(NI BONG PAULO) PATAY matapos makuryente at nabagok pa ang ulo ng isang 42-anyos na babae sa Purok 7, Barangay Nuangan, Kidapawan City, Linggo ng tanghali. Kinilala ang biktima na si Mary Jean Sinco na residente ng naturang lugar. Ayon sa salaysay ng tiyahin ng biktima, nasa loob ito ng kanilang tent sa labas ng kanilang bahay dahil sa nasira ang kanilang bahay sa lindol at manonood lang sana ito ng telebisyon nang mahawakan ang alambreng naka konekta sa kanilang extension wire. Dito na nakuryente ang biktima hanggang sa matumba…

Read More

SHIRMP FARM PINALIBUTAN NG KURYENTE; 1 NANGISAY

electrocution

(NI ANNIE PINEDA) NAGKIKISAY hanggang sa bawian ng buhay ang isang lalaki nang magnakaw umano ito ng hipon dahilan para ma-trap sa inilagay na live wire sa palibot ng fish pond at nakuryente, iniulat kaninang umaga sa General Santos City. Kinilala ang biktimang si Clinton Van del Rosario, 25, ng Purok Islam, Barangay Burias, ng nasabing lungsod. Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang may-ari ng fish pond na kinilalang si Elvi Benzonan, ng Prk. Punsad Barangay Burias, Glan. Batay sa report ng Glan Municipal Police Station,…

Read More

MISTER SUMABOG SA CEILING FAN

electrocution

(ANNIE PINEDA) LUMIPAD ang isang mister nang bagsakan ito ng linya ng kanilang kuryente matapos sumabog nang isaksak ang ikinabit nitong ceiling fan , iniulat kaninang umaga sa Cadiz City. Namatay noon din ang biktimang si Jerry Lubreco, 48, ng Hacienda Elvera, Barangay Andres Bonifacio, Cadiz City. Kuwento ng misis ng biktima, ikinabit ng kanyang mister ang ceiling fan at pagkatapos at isinaksak niya ito, subalit bigla na lamang sumabog ang outlet. Sa lakas ng pagsabog, bumagsak ang pinaka-linya ng kanilang kuryente at tumama sa biktima. Dahil sa lakas ng…

Read More

TANGLAW

S-LIGHT

Likha ng Talino at Talento (Ni MAC CABREROS) O, ILAW sa gabing madilim. Kada buwan, napapakamot tayo ng ulo sa sandaling dumampi sa ating kamay ang bill ng kuryente. Dahil hindi natin alam kung saan tayo kukuha ng pambayad sa kuryente, napapatingin na lang tayo kung saan-saan at mahagilap ang lahat ng sulok ng ating bahay, mula sa kaha, aparador at drawer. Mahalungkat din natin ang ating pitaka, mabaliktad ang bulsa at minsan napipilitang biyakin ang alkansya. At maging mangutang sa ‘5-6’ at magsangla ng alahas o gamit. Pero, malamang…

Read More

LALAKI NASUNOG SA LIVE WIRE NG TIYAHIN 

electrocution

(NI ANNIE PINEDA) NANGITIM ang katawan ng isang lalaki matapos makuryente sa nakakabit na live-wire sa bakod ng kanyang tiyahin, iniulat kaninang umaga sa Bacolod City. Kinilala ang biktimang si Joey Kundiman, 35, ng Purok Rosal, Brgy. Zone 10, Talisay City, Bacolod. Batay sa report ng Talisay City Police Station, dakong alas 11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa 1-ektarayang bakod na pag-aari ng tiyahin ng biktima sa nabanggit na lugar. Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan na lamang ang nangingitim at mga pasong katawan ng biktima sa bakod…

Read More

MISTER NASUNOG SA SAMPAYAN 

electrocution

(NI ANNIE PINEDA) SA kagustuhang makatulong sa paglalaba sa kanyang misis, natusta ang isang mister makaraang makuryente habang nagsasampay sa ginawa nitong sampayan nang masagi ang livewire, sa lalawigan ng Maguindanao. Kinilala ang biktimang si Mohammad Kasan, 26, at residente ng Barangay Layog Maguindanao. Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente naglalaba ang asawa ng biktima habang gumagawa naman siya ng sampayan. Pagkatapos nito ay nagkusang nagsampay ng mga nilabhan ng kanyang misis , subalit hindi nito napansin ang livewire. Nasagi nito ang sampabayan dahilan para magkikisay at nasunog…

Read More

19-ANYOS NAKURYENTE SA POSTE NG TRAFFIC LIGHT

electrocution

(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY-Patay na ng dumating sa pagamutan ang isang 19-anyos na lalaking mag-aaral sa Grade 11 matapos pinaniniwalaang nakuryente ng maapakan nito ang tubig na nasa gilid ng poste ng traffic light ala 1:30 ng madaling araw ng Miyerkules sa Barangay Panacan, nitong lungsod. Ang biktima ay nakilalang isang Laurence Allen Barrios Siarot, mag-aaral sa Rizal Memorial Colleges (RMC), at residente ng Avocado Street, Phase 2, Doña Mercedez Subdivision sa naturang barangay. Alas 2:00 ng madaling araw, nang isugod ang biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)…

Read More

MAWAWALAN NG KURYENTE

BROWNOUT-1

(NI KEVIN COLLANTES) PANSAMANTALANG mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa maintenance works, ayon sa Manila Electric Co. (Meralco) Batay sa inisyung paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works ngayong Linggo, Set. 15 at magtatagal hanggang sa Set. 21, Sabado. Sinabi ng electric company na kabilang sa mga apektado nito ang Dagat-dagatan, Caloocan City (pagitan ng 9:00AM at 2:00PM ng Set. 7) dahil sa replacement at relocation ng concrete pole; a line reconductoring works sa Tanigue St. Sinilyasi St.; Makati at…

Read More

2 CONSTRUCTION WORKER NAKURYENTE

electrocution

(NI SIGFRED ADSUARA) ISINUGOD  sa ospital ang dalawang construction worker nang makuryente habang nagtatrabaho sa ginagawang bahay sa Dasmarinas City. Ginagamot ngayon sa UMC Hospital ang biktima na sina Jose Erwin Gallerde, 19, binata at Jun Candedo, 19, binata, kapwa residente ng Blk 49 Lot 2 Duplex St., Summerwind Village 4, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarnas City Police Station, gumagawa ang mga biktima sa ikalawang palapag ng ipinatatayong bahay na pag-aari ng isang Pilomino Tanudra dakong alas-2:30 Sabado ng hapon nang mahawakan…

Read More

ELECTRICIAN NAKURYENTE SA KISAME, PATAY

electrocution

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isang electrician matapos makuryente sa isang dormitoryo sa Cebu, Miyerkoles ng gabi. Ang biktima na tubong  Lagtang, Talisay City ay nakilalang si Gilbert Getubig. Sa paunang imbestigasyon ng Waterfront Police Station ng Cebu City Police Office, nadiskubre ng kapwa electrician ang bangkay ni Getubig bandang alas-6:10 ng gabi. Nabatid na nagkakabit ng electric connection ang biktima sa kisame ng 2nd floor ng Patria de Cebu dormitory sa P. Gomez St., Brgy. Sto. Nino, Cebu City, bago mangyari ang insidente. Hawak pa umano ng biktima sa kanang…

Read More

LASING UMIHI SA POSTE, PATAY SA KURYENTE

san miguel12

(NI JESSE KABEL) NANGISAY hanggang tuluyang mamatay ang isang lalaki na umihi sa poste dahil sa kalasingan, sa Barangay San Jose, San Miguel, lalawigan ng Iloilo. Hinihinalang dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa ihi ng biktimang si Mark Von Soliva, 30, ng Igcabito-on, Miag-ao, Iloilo . Sa ulat ng pulisya natagpuang patay ang biktima at hinihinalang nakuryente ito sa poste ng kuryente. Ayon kay Police Major Jojo Tabaloc, hepe ng San Miguel Municipal Police Station, kasalukuyang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang magpaalam ito para umihi.…

Read More

MINISTRO NG INC, KAPATID, NAKURYENTE

death

(NI JG TUMBADO) ISANG 21-anyos na binatang Ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) at kanyang nakababatang kapatid ang kapwa patay makaraang makuryente sila sa loob mismo ng kanilang pinagsisilbihang “kapilya” sa Barangay Minanga, Naguilian, Isabela. Naisugod pa sa ospital sina Dennis Dagman at ang 18-anyos nitong kapatid na si Mark Rendy subalit binawian din ng buhay ang mga ito. Ayon sa inisyal na ulat, minamantine umano ng magkapatid ang isang electric water pump nang aksidenteng mahawakan ng ministro ang katabing poste. Sinubukan umanong hatakin ni Mark ang kanyang kuya ngunit…

Read More