KRIS BERNAL GUSTO NANG MAG-ASAWA AT MAGKA-BABY

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

THIRTY years old na pala si Kris Bernal at ngayon daw ay pinag-iisipan na

niyang mag-asawa para magkaroon na raw siya ng baby.

Sabi niya sa mediacon ng bagong afternoon drama niya sa GMA 7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, gusto na raw niya magkapamilya sa edad na 32 o 33.

Pero gusto pa rin niyang mag-artista dahil gustung-gusto niya ang trabahong ito.

Kaya ngayon ay medyo namimili na raw siya ng mga project na ginagawa niya dahil marami pa raw siyang gustong gawin, hindi yung paulit-ulit na ginagawa niya.

Kaya gusto niya ang role niya rito bilang multo na gustong ituloy pa rin ang pakikipagrelasyon sa dating boyfriend na ginampanan naman ni Rayver Cruz.

Lagi raw niya kasing ginagawa yung role na ginampanan ni Megan Young, kaya kahit mukhang support siya rito, gusto niya ang role dahil challenging sa kanya.

Gusto na raw niyang gumawa ng iba pang kakaibang project dahil  baka two o three years from now, mag-aasawa na siya at magkaanak.

“Lagi kong sinasabi na more on the character na ako eh…on the role. Sinasabi ko nga na nasa point na ako  kung babalikan ko yung role ni Megan (Young) na laging inaapi, feeling ko ang boring lang ulit for me.

“Maganda naman yung role ni Megan, pero ilang beses ko nang ginagawa na ako lagi yung takot, yung kimi. Sabi ko mas gusto ko nang gawin yung iba,” sabi ni Kris.

Hindi pa naman daw nila pinag-uusapan ng non-showbiz boyfriend niya ang magpakasal, at hindi pa naman daw nag-propose sa kanya. Pero kung sakaling tatanungin na siya, ready naman daw siya anytime.

“Three more years feel ko for family. Pero siguro yung getting married, siguro two years. Gusto ko na kasi ng maraming anak,” pahayag ng Kapuso actress.

Magti-three years na rin pala sila ng non-showbiz boyfriend niya, kaya sa ngayon okay na raw siya kung ito ang makakasama niya forever at magkapamilya.

Sa totoo lang, kaya na ni Kris na mag-settle down kasi nakapag-ipon naman siya.

Nakapag-negosyo siya at kumikita na siya.

Di ba nakabili na nga siya ng bahay sa Amerika, kaya puwede na.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KRIS BERNAL DETERMINED TO BE PHYSICALLY FIT

kris bernal12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

DETERMINADO ang Kapuso actress na si Kris Bernal na maging physically fit at sexy kaya naman kahit nahihirapan, panay pa rin ang pagbisita niya sa gym.

Sa kaniyang latest Instagram post, ipinasilip ni Kris ang kaniyang workout routine. Kwento niya, “I will probably always be lazy, but I can still be fit and healthy. 4% of my day, 2x a week, all good!”

Tiyak na mas lalong gaganahan si Kris na mag-workout bilang preparasyon niya para sa The Haunted Wife, ang upcoming series niya sa Kapuso Network. Noong nakaraang linggo ay nag-storycon na si Kris kasama sina Rayver Cruz, Megan Young, Kim Domingo, at marami pang iba.

 

Please follow and like us:
Read More