2 KOREANO HULI SA PEKENG PERA SA CASINO

pesobill

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang dalawang Korean national nang makumpiskahan ang mga ito ng pekeng peso bills sa loob ng casino sa lungsod ng Pasay, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police,  ang mga suspect na sina Seong Bok Min, 52, may asawa, call center manager, ng 18-C Infinity Condominium, 25th St. Barangay Pinag-sama, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City at Cheongyeol Yun, 49, may asawa, director ng cosmetic trade industry, ng Unit 12L Forbeswood Height Tower 6, BGC, Taguig City.

Habang nagsilbi naman na  complainant sina Donna Del Valle, 29, casino cashier, at Rommel Almoite, 35, casino treasury coordinator, ng Resorts World Manila (RWM).

Base sa isinumiteng report ni Yang , dakong alaa-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng RWM sa Newport Boulevard, Bgy. 183, Villamor sa Pasay City.

Nauna rito,naka-duty bilang kahera si Lontoc nang tangkaing magpapalit ng dalawnag suspect ng casino chips gamit ang counterfeit money na agad namang nadiskubre ng una.

Agad naman humingi ng tulong si Lontoc sa gaming duty officer na si Catherine Gaa, 34, dahilan para arestuhin ang dalawang dayuhan at dinala sa tanggapan ng Villamor Police Community Precinct (PCP).

Ayon sa report,narekober kay Yun ang 11 pirasong pekeng P1,000 bills habang apat namang P1,000 bills ang nakumpiska kay Bok Min.

Patuloy na iniimbestigahan sa Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ang dalawang Korean at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Pasay Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN, PINAY GF, LAGLAG SA ‘KIDNAP ME’

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng pulisya ang isang Korean national at ang kalaguyo nitong Pinay dahil sa kinasasangkutang kaso ng ‘kidnap me’ sa bayan ng Numancia, Aklan, nitong Sabado.

Sa presinto nakilala ang mga suspek na sina Yoo Jin-Woon, 38, at Pinay na si Florefe Mae Bolido, 32, kapwa nanunuluyan sa Barangay Camanci Norte.

Nabatid kay Police Maj. Nestor Acebuche ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Aklan Provincial Police Office (APPO), ipinabatid mismo ng suspek na si Jin-Woon sa kanyang kaanak sa South Korea na siya ay dinukot at humihingi ng ransom ang mga kidnappers.

“Nagpapadala siya ng mga larawan niya sa kanyang magulang na nakatali ang katawan niya sa isang bahay, at humihingi daw ang kidnappers ng halagang $5,000 kapalit ng paglaya niya, pero lahat yun ay pawang gawa gawa lamang ni Jin-Woon,” pahayag ni Acebuche.

Nitong araw ng Sabado, September 28, nang matunton ang lugar ni Jin-Woo sa tinutuluyan nila ng kanyang karelasyon na si Bolido at sa sorpresang operasyon ng pulisya ay nagpaaresto na ang dalawa.

“He confessed personally to me. He said that it was just a false story and he was just joking to his mother in Korea because of their needs of money here in the Philippines,” saad ni Acebuche.

Unjust vexation ang kasong kinakaharap ng dalawa kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN NALUNOD, 1 KRITIKAL SA BORACAY

boracay

(NI ANNIE PINEDA)

NAGKAKAWAY sa pagkalunod ang dalawang Korean national na ikinamatay ng isa habang naliligo sa dagat sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Kinilala ang namatay na si Sanghoon Lee, 25, habang nakaligtas naman si Jin Hyeok Lee, kasalukuyang nagbabakasyon sa Station 2 Barangay Balabag, Boracay, ng nasabing bayan.

Batay sa pagsisiyasat ng Malay Police Station, katatapos lamang kumain ng dalawa nang magkayayaan maligo sa dagat.

Dahil sa lakas ng hampas ng alon tinangay ang mga ito at nalunod bago pa man tuluyan lamunin ng dagat ang dalawa nakita ang mga ito ng dalawang lifeguard sa isla at sinaklolohan.

Mabilis na lumusong sa dagat sina Jeffrey Escasulatan at Teddy Boy Baylosis at iniahon mula sa dagat ang mga biktima saka binigyan ng paunang lunas at diniretso sa pinakamalapit na ospital.

Habang ginagamot si Sanghoon ay nalagutan na rin ito ng hininga. -30-

 

 

Please follow and like us:
Read More

SEX VIDEO INI-UPLOAD SA ONLINE; KOREANO NAGLASLAS

sex

(NI FRANCIS SORIANO)

INOOBSERBAHAN sa Caloocan City Medical Center ang isang Korean national na inaresto at ipinakulong ng kanyang live-in partner matapos nitong tangkaing magpatiwakal habang nasa inquest proceedings sa Caloocan City, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station ang suspek na biktima na si  Xiwoo Kwak, 40, ng Hobart Village, Don Ramon St. Brgy. Kaligayanan, Novaliches, Quezon City

Ayon kay Flores, nilaslas ng biktima ang kanyang pulso gamit ang basag umanong tiles dakong  alas-3:00 ng hapon sa Caloocan Judicial Hall sa 10th Avenue, Brgy.15, para sana sa kanyang inquest proceedings.

Dito ay agad umanong napansin at iniwan nina Cpl. Quinones at Cpl Moneset ang Koreano kung saan kinuha ang basag tiles na ginamit niyang panghiwa sa kaliwang braso nito.

Bunsod nito ay mabilis naman naawat ang pagpapatiwal nito na agad naisugod sa naturang pagamutan.

“Aside from violating anti-voyeurism law, the suspect will be charged for alarm and scandal and resistance and disobedience in person in authority before the Caloocan City Prosecutor’s Office,” ani Flores.

Ang Korean national ay inaresto ng mga miyembro ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 matapos ireklamo ng kanyang live-in partner nang ilathala ang kanilang  sex video sa social media.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BOC EXAMINER SIBAK SA HIGIT P1-M KOTONG

customs naia12

(NI KOI HIPOLITO)

SINIBAK sa puwesto ni Bureau of Customs NAIA District Collector Carmelita M. Talusan si BOC Examiner/Customs Operations Officer III Carmelito D. Mantal na nakatalaga sa Arrival Operations Division ng Port of NAIA dahil sa alegasyon ng pangingikil sa isang biktimang pasaherong Korean national sa loob ng Ninoy Aquino International Air port .

Ayon sa sulat ni Atty. Lourdes Mangawang, Deputy Collector for Passenger Service, isang Korean national na si Lee Sungchul ang dumating sa bansa sakay ng Flight 535057 galing Japan.

Inireklamo nito ng extortion si Mantal na humihingi diumano ng halagang Thirty million yen o higit isang milyon piso sa nasabing biktimang dayuhan na agad naman pinabulaanan ng inirereklamong empleyado ng BOC.

Gayunman, nang tingnan ang CCTV malapit sa lugar ng insidente ay nakitang may basehan ang reklamo ng dayuhan laban kay Mantal.

Dahil dito agad na kinumpiska at kinansela ang MIAA ID/Access Pass ng suspek at binawalan na rin itong magsagawa ng Authority to Render Overtime Service o (ATROS) at inalis na rin ito sa kanyang puwesto habang iniimbestigahan ang kasong isinampa laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO NAG-SUICIDE SA HOTEL

(NI KOI HIPOLITO)

PATAY ang isang Korean national na may tama ng bala sa ulo nang matagpuan sa loob ng hotel sa Pasay City nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Gunhyung Kim, 19. Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay nito.

Batay sa ulat nakatanggap ng tawag sa telepono bandang 6:45 ng gabi ang Pasay City Police Station tungkol sa natagpuang bangkay ng isang Koreano sa loob ng Winston Hotel sa Pasay City.

Ayon sa supervisor na si Ayie Calcena, tinawagan nila ang biktima para ipaalam na tapos na ang oras nito sa pag-okupa ng kuwarto subalit wala umanong sumasagot ng telepono. Minabuti ni Calcena at ng isang staff na katukin ang kuwarto ng biktima subalit hindi pa rin ito lumalabas kaya’t napilitan na ang mga empleyado na buksan ang pinto gamit ang isang duplicate key.

Doon ay tumambad ang wala nang buhay na biktima. Nasa tabi nito ang isang isang cal.22 na baril.

Nagsasagawa na ang SOCO Camp Crame ng technical investigation sa crime scene para alamin kung may foul play sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

3 KOREANO TIMBOG SA BENTAHAN NG PUSLIT NA YOSI

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -Special Action Unit,ang tatlong koreano ,  na nagbebenta nang may P500,000 smuggled na sigarilyo nitong  Martes sa Bacoor,Cavite.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng  NBI detention cell sa Taft Avenue sa Ermirt ,ang mga suspek na nakilalang sina Young Kook Kim,Jong Kook Choi,Gee Pong Lee.

Batay sa ulat ni NBI Director Dante Gierran, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng tatlong suspek at nang makumpirma ay kaagad na ikinasa ang entrapment operation.

Nagpunta sa shop ni Choi,ang nagpanggap na poseur buyer  na mga ahente ng NBI  sa  Unit 3 & 4 Zapote V.Longos,Bacoor at nang hanapan ng dokumento ay walang maipakita ang mga suspek kaya kaagad silang binitbit.

Kinumpiska ng NBI ang mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P.5 milyon.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10863 (Custom Modernization and Tariff Act) ang mga suspek sa  Department of Justice-Task Force -Anti Smuggling.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN ‘MOVIE PRODUCER’ ARESTADO SA PAMPANGA 

bi45

(NI FROILAN MORALLOS)

NATIMBOG ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang isang Korean national na wanted ng otoridad sa Seoul dahil sa kasong pandarambong ng mahigit sa 200 milyon won o halos P9 milyon, na hiniram niya sa kapwa Koreano para sa movie project.

Ayon kay BI intelligence officer Bobby Raquepo, ng F ugitive Search Unit (FSU), kinilala ang suspek na si Kim Woo, 38, at inaresto noong Huwebes sa Bgy. Balibago, Angeles City.

Nadiskubre na si Kim, ay may nakabimbin na warant of arrest na inisyu ng  Korean court, sa pamamagitan ng red notice ng Interpol .

Dagdag pa ni Raquepo si Kim ay wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong swindling ng aabot sa 129 milyon Won noong taon 2013 hanggang 2015 na hiniram niya sa kapwa Koreano para magamit sa kanyang ginagawang pelikula .

Kinasuhan din itong si Kim dahil sa paggastos o defrauding ng pera ng kanyang nabiktima na aabot sa 107 milyon Won upang mag-invest sa itatayong  corporate

Lumalabas sa imbestigasyon na si Kim ay tumakas papunta sa Pilipinas noong August 5, 2018  para iwasan ang kanyang kasalanan.

Ayon kay Commissioner Jaime Mornte agarang pababalikin si Kim sa Korea upang harapin ang kanyang mga kaso , kasabay sa paglalagay ng kanyang pangalan sa talaan ng mga blacklisted na dayuhan , para hindi siya makabalik muli sa bansa .

 

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO KUMUHA NG LITRATO NG BABAENG NAKAHUBAD, KULONG

porn vid12

(NI KOI HIPOLITO)

MAHAHARAP ngayon sa kaso ng RA 9995 o (Anti- Photo and Voyeurism Act.) ang isang Korean national nang ipagharap ito ng reklamo ng isang babaeng biktima na kinunan nito ng mga hubad na larawan habang natutulog sa Crosswind Hotel Airport Road, Baclaran sa lungsod ng Parañaque City, hapon ng Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Mary Grace Man, 31, ng Pasay City at ang suspek ay si Kim Jinseop, 45, pansamantalang natuloy sa nasabing hotel.

Base sa sumbong ng biktima sa mga otoridad ng Parañaque City Police Station, nalaman niya na kinunan sya ng mga hubad na larawan ni Kim nang magsumbong sa kanya ang kaibigan na si Rhea Audal, 37, ng Parañaque.

Base sa reklamo, kinunan din umano ng suspect ang maselang bahagi ng kanyang katawan at ipinakita pa umano sa mga kaibigan ng suspek. Agad naman inaresto ng mga pulis ang suspek at kinumpiska ang cellphone nito na may mga larawan ng biktima.

Pansamantalang nakadetine ngayon sa Parañaque City Custodial Facility ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya.

Please follow and like us:
Read More

KOREANO PATAY SA CASINO

crime600

(NI JULIE DUIGAN)

NAMATAY habang inoobserbahan sa Manila Doctor’s Hospital ang isang 58-anyos na Koreano, makaraang mag-collapse sa loob ng casino sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Cho In Gi at hindi pa batid kung saan ito naka check-in at kasalukuyan ding inaalam ang ilang kaanak o kakilala ng biktima.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jonathan Bautista, kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang ala-1:09 ng hapon, nang tumawag ang naturang pagamutan sa MPD-headquarters, upang ipaalam ang pagkamatay ng biktima.

Sa report ng pulisya, habang nasa ika -3 palapag  ng PAGCOR casino sa Malate ang nasabing dayuhan na nagsusugal nang ito’y mag-collapse, kaya agad naman itong binIgyan ng first aid ng house duty nurse na sina Michael Pring at Jomelyn Severa .

Nang makitang hindi na gumagalaw ang Koreano, saka nila ito isinugod sa pagamutan, pero dakong alas-2:15 ng hapon, nang ideklara itong patay.

Wala naman umanong makita na senyales na ito’y sinaktan, kaya hinalang inatake ito sa sakit sa puso.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS HULI SA P200-K EXTORTION SA MISIS NG KOREANO

arrest

(NI NICK ECHEVARRIA)

KALABOSO ang isang police personnel matapos kumagat sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga tauhan ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) at Intelligence Group (IG) sa gate mismo ng National CapItal Regional Police Office  (NCRPO) sa Bicutan, Taguig City, Martes ng tanghali.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde, nakilala ang dinakip na suspek na si P/Cpl Rommel Enrico na nakatalaga sa Bureau Immigration and Deportation (BID).

Nabawi sa suspek ang P200,000 marked money na kanyang tinanggap mula sa biktimang si Mrs. Meizzel Jeanni Culalay, ng Bgy. Almanza Uno, Las Pinas City, alas-12:30 ng tanghali.

Hiningian umano ng suspek ang biktima ng P200,000 kapalit nang mabilis na paglaya ng mister nitong isang Korean National na si Kook Jin Chung  na nakakulong sa BID Detention Facility sa Bicutan dahil sa kasong overstaying.

Personal umanong isinumbong sa mga awtoridad ng biktima ang suspek na ngayon ay nakakulong sa detention cell ng CITF habang inhahanda ang kasong kakaharapin kaugnay sa paglabag sa RA 3019  (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Direct Bribery.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO TUMALON, PATAY SA KAWASAN FALLS SA CEBU

cebu12

HINDI inakala ng turistang Koreano na ang pagtalon nito sa magandang Kawasan Falls ang ikamamatay nito matapos kapusin na sa paghinga nang makaahon sa Barangay Matutunao, Badian, Cebu.

Ang biktimang si Lee Jong Hyuem, 31, ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Sinabi sa imbestigasyon na tumalon si Lee suot ang kanyang life jacket sa second level ng Kawasan Falls ngunit pag-ahon nito ay dumaing ng kakapusan ng paghinga.

Nabatid na ang biktima ay inoperahan na sa baga walong taon na ang nakalilipas at posibleng ito umano ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Isasailalim pa sa autopsy ang bangkay ng biktima upang mabatid ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

2 WANTED NA KOREANO IPADE-DEPORT NG BI

bi12

DALAWANG puganteng Koreano ang ipade-deport ng Bureau of Immigration matapos maaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila at Mandaluyong City.

Agad inaksiyun ang pagpapatalsik kina Oh Gwangrok, 48, at Park Seungjae, 44, na nakakulong ngayon sa detention facility ng ahensiya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na agad niyang ipinag-utos ang pagsipa pabalik sa kanilang bansa ang dalawa at idinagdag na hindi lugar ang Pilipinas para sa mga kriminal na dayuhan na tulad nina Gwangrok.

Sa Remedios Circle sa Malate, Maynila nakorner si Oh dahil paso na ang pasaporte nito at overstaying na sa bansa mula noong Nobyembre 2018. Wanted din ito sa Korean Embassy dahil sa kasong fraud.

Si Park naman ay inaresto sa kanyang unit sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City at agaran ding idedeport dahil wanted ito sa kasong smuggling sa Korea.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA KADENA NG ASO

antipolo

(NI KNOTS ALFORTE)

PATAY ang isang Korean national matapos itong magbigti sa inuupahan na bahay sa Antipolo City Miyerkoles ng umaga.

Dakong alas 10:30 ng umaga nang madiskubre ni Raymond Soriano, 53, ang nakabigting bangkay ni Kim Buuyong, ng Blk. 2 Lot 44 Carter St. Cuesta Executive Village, Brgy Dalig Antipolo City

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,  nakita pang buhay ng ilang kapitbahay si Buuyong habang nakaupo sa terrace ng inuupahang bahay.

Ilang oras pa ang lumipas nang makita na lamang nila itong nakabigti  sa ikalawang palapag ng kanyang terrace gamit ang isang wire at kadena ng aso na nakapulupot sa kanyang leeg. Problema sa sakit ang tinitingnang motibo sa pagpapatiwakal ng biktima.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO TINANGGIHAN NG BABAE SA ALAK, NANAPAK

KOREAN

(NI JULIE DUIGAN)

TINANGGIHAN umano ang alok na alak mula sa isang koreano sa isang babaeng kostumer ,  dahilan kung bakit umano ito sinapak sa loob ng Zzyzx bar  sa Remedios Circle , Malate ,Manila , Linggo ng madaling araw.

Dahil dito, nahaharap sa kasong physical injuries ang suspek na nakilalang si Lee Junbeom , 32,  turista, binata at pansamantalang naninirahan sa Park Side Cluter sa Pasay City.

Desidido naman na magsampa ng reklamo ang biktimang si Kristine , 23 ; dalaga ng San Jose Antipolo City.

Base sa report na isinumite ni PO3 Lalaine Almosa kay P/Sr.Insp. Henry Navarro hep ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, bandang 12:45 ng madaling araw , nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing bar.

Kasalukuyan umano umiinom ang biktima at ang kasamang si Rose Ann Taway, nang lumapit ang suspek at mag-alok ng alak, na tinanggihan naman ito ng biktima.

Dahil dito, isag malakas na suntok ang inabot ng dalaga sa kamay ng koreano, kaya nagkaroon ng tensiyon sa loob ng bar.

Agad namang humingi ng tulong ang biktima sa ilang tauhan ng Remedios Police Community Precinct, saka binitbit ang Koreano at bago dalhin sa MPD-GAIS dinala ito sa Ospital ng Maynila na kapwa isinailalim sa medico legal.

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANA NALUNOD SA BORACAY

boracay

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang babaeng Korean national makaraang malunod sa dagat malapit sa baybayin ng Station 3, Brgy. Manocmanoc sa Isla ng Boracay.

Nakilala ang biktima na si Jeyoung Kim, 31, pansamantalang nanunuluyan sa Ocean Club Resort sa nasabing isla.
Batay sa paunang imbestigasyon, isang babaeng Russian national ang nakakita kay Kim na lumulutang sa tubig tatlong metro mula sa kinaroroonan nito.

Una ay inakalang lumulutang lamang ang biktima kung kayat  binalewala niya ito subalit napansin niya na ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito gumagalaw.

Dito na humingi ng saklolo ang banyagang tourist sa iba pang mga taong naliligo roon.
Sinubukan pang i revive ng isang Swedish national ang biktima sa pag-CPR nito subalit hindi na ito nakitaan ng pulso hanggang ideklara na itong dead on arrival sa ospital.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN PATAY SA BADING NA NAKA-THREESOME

boracay

KALIBO, Aklan – HINDI inakala ng isang Koreano na mga bading ang naka-threesome nito sa Boracay at nang sinisingil na siya ng mga ito, tumanggi siyang magbayad dahilan para patayin siya sa saksak.

Ayon sa Malay Police Station, ang suspect na si Carlito Alegado, alias ‘Kylie’, 21, tubong Cebu City at naninirahan sa isla, ay nakakulong na ngayon matapos umanong mapatay sa saksak ang turista sa Sitio Ambolong, Barangay Manoc-Manoc Boracay.

Nabatid na may kasama umanong isang ‘guest’ na bading ang biktima at ipinakilala sa suspect sa isang kilalang resort hanggang sa mauwi sa inuman ang pagkakakilala. Nang malasing, nagyaya umano ang biktima ng threesome sa halagang P3,000.

Pumayag naman ang dalawang bading ngunit pagkatapos ng ‘session’ at sinisingil na ni ‘Kylie’ ang biktima ay tumanggi ito dahil inakala umano niyang mga tunay na babae ang mga lady boy. Doon na umano nagtalo ang tatlo hanggang sa kumuha ng patalim si ‘Kylie’ at pagsasaksakin ang turista.

Idineklarang patay ang biktima sa Metropolitan Doctor’s Medical Clinic.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG PINOY ARESTADO

huli

ARESTADO ng Bureau of Immigraton ang isang overstaying na Koreano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagtatangka na umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ay isang Pilipino.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Kwak Dong Hee, 26, na aalis sana patungo ng Saigon, Vietnam sakay ng Cebu Pacific.

Dinala na si Kwak sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kung saan ito mananatili habang hinihintay na matapos ang kanyang deportation proceedings.

Ayon sa BI, nagpanggap si Kwak bilang si Erik Nacis, na isinilang mula sa mga magulang na Koreano at Pilipina sa Meycauayan, Bulacan noong 1992.

Pero nagduda ang immigration officer sa NAIA nang mapansing hindi nagta-Tagalog si Kwak.

Sinabi ni Carlo Gomez ng BI Travel Control and Enforcement Unit na nang tanungin na nila si Kwak, umamin ito kalaunan na ang kanyang mga magulang ay parehong Koreano at iligal niyang nakuha ang hawak na Philippine passport kapalit ng P120,000.

Kapwa umano Koreano ang tumulong sa kanya para makakuha siya ng Philippine passport at ng birth certificate.

“Our records check showed that Kwak last arrived in the Philippines on Aug. 27, 2015, hence he has already been overstaying for more than three years,” dagdag ni Gomez.

Kasabay nito, nagbabala si Morente laban sa iba pang banyaga na nagtatangkang malusutan ang mga otoridad sa Pilipinas. (MITZI YU)

 

Please follow and like us:
Read More

P4-M PANALO SA CASINO NATANGAY SA KOREANO

casino 100

HINARANG at hinoldap ng mga armadong lalaki ang taxi na sinasakyan ng isang Koreano at natangay ang nasa P4 milyong napanalunan nito sa isang casino sa Buendia Flyover, Roxas Boulevard, Lunes ng madaling araw.

Hindi nagpakilala ang biktima ngunit sinabi ng kaibigan nito na galing ang biktima sa isang casino kung saan nanalo ng naturang halaga at sumakay ng taxi para lumipat sa katabing casino sa Paranaque.

Pagdating umano sa Buendia flyover ay hinarang sila ng mga lalaking sakay ng SUV. Tatlong lalaking mula sa sasakyan ang bumaba, nanutok ng baril at tumangay sa pera ng biktima.

Humingi ng tulong ang taxi driver na si Richard Sarmiento sa isang security guard na nakatalaga malapit sa Buendia flyover ngunit wala na ang mga suspect pagbalik nila.

Naniniwala ang biktima na minamanmanan na sya ng grupo at nasundan nang malamang malaking halaga ang napanalunan nito. Inaalam na kung may nakakabit na CCTV sa lugar upang mabilis na malutas ang insidente.

Please follow and like us:
Read More