P15-M KONTRABANDO NASAMSAM, 3 ARESTADO

AABOT sa halagang P15 milyong halaga ng kontrabandong karne at exotic species ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team at ang mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) nang salakayin ang isang bodega at inaresto ang isang Chinese at dalawa niyang tauhan, nitong Lunes ng gabi sa Binondo, Manila.

Kinilala ni  P/Major Rosalino Ibay Jr., ang arestadong mga suspek na sina Cai Changfen, 52, negosyante at residente ng 442 San Fernando St., Binondo, Maynila; Rogelio  Edeinal  y Tugunon, 50, ng 1911 Laguna Ext., Narra St., Tondo, at Joshua Almario y Camposano, 22, helper at residente ng  Blk. 5, RAW 5, Unit 717, Habitat-Baseco Compound, Port Area.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10536 o Meat Inspection Code of the Philippines at  RA 10611 o Food Safety Act.

Batay sa ulat ni Major Ibay, ikinasa nila ang operasyon dakong alas-8:00 ng gabi sa isang warehouse sa 442 San Fernando St. sa  Binondo.

Nabatid sa report ng pulisya, nakatanggap umano sila ng impormasyon na may nakaimbak na mga kontrabandong karne sa bodega.

Agad ikinasa ang pagsalakay at nakumpiska ng mga nawtoridad ang 6.1 tonelada ng kontrabandong karne, exotic species, aquatic products at isang puting Toyota Grandia Van na  may conduction sticker No. P5Y711 na ginagamit na pang-deliver sa mga karne.

Samantala, agad iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ikulong ang arestadong mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:
Read More

KONTRABANDO WINASAK SA BILIBID

(NI LYSSA VILLAROMAN)

WINASAK ang iba’t ibang uri ng kontrabando na nakumpiska sa mga selda ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa pamamagitan ng pagsagasa ng pison sa mga ito, Lunes ng umaga sa Muntinlupa City.

Pinangunahan ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag ang pagsira sa mga kontrabando makaraang masuhin ang mga laptop at iba pang nakumpiskang mga cellphone na ginagamit sa iligal na transaksyon ng droga sa loob ng NBP.

Kabilang sa mga sandamakmak na electronic gadgets na winasak sa labas ng NBP matapos ang flag raising ceremony ang iba’t ibang uri ng cellphone, laptops, powerbank chargers, portable WiFi at mga improvised na patalim.

Sinabi ni Bantag na kusa namang isinuko ng mga inmates ang kanilang mga itinagong kontrabando makaraan ang sunud-sunod na pagsasagawa ng clearing operations sa loob ng maximum security compound sa NBP.

Dagdag pa ng BuCor chief na nagsunog din ang mga tauhan ng BuCor ng iba’t-ibang klaseng tabako na umabot sa isang malaking drum.

Napag-alaman din na may nag-aalok sa mga NBP prison guards ng P150,000 kapalit ng isang cellphone at ng hindi pumayag ang naturang gwardiya ay itinaas pa ito sa halagang P200,000.

Ayon naman sa intelligence report ng NBP, may banta umano sa buhay ni  Bantag na sinang-ayunan naman ng naturang hepe ng BuCor.

Ani Bantag, hindi siya nababahala sa mga banta na kanyang natatanggap at kanya pang pag-iibayuhin ang kanyang sinimulan na trabaho upang mapigil ang korapsiyon sa loob ng NBP.

Kasabay nito, nangako pa si Bantag na kanyang pahahabain ang kanyang balbas hanggang sa panahon na maging maayos na ang sitwasyon at matapos na ang problema sa loob ng NBP.

Please follow and like us:
Read More

KONTRABANDO SA MANILA CITY JAIL, WINASAK

manila city jail 12

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ)

WINASAK sa pamamagitan ng pagsagasa sa pison ang mga kontrabandong nasamsam sa loob ng Manila City Jail, Martes ng umaga sa taunang inspeksyon na Oplan Linis Piitan.

Aabot sa mahigit 300 ang cellphone na sinira, kasama ang mga kaha-kahang sigarilyo at ilang patalim. Matapos padaanan sa pison ay siniguro pa ng mga bantay na sira ito dahil pinukpok pa ang mga cellphone.

Nakumpiska ang mga kontrabando dahil ilang dalawa ang nagpupuslit nito at may nakuha din sa nga inmates sa loob ng piitan.

Please follow and like us:
Read More