KISSES THANKFUL FOR STAR MAGIC BUT WANTS TO EXPLORE

(NI GORGY RULA)

ITINANGGI ni Kisses Delavin na ang isyu nila ni Donny Pangilinan at sa ibang fans kaya nag-decide na siyang iwan ang ABS-CBN 2 at magpa-manage sa All Access to Artists, Inc. o Triple A.

Gusto lang daw niyang mag-explore sa mga bagong tatahakin niya sa kanyang career at nakkita raw niyang maalagaan siya nang mabuti nina Rams David at direk Mike Tuviera dahil napaka-personal daw nilang mag-alaga sa kanilang mga talents na nakikita niya kina Marian Rivera, Maine Mendoza at ilan pa.

“Gusto ko lang po mag-explore more. Pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I’ve achieved through the help of PBB where I started.

So, I’m so thankful for them,” unang pahayag ni Kisses nang tinanong siya kung ano ang dahilan nang di pagkatuloy ng kontrata niya sa Star Magic.

“I feel very blessed kasi… I feel that APT is a very personal management…would really care for its talents. So, I’m so excited for what’s to come and I feel very grateful na finally alaga na po ako nina Tito Rams and direk Mike (Tuviera),” pahayag ni Kisses nang ipinakilala na siya ng Triple A sa media nung kamakalawa nang hapon sa Sequioa Hotel.

Doon ay ibinahagi sa amin ni direk Mike kung ano ang mga naka-line-up nila para kay Kisses.

May tatlong pelikula na raw silang inilatag sa young actress, pero hindi pa muna nila puwedeng sabihin kung sino ang makakatambal niya.

“Naglatag kami kay Kisses ng plano and we always respect ng opinion ng artist.

“Kami kasi merong latag na ito sana ang gusto naming gawin, eto ang plano namin, what do you think.

“So, naglatag kami ng ganun, pero medyo…may ibang aspeto na sinesikreto pa rin namin sa kanya kung sino ang makaka-partner niya and all that,” pahayag ni direk Mike Tuviera.

Ang susunod kasi na mababalitaan natin ay ang paglipat ni Kisses sa GMA 7.

Sinabi na raw ni Rams sa mga GMA bosses ang tungkol kay Kisses. Kaya ipi-present na raw niya pagkatapos siyang ipinakilala sa media.

Wala pang masabi si Kisses kung sino sa mga Kapuso actors ang gusto niyang makatrabaho, dahil gusto raw niyang makilala muna silang lahat.

Sino kaya ang babagay na Kapuso actor na i-partner kay Kisses?

Nilinaw din ng young actress na maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN 2 bago sila nagkasarahan sa Triple A.

“Personally po ako nagpunta ako sa office ng Star Magic and everyone from the higher boss to all the staff na nakasama ko, pinasalamatan ko po sila. Gusto ko pong sabihin sa kanila na no matter what, I’m always thankful for them.

“Nagpasalamat po ako sa lahat na naging blessings for me. Kasi I’ve been there for two years. Naging maganda po ‘yong career and naka-experience po ako ng maraming masasayang bagay. So. I really wanted to thank them,” pahayag ni Kisses.

MALDITANG ENDORSER KASAMA SA 42 AMBASSADORS NG BEAUTEDERME

Ipinakilala ng Beautederm ang limang Kapuso stars na brand ambassadors

sa naturang beauty products.

Bumagay sa naturang produkto at sa kabaitan ng CEO ng Beautederm na  sina Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Pauline Mendoza at Ms. Camille Prats.

Sabi kasi ni Ms, Rhea tinitingnan daw muna niya ang attitude dahil ang gusto niya talaga mabait at walang kaarte-arte lalo na kapag dinadala niyang mag-mall show sa iba’t-ibang probinsya.

Pero aware kaya si Ms. Rhea na isa sa mga nagi-endorse ng produkto niya ay may taglay na kamalditahan?

‘Di umubra ang mabait at matsikang comedienne sa kamalditahan ng isa ring comedienne na maputi at nakita kong isa sa nagpapasaya sa mga mall shows ng Beautederm.

Ang nangyari, sa isang taping na kung saan nagkasama sila, dumating itong si maputing comedienne sa set na may dalang mga chocolates na pasalubong daw niya galing Japan.

Una niyang binigyan ang nanay ng mabait at matsikang comedienne. Para raw iyun sa kanila ng anak niya.

Nagpa-thank you naman silang mag-ina. Pero nakita noong nanay ni comedienne ang iba ang chocolates na nakalapag sa mesa.

Ang ginawa niya, inalok niya sa iba pang artistang nandoon.

Nagkuhaan ng chocolates ang ibang artista at staff.

Nang nakita ni maputing comedienne na ipinamigay ng nanay ni mabait na comedienne, nagalit ito.

Ang matinding linyang sinabi niya sa nanay nang mabait na comedienne, ‘di ba mommy, ‘yong pinamimigay mo ang bagay na hindi sa ‘yo, parang pagnanakaw na rin ‘yon?”

Hindi na raw nakaimik ang natulalang nanay ng mabait na comedienne.

Kilala namang palaban itong mabait na comedienne kahit mabait siya, pero hindi na siya umimik para hindi na magkagulo.

Kilala raw kasing may pagka-war freak itong si maputing comedienne.

Ayaw ng Beautederm ng ganyan!

 

Please follow and like us:
Read More