KIM NAGPALIWANAG SA KALIWA’T KANANG BASHERS

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAY mga nangba-bash kay Kim Chiu matapos siyang mag-post sa kanyang Instagram account ng larawan ng asong nakakagat sa kanya last Sunday sa BGC (Bonifacio Global City), may mga nang-bash sa aktres at sinabihan siyang hindi na niya dapat ipinakita ang dog sa public dahil nakaka-offend daw ito sa owner.

Bukod dito, may mga ilang nangaral din kay Kim na hindi na raw kasalanan ng owner kung nakagat siya dahil in the first place ay siya naman ang humawak sa aso kahit hindi niya kilala.

Kaya naman naglabas ng paglilinaw si Kim sa kanyang IG Story. Ipinaliwanag niyang ang pagpo-post niya ng larawan ng aso ay hindi para manisi kungdi para magbigay-warning sa ibang tao na next time ay tanungin muna ang owner kung ok na i-pet ang dog.

“Purpose of posting this is not to blame the owner nor the dog. Posted this just to warn people that next time try to ask the owner if its ok to pet his/her dog plus the dogs are unleashed and he went ahead and left his dog behind him not knowing that one of his dogs hit me, was shocked so I was not able to call his attention,” pahayag ni Kim.

Kinakailangan daw niyang magpa-inject ng 15 anti-rabies shots and stated that she has learned her lessons.

“Now I have to undergo total of 15 shots of anti rabies. Hassle but atleast I learned my lesson.

“Hope this message will be taken not to blame anyone but to be warned by this kind of incident,” saad pa ni Kim.

Nag-post din ang aktres ng isang quotation na nagsasaad ng “maybe you should get to know the whole story before making a nasty comment. Go ahead and Correct the errors, but don’t call them names unless you know what happened.”

Sa ibaba, she wrote, “I just want to help and raise awareness, not to blame anyone. . . but I guess from now on.”

 

 

Please follow and like us:
Read More

KIM CHIU AYAW TANTANAN SA BALL GOWN

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

AYAW pa ring tantanan ng mga netizens ang gown ni Kim Chiu na isinuot sa ABS-CBN Ball 2019. Mabuti na lang at marami ring tagapatanggol at supporters si Chinita Princess at para sa kanila ay hindi issue kung gamit na o kinopya kung kanino ang nasabing gown dahil as far as they know ay isa ito sa pinaka-eleganteng designs na nakita nila sa naturang ball.

In fairness naman to Kim, in the past ABS-CBN Ball or Star Magic Ball, consistent sa pagiging Best Dressed ang aktres. If you’d look back since 2015, talaga namang head-turner siya lagi ng ball and she always exudes class and elegance kahit ano pa ang suot niya.

Besides, nilinaw na rin naman ni Kim na gusto niyang makatulong sa sa mga young local designers natin at ito ang dahilan kung bakit niya pinili si Benj Leguiab IV para gumawa ng kanyang gown this year.

And Kim carried the dress well naman talaga kaya nga marahil talagang napansin ng netizens. Ewan lang ha, pero kung sa iba kayang artista pinasuot ang gown, mapapansin pa rin kaya? Iba kasi talaga magdala si Kim sa tanggapin o hindi ng kanyang mga bashers.

 

Please follow and like us:
Read More

KIM NINENERBIYOS KAY JULIA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

SA August 25 na gaganapin ang pinakaaabangang Star Magic Games sa Araneta Coliseum. Sina Kim Chiu at Julia Barretto ang magsisilbing mga Team Captain para sa larong volleyball. Aminado si Kim na kinakabahan siya dahil alam niyang magaling na manlalaro si Julia.

“Na-stress na naman ako, naalala ko na naman. Siyempre una, stress kasi hindi naman ako mega todo player at sa Araneta Coliseum pa gagawin. Katapat namin Team Julia so nervous kasi Julia, varsity na siya before. So ako do’n lang sa mababang paaralan ng Cebu City. ‘Yon lang ‘yung lakas na maibibigay ko so sana maging okay ‘yung game,” nakangiting bungad ni Kim.

Bilang paghahanda ay puspusan ang ginagawang pagwo-workout sa gym ng aktres ngayon. Para kay Kim ay gusto lamang niyang mag-enjoy sa nasabing event ng Star Magic. “Wala namang lumalaban na ayaw manalo. Siyempre gusto naming manalo pero siyempre gusto namin fun at the same time. Siyempre ipupusod ko ‘yung hair, baka may tamaan ang hair ko, baka ito ipangpalo ko ng bola,” natatawang pahayag ng dalaga.

Inaasahan ang maraming mga tagahanga na manonood sa Araneta Coliseum sa Linggo. Mayroong pakiusap si Kim para sa lahat ng magbibigay ng suporta sa kanya-kanyang idolong maglalaro. “Usually basketball lang ang naglalaro but this time sinali na kami.

So sobrang nakakakaba but sana with prayers and strength, may mangyari sa amin, bawal mag-‘Boo!’ Dapat lahat happy lang, dapat fun and games. ‘Yon ‘yung nasa isip nila ‘pag pumasok sila ng Araneta. Sobrang mabubusog sila ‘pag manonood sila kasi may basketball and may volleyball. So we’re all having fun with the game,” pagtatapos ng aktres. -Reports JCC-

Please follow and like us:
Read More

KIM NALUNGKOT SA BFF NA SI ERICH

(NI VINIA VIVAR)

AYAW nang makihalo pa ni Kim Chiu sa contoversy nila Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo. In her recent interview with some members of the entertainment press ay natanong ang akres kung ano ang masasabi niya tungkol sa issue ng tatlo at maikli lang ang naging pahayag niya tungkol dito.

“Wala, huwag na tayo sumali dun kasi lahat naman sila, (may) pinagdadaanan sila ngayon and siyempre hindi biro yun, masakit yun. So lahat sila, may pinagdadaanang pain, so respetuhin na lang natin yung mga desisyon nila,” ani Kim.

Natanong din ang aktres tungkol sa pagba-back-out ni Erich Gonzales sa serye nila ni Xian Lim na Love Thy Woman at aminado siyang nalungkot siya.

“Una, nalungkot, and hindi rin siya nakapagpaalam sa amin. Staff na lang nagsabi na wala na siya. So, hindi na rin namin. . .hindi ko na rin inano, kasi siyempre, respeto na rin kung ‘yun ang gusto niyang mangyari or desisyon,” sabi pa nito.

Hindi rin daw nila alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung ano talaga ang reason ni Erich sa pagre-resign.

May tsika nga kasing hindi nagustuhan ni Erich ang role niya sa serye na naging kontrabida siya pero ayon kay Kim ay hindi raw niya ito alam.

Si Yam Concepcion ang pumalit kay Erich at ani Kim ay excited din siya to work with her dahil napanood daw niya ito sa Halik at sobrang intense raw ng aktres kaya feeling daw niya ay matsa-challenge siya.

 ANDREA AT  KHALIL NANINIWALANG MAY GHOST

Parehong naniniwala sa ghosts ang mga bida ng The Ghosting na sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos dahil may personal experience na sila tungkol dito.

Kwento ni Andrea, “ako po, dati kasi, nakatira kami sa Taytay, Rizal, medyo bundok po siya. And hindi ko alam kung pinagti-trip-an po lang ako ng yaya ko that time, pero usually, magigising ako ng 4am or 3am, tapos may naririnig akong creepy na tawa du’n sa bintana.”

Bukod dito, sa tapat daw ng bahay nila ay isang abandoned house at walang nakatira pero makikita raw nila na nagbubukas pa rin ang mga ilaw dito.

Ayon naman kay Khalil, hindi pa raw siya nakakakita pero ilang beses na raw siyang nakaramdam ng medyo kakaiba.

“Last night lang, actually, meron akong ano. . .hindi ko na lang inisip na baka super-natural ‘yun, pero biglang namatay ‘yung electric fan ko, hinugot sa saksakan eh ako lang naman ang nandu’n sa kuwarto ko kagabi,” kwento ni Khalil.

Marami pa raw siyang weird stuff na na-experience pero ang pinamalala raw ay nangyari sa lumang bahay nila medyo haunted.

“’Yung mga kasambahay namin, nakakakita raw sila roon pati ‘yung daddy ko.

“Ako, ang naramdaman ko, may narinig akong nagwawalis sa labas, waling tinging pero 3am na. Tapos biglang sobrang lakas ng hangin, humampas ‘yung bintana ng kwarto ko. Takbo ako sa ilalim ng kumot, tapos tinawagan ko mommy ko, para pumasok, buksan ‘yung ilaw, kasi sobrang takot ako.

“Pero yup, naniniwala ako kasi nangyayari talaga siya, eh,” sabi ni Khalil.

Pagbibiro naman ni Andrea, “sa ABS (ABS-CBN), madami,” sabay-tawa. “Mga bata na sasamahan ka sa elevator.”

When asked kung The Ghosting na ba talaga ang original title ng horror film or sinadyang palitan lang because of the Gerald Anderson-Bea Alonzo-Julia Barretto controversy, ayon kay Khalil, “the title was conceptualized way before the issue came up, so,no relation to whatever controversy is out there.”

Ang The Ghosting ay tumatalakay sa Solante urban legend tungkol sa isang batang babae na may dala-dalang headless doll at humihingi ng tulong sa mga passersby na tulungan siyang makauwi which happens to be a mysterious red house na siya lang at ang mga biktima niya ang nakakakita.

Sa pelikula ay walang romantic angle sina Khalil at Andrea dahil magtutulungan sila upang malutas ang misteryo at maalis ang sumpa.

Showing na sa Aug. 28 ang The Ghosting mula sa direksyon ni Joey de Guzman hatid ng Reality Entertainment.

 

 

Please follow and like us:
Read More

EX-BFFs NA EX-GFs NI GERALD ALIW SA BONDING SA NJ

(NI ROSE GARCIA)

NAALIS kami sa parehong Instagram post ng dating mag-best friend at dating ex-girlfriends ni Gerald Anderson na sina Kim Chu at Maja Salvador.

Kung matatandaan, may panahong nagkatampuhan at hindi rin nag-usap ang dalawa. Ito yung naging girlfriend naman ni Gerald si Maja.

Pero naibalik ng dalawa ang friendship nila as time passes by. Pareho na rin silang happy sa kanya-kanyang lovelife nila. Si Kim kay Xian Lim at si Maja naman kay Rambo Nunez.

Nasa New Jersey sina Kim at Maja for a Kapamilya show.

Sa IG post ni Kim, sinabi nitong, “endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before… laugh here and there, stories this and that. From wedge, heels to white sneakers now!!! hahaha some things never change!! Still the same us!!! Fun times in times square at 1am.

Pati si Kris Aquino ay napa-comment sa happy pictures ng dalawa at sey nito, “May I join?,” sa bonding o future bonding pa nila. At sabi pa rin niya, “So happy to see the happiness.”

Pareho din malapit ang dalawang Kapamilya stars kay Kris.

Siyempre dahil sa napakasayang pictures nina Kim at Maja, hindi maiiwasang maisip naman ang patuloy na isyu sa pagitan nina Bea Alonzo at Julia Barretto ngayon.

All of them, may pagkakatulad, lahat sila naging o Gerald Anderson’s girls.

Both Kapamilya rin, but Gerald’s ex and present now na nag-unfollow na sa isa’t-isa sa Instagram.

Tulad nina Kim at Maja, darating kaya ang panahon na magiging okay rin sila at babalik muli sa “Ate” ang tawag ni Julia kay Bea? Huh!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More