PAGIGING OUTSPOKEN NI KAKIE PANGILINAN NAKABIBILIB

(NI RONNIE CARRASCO III)

MUKHANG ‘di gaanong apektado(?) si Sharon Cuneta sa aniya’y biro ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapalayas niya sa kanyang mister sa kanilang tahanan as much as their daughter Frankie Pangilinan.

Kung “affected much” si Frankie, Sharon just keeps her cool dismissing it as a joke batay na rin sa mapagbirong pananalitang kinasanayan na sa Presidente.

Ani Sharon, wala silang recent communication ni Digong, the last time ay noong nakaraang elections (May this year) when she sought the latter’s endorsement of her brother Chet na tumakbo (ngunit natalo) bilang mayor sa Pasay City.

Pero bilib din naman kami sa pagiging outspoken ni Frankie. Tunay ngang mas marami siyang namana mula sa kanyang ama who speaks his mind.

Imagine using the word “shitty” patungkol sa isyung ito to the extent of giving her two cents na sa halip na manghimasok si Du30 sa kanilang family issue ay atupagin na lang nito ang pagtutok sa bansa.

Very Senator Kiko Pangilinan!

Tingin ng lahat, Sharon is just covering up for her daughter, pero mapipigilan ba niya itong maglabas ng kanyang saloobin lalo’t it involves her parents na itsinitsismis na nagkakaproblema gayong maayos namang nagsasama ang mga ito?

Feeling namin, Sharon must have intimated her problems (na karaniwan lang naman sa mag-asawa) to the President in passing, kundi man pabiro rin.

From his end ay sineryoso naman ito ni Digong lalo pa’t may axe to grind siya laban kay Kiko na taga-oposisyon.

At nangabuhay nga ang kuwento, na naging topic pa tuloy sa talumpati ng Pangulo sa isang araw ng pagdakila sa isa nating bayani.

What a content in a speech.

Wagi si PDUTZ?…

TIYAK NA ANG PAGSASARA NG KAPAMILYA NETWORK

Balitang hindi na tatalakayin pa ng Mababang Kapulungan (Congress) ang pagre-renew sa prangkisa ng ABS-CBN na ang kontrata’y mag-e-expire na sa March 2020.

Kumbaga, tiyak na raw na maipasasara ang higanteng TV network sa bansa alinsunod na rin sa nais mangyari ni PRRD.

Hindi ito masayang balita para sa lahat ng mga kawani ng istasyon, mula sa mga empleyado, artista, talents, staff at crew at maging sa kani-kanilang mga pamilya na ang ikinabubuhay ay mula sa paglilingkod sa network.

Pero nananatiling unfazed o ‘di apektado si (Kuya) Boy Abunda. Nagtapos ng kanyang Master’s Degree at PhD ay meron siyang option na magturo saan mang pamantasan niya gusto.

Hindi ito nakapagtataka dahil dating elementary teacher ang kanyang yumaong ina na si Ginang Licerna “Lesing” Romerica Abunda sa kanilang bayan ng Borongan, Easterm Samar.

If ever, ang pagsasara ng ABS-CBN (God forbid) na magreresulta sa kawalan ng mga programa nito has Kuya Boy prepared with his next career plans.

Basta mahusay naman ang tao (like the Asia’s King of Talk na sobra-sobra pa) ay may lulugaran ito sa tamang kalalagyan.

Sa mga karanasang pinagdaanan niya sa buhay buhat noong bagong salta pa lang siya sa ‘ika nga’y aspaltadong gubat (Maynila), ano pa ang puwedeng gumulantang kay Kuya Boy?

 

Please follow and like us:
Read More

BAKIT ALAM NI PDU30 NA GUSTONG PALAYASIN NI SHARON SI SEN. KIKO?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI naman daw totoong gusto nang palayasin ni Sharon Cuneta ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan sa bahay nila. Mismong si Sharon ang nagsabi niyan.

Pero, hindi rin naman maliwanag kung sinabi nga ni Presidente Digong iyon. Magtataka ka rin eh, kasi nalaman iyon nang mag-react na ang anak ni Sharon na nasa Amerika. Sa dami ba ng reporter sa Pilipinas walang makapapansin kung may sinabing ganoon si Presidente Digong? Nakuha raw ng CNN, pero bakit walang ganoong report ang ABS-CBN, ang GMA, o ang TV 5, na lagi ring nakatutok ang coverage sa presidente.

Sa totoo lang nagtataka kami sa kuwentong iyan ha.

HOLLYWOOD STARS MAKAKASAMA NI COCO SA ANG PROBINSIYANO

Nagulat kami roon sa napanood naming video ng isang interview kay Coco Martin mula sa Rome, kung saan may promo sila ng kanilang mga programa na napapanood sa TFC. Sinabi niyang totoo, nakikipag-usap na sila sa ilang Hollywood stars na makakasama niya sa Ang Probinsiyano.

Isipin ninyo, iyong wala pang dalawang oras na pelikula ni FPJ, napahaba na nila nang apat na taon, ngayon sasamahan pa nila ng Hiollywood stars. Maliwanag na ang idea ng show ngayon ay hindi na original na mula sa pelikula ni FPJ. Talagang malaking bagay na hanggang ngayon nakalagay ang pangalan ni FPJ doon sa title ng Probinsiyano. Tribute na nila iyon sa original na Cardo Dalisay, pero hindi ba kung minsan unfair na rin iyon kay Coco dahil kailangang manatili siya sa ilalim ng anino ni FPJ ganoong siya na ang gumagawa ng Probinsiyano?

Maaari mo ngang sabihing siguro sa ngayon, maliban sa title at doon sa pangalan ng character, iyang Probinsiyano na napapanood ninyo sa tv, kay Coco Martin na iyan. Iyon nga lang ang masakit, dahil pinili niya noong una na gumamit ng palabas ng isang mas malaking artista, ang hirap makakawala sa anino noon.

Siguro hindi naman hihingin ni Coco na alisin na ang pangalan ni FPJ sa kanyang programa. Aba masasabi ngang malaking pagkakataon din iyong magamit ng kanyang show hanggang sa ngayon ang pangalan ng isang showbiz legend sa Pilipinas. Talaga namang isang alamat si FPJ kung ang pag-uusapan ay ang industriya ng pelikula dito sa ating bansa. Wala naman talagang makakapantay sa lahat ng kanyang mga nagawa.

Iyong Probinsiyano ay isa lang sa mga ginawa ni FPJ. Marami pang iba.

 

Please follow and like us:
Read More