SHARON IIWAS SA UMIINIT NA PULITIKA NG BANSA

(NI ED DE LEON)

“MUKHANG mapapaaga nga yata ang retirement ko,” ang may halo pang pagbibirong post ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account matapos na mag-post siya ng dalawang pictures ng mga bahay na may snow sa paligid.

Sa nauna niyang post ng isang malaking puting bahay, na may mga dekorasyong pamasko at napapalibutan ng snow, sinabi niyang iyon ang pangarap niyang buhay, iyong manirahan sa isang lugar na hindi pa niya nararating at may snow kung panahon ng winter.

Nauna roon, nilinaw ni Sharon na maayos naman ang pagsasama nila ng asawang si Kiko Pangilinan, taliwas sa sinasabing sinabi raw ni Presidente Duterte na gusto na niyang palayasin ang kanyang asawa sa kanilang bahay.

Sinabi niyang kung sinabi nga iyon ng kanyang “Tatay Duterte” hindi niya alam kung saan iyon nakuha ng Pangulo.

Hindi rin naman siguro makapag-react nang husto si Sharon dahil hindi maliwanag kung sinabi nga iyon ng Presidente o kung ganoon nga ang pagkakasabi niya. Marami ang nagtataka na kung sinabi nga iyon ng Presidente, bakit nga ba hindi nakuha ng mas malalaking networks, at wala iyon sa kanilang inilabas na speech ng Pangulo sa parehong okasyon?

Wala rin namang nag-post ng video mismo ng statement na iyon.

Pero siguro hindi nga maikakaila na umiinit na ang sitwasyon sa pulitika, at nararamdaman na rin naman iyan ni Sharon, kaya siguro gusto na muna niyang mangibang lugar habang hindi pa favorable sa kanila ang sitwasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

FANS NAIINTRIGA SA TAWAGANG ‘NEIGHBOR’ NI SHARON-KIKO

sharon12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MARAMING mga tagahanga ang nagtataka kung bakit ‘neighbor’ ang tawagan ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa isa’t isa. Ayon sa Megastar ay hindi na raw ito bago sa kanila ng Senador.

“That has been a long… private joke between us. Ever since, matagal na, parang, ‘Good night, neighbor!’ katabi mo eh. Kapag sinabi ko kasi, ‘Hi! Neighbor!’ sasabihin niya, ‘Love thy neighbor!’ Everybody knows naman na siya ‘yung asawa ko,” natatawang kwento ni Sharon.

Samantala, aminado ang aktres na mayroon siya talagang kaisa-isang kinatatakutan sa buhay. “Daga! Tumatakbo (ako), umiiyak! Tapos Kahit nanonood ako ng horror, kapag may daga, ‘Ay! Ayoko ‘yan!’ Kahit commercial lang, kahit billboard lang. I feel it’s dirty and they’re ugly. Ako naman kapag ahas hahalikan ko. I had snake before, basta python. Huwag naman ‘yung may lason. Kahit hamster ayoko,” pagbabahagi ng Megastar.

Kahit apat na dekada na sa industriya ay ngayon pa lamang nakagawa ang aktres ng isang horror film. Sa kauna-uanahang pagkakataon ay nagbida sina Sharon at John Arcilla sa pelikulang ‘Kuwaresma’ na ipalalabas sa mga sinehan simula May 15.

“Noon pa may pini-pitch sa akin, nakita ko na. Kasi I really search for them (horror films) foreign, Asian, parang alam ko na, predictable. I was humbled kasi si sir Dondon Monteverde was an excellent producer. I was so honored and privileged and I told him so after shooting. And direk Erik (Matti), they came to my pictorial, and it took ten, fifteen minutes, that was it. I’m so excited for this movie. I’m so proud of it. Hindi lang siya basta horror na tatakutin kayo. It has a heart,” paglalahad ng aktres.  -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More