4 KIDNAPPER TIKLO SA PAGDUKOT SA KAPWA TSINO

arrested

DINAKIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang apat na Chinese national na sangkot sa kidnapping at serious illegal detention sa tatlo nilang kababayan sa Malate, Manila.

Iniharap ni NBI Director Dante Gierran sa mga mamamahayag ang mga suspek na kinilalang sina Chen Zhimin, Luo Canfeng, Li Jai Huang at Wang Yiping.

Nadakip ang suspek sa pagsalakay ng mga tauhan ng NBI sa isang hotel sa General Malvar St., sa Malate.

Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang impormanteng Chinese na nagtatrabaho sa offshore gaming o  online games, kaugnay sa pagkidnap at pagdetine umano sa biktimang si Han Yang Liu, offshore gaming employee, ng mga suspek at iginiit na magbigay ng P200,000 at dapat itong personal na i-deliver sa mga kidnapper.

Sa isinagawang entrapment/rescue operation, dalawa pang Chinese national ang nasagip na sinasaktan at pinagbantaan na papatayin kung hindi magbibigay ng halagang P600,000.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at  serious illegal detention sa Manila Prosecutor’s Office. (RENE CRISOSTOMO)

Please follow and like us:
Read More

DALAGA NATIKLO SA KIDNAPPING, NAG-ASAL BALIW

ARRESTED WOMAN

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

IBINILAD ng isang bebot ang kanyang alindog sa barangay hall nang tila masiraan ulo matapos masakote nang tangkaing dukutin umano ang isang paslit sa Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Karen Tiongco, 27, ng 373 San Luis, Pampanga, na itinuturong nagtangkang dumukot sa isang tatlong-taong gulang na bata sa labas lamang ng kanilang bahay sa  Barangay 31, Caloocan City.

Napag-alamang alas-9 ng gabi ay nalingat ang ina ng bata at naispatan na lamang nito at ng tiyo ng biktima na hila-hila na ni Tiongco ang paslit at may kasapakat pa umanong dalawang bebot na lookout si Tiongco.

Nakaamoy umano ang suspek  na buking ang kanyang balak at  halos madapa sa pagkukumahog palayo pero  hindi siya tinantanan ng mga kaanak ng bata at nang masukol ay dinala sa tanggapan ng barangay.

Sa kabiglaan ng marami,  tila nabaliw si Tiangco sa barangay hall at hindi na nakausap nang maayos.

Lalong napanganga ang lahat nang biglang nagtanggal ng saplot si Tiangco.

Nabatid, may mga sandaling tila nahihimasmasan si Tiango at sinabi niyang kaya siya nasa Barangay 31 ay dahil naliligaw siya at hihingi umano ng tulong sa mga pulis.

Binalewala naman ng mga opisyal ng barangay ang alibi ng suspek dahil noon umanong nakalipas na taon ay may sumubok na ring mangidnap sa kanilang lugar at isinuko sa mga pulis ang suspek.

Ayon sa pulisya natunton nila ang mga kaanak ng suspek at kinumpirma ng mga ito na may diperensya sa pag-iisip ang suspek at minsan nang ginamot sa National Center for Mental Health.

Gayunpaman, pinayuhan ng pulisya ang mga kaanak ni Tiongco na magpasa ng mga dokumento bilang patunay na ang suspek ay ginamot sa mental hospital.

 

Please follow and like us:
Read More

KIDNAPER NG MGA BATA SA BACLARAN, ARESTADO

cell

(NI ROSE PULGAR)

NADAKIP ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang babae na dumukot sa isang apat na taong gulang na babae na nailigtas rin ng mga awtoridad, Linggo ng gabi sa Baclaran, ng naturang lungsod.

Kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe  ng Paranaque City Police ang nadakip na suspect na si Marian Berdino, 45, nakatira sa Pulang Bato, Masbate City, Masbate.

Matiwasay naman naaibalik sa kanyang ama ang paslit na itinago sa pangalang “Kitty”.

Ayon kay Hasmin Sangka, 33, vendor, ama ng paslit, ng 2094 GG Cruz St. Barangay Baclaran, alas- 9:30 ng gabi habang naglalaro sa kalsada ang kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay nang biglang hatakin at kargahin ng suspect ang paslit na mabilis na lumayo sa kanilang lugar.

Masuwerte naman aniyang nakita ang pangyayari ng kanyang kapatid na si Fatima Sangka, 26, isa ring  vendor, nakatira sa Lt. Garcia St. nang nasabing lungsod.

Agad humingi ng tulong si Fatima sa mga pulis na nasa lugar na mabilis na hinabol ang suspect hanggang sa makorner ito sa Lt. Garcia St. kung saan ito naaresto.

Agad dinala sa nasabing himplan ng pulisya ang suspect at sa loob ng istasyon, paiba-iba ang sinasabi ng suspect kung bakit niya tinangay ang bata.

Sa alegasyon ng suspect, kaya lamang niya kinarga ang bata upang yayain nitong maglaro

Napag-alaman pa na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling mandurukot ng bata sa Baclaran.

Nitong Marso ng kasalukuyang taon, isang 19-anyos na babae rin ang nadakip nang dukutin ang isang limang taong gulang na batang lalaki.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad habang nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping ang nadakip na suspect.

Please follow and like us:
Read More

PULIS, 1 PA KIDNAPER NG MGA TAUHAN NG BIR, PATAY SA ENGKWENTRO

crime55

(NI AMIHAN SABILLO)

DEAD on the spot ang isang dating pulis at isang tauhan nito na umano’y sangkot sa pagdukot sa mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos ang engkwentro sa mga tauhan ng Cavite Police at PNP Anti-Kidnapping group sa Abaya Road, Brgy Toclong, Kawit, Cavite, Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Staff Sgt. Jason Murcia, imbestigador sa kaso, ihahain lang sana ng Cavite Police, kasama ang PNP-AKG ang warrant of arrest, laban sa suspek na dating pulis na si PO2 Arlan Ranera at kasamahan nito, subalit pagsapit umano ng mga operatiba, nakatakas ang mga suspek gamit ang motorsiklo at nagpunta sa direksyon ng Brgy. Putol.

Kumilos ang operatiba na nauwi sa habulan at dito na nakipagbarilan ang mga suspek sa pulis na naging dahilan ng kanilang pagkakasawi.

Sinasabing sangkot ang mga suspek sa pagdukot sa ilang tauhan ng BIR at sinasabing miyembro rin ng Gapos Gang.

Si Aguilar ay isa rin sa mga itinuturo na mga nasa likod ng pagpatay kay Atty. Eduardo Torres Malinis na isa rin sa kanilang mga na biktima.
 

Please follow and like us:
Read More

2 KIDNAPER PATAY, MAG-ASAWANG NEGOSYANTE NAILIGTAS

crime32

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang kidnapper habang nailigtas naman ng awtoridad ang mag-asawang umano’y dinukot ng mga ito sa isang engkwentro na naganap sa Antipolo City, nitong Sabado.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek, na itinuturong kabilang sa apat na lalaki na dumukot sa mag-asawang negosyante na sina Henry Alfonso, 52, at Florida Alfonso, 55, kapwa residente ng Sta. Cecilia, Mission Hills Subdivision, Barangay San Roque, Antipolo City.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na bago ang engkwentro ay nakatanggap sila ng ulat na may mga indibidwal na dinukot ng apat na armadong lalaki, dakong alas-11:45 ng hatinggabi, sa La Veranda, Sumulong Highway, Barangay Sta. Cruz, Antipolo City.

Lumilitaw na sakay umano ang mga biktima ng isang silver na Honda CRV , na may plakang NBC-2943 at bumabagtas sa naturang lugar, patungong Antipolo City Proper nang bigla na lang silang harangin ng mga suspek, na lulan naman ng isang kulay gray at puting van.

Bumaba umano ng van ang apat na armadong lalaki at saka sapilitang tinangay ang mga biktima, patungong area ng Baras, Rizal.

Kaagad namang nagkasa ng checkpoint ang Antipolo City Police, at mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group at Highway Patrol Group, sa Barangay Inarawan, at pagsapit ng 3:15 ng madaling araw ay nasabat ang mga suspek.

Tinangka ng mga pulis na pahintuin ang sasakyan ng mga suspek.

Gayunman, sa halip namang sumuko ay kaagad na nagpaputok ang mga suspek sa direksiyon ng mga pulis, habang tinatangkang tumakas.

Nakaramdam ng panganib, napilitang gumanti ng putok ang awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa sa mga suspek, ngunit nakatakas ang dalawang iba pa.

Nasagip naman ng awtoridad ang mga biktima, na iniwanan ng mga suspek sa kanilang get-away vehicle, habang tumatakas.

 

Please follow and like us:
Read More

2 KIDNAPPER BUMULAGTA SA BATANGAS

BUMULAGTA

PATAY ang dalawang hinihinalang kidnapper makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Batangas, nitong Miyerkoles ng medaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatunog ang isa sa mga  kidnapper na may may pulis na sumama sa taong magbibigay sana ng P100,000 ransom sa kanila.

Nagtangkang tumakas ang dalawang suspek ngunit inabutan sila ng mga pulis at napatay sa palitan ng putok. Isinugod sila sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pulisya, Martes pa ng hapon nang kontakin ng mga kidnapper ang kaanak ng dinukot nilang lalaki, kaya sila ay nagkasa ng entrapment operation.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya para tugisin ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek at upang sagipin ang biktima.

Please follow and like us:
Read More