GINANG PATAY SA KIDLAT

(NI JESSE KABEL)

NANGINGSAY na bumagsak at agad na binawian nang buhay ang isang 55-anyos na ginang matapos hagupitin ng kidlat habang nagwawalis sa kanilang bakuran sa Barangay Canlampay, Carigara, Leyte.

Sa ulat ng Carigara PNP, dead on the spot ang biktimang si Alberta Anagat, 55, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Pol. S/Sgt. Federico Caduca Jr., duty investigator ng Carigara Municipal Police Station, naglilinis ng kanilang bakuran ang biktima nang biglang  gumuhit ang matalim na kidlat at tumama  sa ulo ng babae.

Nabatid na tumama rin ang kidlat sa kanilang bahay kaya nasira ang mga electrical appliances na nasa loob nito.

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG PATAY SA KIDLAT, 7 PA SUGATAN SA SAKAHAN

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang ginang habang sugatan ang pitong iba pa matapos silang tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa sakahan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Zamboanga del Norte.

Kinilala ang namatay na si Lerma Larisa, habang ang mga sugatan ay kinilalang mga magkakamag-anak na Baylon na sina Nancy, Marissa, Rene, Reyna Grace, Nelbert, Roberto, at  Norberta Tulawe, pawang mga residente ng Sitio Magubok, Brgy. Poblacion Kalawit, Zamboanga de Norte.

Batay sa report ng Zamboanga-PNP, abala ang mga biktima sa pagtatrabahosa sakahan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasunod ang kidlat subalit nagpatuloy pa rin sila sa pagtatrabaho.

Hanggang sa tamaan ng kidlat ang mga biktima at tumilapon sa sapa na agad ikinamatay ni Larisa.

Dinala naman sa ospital ang pitong sugatan na nagtamo ng mga paso sa kanilang katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI TINAMAAN NG KIDLAT SA DIBDIB, 3 PA SUGATAN

(NI KIKO CUETO)

ISA ang patay habang tatlo ang sugatan sa pagtama ng isang kidlat sa Palayan sa Moises Padilla, Negros Occidental.

Bakas sa mga tinamong sugat sa dibdib ng 43-anyos na si Saldy Marfil ang tama ng kidlat na siyang agad niyang ikinamatay.

Sinabi ng Moises Padilla Police, ang biktima, kasama ang kanyang tatlong pamangkin na lalaki ay tumungo sa Barangay Odiong para mag-ani sa palayan.

Pero biglang umulan kaya niyaya ni Marfil ang kanyang mga pamangkin na umuwi na lamang.

Naglalakad na sila pauwi ng unang tamaan ng kidlat ang biktima.

Sugatan naman ang tatlo niyang kasamahan na nasa kanyang likuran ng tamaan ng kidlat.

Agad silang naisugod sa ospital.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI LUMIYAB, TIGOK; 1 KRITIKAL

(NI ANNIE PINEDA)

LUMIYAB sa gitna ng palayan ang isang lalaki habang kritikal sa ospital ang kaibigan nito makaraan tamaan sila ng kidlat, sa Capiz.

Kinilala ang namatay na si Frederick Medalla habang sugatan ang kaibigan nitong si Fredy Uadan, kapwa residente sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang mga biktima sa gitna ng palayan kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Danilo Macato pauwi sa kani-kanilang tahanan nang biglang bumuhos ang ulan.

Dahil sa walang masilungan mabilis na tumakbo si Macato at may ilang metro na ang layo nito kina Medalla at Uadan hanggang sa gumuhit ang langit sa lakas ng kidlat at tinamaan ang dalawa dahilan para bumulagta sa palayan.

Kaagad naman dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang dalawa pero hindi na naisalba pa ang buhay ni Medalla sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan habang patuloy na nilalapatan si Uadan.

Please follow and like us:
Read More

MANGINGISDA PATAY SA KIDLAT SA LAOT, 1 NALAPNOS

(NI ANNIE PINEDA)

NATUSTA nang buhay ang isang mangingisda habang lapnos naman ang katawan ng kasama nito makaraan tamaan sila ng kidlat habang nasa gitna ng laot, Martes ng gabi sa Negros Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Jaime Flores, habang ginagamot naman sa ospital si Julieto Tumabid, kapwa ng Sta. Catalina, Negros Oriental.

Batay sa report ng pulisya, sakay ng kani-kanilang bangka ang dalawa habang nangingisda sa gitna ng laot sa nasabing lugar.

Bigla na lamang gumuhit ang malakas na kidlat sa kalangitan na tumama sa dalawa at sa lakas ng kidlat pareho silang tumilapon sa kani-kanilang bangka.

Nagawa naman isugod sa ospital ang mga biktima pero wala na rin buhay nang idating si Flores habang patuloy na inoobserbahan si Tumabid sanhi ng matinding mga paso na tinamo sa katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PATAY, 5 SUGATAN SA KIDLAT

(NI KIKO CUETO)

PATAY ang magsasaksa habang sugatan ang limang iba pa nang masapul ng kidlat sa bayan ng San Miguel, Leyte.

Kinilala ang namatay na si Rexie Sequijod, 21.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Eastern Visayas Regional Medical Center sina Erlinda Solayao, 60; Wilma Antoni, 59; Marilyn Erandio, 32; Zaldy Antoni, 26; at Virginia Bague, 57.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naghahanda ng itatanim na palay ang mga biktima nang tamaan ng kidlat.

Dinala pa sa Rural Health Unit ng San Miguel si Sequijod pero idineklarang dead on arrival  si Sequijod. 

 

Please follow and like us:
Read More

GROUND HANDLER SA NAIA TUMILAPON SA KIDLAT

(NI FROILA MORALLOS)

TUMILAPON ang isang Macroasia ground handler ng Philippine Airlines (PAL) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 , dahil sa malakas na kidlat noong Martes ng gabi.

Kinilala ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang biktima na si Joel Arejola, 30, na nahulog sa ladder sa Bay 12 ng NAIA habang nagtatanggal ng ground power unit (GPU) sa paalis na flight PR 116 patungong United States nang biglang kumidlat dakong alas 6:58 ng hapon.

Matatandaan na nag isyu ang Pagasa ng “red lightning alert” dakong alas 6:53 ng hapon para tumigil ang mga ramp workers at magtungo na lamang ang mga ito sa loob ng terminal 2.

Agad naman na dinala si Arejola sa loob ng NAIA terminal 2 clinic kung saan binigyan siya ng first aid sa tinamong sugat sa kaliwang bahagi ng katawan. Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal hindi siya nagkulang sa mga ito upang sundin ang kautusan ng Pagasa kaugnay sa lightning alert para maiwasan ang insidente.

Nag-isyu ang Pagasa ng yellow lightning alert dahil sa malakas na ulan at kidlat.

 

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA NG MOBILE LEGENDS

(NI JG TUMBADO)

DEDBOL ang dalawang binata na magpinsan makaraang tamaan sila ng sumasagitsit na kidlat sa bayan ng Sta. Elena sa Camarines Sur.

Kapwa wala nang buhay na natagpuan sa isang bahagi ng bukirin sa Barangay Patag Ilaya ang mga biktima na sina Jimboy Magsino Lora at Jericho Compra Lora, kapwa 18-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police, nangyari ang insidente pasado alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

 Hirap umanong makasagap sa kanilang lugar ng signal ng internet para sa online game na Mobile Legends kung kaya’t nagpaalam sa kanilang kaanak na lalabas ng bahay para humanap ng signal.

Sa kanilang paghahanap ay nakasagap ng signal ang magpinsan sa mataas na bahagi ng bukid ng Barangay at doon pumuwesto sa isang puno.

Pero hindi pa man nakatatagal sa paglalaro ng online game ang magpinsan nang bigla dumilim ang kalangitan at nag-umpisang kumulog at kumidlat.

Sinasabi pa sa report na tinangkang umalis ang mga biktima sa kanilang kinauupuan dahil sa pumapatak na ang ulan hanggang magkasabay silang masapol ng kidlat.

 Nagtamo ng malaking sunog sa katawan ang magpinsan at sa kanilang katabi ay ang nagkahiwa-hiwalay na parte ng kanilang cellphone.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

MANGINGISDA TIGOK SA KIDLAT

kidlat12

(NI JUN V. TRINIDAD)

CALAUAG, Quezon – Isang mangingisda ang natodas pagkatapos siyang tamaan ng kidlat sa karagatan ng bayang ito noong Miyerkoles.

Sa impormasyon na nakarating sa pulisya noong Huwebes, tinamaan si Jose Bujatin, 60, ng humaginit na kidlat habang sakay ng kanyang bangkang pangisda sa dagat na nasasakop ng Barangay Kuyaoyao bandang alas tres ng hapon noong Miyerkules.

Agad na dinaluhan ang biktima ng mga nakakitang kapwa mangingisda at dinala sa St. Peter General Hospital sa kabayanan subalit hindi na siya umabot ng buhay dahil sa mga tinamong grabeng pinsala sa katawan.

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL PATAY SA KIDLAT

kidlat12

TINAMAAN ng kidlat at namatay noon din ang magkapatid na sisilong sana sa kubo sa gitna ng bukid sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan sa Sitio Carugyao, Barangay Osmeña Palapag town, Catarman, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Major Joseph Quilitano, Palapag chief of police, ang  magkapatid na sina Arnel Laoreno Jr.  21,  at  Airene, 18, kapwa ng  Barangay Laniwan, Palapag.

Nabatid na bandang alas-10:00 ng umaga habang nasa bukid ang magkapatid kasama ang kanilang tatay na si Arnel Sr., ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Agad na nagsipanakbuhan ang tatlo sa kalapit na kubo ngunit bago pa dumating sa lugar ay tinamaan na ng matatalim na kidlat ang magkapatid at namatay noon din.

Hindi pa rin nakakausap ang tatay ng dalawa dahil sa sobrang pagkabigla sa pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY SA KIDLAT; 6 PA SUGATAN

kidlat12

(NI JG TUMBADO)

ISA ang patay habang anim na iba pa ang nalapnos ang katawan makaraan silang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan bunsod ng localized thunderstorm sa Barangay San Vicente, Canaman, Camarines Sur.

Nabatid sa ulat, pasado alas 5:00 ng hapon ng Huwebes habang nagpapahinga sa isang kubol ang mga biktima na pawang trabahador sa isang plantasyon ng mangga nang maganap ang insidente.

Bigla na lamang umanong nagdilim ang kalangitan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Sa kalagitnaan nito ay isang kidlat ang sumagitsit sa kinalalagyan ng mga biktima at nasapol ang mga ito.
Isa sa kanilang mga kasamahan ang napuruhan sa pagtama ng kidlat na siyang ikinasawi nito habang ang iba ay nalapnos ang balat at isinugod sa ospital Kung saan isa sa kanila ay kritikal.

 

Please follow and like us:
Read More