KIDAPAWAN CITY NASA STATE OF CALAMITY SA DENGUE

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN City — Isinailalim na sa State of Calamity dahil sa dengue

ang lungsod ng Kidapawan City makaraang aprubahan ng Konseho ang rekomendasiyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na ideklara ang siyudad dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Nabatid na umabot na sa 235% ang pagtaas sa kaso ng nasabing sakit na naitala sa Kidapawan City simula Enero 1- Agosto 21, 2019.

Nasa 686 kaso ng dengue ang naitala sa Kidapawan City kumpara sa 190 sa kaparehong panahon noong 2018.

Lumagpas na sa Dengue Epidemic Threshold ang bilang ng kaso sa 10 barangay ng lungsod na kinabibilangan ng: Poblacion, Birada, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at Singao.

Dalawa ang naitalang namatay dahil dito sa Poblacion at Barangay Birada.

Dahil sa pagkadeklara sa Sangguniang Panlungsod ng State of Calamity, inaasahang magpapalabas na ng P2.8 milyon na pondo ang CDRRMC.

Gagamitin ang pondo na pambili ng tatlong fogging machines, 300 litro ng Permethrine, Larvaecides at Deltametrine na mga kemikal panlaban sa pagdami ng lamok at Mosquito Repellants.

Nasa bahagi ng Health Services Program Dengue Outbreak Response ng CDMMC ang aksyon kontra dengue.

Pinapayuhan naman ang lahat na sumunod sa kampanya ng pamahalaan para malimitahan ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Councilor Lauro Taynan kung saan napunta ang pondo ng Quick Response Fund dahil wala na umanong magagamit sa state of calamity matapos na noong ikalawang quarter ng taon ay nagdeklara rin sila ng state of calamity dahil sa El Niño.

 

Please follow and like us:
Read More

7-BUWAN BABY NASAGIP NG GRADE 1 PUPIL SA SAGINGAN

(NI BONG PAULO)

NASAGIP ang isang pitong buwan na lalaking sanggol na sinasabing inabandona ng ina matapos madaanan ng isang grade 1 pupil sa isang sagingan sa Sitio Panabang, Barangay Binoligan, Kidapawan City, Miyerkoles ng hapon.

Sa nakalap na impormasyon, nakita umano ang nasabing sanggol ng isa pang bata na dumaan lamang sa nasabing lugar, alas-2:00 ng hapon.

Siya ay itinurn-over ng Punong Barangay ng Sikitan sa Kidapawan City PNP at nananawagan sa mga magulang na nawalan ng bata na mariing makipag-ugnayan lamang sa WCPD.

Ang batang lalaki na natagpuan ay kulot ang buhok, katamtaman ang laki at nasa pito hanggang 10 buwan pa lamang.

 

Please follow and like us:
Read More

PRESO WALANG DALAW NA KAANAK, NAG-SUICIDE

kidapawan16

(NI ANNIE PINEDA)

NAGPASYANG wakasan ang sariling buhay ng isang preso sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi na umano ito dinalaw ng kanyang kaanak, sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktimang si Jamel Fuerte, 47, ng Brgy Singao Kidapawan City.

Batay sa report ng Kidapawan City Police, nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa loob ng selda gamit ang tie-box na itinali nito sa leeg.

Si Fuerte ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Act of Lasciviousness.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente, napansin nilang matamlay ang biktima at bihira na lamang itong bisitahin ng kanyang pamilya.

Posible umanong labis na pagkalungkot ang dahilan kaya tinapos na ng biktima ang sariling buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

RADIO ANCHOR PATAY SA AMBUSH 

CRIME12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang miyembro ng mamamahayag makaraan tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, Miyerkoles ng gabi sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktimang si Eduardo ‘Ed’ Dizon, anchorman ng Brigada News FM-Kidapawan City, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kanyang kotse .

Pauwi na si Dizon nang tambangan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit .45 kalibre na baril.

Nang makitang duguan na ang biktima ay tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa Kidapawan City .

Isinugod sa ospital ang biktima pero nalagutan rin ito ng hininga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo at isa na rito ang tinitignan anggulo kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

PICK-UP SUMALPOK SA TRIKE; DRIVER PATAY, 6 SUGATAN

kidapawan12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay on the spot ang drayber ng pampasaherong tricycle habang anim naman ang sugatan matapos  banggain ng isang pick-up truck sa Barangay Paco KM 114, Kidapawan City, Lunes ng tanghali.

Nakilala ang nasawi na si Bejie Acquisa, 35, may asawa at ng Barangay Del Carmen, President Roxas.

Habang sugatan naman ang mga sakay nito na sina Lenie Bendon Magbanua, 57, Roselyn Acquisa, 33, negosyante at dalawang mga menor de edad na sina Magbanua Acquisa, 5; Brialle Magbanua Acquisa, 3, ng Brgy. Del Carmen, Pres. Roxas, Cotabato; at sina Rodolfo Magbanua, 57, at Ai-Ai Talium, 13, kapwa residente Brgy. Del Carmen, Pres Roxas, Cotabato.

Ang drayber naman ng pick-up truck na kinilalang si Eugene Eugenio Niedo, 47, isang OFW at residente ng Barangay Patindeguen, Midsayap ay hindi naman nasaktan.

Ayon sa ulat ng PNP,alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes, tinatahak ng dalawang mga sasakyan ang national highway na nasa magkasalungat na daan at pagsapit nito sa barangay Paco sa harap ng isang simbahan ay nag-overtake ang forward truck sa isa pang sasakyan dahilan para bumangga sa kasalubong na tricycle.

Dahil sa impact, natapon ang dalawa sa malalim na parte ng daan at nasagi pa ng pick-up ang poste ng kuryente.

Agad namang dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na ospital sa Kidapawan City.

Nasa kostudya na ng City PNP si Niedo habang patuloy ang imbestigayson sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-TATAY NA RAPE SUSPECT TIMBOG

arrested134

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang mag-amang suspek sa panggagahasa matapos ang walong taong pagtatago sa batas.

Tuluyang natimbog ang dalawa sa Purok 3B, Brgy Kiyaab, Antipas, North Cotabato, umaga nitong Lunes.

Sa bisa ng warrant of arrest mula sa korte, arestado sina Manuelito Parcon, 70, magsasaka at Michael Parcon, 28, may asawa, kasalukuyang naninirahan sa Santa Ignacia, Tarlac Province, na may magkaibang kaso ng rape.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP, nakatanggap umano sila impormasyon na nasa Sitio Tigmamanok ng nasabing lugar ang mag-ama kaya agad itong tinungo ng mga operatiba at doon nahuli ang nasabing mga wanted person, alas-7:25 ng umaga.

Napag-alaman na noong taong 2011 pa sinampahan ng kaso ang mga suspek sa RTC branch 17 sa Kidapawan City.

Nasa kostudiya na ngayon ng PNP dalawang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

GOV’T EMPLOYEE PATAY SA ROAD CRASH

kidapawan16

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang government employee matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang cargo truck sa road mishap na naganap sa National Highway ng barangay Balindog, Kidapawan City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Eutiquio Pana Dapal, 49, kawani ng North Cotabato District Jail, ng Barangay Birada, Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP traffic section, binabaybay ni Dapal ang National Highway na lulan ng kanyang motorsiklo papuntang Davao ang direksyon.

Naganap ang aksidente alas 11:45 ng umaga nitong Sabado.

Nang pagsapit sa lugar, aksidenteng bumangga ito sa isang cargo truck na minamaneho ni Sampodin Sabandal Kasim, 27, at nakatira sa Purok Mangga barangay Amas, Kidapawan City, na nasa kasalungat na daan.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang drayber ng motorsiklo.

Mabilis namang naisugod ang biktima sa ospital pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Sumuko naman ang drayber ng cargo truck sa Kidapawan City Police Office.

Please follow and like us:
Read More

2 BROADCASTER HINATULAN SA CYBER LIBEL

kidapawan16

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Guilty sa kasong cyber libel ang dalawang mga kagawad ng media matapos na babaan ng desisyon ng lokal na korte sa Kidapawan City, Huwebes ng ng umaga.

Kinilala ang mga hinatulan na sina Eric Dugaduga Rodinas, anchor ng Radyo Natin at si Larry Baja Subillaga, na kapwa residente ng Kidapawan City.

Nag-ugat ang kaso ng dalawa matapos na mag post ang una ng mga sinasabing malisyosong salita laban sa gobernador ng lalawigan na si Gov. Lala Taliño Mendoza sa kanilang facebook account.

Nagkomento rin si Subillaga na niloloko umano ng punong ehekutibo ang mga mamamayan ng probinsiya.

Sa kanyang post naman sa kanyang facebook account, sinabi ni Dugaduga na malinaw na mayaman ang gobernador. ‘Ang project kawatan pa mao nani resulta?’ na ang proyekto ninanakaw.

Nag ‘plead not guilty’ naman ang dalawa ngunit hindi ito pinanigan ng korte.

Dahil dito, binabaan ng Regioanl Trial court, Branch 23, Kidapawan City sa sala ni Judge Jose Tabosares ng guilty ang dalawa sa kasong cyber libel.

Hinatulan ang dalawa ng apat hanggang walong taon at isang araw na pagkakabilanggo at pinapapabayad ng P2,500,000 bawat isa.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDING-IN-TANDEM NILIKIDA NG KAPWA TANDEM

kidapawan16

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Bumulagta sa gitna ng National Highway sa sentro ng siyudad ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem na suspek na bumuntot sa mga biktima sa panibagong krimen na naganap sa national highway sa Quezon Boulevard, Kidapawan City, North Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Rochel Castillon Sumatra, 41 anyos at nakatira sa Fatima Village, Bajada, Davao City at si Oscar Labonita, 34, nakatira sa Purok 4, Magpet, North Cotabato.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON Correspondent kay Kidapawan City PNP Chief Police Supt. Ramel Hojilla alas-4:30 ng hapon noong Sabado habang sakay ang dalawang mga biktima ng walang plakang motorsiklo at binabaybay ang national highway patungong Matalam, North Cotabato na direksyon.

Habang nasa downtown area, malapit sa center island ng Daang Maharlika, sina Sumatra at Labonita ay pinagbabaril ng mga gunmen na sakay din ng motorsiklo.

Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala ang dalawang biktima sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Ayon kay Hojilla, gumagamit din ng iba’t ibang identification card si Sumatra ayon sa mga nakuha sa kanyang wallet.

Base sa nakitang ID, may pangalan na Garry Soltan Bangot at Rudolf Sumatra.

Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng caliber .45 pistol, dalawang fired bullets at isang metal fragment.

Inaalam pa ng pulisya kung mga kasapi ng New People’s Army o NPA ang mga namatay.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo sa pagbaril at pagpatay sa dalawang mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

4 BIFF UTAS SA ENGKWENTRO

biff

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Nasawi ang apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o (BIFF) matapos maka-engkwentro ang mga sundalo sa Barangay Inaladan sa bayan ng Saidona Mustapha, Maguindanao madaling araw nitong Martes.

Batay sa ulat, nagsimula ang engkwentro matapos na magpaputok ng armas ang mga BIFF sa mga tropa ng Army’s 40th Infantry Battalion nang magpatrulya ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Bagama’t kaunti lamang ang tropa ng pamahalaan ay nagawang makaligtas ang mga ito at nakapaputok pa sa mga kalaban at apat ang napatay.

Kinilala ang mga nasawing BIFF na sina Akmad Sindi, Raguiab Bansao, Ameruddin Bunao at Gamino Orai.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga armas na ginamit ng mga suspek ang tatlong mga 7.62 caliber M14 rifles at 5.56 caliber AR18 rifle.

Dalawa sa mga BIFF ang nasugatan na kinilala lang sa pangalang Gadoh at Tasil.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ang mga nagsitakas pa na mga BIFF.

Please follow and like us:
Read More

MISTER ITINUMBA SA HARAP NG MISIS

kida

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Bumulagta ang isang mister matapos pagbabarilin ng mag-amang kainuman sa harap mismo ng kanyang misis sa Barangay Agriculture sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Joel Hernane, 37, habang malubha namang nasugatan ang misis nitong si Melba Hernane, 39, pawang mga taga Sitio Bobonao, Barangay Agriculture, Midsayap.

Sinabi ni Midsayap PNP Chief, Police Supt. Joan Maganto na nag-iinuman ang mga biktima at mga suspek na mag-amang sina Alder Flauta, 30, at si Ador Flauta, 64, nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Dahil sa galit ng mga suspek ay bumunot umano ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mag-asawa, alas-9:00 ng gabi nitong Martes.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Joel dahil sa tama ng bala sa ulo,likod at dibdib habang nasa malubhang kondisyon naman ang misis nito.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek na si Ador ngunit nakatakas ang anak nitong si Alder na patuloy ngayong tinutugis ng mga otoridad.

Please follow and like us:
Read More

ENGINEER PINATAY SA VAN

crime

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Sa ospital na binawian nang buhay ang isang empleyado ng Pagalungan LGU matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng commuter van na bumabaybay sa  national highway ng Davao-Cotabato road, Barangay Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Engr. Mustapha Andoy Abdullah, 45, at nakatira sa Poblacion, Pagalungan, ng nasabing lalawigan at kawani ng Municipal Planning and Development Office ng LGU.

Ayon kay Kapitan Kadjack Andoy, kapatid ng biktima, pauwi na sana sa nirerentahan nitong boarding house sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, ang kanyang kapatid sakay ng pampasaherong van nang sumabay sa pagsakay ang gunman, pasado alas 3:00 ng hapon nitong Martes.

Ayon kay Police Chief Inspector Erwin Tabora, hepe ng Datu Montawal, Maguindanao, pagdating sa nasabing barangay, nag utos ang suspek na ihinto ang sasakyan at agad itong bumaba. Dito na pinagbabaril ang biktima gamit ang caliber 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek  lulan ng motorsiklo patungong Pikit Cotabato.

Ayon sa kapitan, nakatanggap na ng banta sa buhay ang kanilang pamilya.

Pulitika ang isa sa mga sinusundang anggulo ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More