3 MIYEMBRO NG KFR PATAY SA ENCOUNTER SA CAVITE

(NI ROSS CORTEZ)

TATLONG hinihinalang miyembro ng kidnap for ransom group ang napatay matapos makipagpalitan ng putok habang inihahain ang arrest warrant sa illegal possession of firearms and ammunition sa isang liblib na lugar sa Indang, Cavite, Miyerkoles ng madaling araw.

Target ng operasyon si ex-PO3 Magdaleno Pacia na umano’y lider ng Pacia KFR group ngunit wala ito nang isagawa ang arrest warrant.

Bago pa umano makalapit ang mga operatiba sa lugar ay sinalubong na sila ng putok ng mga suspect mula sa loob ng safehouse.

Gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong suspect.

Kabilang sa nasawi sa engkuwentro ang umano’y kanang kamay ni Pacia na si Vence Venice habang hindi pa kilala ang dalawang nasawi.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director PCol. William Segun, mga Chinese umano ang karaniwang biktima ng grupo ni Pacia.

Si Pacia ay dating nakatalaga sa Southern Police District at nag-Awol noong 2016 bago luminya sa KFR.

Ang grupo din umano ni Pacia ang responsible sa pagkidnap sa ilang Chinese sa isang KTV sa Pasay City, dalawang buwan na ang nakararaan.

Nabawi sa crime scene ang ilang armas at bala at ang isang kulay pulang kotse na service vehicle ng grupo.

Nakumpirma namang karnap ang sasakyan na isang Suzuki Ertiga.

Isang geodetic engineer umano ang may-ari nito na puwersahang kinuha ng mga suspect sa Antipolo City, tatlong araw na ang nakalilipas.

Patuloy pa rin ang follow-up operation na ginagawa para madakip ang lider ng gang.

 

Please follow and like us:
Read More

SAFEHOUSE NG KFR GROUP SINALAKAY, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa pakikipagbarilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for ransom (KFR) group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Marilao, Bulacan.

Armado ng search warrant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo Dela Fuente, residente ng Cubao, Quezon City.

Bago tinunton ng pulisya ang hideout ni Dela Fuente nitong gabi ng Miyerkoles sa Marilao, ay ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar, kabilang sa Caloocan at sa San jose del Monte City sa Bulacan.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, modus ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na pulis.

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga bahay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala habang sa mga sasakyang nadatnan sa lugar ay may mga nakuha din na mga high powered firearms.

 

Please follow and like us:
Read More

P10-M SHABU NASABAT SA 3 MIYEMBRO NG KFR

sibugay12

(NI JG TUMBADO)

NALAMBAT ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), ang tatlong miyembro na notoryus sa kidnap for ransom activity sa Ipil, Zamboanga, Sibugay.

Kinilala ang mga suspect na sina Nicanel Maningo, Benhazer Anduhol at Solaiman Calon, na pawang miyembro ng ‘Barahama Alih Kidnap For Ransom Group’.

Ayon kay Lt. Col. Don Templonuevo, 44th Infantry Battalion Commander ng Philipine Army, ang mga suspek ay nadakip sa inilatag na operasyon sa Barangay Tena.

Maliban sa pagkakasangkot sa ilang serye ng mga pagdukot, sangkot din ang mga suspek sa pagbebenta ng shabu sa malaking bahagi ng Zamboanga Sibugay.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang caliber M-16 rifle, dalawang .45 baril, mga pampasabog, iba’t ibang mga bala, at ang bulto-bultong shabu na may bigat na 1.5 kilos at tinatayang nasa P10.2 milyon ang halaga.

Tiniyak naman ni Col. Bagnus Gaerlan, Jr., commander ng 102nd Infantry Brigade na sa pagkakadakip sa tatlo at pagkakasabat sa mga gamit ng mga ito ay mapipilayan ang kanilang grupo sa mga ginagawang ilegal na aktibidad.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa follow up operation laban sa mga kasamahan ng mga nadakip.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More