PANGUNGUSAP NG BEBOT NA AYAW NG KELOT

BOY-GIRL

(Ni Edzer Lanuza )

MAY mga pangungusap o mga salitang ayaw marinig ng mga lalaki sa kanilang partner. Hindi man lahat,  pero maaaring karamihan sa kanila.  Bagaman malaki ang pagkakaiba ng babae sa lalaki, mahalagang malaman mo rin ito.

“Hindi ngayon, ­honey.”

Reklamo ng isang lalaki, ginagamit ng kanyang asawa ang sex bilang sandata para siya ay masaktan. Gusto ng sex ng mga lalaki pero may pagkakataong binibigkas ng babae upang hindi sila magkaroon ng pagtatalik.

Wala silang nakikitang problema para rito, at kinamumuhian nila kapag  pinapalubha ito ng mga babae. Siguro, may bagay na di kayo naiaayos kaya’t napuputol ang sexual desire.

Pero kapag sinabi mong “hindi ngayon, honey”, maa­ring mong masugatan ang kanyang damdamin.  Kung ganito, ibahagi at ipaalam sa kanya ang mga dahilan kung bakit “Hindi puwede”.

Karamihan sa mga lalaki ang pagtanggi ay nangngahulugang pagbabalewala sa kanila, o maaaring wala nang atraksyon  sila sa kanilang kapartner.

“Kailangan nating mag-usap.”

Ito ang mga salitang kinamumuhiang marinig ng mga lalaki. Kapag sinabi mong,”kailangan nating mag-usap,” iisipin ng  lalaki na may nagawa siyang mali at ngayon ay inaakusahan mo siya.

Kaya ang isa sa pinakasimpleng paraan para mapag-usapan ang mga bagay ay upuan ang isyu at pag-usapan itong mabuti. Mahalaga na huwag palakihin ang usapin.

“Mukha ba akong ­mataba?”

Ayaw ng mga lalaking pinag-uusapan ang tungkol sa inyong weight issues. Minahal ka ng lalaki sa kung ano ka. Marami pa nga sa kanila, mas gusto ng mga malulusog, para raw mapuno ang kanilang ‘meaty’ desires.

Bagaman, kapag sumagot siyang,”oo” sa iyong tanong, positibo itong tanggapin at simulang mag-work out sa  gym sa halip na umupo na lamang at kulungin ang sarili tungkol dito.

“Tumigil sa pag-inom.”

Kung mahal niya ang kanyang beer at pakete ng mga sigarilyo, hayaan mo na.  Alam mo na ito sa una pa lang na nakilala mo siya, hindi ba?

Ang tamang paraan para harapin ito ay ipunto ang halata namang panganib sa kanyang kalusugan kung sobra siyang lasinggero at sinusunog ang kanyang mga baga sa panini­garilyo. Ang susi sa kaligayahan ay “moderate” lamang.

“Magiging okey ako.”

Ang sinasabi mong, “magiging okey ako” ay isang puzzle sa kanila.

Wala silang ideya kung ano ang ibig ninyong tukuyin, ang mga lalaki ay di   “mind readers”.

Huwag kang magpanggap na magiging maayos ka, maliban kung kaya mo itong gawin. Iwasan ang mga pangungusap na ito lalo pa nga at katatapos lang ng inyong argumento.

Maari mo sigurong sabihin sa kanya na gusto mo ng ilang panahon para mapalamig ang isyu, o makapag-isip mabuti bago ka muling magsalita.

“Hindi nagawa ng ama ko iyan.”

Tama, ipinagmamalaki niya ang kanyang ina dahil sa pagiging mahusay na cook nito sa mundo, at kung paanong siya’y nagsisilbing isang perfect homemaker, pero huwag mong ikukumpara ang iyong ama.

Kung ayaw mong magsa­lita siya ng may pagkukumpara, pag-usapan ninyo ito. Dahil sa comparison, ang problema ay lalo lang sumisidhi.

Paikutin ang kapighatian sa paraang matututo siya ng aral o kayong dalawa sa pagharap sa mga bagay na madalas pinagmumulan ng pagtatalo.

“Isipin mo ito.”

Ipinaiisip mo sa kanya, o pinahuhulaan ang laman ng iyong utak. Ayaw ng mga lalaking pini-pressure na ipa- adopt sa kanila ang inyong mga opinyon.

Gusto ng mga lalaking isipin anuman ang kanilang nais, gawin ang kanilang mga gusto, at maging malaya sa pagiging sinuman sila.

Ayaw din ng mga lala­king isinasama sila sa lahat ng mga bagay. Gusto nila ang isang babaeng independent at masaya kahit hindi sila laging magkasama.

May mga lalaki ring ayaw maging responsable sa mga emosyon ng babae. Karamihan sa kanila, ayaw panagutan kung ano ang nararamdaman ng babae tungkol sa kanyang sarili.

Please follow and like us:
Read More