KAWATANG CALL CENTER AGENT HULI SA CCTV

MAGNANAKAW-4

BUKING ang isang call center agent sa ninakaw na Laptop makaraang masapol ng CCTV sa Brgy. Nangka, Marikina City, nitong Lunes.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Michael Solis y Gonzales, 41-anyos, binata, call center employee, residente ng 38 Balubad St. ng parehong Barangay.

Nabatid sa imbestigasyon ng Marikina City Police Station, natutulog ang biktimang si Christian Lebrano y Gagarin, 20, estudyante sa kanilang bahay sa Block 25, Lot 2, Phase 2, Balubad Settlement, Brgy. Nangka sa nasabing lungsod, nang pasukin ito ng suspek.

Walang kahirap-hirap na nakuha ng suspek ang Acer laptop ng biktima na P40,000 ang halaga habang mahimbing itong  natutulog makaraang dumaan sa naiwang nakabukas na pintuan.

Pasado alas-6:30 na umano ng umaga nang magising ang biktima ay nadiskubreng nawawala na ang kanyang laptop na nakapatong sa kanyang kama.

Mabilis na nirebyu ng biktima ang footage ng CCTV at doon nabisto na kinuha ng suspek ang nawawalang laptop nito.

Positibo namang kinilala ng  witness na si  Milagros Ragua y Patnubay, 60-anyos, married at nakatira sa 161 Balubad St. ng kanilang Barangay, na ang suspek ang nakita niyang pumasok sa bahay ng biktima matapos nitong mapanood ang CCTV footage kung saan malinaw na nakuhanan ang insidente.

Agad namang inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 5 ang suspek sa ikinasang follow-up operation ngunit hindi na nabawi ang ninakaw na laptop. (NICK ECHEVARRIA)

Please follow and like us:
Read More

LALAKING ‘KAWATAN’ PINATAY, IBINITIN SA TULAY 

(NI JG TUMBADO)

TULUYAN nang tinuldukan ang masamang gawain ng isang 41 taong gulang na lalaking umano’y notoryus na miyembro ng grupong kawatan nang tinggain ito ng bala at ibitin ng lubid ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Talisay City, Cebu.

Lunes ng umaga nang matagpuan ang nakabitin pang katawan ng biktima na nakilalang si Reynante Otero sa Mananga Bridge sa Barangay San Isidro habang nakatali sa kanyang leeg ang lubid at nakatakip naman ng damit ang mukha nito.

Nakagapos ang mga kamay sa likod ng biktima gamit ang sariling sinturon nito.

Ayon kay Police Captain Nazareno Emia, deputy chief of police ng Talisay City, nakitaan din ang bangkay ni Otero, residente ng Barangay San Isidro, nang ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isang karton ang nakalagay sa labi ni Otero na may mga katagang “Huwag ninyo akong gayahin, kawatan ako”.

Bago nadiskubre ang bangkay ng biktima, ilang mga residente malapit sa lugar ng pinagkakitaan nito ang nakarinig ng tatlong malalakas na putok ng baril dakong alas 3:00 ng madaling araw ng Lunes.

Hinihinalang pinagbabaril ang biktima habang ito ay nakabitin sa nabanggit na tulay.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Please follow and like us:
Read More