BEERMEN, KATROPA UNAHAN SA GAME 5: ‘TOSS COIN’

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) “BACK to square one” ang TNT Katropa at San Miguel Beer matapos magtabla, 2-2, kaya’t inaasahang  mas magiging mahigpit ang sagupaan ng dalawang team sa krusyal na Game 5 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Mag-uunahan ang Katropa at Beermen na masungkit ang ikatlong panalo para magkaroon ng bentahe at makalapit sa Commissioner’s Cup crown sa alas-7:00 ng gabi. Nagawang maitabla ng Beermen ang serye Linggo ng gabi matapos maisahan ang Katropa, 106-101. Muling ipinamalas ni San Miguel big…

Read More

GAME 3 KATROPA VS BEERMEN: UNAHAN MAKA-2

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) INAASAHANG mas pisikal na laro ang magaganap sa pangatlong paghaharap ng TNT KaTropa at San Miguel Beer ngayong Biyernes matapos maitabla ng Beermen ang serye sa 2019 PBA Commissioner’s Cup. Ganap na alas-7 ng gabi muling magsasagupa ang Katropa at Beermen na mag-uunahang makakuha ng bentahe sa Game 3 ng kanilang best-of-seven final series sa Araneta Coliseum. Animo dumaan sa ‘butas ng karayom’ ang Beermen na kinailangan ang double overtime bago tinalo ang Katropa, 127-125, Miyerkoles para maidikit ang serye sa 1-1. Sinamantala ng…

Read More

‘STOP JONES AT ALL COST!’

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI pa ‘panic mode’ ang San Miguel Beer lalo’t pangalawang game pa lang ngayon sa Commissioner’s Cup best-of-seven final series nila ng TNT Katropa, ngunit matindi ang hangarin ng Beermen na maitabla ang serye. At upang magawa ito, kailangan ng SMB na madepensahan ng husto si Katropa import Terrence Jones, pinulutan ang Beermen sa Game 1 ng serye nang magposte ng almost perfect game 41 points, 12 rebounds, at walong assists sa 109-96 win ng team noong Linggo. Ginawa naman ni San Miguel Beer…

Read More

COMMISSIONER’S CUP FINALS GAME 1: SIMULA NA NG GIYERA

(NI ANN ENCARNACION) HINDI pa man nakapagpapahinga ay agad nang sasabak sa panibagong ‘digmaan’ ang San Miguel Beer kontra TNT Katropa sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven Commissioner’s Cup championship series. Ganap na 6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum magsasagupa ang nagbabalik sa kampeonato makalipas ang dalawang taon na Katropa laban sa naghahangad na muling maka-grandslam na Beermen. Nagawang ibulsa ng Beermen ang ikalawang silya sa kampeonato matapos nitong tuluyang takasan ang Rain Or Shine Elasto Painters, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals Biyernes ng gabi. Nauna rito ay…

Read More

 2019 COMMISSIONER’S CUP FINALS; KATROPA KONTRA BEERMEN 

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI na pinagtagal ng San Miguel Beer ang paghihintay ng una nang nakapasok sa Commissioner’s Cup finals na TNT Katropa matapos dispatsahin ang karibal na Rain or Shine, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum. Magsisimula sa Linggo ang una sa best-of-seven finals showdown ng Beermen at Katropa, na sinipa naman ang Barangay Ginebra noong Huwebes sa ikaapat na paghaharap nila. Angat pa ng one point ang Elasto Painters ngunit naagaw ng Beermen ang kalamangan nang pumasok ang…

Read More

MISIS ‘NILALANDI’; MISTER NAMARIL NG KA-TROPA

crime100

(NI SIGFRED ADSUARA) SUGATAN ang dalawang kalalakihan nang pagbabarilin ng isang contractor dahil  “feeling” nilalandi nito ang kanyang kinakasama habang nag-iinuman sa Tanza, Cavite. Ginagamot ngayon sa Divine Grace Medical Center ang biktimang sina Luciano Mijares , 52, may-asawa  at  Reynaldo Regalado,  31 binata, kapwa residente  ng Brgy. Santol, Tanza, Cavite, dahil sa tama ng bala sa tiyan. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Antonio Onorio Jr, 41. Sa ulat ni PSSgt Dennis Magsaysay, ng Tanza Municipal Police Station, kabilang sa inimbitahan ng suspek sa kanilang…

Read More