HITMAN INUTAS NG KATROPA

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang hitman na siya ang itutumba ng kanyang kasamahan at barilin habang nakatalikod, Lunes ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Al Sadam Saybel , ng Maasim Sarangani Province.

Batay sa report ng Glan-PNP, dakong alas 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Purok Basak, Barangay Tapon Glan, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle pauwi sa kanilang bahay nang sundan ng kanyang kasama na sakay ng motorsiklo saka pinagbabaril na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, naabutan pa nila ang biktima na nakasuot ng maskara at nakuha mula sa bag nito ang isang .45 kalibre na baril na may silencer at mga magazine ng mga bala.

Nagpapatuloy naman ang follow-operation ng mga awtoridad laban sa mga kasamahan ng biktima na pinaniniwalaan grupo ng gun for hire.

 

Please follow and like us:
Read More