SI DIREK CATHY ANG MOTIVATION NI ALDEN

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG direktor nila sa Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina ang naging motivation pala ni Alden Richards para magpursigeng magpapayat.

Kwento ni Alden sa presscon ng first team-up movie nila ni Kathryn Bernardo last Tuesday night sa ABS-CBN Dolphy Theater, sa look test pa lang daw nila ni Kathryn for the movie, napansin na niyang may hinahanap sa kanya si direk Cathy.

“During the look test po, we did a couple of looks, kami po ni Kath, actually, more on my part po, well, si Kath din po, nagpalit. Parang nakikita ko na po si direk, parang may hinahanap. Parang naghahanap po ng panga,” pagre-recall ni Alden.

After several test shots, hindi na raw napigilan ni direk Cathy at diretso na siyang sinabihan. “Alden, halika dito, tingnan mo ang taba mo,” sabi raw ng lady director.

Pero sa halip na ma-offend ay ‘yun daw ang naging driving force niya para talagang magpapayat. Sinabi raw niya kay direk na the next time na magkita sila ulit ay hindi na ganu’n ang hitsura niya.

After the look test kasi ay may one month preparation pa raw sila para sumabak sa shooting kaya ginamit niya ang isang buwan na ‘yun para magpapayat.

“And he kept his word,” sabi ni direk Cathy.

Around 20-25 lbs daw ang nabawas sa kanyang timbang in a month and half’s time.

“Sarili ko pong program. I never asked any help. I just did my own work-outs, did my own meal diet. So, kaya ko pala siyang mag-isa,” proud na sabi pa ni Alden.

Nagbiro nga si Alden na ang last project daw kasi niya before Hello, Love, Goodbye ay Victor Magtanggol and that time he had to gain some muscles, pero ang na-gain daw niya yata ay taba.

“Marami po akong naging discoveries sa sarili ko with this movie and I’m really happy I was able to work with these amazing people and amazing director. Kasi binago po ni direk ‘yung the way I see my work now. Na hindi pwedeng half-baked ang commitment. Kailangang pag may ginagawa ka, ibuhos mo lahat,” he said.
Doing this film made Kathryn and Alden and even direk Cathy na pwede naman palang magsama ang Kapamilya at Kapuso stars.

“Masaya kami ni Alden dahil nakita namin dito sa movie na parang nawala ‘yung hati ng Kapuso at Kapamilya,” sey ni Kathryn na inayunan naman ni Alden.

“Yes po, parang ang sarap po ng (pakiramdam). Of course I’m very thankful to GMA kasi medyo ang haba po talaga ng proseso bago naging ganito.

“May hindi po ako makakalimutang sinabi ni direk Cathy when we were in the storycon, when we were being interviewed by the TV crew, nang nun’g makita po ni direk na magkatabi ‘yung mic nun’g ABS at GMA, sabi niya, ‘ay, pwede pala.’

“So, sana po, ito ‘yung mag-start ng collaboration ng different networks, different artists, actors na sa isang project magsama and to be able to tell a good story to the audience,” pahayag ni Alden.

Nang tanungin kung pwede rin bang makita si Kathryn na mag-cross-over sa GMA network, anang young actress, “ako, okay po sa akin. Kung payagan po nila, di ba? I would love to cross-over naman.”

Showing na ngayong July 31 ang Hello, Love, Goodbye mula sa panulat ni Carmi Raymundo hatid ng Star Cinema. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jameson Blake at marami pang iba.

Please follow and like us:
Read More

INGAY SA SOCIA MEDIA NG KATH-DEN, MAGING BOX-OFFICE SUCCESS KAYA?

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KUNG ang interes ay  magaganda at positibong komento na nababasa namin sa trailer pa lang na inilabas ng Star Cinema para sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye,” ay basehan na magiging isang hit ang movie, aba e, sure hit na ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Halos 1 million views na ito agad wala pang 24 oras. Naaalala rin namin nang ilabas ang teaser pa lang pero nag-create na agad ng matinding curiousity.

Tiyak na matutuwa rin si Alden kung nagbabasa siya ng mga komento online. Tila may mga bago siyang mga tagahanga ngayon dahil sa Hello, Love, Goodbye.

One comment goes like, “Hindi ko napapanood si Alden dati, pero sa trailer pa lang, hayooop ang galing palang actor!”

Positibo rin ang mga comments ng halos lahat kaya pasabog ang pagpapalabas ng trailer at mukhang may ibang chemistry rin sila ni Kathryn dahil sa trailer pa lang, may kilig na.

Pero again, ilang beses na rin napatunayan na ang ingay sa takilya ay hindi basehan para maging box-office ang pelikula kapag ipinalabas na.

Dito papasok ang mga tagahanga mismo nina Kathryn at ni Alden kung kaya nga talaga nilang gawing box-office stars ang mga iniidolo. Plus of course, yung mga tao talaga na manonood at magbabayad talaga.

HONEST TAKI, GOAL ANG MAABOT ANG BLACKPINK LEVEL

Nakita at nakausap namin si Taki sa Tokyo, Japan. Galing ito ng rehearsal nang i-meet namin sa may Shibuya.

Wala pang 1 year since Taki decided na finally, subukan na nga niya ang Japan entertainment. Very thankful naman daw siya sa three years niya sa showbiz dahil ang dami niyang nagawa.

She’s still under APT and Triple A management. Kapag may trabaho sa Philippines, pwede naman daw siya as long as maipaalam nang maayos sa agency naman niya sa Japan.

Next week, papunta ang grupo nila sa Brazil. Parang gusto itong puntahan ni Taki since nasa Brazil na siya. Pero pinag-iisipan pa raw niya bilang hindi ganun ka-okay ang first time nilang mag-usap sa Facebook.

Never pang nakita ni Taki ang biological Dad niya.
Gusto namin ang honesty ni Taki na sa ngayon, hindi pa sila Blackpink level, ang sikat na South Korean girl group pero yun daw isa sa goal nila.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN: NEVER JUDGE ANYONE BY FIRST IMPRESSION!

alden55

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

MALAKI ang pasasalamat nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang  mga  amang nagtaguyod sa kanya-kayang mga pamilya. Ayon kay Kathryn ay malaki ang naging sakripisyo ng amang si Teddy Bernardo upang matupad ang mga pangarap ng aktres.

“Pinakanatutunan ko sa kanya ‘yung sacrifice. Kasi si Papa hanggang ngayon nasa Cabanatuan. Pumayag siya na nandito kami sa Manila to pursue my dream. Nahiwalay si Mama sa kanya. If not for him, wala ‘yung approval niya, wala rin ako ngayon,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Para sa dalaga ay mas batang tingnan ngayon ang ama kumpara noong. “Ngayong mas tumatanda na siya, mas bumabata nga siya (tingnan). Mas cool siya ngayon eh. Happy ako na happy naman si Papa ngayon,” paglalahad ng aktres.

Samantala, bukod sa pagporma nang maayos ay namana rin ni Alden sa ama ang pagiging propesyunal pagdating sa trabaho. “Actually siya talaga ‘yung sinusundan ko sa pagdadamit. Lahat ng damit ko kinuha na niya kasi maliit ‘yung katawan niya. He really taught me to be professional in my work. Pagdating sa oras, pagdating sa pakikibagay sa mga tao,” pagbabahagi ni Alden.

Ang ama rin ni Alden ang nagturo sa binata na huwag maging mapanghusga sa kapwa dahil hindi talaga ito maganda. “Siya ‘yung nagturo na ‘wag madaling manghusga. Kasi hindi naman natin alam ‘yung pinanggagalingan ng taong ‘yon. So never judge anyone by first impression,” dagdag pa ng aktor.

Sa July 31 ay ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’ na pinagbibidahan nina Kathryn  at Alden mula sa Star Cinema. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN-ALDEN FILM MA-OUTGROSS KAYA ANG HOWS OF US?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG kuwento sa amin, this early, napakarami na raw gustong magpa-schedule ng blocked screening sa isang theater chain para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Iyong blocked screening ay sa unang araw pa lamang ng playdate. Ibig sabihin, sabi nga ng mga theater bookers, gusto nila ng insurance na magiging malaki ang kita ng pelikula sa mga unang araw pa lamang noon, may manood man o wala.

Kasi kung ang gusto lang nila ay masigurong makakaupo sila sa panonood ng sine, aba eh sigurado naman iyon dahil kung malakas ang pelikula, ang sinehan na mismo ang gagawa ng paraan. Babawasan nila ang screening ng ibang pelikula, para madagdagan ng screening ang mga hits.

Kung may blocked screening ka sa simula pa lamang, ibig sabihin gusto mong matiyak na lalabas na may malaking kita ang pelikula sa mga unang araw pa lamang. Pero iyang blocked screening ay hindi katiyakan na magiging big hit ang pelikula.

“Hindi naman kasi nila makakayang mai-sustain na tuluy-tuloy ang blocked screening nila. Napakalaking gastos noon. Kahit mayaman ka pa hindi mo gagawin iyon,” sabi nga ng aming source. Kasi binabayaran mo na ang lahat ng tickets sa buong sinehan. Dahil sa dami, karaniwan ibinebenta pa iyan nang mas mababa nang kaunti kaysa sa admission prices. Ang totoo, nakakaapekto iyan sa kita ng mga kasunod na screenings, “kasi iyong mga tao basta nakakita ng blocked screening, doon sila bibili ng tickets dahil karaniwang mas mura kaysa sa regular price. Nababawasan ang kita ng kasunod na screening”.

Mayroon namang blocked screening na may sponsor na mga kumpanya. Ipinamimigay na lang nila ang tickets noon, may manood lang. Kaya minsan blocked screening pero wala pa ring tao.

Maraming blocked screening ang kanilang pelikula, pero kaya ba nilang pantayan man lang ang record sa takilya ng Kathniel? Ano ang palagay mo Tito KC?

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN NAG-SPEECH LESSONS FOR HER HOSTING JOB

kathryn12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PROUD na proud si Daniel Padilla sa “walang buckle” na pagho-host ng girlfriend na si Kathryn Bernardo sa recently-concluded 35th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

“Husay, kita n’yo, walang buckle, di ba?” sabi ni Daniel nang makausap ng press after the awards night.

Proud din niyang ikinuwento na before the event ay nag-speech lessons pa si Kathryn.

“Dahil, gusto niya, wala siyang mali o mamaling bigkas. Talagang sabi ko nga sa inyo, ‘yang si Kathryn, eh tinatrabaho niya talaga at mahusay talaga,” pagmamalaki pa ni DJ.

Bukod sa host ng event ay nanalo rin si Kathryn na Best Actress for the movie, The Hows of Us at ang Kathniel loveteam naman ang itinanghal na Best Loveteam of the Year.

Nang matanong naman ang naganap na pagsasama nila ni James Reid sa isang endorsement, puring-puri niya ang aktor.

“Steady lang, simple, you know. Mabait na tao, tahimik lang din, ako nga lang ang magulo du’n sa shoot na ‘yun, tahimik lang talaga si James,” natatawang sabi ni DJ.

Willing din ba siyang magkasama sila sa isang pelikula?

“Why not? It depends on the story, always. Ayoko namang maging sell-out lang ‘yung pelikula dahil magkasama lang kami,” sey pa niya.

Samantala, sa relasyon nila ni Kathryn na nasa ika-7 taon na ngayon, natanong si DJ kung hindi ba siya natatakot sa tinatawag na 7-year-itch.

“Every year is a challenge, lagi namang challenge ang bawat taon, pero sa tamang balanse at tamang pagmamahal, it will work. It will work out in the end,” he said.

 

Please follow and like us:
Read More

TRUE DEDICATION DOES PAY OFF –KATHRYN

kath12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAY hugot si Kathryn Bernardo sa kanyang acceptance speech as she received the Best Actress trophy for The Hows of Us sa katatapos lamang na 35thPMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies.

Pahayag niya, dumating daw siya sa punto na kinukuwestiyon niya ang kanyang kapasidad bilang aktres.

“I was at a certain point in my career wherein I started questioning my capacity as an actress. Alam ko, most of you alam n’yo ‘yung story na ‘yun.

“And then I questioned myself why things weren’t working out the way I wanted to, “bakit binigay mo lahat pero bakit ganyan?” So, ang dami kong “whys” last year before we shot The Hows of Us.

“And then, alam n’yo, ‘yung pinakabaon na natutunan ko siguro while making this film, ang then ‘yung ipinatuto sa akin ng universe – that life is not perfect, it doesn’t always go the way we wanted it to be, and ‘etong award na ito, this is a validation that true dedication really does pay off,” ang bahagi ng acceptance speech ni Kathryn.

She added, “at napatunayan din nito na it’s okay not to be okay sometimes, it’s okay to get tired in the process, it’s okay to fail even. Kasi lahat ‘yan, parte ‘yan ng journey natin. Because what’s important is that you stand up and you try again until you’re able to meet that dream into reality.”

Siyempre, hindi nakalimutang pasalamatan ni Kathryn ang boyfriend, ka-loveteam at kapareha rin sa The Hows of Us na si Daniel Padilla na naroroon din sa awards night.

“My love, thank you,” sabi ni Kathryn sa gitna ng pagsisigawan ng mga fans.

“Alam n’yo, hindi ko magagawa ‘yung hinihingi kay George (her character in The Hows of Us) kung wala ‘yung tulong ni DJ. So, thank you, love,” sey pa ni Kathryn.

 

  “KATHRYN DESERVES HER BEST ACTRESS TROPHY”–DANIEL

Siyempre, proud na proud naman si Daniel sa pagkakapanalo ng kanyang “love.”

“Sabi ko nga sa inyo, matagal na niya dapat itong nakuha. Pero ‘eto, siyempre, nakamit na niya. And I think, I’m just very, very proud and talaga, she really deserves it,” ani Daniel sa panayam ng press sa kanya after the awards night.

Ayon pa sa aktor, si Kathryn daw ang nagdala ng The Hows of Us talaga.

“Kung bakit umabot do’n, kung bakit ganu’n kaganda ang pelikulang ‘yun, bakit ganu’n kaganda ‘yung storya, eh talagang nagampanan ng characters, lalo na si Kathryn. Talagang she deserves this, and she deserves more,” saad pa ni DJ.

Tungkol naman sa mga hugot ni Kathryn sa acceptance speech nito, natanong si DJ kung nasaan siya nang mga panahong dumadaan ang girlfriend sa stage na ganu’n.

“Eh nasa tabi niya,” he said.

Kung tutuusin daw kasi ay mas matagal pa sa kanya si Kathryn sa industriya at mas marami nang nagawang mahihirap na proyekto.

“At ngayong gabi ay nakamit na niya ang umpisa na marami pang makakamit,” sey niya.

Please follow and like us:
Read More

KATHDEN MAG-PROMOTE SA EAT BULAGA HABANG ANDOON SI MAINE

kathden1

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NOONG Sabado, May 18 lang pala ang last shooting day ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang saya raw ng last shooting day nila na kung saan may pa-T-shirts pa si Alden sa mga staff doon at  siguro may pakimkim pa  yan.

Ang nakakatuwa, dumaan din doon si Daniel Padilla para dalawin lang si Kathryn at matagal-tagal din daw siyang nakipagtsikahan doon.

Bago nga umalis si Daniel, nagkatsikahan din daw sila ni Alden kaya ang gaan lang daw ng feeling doon sa set.

Natapos ang movie na ito na maayos, walang intrigahan, walang gusot. Kaya sana maganda ang kalalabasan di ba?

Dapat nga kasali pa diyan ang isa kong alagang si Benjie Paras, pero hindi pumuwede sa schedule niya dahil may ginagawa rin siyang isang pelikula sa Star Cinema.

Excited ako sa pelikulang ito ha? Dati mga pelikula lang ni Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang pinapanood ko, ngayon papanoorin ko itong sa kanilang dalawa.

Ang bait kasi ni Alden at pati na rin si Kathryn, kaya gusto ko suportahan yan!

Ang dinig ko mga end of July daw ang showing nito, kaya maplano pa nila nang mabuti ang promo nito.

Siguro naman papayagang mag-promote si Alden sa ABS-CBN 2, at ganundin si Kathryn.

Ang saya siguro pag mag-promote sila sa Eat Bulaga, at nandun din si Maine Mendoza. Bongga yan!

    ALDEN IPAPALIT KAY REGINE BILANG HOST NG THE CLASH 2ND SEASON 

Si Alden Richards daw pala ang matunog na pinag-uusapang maghu-host ng The Clash na nasa second season na.

Nagsisimula na kasi ang audition ngayon ng The Clash at sabi ni direk bert de Leon na isa sa screening panel, umaasa raw silang makakahanap ng kakaibang talent sa musical competition na ito.

Marami nga ang nagtatanong kung saan na ba ang first grand winner na si Golden Canedo.

Alam ko may single na siya sa GMA Records pero siguro dapat push pa nang bongga para makilala siya.

Magaling naman ang batang yan eh!

Tuluy-tuloy na raw ang audition nila. Katatapos lang sa Dagupan City at meron pa sila sa Gen. Santos City, sa Davao, Bacolod at marami pang lugar.

Maganda nga kung si Alden ang mag-host para ibang-iba talaga ang look kung ikumpara sa unang season na si Regine Velasquez ang host.

Pero ang mga judges daw sina Aiai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha pa rin.

BIRTHDAY  KO TODAY.  WAIT AKO SA BAHAY NG PADALA NINYONG GIFTS

you pala sa mga nakaalala na sa birthday ko at naibigay na ang regalo nila in advance.

Feeling ko tuluy-tuloy pa ang dating ng regalo sa akin kaya waiting na lang ako ngayon sa bahay.

Sabi raw ni Mayor Lani Mercado, dapat na magpa-party daw ako ngayon.

Sinabi ko kasi noon na gusto ko lang magpa-party pag nakalabas na si Bong Revilla. Eh nakalabas na nga at nanalo pa sa election kaya dapat na nga sigurong magpa-party.

Pero parang mas type kong get na lang nang get ng regalo at sabi ko nga  kina Lani at Bong, sa halip na ipa-party ko, perahin na lang nila no!

Sa totoo lang nagkasakit na nga ako sa katututok sa bilangan ng boto.

Nung binasahan ng verdict si Bong sa Sandiganbayan na kung saan ‘not guilty’ nga siya, nagkasakit din ako dun sa sobrang tensyon siguro.

Ngayon, sumama rin ang pakiramdam ko sa kapupuyat para bantayan lang sa TV ang update sa bilangan ng boto.

Na-tense din ako nang husto habang binabantayan kong makakaakyat siya sa magic 12.  Kaya hindi na ako magpa-party! Rest na lang ako sa bahay habang hinihintay ko ang pagdating ng mga regalo sa akin.

Kaya padala nyo na birthday gift nyo sa akin no!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

OH MY GOD KATH — DANIEL

danielp12

(NI GORGY RULA)

NAKATUTUWA naman pala ang sweetness nitong KathNiel no?

Nung nakaraang Biyernes Santo, nag-surprise si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa Hongkong na ikinatuwa nang bongga ng young actress.

Nung kamakalawa naman ay sinorpresa ni Kathryn si Daniel sa kanyang 24th birthday party na ginanap sa Manila House Club sa BGC, Taguig.

Nung April 26 talaga ang birthday ni Daniel pero sinalubong na nila ito nung kamakalawa ng gabi na dinaluhan siyempre ng pamilya, mga close friends at executives ng ABS-CBN 2.

Walang kamalay-malay si Daniel na inayos pala ni Kathryn ang bandang Orange and Lemons na mag-perform doon sa party dahil paborito ito ng young actor.

Naki-jamming doon si Daniel ng paborito niyang kantang Hanggang Kailan(Umuwi Ka na Baby), at nung nakatalikod si Daniel, biglang tumakbo papasok si Kathryn at niyakap ang nobyo.

“Oh my God Kath!” yun lang ang nasabi ng celebrator sa sobrang pagkabigla sa pagdating ni Kathryn.

Nakiusap lang si Kathryn sa Star Cinema na mag-break muna sa shooting sa Hongkong para makauwi siya ng Maynila para sa kaarawan ni Daniel.

Kaya hindi rin magtatagal dito si Kathryn, babalik din siya agad ng Hongkong para tapusin na ang shooting ng Hello, Love, Goodbye nila ni Alden Richards.

 

AYAW NA NILANG UMASA KAY MAINE

 

Kahapon naman ang grand opening ng McDonald’s outlet ni Alden

Richards sa may Binan, Laguna.

Hindi pa sila nagsimula habang tinitipa ko ito. Pero ang pagkakaalam ko lang, ang kaibigan niyang sina Ruru Madrid at Chynna Ortaleza ang dadalo sa opening at ilang close friends sa Eat Bulaga.

Hindi ko lang sure kung naimbitahan si Maine Mendoza, pero base sa mga nababasa kong komento ng mga fans, parang ayaw na nilang umasa kay Maine.

Tanggap na nilang may iba nang pinagkakaabalahan ang ka-loveteam ng Pambansang Bae kaya okay lang daw kung wala si Maine.

Kahit naman ang mga taga-GMA 7 ay iniiwasan na ring ikabit pa si Alden kay Maine para tahimik na lang.

Ang pagkakaalam ko, meron silang nakaplano kay Alden na hindi kasama si Maine. Kaya ewan ko lang kung matutuloy pa ang mga projects na nakaplano sana sa kanilang dalawa.

 

AYAW IKUMPARA KAY VICE GANDA…

“VICE GANDA NA ‘YON…BASTA, I DID MY BEST”–SUPER TEKLA

 

Emotional si Super Tekla nang humarap ito sa ilang movie press  na

dumalaw sa kanila sa set ng pelikula niyang  Kiko en Lala.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi raw nagsi-sink in sa kanya na bida na siya sa pelikula.

Nung unang napanood nga raw niya ang lumabas na trailer, naiyak din siya dahil wala raw sa hinagap niyang magbibida na pala siya.

Ani Super Tekla, ““Pinaka-dream ko lang yung magkaroon ako ng minimum wage na trabaho eh.

“Hindi ko akalain na dati kung ano lang…sobrang na-amaze lang talaga ako, kaya thankful talaga ako sa GMA.

“Thank you, thank you talaga sa GMA..and of course dun sa mga naniniwala. Kaya tumbasan ko talaga yung pagtitiwala.”

Nung lumabas ito, karamihan sa mga komentong nakuha namin ay naipagkukumpara sila ni Vice Ganda.

Sabi ng komedyante, huwag naman daw sana silang pagkumparahin dahil Vice Ganda na raw iyun.

“Vice Ganda na yun eh! Ano lang naman ba ako?

“Mahirap na siyang abutin, o kahit lagpsan ko man siya, iba na siya kasi Vice Ganda na siya. Wala na silang magagawa,” saad ng komedyante.

Pero sa totoo lang natatalo na nga ng The Boobay and Tekla Show ang Gandang Gabi ni Vice kaya hindi maiwasang makipagkumpara sila.

Lalo raw siya tuloy napi-pressure dahil alam niyang malaki ang expectations sa kanya ng GMA 7.

Basta ginagalingan na lang daw niya para hindi naman ma-disappoint sa kanya ang GMA 7 na talagang nagtitiwala sa kanya.

“Ang bigat. Hindi ko maano bakit ganun. Ganun ba talaga?

“Yung sa akin nakaatang yung responsibilidad.

“Kaya nga tinutumbasan ko ‘to ng husay…bahala na ang tao.

“Kung hindi sila maano wala na akong magawa. Pero I did my best, kumbaga kung ano ang dapat kong gawin sa mga scenes sa movie binibigay ko ang tama at husay in my own way of comedy,” halatang kabadong pahayag ng bida ng Kiko en Lala na prinodyus ng Backyard Productions at dinirek ni Adolf Alix.

Kasama ni Super Tekla rito sina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Divine Tetay, Jo Berry at special guest nila rito si Aiai delas Alas.

Sa May 22 na raw ang showing nito.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN TIME OUT SA KATHRYN FILM SHOOT PARA SA OPENING NG MCDO NIYA

aldenrichards12

(NI GORGY RULA)

KAHIT Holy week pala ay tuluy-tuloy ang trabaho nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hongkong.

May time naman daw silang magnilay-nilay sa magsimba sa Holy Thursday at Good Friday, pero kailangan daw nilang mag-shooting para matapos sila on time.

Si Alden kasi ay kailangang makabalik ng April 24 para sa opening ng Mcdo outlet niya sa Binan, Laguna.

Iyon daw ang araw ng blessing at sa April 26 naman ang grand opening.

Curious ako kung imbitado ba si Maine Mendoza sa opening ng McDo ni Alden. Alam ko kasi sumuporta rin ang Pambansang Bae sa opening noon ng McDo ni Maine sa Bulacan.

Wala pang sinasagot kasi sa akin mula sa kampo ng dalawa.

Pinapaimbita ko nga ang sarili ko sa opening ng McDo ni Alden, at open naman daw ito sa lahat. Pero ipapaalam pa raw kung puwede na bang interbyuhin si Alden tungkol sa pelikula nila ni Kathryn.

Nakakatuwa lang sa project na ito ng Star Cinema dahil wala kaming naririnig na bulilyaso o kanegahan sa shooting.

Ang problema lang nila roon ay kung paano kontrolin ang mga taong dumadagsa sa kanilang shooting,

Ang kuwento kasi ng ilang OFW doon, nag-request daw sa kanilang amo ang iba para makapunta raw sila sa shooting ng naturang pelikula.

Iniiwasan na rin yata ng Star Cinema na mag-shoot ng Linggo dahil punung-puno talaga ang Hongkong ng mga Pinoy na OFW.

Kaya sa ordinary days nila ginagawa ang shooting,

Pero may ilan ngang listeners namin sa radio program namin sa DZRH na nasa Hongkong, nagti-text sila sa amin para ibalitang nakita raw nila sa shooting ang dalawa.

Yung isang listener naming taga-Hongkong ay kinukuwento sa aming sinusundan daw niya si Kathryn sa shooting niya roon sa Hongkong at nakapag-picture daw siya sa Northpoint, napakabait at napaka-simple raw ng Kapamilya young actress.

Guwapong-guwapo naman sila kay Alden. Kaya ang saya ng mga kababayan natin doon sa Hongkong dahil naging bahagi rin sila sa magandang pelikulang ito nina Kathryn at Alden.

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE VS NADINE VS KATHRYN VS JENNYLYN…  AS  DARNA

DARNA12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ANG pagba-back-out  ni Liza Soberano sa pelikulang Darna ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz. Inanunsyo ng aktres ang kanyang withdrawal sa nasabing proyekto sa panayam niya kay MJ Felipe na umere sa TV Patrol last Thursday night.

Ang injury na tinamo ni Liza sa finger last year habang ginagawa ang Bagani ang naging dahilan ng kanyang pag-atras na matagal na raw na tini-treat pero up to now ay hindi pa rin ito maayos and she’s still undergoing therapy bukod pa sa dalawang beses na raw siyang inoperahan.

Nagbigay na rin ng official statement ang ABS-CBN and Star Cinema regarding this stating na naiintindihan at nirerespeto nila ang kundisyon at desisyon ng aktres.

Dahil dito ay open nang muli ngayon ang Darna role para sa mga aktres nating nangangarap na makaganap ng iconic character na likha ng yumaong magaling na nobelistang si Mars Ravelo.

Ang dami na namang lumilitaw na pangalan ngayon kung sino ang pwede sa role. Nag-trending pa kahapon sa Twitter Phillipines ang hashtag na #BagongDarna at kanya-kanyang suggestions ang netizens.

Nagpa-survey din si Eric John Salut ng ABS-CBN kung sino ang best choice ng netizens para maging bagong Darna.

Ang daming sumagot ng Maine Mendoza, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo and Jennylyn Mercado. May mga nagbanggit din ng names nina Maja Salvador, Julia Montez, Pia Wurtzbach, Catriona Grey, Yassi Pressman, Loisa Andallo at Maymay Entrata. Ang iba ay sinasabi namang ibalik na lang daw kay Angel Locsin ang Darna.

Bukod kay Jen at Maine, may nagru-root din kina Sanya Lopez at  Andrea Torres na mga Kapuso actresses din.

Ang nakakatuwa, nilalagyan na nila ng costume ni Darna ang kani-kanilang bet para ipakitang bagay ang mga choices nila for the role.

Kung kami ang tatanungin, eversince ay dalawa ang gusto naming aktres for the role. Magkaibang star for Darna and Narda para mas bongga. Pwedeng si Nadine for Darna at Kathryn for Narda or vice versa. Kailangan lang ay equal ang exposure gayundin ang mabibigat na scenes or pwedeng at one point ay gawan ng paraan na pareho silang magsuot ng costume para walang lamangan.

Pero sinuman ang mapili, iisa lang ang sure na naman, magtatagal na naman ang proyekto bago mag-materialize again dahil fresh start na naman ito for the production at kinakailangang sumailalim na naman sa matagalang rigid training ang mapipili.

Ito yata ang Darna movie na nakita naming talagang nagkaroon ng maraming problema at napaka-kontrobersyal since from the start. Just when everybody thought na okay na, bigla na namang magkakaroon ng panibagong aberya.

                                 GARY ‘DI PABOR NA IBROADCAST ANG MGA ADIK SA SHOWBIZ

Hindi pabor si Gary Valenciano na i-broadcast pa ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list or drug watch list and instead, mas gusto niyang mabigyan muna ng tulong ang mga ito mula sa gobyerno.

“Right now, I think there’s a whole list of people, more than artist na hindi rin alam ng ibang tao,” pahayag ni Gary V. nang makausap namin last Wednesday sa presscon niya with Jona and Katrina Velarde para sa kanyang US concert tour ngayong Abril.

“So, I think that in this case, if I were the government, I would exhaust all efforts to either help, rehab anyone that in involved in it, but they personally need to know your name, alam na ng government, because the government is also doing efforts to lessen the use of it.

“It’s important na rin siguro for people who are on the list to know that they are on the list but it doesn’t have to be (broadcasted). Because again, that doesn’t change anything, eh, it doesn’t change the practice, eh. Mas lalo pang itatago siguro,” patuloy ni Gary.

Naniniwala rin siya sa pagbibigay ng another chance sa mga taong ito at kailangan lang talagang mag-reach out ang gobyerno para mabigyan ang mga ito ng tulong.

Samantala, matapos ang kanyang dalawang operasyon sa puso at sa kidney last year, Gary V. is back at the international scene. He’s having his US concert tour this April titled “He’s Back: Gary V US Tour.”

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

Kasama ni Mr. Pure Energy sa concert tour ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at at kanyang mga espesyal na panauhin na sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde.

 

Please follow and like us:
Read More