KATHNIEL NAG-ADVANCE HONEYMOON?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

KUNG makikita mo iyong mga lumalabas na pictures nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa kanilang bakasyon sa Iceland, aba eh sasabihin mo siguro mukhang advanced honeymoon na iyon. Aba hindi mo masasabi, magkasama silang dalawa at malamig sa Iceland.

Pero ang sinasabi naman nila, gentleman iyang si Daniel at hindi naman gagawa nang over board, pero ano nga ba ang over board sa ganoong sitwasyon at sa klase ng relasyon nila. Hindi man inaamin sa publiko, engaged na iyang dalawang iyan. Hindi ba minsan nadulas pa nang salita ang nanay ni Kathryn at nagsabing “may nag-propose”. At bakit hanggang sa Hongkong na wala naman siyang gagawin doon sinundan ni Daniel si Kathryn?

Sa mga naglabasang mga pictures na iyan, aba eh maliwanag na plantsado na ang kanilang relasyon. Hindi kami magtataka kung isang araw sabihin na lang nilang magpapakasal na sila. Dahil diyan, plantsado na rin ang kanilang love team. Aywan kung maniniwala pa ang mga fans oras na sila ay i-love team pa sa iba.

Hindi sila umaamin kagaya nina James Reid at Nadine Lustre na nagsasama na. Pero halos ganoon na rin iyon eh. Aywan kung maikakaila pa nila na may commitment na sila talaga.

Kung sa bagay, ano nga ba ang masama. Mukhang desidido na naman si Daniel kay Kathryn. Iyong babae naman ay mukhang ganoon din. Hindi mo masasabing nagkabiglaan lang eh, dahil matagal na iyang kanilang relasyong iyan. Hindi nga lang nila inaamin noong una. Siguro umiiwas sila noon na masabing masyado pa silang bata para pumasok sa ganoon, pero ganoon na rin iyon.

Eh ano ba naman ang masama kung maisipan nilang ilagay na sa ayos ang buhay nila?

NANATILI SA GAY WEBSITE ANG WETPAK NI JUANCHO

Hindi raw sasali si iyong baguhang Juancho Trivino sa mga “box office puwet stars.” Kahit na sinasabing mabilis na napansin ng mga tao ang mga baguhang artistang nagpakita ng kanilang puwet sa pelikula, ang sinasabi raw ni Juancho, kung lahat naman sila magpapakita na ng puwet,  ano na ang pagkaka-iba-iba nila.

Hindi naman masasabing conservative ang boyfriend na iyan ni Joyce Pring, dahil may panahon na sa kanyang social media account ay nagpakita na rin siya ng kanyang puwet, nang walang kadahi-dahilan. Inalis lang niya agad iyon nang kumalat na.

Pero nawala lang naman sa kanyang social media account. Nananatili iyon sa isang gay website.

 

Please follow and like us:
Read More

INSEPARABLE KATHNIEL

(NI OGIE N. RODRIGUEZ)

NOONG Biyernes , muli na namang nakita in public ang magsing-irog na Phenomenal Box Office King and Queen, Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa isang studio near ABS-CBN at sa Music Museum. Sinundo ni DJ si Kath from house at inihatid ito sa Cornerstone Studios in Mother Ignacia, QC for our KathNails by kcmb Nail Salon & Spa, ang salon na pag-aari ni Kath at pamilya Bernardo. Kasabay ng King  and Queen na dumating sa studio ang kanilang baby (aso) na si Tala at ang bibo at pretty  niece ni Kath na si Lhexine.

Nakipagkuwentuhan pa si DJ kay Kath, kay Tita Min, sa akin na kung saan ipinakita ko pa at pinabasa yung Banner headline sa Diyaryo Bomba kahapon na “Daniel for Kathryn can move heaven and Earth”. Natawa si DJ at nag-thank you sa inyong lingkod.  He asked me pa about the newspaper. At habang masaya ang binata sa pagmamasid sa kanyang reyna habang inaayusan ito ng glam team niya for her photoshoot, ay si Daniel pa mismo ang naghimay ng KFC Chicken at nagpakain sa niece ni Kath na si Lhexine, na inaanak rin ni DJ sa binyag.

After one hour, nagpaalam na si Daniel kay Kath, sa Bernardo family at sa lahat ng tao sa studio para sa kanyang rehearsal for Ian Veneracion’s concert kagabi na “Ian: In Color” na ginanap sa Music Museum.  Lahat ng tao sa loob at labas ng studio ay pinagbigyang lahat ni DJ for photo op.  At Kahit na nga  nasakay na siya sa kotse niya ay may humabol pa rin  na dalawang lola at kinatok pa ang nakasarado nang pinto ng sasakyan ng binata. At sumilip-silip sa bintana ng kotse. Dahil likas sa pagkatao ni Daniel ang pagiging mabait at maalalahanin sa mga tagahanga ay binuksan ni DJ ang kotse niya at nakipagpicture sa mga humabol na fans.

Maaga namang natapos ang photoshoot namin na si Kathryn mismo ang nag-conceptualise . Maayos kasi ang flow at super plan ‘yong pictorial kaya  natapos kami nang mas maaga kaysa sa schedule. nagbihis sandali ang lead star ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, nag alis ng make-up at tumuloy sa Music Museum para panoorin si Daniel Padilla na mag-perform as one of the guests sa concert ni Ian Veneracion.

Bilang suporta na rin kay Ian na nakasama ng dalawa sa patok na patok na teleseryeng “Pangako sa ‘Yo”.  Nung umaga ng Biyernes ay sabay na ipinalabas ang taped guesting nila Kathryn at Alden Richards sa Unang Hirit ng GMA at Umagang Kay Ganda ng ABS CBN na nag-trending sa social media . Panalo. Yun na.

Please follow and like us:
Read More

DJ MOVES HEAVEN AND EARTH FOR KATHRYN’S ENDEAVORS

(NI OGIE N. RODRIGUEZ)

NAGDIWANG ang milyun -milyong  fans ng KathNiel worldwide dahil muling nakita ang magkasintahang Phenomenal Box Office King & Queen and King and Queen of Hearts na sila Daniel Padilla At Kathryn Bernardo together.

Pinatunayan ni DJ ang kaniyang pagmamahal at laging pagsuporta kay Kathryn at sa pamilya  Bernardo.

Si Daniel kasi ang naging guest of honor sa ribbon-cutting ceremony ng pinakabagong branch ng KathNails by kcmb Nail Salon & Spa. Ang KathNails ay ang nail salon chain na pag aari ni Kathryn at ng Bernardo family.

Maaga pa lang ay siksikan na ng mga tagahanga ng KathNiel sa SM City Rosario Cavite.  Eksaktong 2 p.m.  ay dumating ang dalawa kasama ang buong family ni Kath — Mommy Min Bernardo, mga kapatid na sina Tin Bernardo Alcantara, Kevin Bernardo at ang nag iisang niece ni Kath na si Lhexine. Puring-puri ng mga fans si Daniel.

Hindi na nga nila  inasahan na makakapunta pa ang aktor dahil may previous commitment si DJ, isang endorsement event in Bonifacio Global City, Taguig at 4pm.  Pero hindi pumayag si Daniel na hindi makasama sa pagbubukas ng ika-walong (8th) branch ng KathNails at kauna unahang provincial branch. Ginawan talaga ng paraan at inayos ang schedule ng actor para makasama ang nobya sa pagbubukas ng pinakabagong negosyo nito.

Kung matatandaan, lahat ng grand opening ng KathNails ay dinaluhan ni Daniel.

Ever loving and very supportive boyfriend talaga ang binatang aktor.  After nga ng ribbon-cutting ceremony and photo ops with family, friends, mall officers and fans, agad na umalis ang KathNiel para sa scheduled event ni DJ sa Taguig. Nakatutuwa ang dalawa kasi sinamahan ng aktor sa grand opening event ang nobya then si Kathryn naman ang sumama para sa event ni Daniel after.

Kaya naman super hiyawan at tuwang -tuwa ang supporters ng dalawa kasi sa kabila ng kasagsagan ng promo ng movie na Hello, Love, Goodbye nila Kathryn at Alden Richards ay muling nagsama in public ang magkasintahang Phenomenal Box Office Royalties.

Dapat abangan ay ang  malaking proyekto na  pagsasamahan ng KathNiel sa last quarter ng 2019. Exciting ‘yon at I’m sure magsasaya muli ang mga nagmamahal sa number one love team ng Philippine Showbiz.

 

Please follow and like us:
Read More

YOUNG KAPAMILYA ACTRESS DAHILAN NG ‘PAGKAKALABUAN’ NG KATHNIEL

young12

(NI GORGY RULA)

TOTOO  kaya itong nakarating na kuwento sa aming isa ring Kapamilya young actress ang dahilan nang pagkakalabuan noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Ang hirap lang kasing ibahagi ang kabuuang kuwento dahil wala tayong access kung sino sa kampo ng KathNiel ang puwedeng sumagot sa intrigang ito.

Ang kuwentong ipinarating sa amin, may naka-schedule daw na mag-out of town sina Kathryn at Daniel pero biglang hindi na raw pumuwede ang huli.

Meron daw palang commitment si Daniel, kaya hindi na itinuloy ang lakad na iyun.

Pero bandang huli, may nagparating daw kay Kathryn na nakitang kasama ni Daniel ang isang young actress.

Kaya nagkaroon daw ng tampuhan at nagkaproblema ang magkasintahan. Pero inayos daw ng network, kaya okay na sila.

Hindi rin naman daw ma-reprimand si young actress dahil bongga raw at maganda ang takbo sa ratings ng teleseryeng pinagbibidahan.

Kaya inayos na lang daw sina Daniel at Kathryn, at itong pagdalaw sa Hongkong ay isa sa talagang in-effort ng Kapamilya young actor para magkaayos na silang dalawa.

Mabuti at naayos naman daw ang problema, kaya okay na okay na raw sila ngayon.

Ang tanong; okay na rin kaya itong si young actress na ini-link kay Daniel?

Tingnan na lang natin kung ano talaga ang katotohanan sa kuwentong ito.

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN KAY DANIEL: “’YUNG PANTS MO, ‘WAG MO MASYADONG SIKIPAN!”

KATHNIEL-4

(Ni BOY ABUNDA)

ILANG taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kaya normal na ang mag-kiss ang dalawa. Naipangako sa amin noon ng dalaga na ipagtatapat niya kung kailan ang pangalawang beses na naghalikan sila ni Daniel.

“Of course, may second kiss. Ilang taon na ‘yon, ‘di ko lang matandaan exactly kung kelan ‘yung second kiss. May second, third… of course naman,” pagtatapat ni Kathryn.

Maraming mga tagahanga ang naseseksihan kay Daniel at masaya naman daw si Kathryn tungkol dito. “‘Yung mga pants mo ‘wag mo masyado sikipan. Kung sikipan mo pa, sige bahala ka, magdadamit ako ng Sexy.”

“So, niloloko ko lang siya ng ganyan. Kasi ‘yung sexy niya ‘di naman siya nagwu-work out. Sexy siya being himself, being DJ,” kuwento ni Kathryn.

Samantala, nakahanda na raw ang inang si Mommy Min kung sakaling mag-asawa na ang aktres. “Ayaw din niya na late ako magpakasal. At 25, 26 (years old), go na kung gusto mo,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, nahirapan si Kathryn na hindi na si Daniel ang nakatambal sa pelikulang “Three Words to Forever” na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon. “Very scared, to be honest umiyak ako kay Direk Cathy (Garcia-Molina).

Ang daming adjustments sa kasama, wala si DJ. “’Yung feeling kapag iba ‘yung kasama ko, kayakap ko. Iba ‘yung kasama ko sa scene, ‘yung nagsi-sweet ako, parang mali. Parang feeling ko may kasalanan ako. Kasi I’m not used to that,” paliwanag ni Kathryn.

Para sa dalaga, hindi magiging madali para sa kanya na makitang iba na rin ang katambal ni Daniel. “Parang never akong magiging ready do’n, but I have to be ready kasi I have to let him go also. Kasi siyempre sino ba namang magiging ever comfortable makita mo na iba ang magiging ka-partner ng boyfriend mo. Iba ‘yung ka-kiss niya, ka-hug niya. But I have to be ready kasi actor si DJ. Hindi naman pwedeng kami lang,” pagtatapos ni Kathryn.

Please follow and like us:
Read More

KATHNIEL,KANYA-KANYANG LANDAS

KATHNIEL-3

(NI DOMINIC REA)

After the success of The House Of Us ng Star Cinema na pinagbidahan ng KathNiel ay nagkanya-kanyang laNDAS muna ang Box-Office King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Si Kathryn ay ipaLalabas na ngayong November 28 ang pelikulang kinabibilangan niyang Three Words To Forever mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina with Richard Gomez and Megastar Sharon Cuneta.

Si Daniel naman ay busy preparing para sa isang bonggang project sa ABS-CBN na hindi pa puwedeng sabihin.

Naging finale guest din siya ni Queen Mother Karla Estrada sa katatapos lang nitong Karla…The Music Within na isang Digital Concert produced by One Music PH.

Ratsada rin ang out of town shows ni Daniel . Kaya naman ayon pa kay Daniel sa isang TV show ay lagi siyang nagpapasalamat sa mga biyayang dumarating. Ganun din sa mga taong nakasuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon

Napanatili ni Daniel ang pagiging humble niya just like her Momshie Karla kung saan niya for sure minana ang karakter na iyon

Please follow and like us:
Read More