DJ MOVES HEAVEN AND EARTH FOR KATHRYN’S ENDEAVORS

(NI OGIE N. RODRIGUEZ)

NAGDIWANG ang milyun -milyong  fans ng KathNiel worldwide dahil muling nakita ang magkasintahang Phenomenal Box Office King & Queen and King and Queen of Hearts na sila Daniel Padilla At Kathryn Bernardo together.

Pinatunayan ni DJ ang kaniyang pagmamahal at laging pagsuporta kay Kathryn at sa pamilya  Bernardo.

Si Daniel kasi ang naging guest of honor sa ribbon-cutting ceremony ng pinakabagong branch ng KathNails by kcmb Nail Salon & Spa. Ang KathNails ay ang nail salon chain na pag aari ni Kathryn at ng Bernardo family.

Maaga pa lang ay siksikan na ng mga tagahanga ng KathNiel sa SM City Rosario Cavite.  Eksaktong 2 p.m.  ay dumating ang dalawa kasama ang buong family ni Kath — Mommy Min Bernardo, mga kapatid na sina Tin Bernardo Alcantara, Kevin Bernardo at ang nag iisang niece ni Kath na si Lhexine. Puring-puri ng mga fans si Daniel.

Hindi na nga nila  inasahan na makakapunta pa ang aktor dahil may previous commitment si DJ, isang endorsement event in Bonifacio Global City, Taguig at 4pm.  Pero hindi pumayag si Daniel na hindi makasama sa pagbubukas ng ika-walong (8th) branch ng KathNails at kauna unahang provincial branch. Ginawan talaga ng paraan at inayos ang schedule ng actor para makasama ang nobya sa pagbubukas ng pinakabagong negosyo nito.

Kung matatandaan, lahat ng grand opening ng KathNails ay dinaluhan ni Daniel.

Ever loving and very supportive boyfriend talaga ang binatang aktor.  After nga ng ribbon-cutting ceremony and photo ops with family, friends, mall officers and fans, agad na umalis ang KathNiel para sa scheduled event ni DJ sa Taguig. Nakatutuwa ang dalawa kasi sinamahan ng aktor sa grand opening event ang nobya then si Kathryn naman ang sumama para sa event ni Daniel after.

Kaya naman super hiyawan at tuwang -tuwa ang supporters ng dalawa kasi sa kabila ng kasagsagan ng promo ng movie na Hello, Love, Goodbye nila Kathryn at Alden Richards ay muling nagsama in public ang magkasintahang Phenomenal Box Office Royalties.

Dapat abangan ay ang  malaking proyekto na  pagsasamahan ng KathNiel sa last quarter ng 2019. Exciting ‘yon at I’m sure magsasaya muli ang mga nagmamahal sa number one love team ng Philippine Showbiz.

 

Please follow and like us:
Read More