LOLO, 2 BATA, PISAK SA TRAK

accidentsign1

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang tatlo katao, kabilang  ang  dalawang bata, habang may dalawa naman ang sugatan sa naganap na salpukan ng motorsiklo at truck sa Purok 9, Brgy Nangka, Villanueva, Misamis Oriental.

Sa report ng Misamis Oriental PNP, inabot ng dagliang kamatayan sina Raymondo Pagulayan, 58, driver ng motorsiklo, Rizza Pagulayan, 8, at Irish Bonos, 2.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nieves Ermita, 67, at Rezza Pagulayan, 20.

Ayon kay Villanueva Municipal Police Station investigator Chief M/Sgt Teody De Oro, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at tinatahak ang direksyon patungong lungsod ng Claveria lulan ng motorsiklo para dumalo sa isang kasalan nang maganap ang sakuna.

Lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng  motorsiklo pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway kaya sumalpok at pumailalim sa sa kasalubong na truck na minamaneho ni Yorme Opaon, 47, residente ng Patrocenio, Claveria.

Dead on the spot ang dalawang bata at naisugod pa sa ospital ang driver ngunit idineklarang patay ng mga doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

PALITAN NG “I DO”

Darwin Ballerdo-Haide Duron

Pamaskong Handog sa may Cancer

(Ni Mac Cabreros)

PARA sa magsing-irog, isa ay may sakit na cancer, walang pinakamagandang regalo sa kanila ngayong Pasko kundi ang pagpapalitan nila ng “I do” sa harap ng mga taga Marikina ilang araw bago ang pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus.

Mismong si Mayor Marcy Teodoro ang nagbasbas sa kasal nina Darwin Ballerdo, 47 at Haide Duron, 50, na sampung taon nang nagsasama bilang isang tunay na mag-asawa.

Alas-10 ng umaga Biyernes, napuno ang bahay sa No. 35 Singkamas Street sa Barangay Tumana, Marikina City, upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Ballerdo at Duron.

Si Ballerdo ay matagal nang ‘nakatali’ sa higaan at nakikipagpambuno sa sakit na cancer. At bago ‘dumating ang kanyang oras’ ay minabuti nitong pakasalan ang kanyang pinakamamahal na babae sa buhay na si Duron.

“Kayo ang magandang halimbawa ng pag-ibig na meron sa isat-isa na kahit kamatayan ay hindi kayo mapapaghiwalay,”  ayon kay Teodoro matapos pirmahan ang mga papeles ng kasal nina Ballerdo at Duron.

Nabatid na dalawang taon nang nakalilipas nang matuklasan ng mga doctor na may colon cancer si Darwin.

“Ang lahat ng dahilan ng pagpapakasal ay pag ibig. Aaminin ko ito: ang unang pagkakataon na may ikakasal ako sa bahay,” pahayag  pa ng alkalde ng Marikina.

“Ang nangyari ay hindi aksidente, lahat nasa tadhana, may mawala man pagdating ng araw palagay ko sa alala ng inyong anak, ang araw na ito ay mananatili, “ dugtong Teodoro.

Nabibiyayaan sina Darwin at Haide ng isang anak na babae, si Trixie, ngayo’y Grade 3 pupil. Nangingilid ang luha nito nang masaksihan ang tigib na pagmamahalan ng kanyang magulang.

Sa pagpapalitan ng ‘I do’, nakaupo si Darwin sa kanyang reclining chair saan nagsisilbi na ring higaan nito. May nakakabit na dextrose sa kanyang kaliwang kamay. Hawak naman ni Haide ang kabilang kamay ni Darwin.

“Dadamayan kita kahit anong mangyari. Salamat, Mamu, dahil kahit na hirap na hirap ako, nandiyan ka sa tabi ko. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Sana maka-survive ako, sana madagdagan pa ng marami ang birthday ko… ang buhay ko. Gusto ko pang gampanan lahat nang gusto ko, obligasyon sa aking pamilya, sa anak ko, sa’yo, sa magulang ko, kapatid ko,” sambit Darwin habang nakatitig sa kanyang asawa.

“Nagpapasamalat ako kay Mayor at nandito po siya. Matagal ko nang gustong makasal tayo. At salamat sa bunso ko nandiyan lagi, alam kong mahal na mahal ako. Hayaan mo anak,  lalaban si papa kahit anong mangyari humaba lang ang buhay ko para sa ating lahat. Kahit na ganito na yung sitwasyon ko hindi pa rin ako gumi-give up. Kahit walang wala na tayo lumalaban pa rin ako,” impit na namutawi sa mga labi ni Darwin.

“Tulad ng singsing, may simula at hangganan ba? Wala. Ganyan yung pag-ibig na meron tayo sa isa’t isa, walang hangganan. Maaring ang isa sa inyo ay mawala man, pero di mawawala ang pag ibig ninyo,” ani Teodoro.

“Ang pagkakataon na ito ay mamaya ay mawala na o bukas ay tapos na, pero yung alaala hindi mawawala, mananatili ito sa isipan ng inyong anak sa puso’tdamdamin, sa alaala ng inyong kapitbahay. Kayo ay magandang halimbawa ng pag ibig na meron sa isat isa na kahit kamatan ay hindi kayo mapapaghiwalay,” dugtong pa ng Alkalde.

“Ako, ang kahilingan ko ay iisa: na manatili ang pagmamahalan ninyo. Ang buhay ay mahirap, hindi madali…laging may hamon. Hindi natin matitiyak ang dadalhin ng bukas pero ang pag asa hindi nawawala kung may pag-ibig, pagmamahal tayo sa isat isa, giit pa ng alkalde.

Nakilala ni Darwin, isang mananahi, si Haide, sa isang kaibigan. Pangalawang asawa ni Darwin si Haide at nagsasama na ng sampung taon bilang isang tunay na asawa na walang basbas ng ‘Diyos’. Nabiyudo si Darwin ilang taon bago nagkaibigan sila ni Haide.

“Magsasama na kayo sa hirap at ginhawa, sa sakit at pasakit… at tanging kamata­yan lamang ang makapaghihiwalay sa inyo.” Pagtatapos Mayor Teodoro sa seremonya na una nitong ginampanan sa loob ng isang bahay at nakatali sa higaan ang isa sa ikakasal.

Please follow and like us:
Read More

LOLO PAPUNTA SA KASAL, PINASLANG

(NI BONG PAULO)

CARMEN, NORTH COTABATO – Patay ang isang 76-anyos na lolo nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman habang sakay ng motorsiklong papunta sa kasal sa Sayre National Highway sa Barangay Kimadzil, Carmen, Cotabato, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Salik Datol, ng Patadon, Kidapawan City habang sugatan naman si Thoto Badal Endigay, 45, ng Pagalungan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Carmen PNP, pasado alas 9:10 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima habang lulan ng motorsiklo papuntang kasalan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Barangay Aroman ng bayan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaril.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

LOVI POE NOT YET READY TO SETTLE DOWN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

NATATAWANG “parang wala naman” ang sagot ng napaka-seksing Kapuso actress na si Lovi Poe sa tanong kung sa mga past boyfriends niya, may nag-alok na sa kanya ng kasal.

May mga naging relasyon din naman si Lovi na taon talaga ang inaabot at sa mga yun, pwedeng merong nag-alok sa kanya ng kasal na.

“Nothing formal po,” sabi niya.

Tahasan namang sinabi ni Lovi na kung sakali at may nag-alok man sa kanya, sigurado raw siyang hindi pa siya handa na pasukin ang marriage life.

“I guess, where I am now, I’m very happy where I am now.”

Sina Lovi at Joem Bascon ang mga bida sa napaka-sexy, sensual at passionate movie ng Regal Films na “The Annulment” na ipalalabas November 13. At para kay Lovi, boldest film ever niya raw.

Sa isang banda, sa title pa lang ng movie, given na yung sa kabila ng pagiging sobrang in-love nila bago at sa mga unang taon ng pagsasama nila bilang mag-asawa, nauwi rin sila sa annulment.

Open si Lovi noon na hindi pa talaga siya ready sa marriage at wala pa rito ang mindset niya. So, we asked her kung sa pagkakagawa niya ng The Annulment ay mas lalo pa siyang nakaramdam ng takot na magpakasal.

“Well, ako, I just want to really, really make sure that it’s the right person and that I’m also the right person.”

May boyfriend si Lovi ngayon, ayon dito, producer rin pero nasa medical field. Ang British na si Monty Blencowe.

Hindi pa rin naman masagot ni Lovi kung sakaling mag-propose sa kanya ang bagong boyfriend.

“I don’t know, I mean, it’s too soon to say. I’m just enjoying what we have now and everything is good. I just want to enjoy that.”

Diretsahan naman namin siyang tinanong kung naniniwala ba siya sa kasal.

“Of course, I believe in people who loves each other and who made a commitment with each other to work things out.”

Pero sa part raw niyang talaga, although, nai-inspire siya sa kaibigang si Heart Evangelista at sa Mister nito na si Chiz Escudero, hindi pa raw niya masasagot kung kailan siya magiging ready talaga to settle down.

“I’m not sure to being ready, there’s so much things that I wanna do.”

 

Please follow and like us:
Read More

FAKE NEWS ANG KASALANG MEGAN-MIKAEL

(NI ED DE LEON)

NGAYON, siguro nga maliwanag na hindi totoo na nagpakasal na ang dating Miss World na si Megan Young sa kanyang long’time boyfriend na si Mikael Daez. Pareho silang nagsabi na hindi totoo ang suspetsa ng ilan na nagpakasal na sila sa Europe, kasi nga magkasama sila sa kanilang bakasyon na kung ilang buwan din namang tumagal.

Noong magbalik naman si Megan sa Pilipinas pagkatapos ng Miss World, nasabak agad siya sa trabaho. Natural sinamantala naman ng kanyang mga producers na sariwa pa sa isip ng mga tao na siya nga ay Miss World, dahil malakas ang batak noon sa audience.

Kaya nang makakita sila ng ilang buwang bakante rin naman para kay Megan, doon sila gumawa ng desisyon na subukan namang mamasyal on their own at mag-enjoy sa buhay.  Pero dahil napatagal nga ang kanilang bakasyon, na silang dalawa lamang ang magkasama, may nag-isip na siguro nga nagpakasal sila, o baka kasal na sila bago pa man nagbakasyon at iyon na ang kanilang honeymoon.

Kung nagpakasal man sila sa abroad, kailangang kumuha pa rin siya ng marriage license sa Pilipinas dahil pareho silang pinoy. Kung basta kasal lang doon, walang kuwenta iyon dahil kasal outside the jurisdiction of the solemnizing officer iyon. Wala rin namang report sa ating embassy na nagpakasal nga roon ang dalawang pinoy. Kaya nga mahirap ring paniwalaan na nagpakasal nga sila.

Ang sinasabi nga namin, kung kasal na sila dito at nag-honeymoon lang, puwede iyon, pero nasaan ang papeles na magpapatunay noon?

SI DANIEL PADILLA LANG ANG TUNAY NAGPUNO SA ARANETA

Napuno ba ni Senador Manny Pacquiao ang Araneta Coliseum noong siya ay mag-concert?

Siguro nga hindi naman masasabing solo concert niya iyon dahil sa dami ng guests, nagmukha na tuloy isang musical-variety show. Kulang na nga lang nilagyan din ng comedy skit. Pero ganoon pa man kung napuno niya iyon, at siguro alam mo naman Tito KC dahil naroroon ka at nanood kasama ng maraming fans ng senator-boxer, aba matindi iyan. (WALANG TAO SA BLEACHERS. LOWER AT UPPER BOX NGA  KAKALOG-KALOG KAMI-ED.)

Ang sinasabing talagang nakapuno lang nang todo niyang Araneta Coliseum na local talent ay si Daniel Padilla. Kahit na nga iyong mga huling concerts ng malalaking singers kagaya ni Sharon Cuneta hindi naman napuno nang ganoon ang big dome.

Pero sana, pabayaan na ni Pacman sa mga tunay na singers iyang pagkanta, tutal ang dami na niyang pinagkakakitaan.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

KASAL SARILING GASTOS NI ANGEL? KAMPO NI NEIL PUMALAG

(NI GORGY RULA)

MAY mga kamag-anak si Neil Arce na nakikinig sa radio program namin sa DZRH ang nag-react sa balitang baon daw ito sa utang, at posibleng si Angel Locsin pa ang magbabayad kung magpakasal na sila.

Unfair daw sa negosyante na gawan ng ganung isyu dahil imposibleng magkautang daw yan sa dami raw ng pera ng pamilya Arce.

Totoong may mga pelikulang prinodyus si Neil na nalugi lang siya, pero hindi raw yan pababayaan ng Mommy niya na mabaon sa utang. Kaya raw nilang bayaran iyun at isalba si Neil kung sakali man.

Hindi rin naman daw tanga si Angel na siya ang sasagot ng mga pagkakautang ni Neil kung totoo man ito.

Hindi raw tamang masangkot si Neil sa ganung isyu.

Sa pagkakaalam namin, may sinisimulan na si Neil na iba pang proyekto. Kung nagkalugi-lugi man siya sa ibang prinodyus niya, maaring tumigil na yan sa pagpu-produce. Pero tuloy pa rin ang production niya at may iba pa raw siyang naka-line-up na gagawin.

Sa katunayan, si Neil ng kanyang N2 Productions ang producer ng pelikulang I’m Ellenya L na isa sa mga entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September 12.

* * * * *

Inamin naman ng nasa Selection Committee ng MMFF na malaki talaga ang

basehan ng commercial viability kaya napili ang apat na script na pasok sa ngayong taong Metro Manila Film Festival.

Pinipili pa rin daw nila ang magandang script pero 40 percent daw ang commercial viability kaya madalas na pasok ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na subok nang malakas tuwing MMFF.

Sabi ng isa sa miyembro ng Screening Committee na si Atty. Don Artes;

“Balanse po ang criteria sa pag-select ng entries.

“Kasama po talaga ang commercial viability, pero malaking portion din po ang ibang criteria, ang Filipino values, ang artistic, cultural…nasa 60 percent po yun. Balanse po yan, at gini-grade po lahat ng pelikula na base sa criteria na yun.

“Masasabi po namin na yun pong pumasok na pelikula na apat na yun ay magaganda po talaga.”

Dagdag pang pahayag ng General Manager ng MMDA na si Jojo Garcia; “In fact, sa deliberations po namin, dikit dikit po yung score nung top 8 po na ano hindi po nagkakalayo yung score.

“Kaya 40 percent ang commercial value dahil kailangan talaga ng financial o yung pagtulong na gagawin namin na magiging twice a year na ang MMFF, of course to get financial gain sa mga Filipino artists. Kasi hindi tayo maka-compete sa foreign films.

“We will help them on some capacity kaya ang commercial value malaking factor.”

Ang inaasahan na ngayon sa apat pang entries na ia-announce sa September ay yung matitino at mas magagandang script dahil pipiliin na ito sa mga finished films.

Totoo kayang kinu-consider na raw nila ngayon ang Mindanaw ni Judyann Santos at Allen Dizon, at ang entry ni Coco Martin kasama sina Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas.

* * * * *

Binigyan ng MTRCB ng Rated PG ang pelikulang Family History ni Michael V.

Pampamilya ito, pero siguro may mga ilang maseselang eksena  na hindi recommended sa mga bata kaya hindi G ang naibigay.

Pero puring-puri raw ng mga nag-review ng pelikulang ito at lalo raw silang bumilib kay direk Bitoy.

Medyo may kahabaan lang ang pelikulang dahil umabot ito ng 2 hours and 10 minutes.

Pinag-iisipan pa sana ng comedian, writer at director na bawasan pero parang wala na raw siyang puwedeng tanggalin.

Kaya excited na kaming panoorin ito sa July 24.

 

Please follow and like us:
Read More

EMOSYUNAL NA KASAL NINA BEN AT IZA

iza

EMOSYUNAL at hindi napigilang maluha ang karamihang dumalo sa kasal nina Iza Calzado at Ben Wintle na ginanap sa Club Paradise Resort sa Coron, Palawan nung nakaraang Miyerkules, December 19 ng hapon.

Habang nagma-martsa si Iza patungo sa altar na in-officiate ni Karina Holigores, naluluha na ito. Pati nga si Ben ay naluha rin sa memorable event na iyun.

Kahit mga guests at bahagi ng entourage ay naluluha na rin dahil sa sobrang saya para sa bagong kasal at lungkot na rin dahil walang magulang na naghatid kay Iza.

Nasa bouquet na bitbit ng Kapamilya actress may nakasabit na locket na may litrato ng namayapa niyang  Mommy na si Mary Ann Ussher at ng Daddy niyang si Lito Calzado.

Nung nabubuhay pa si Tito Lito, isa pa naman sa mga wish niyang mahatid sa altar ang anak niya kaya isa iyun sa iniluha ni Iza.

Sabi nga ni Diana Zubiri sa manager ni Iza na si Noel Ferrer; “This is the best and the most emotional wedding na napuntahan ko.”Touching daw ang pagtanggap ng Wintle family kay Iza. Nakikita raw nila kung gaano kamahal si Iza ng magulang ni Ben, kaya nagkaroon na rin siya ng bagong magulang na nagmamahal talaga sa kanya.Ramdam naman daw sa mga testimonials ng parents ni Ben na mahal na mahal nila si Iza.

Ilan pa raw sa mga humabol sa wedding ay si Ogie Alcasid na kumanta sa seremonya. Kasama ni Ogie ang anak niyang si Leila. Nandun din sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, si Fabio Ide, JM Rodriguez, Bianca King at Antoninette Taus.

Ang saya nga raw at game na game na magkasamang nag-picture sina Antoinette at Karylle.

Marami pa raw guests na nagpa-iwan doon sa Coron para i-explore pa ang isla at meron pa raw silang barbeque party doon.

Na-enjoy daw kasi ng mga dumalo sa wedding na  maganda ang lugar, hindi na-stress sa traffic at masaya ang lahat na kung saan in-enjoy ng mga Briton na kalahi ni Ben ang Pinoy na Pinoy na pagdiriwang ng pag-iisang dibdib nina Ben at Iza.

Pagbalik daw ng Maynila ay magkakaroon din ng seremonya sina Iza at Ben na kung saan basbasan sila ni Fr. Tito Caluag.

Ang pagkakaalam ko merong isa pang marriage ceremony na gagawin naman sa Hongkong.

 

 

Please follow and like us:
Read More