HULING EL BIMBO

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang binatang service crew makaraan pagsasaksakin ito ng kanyang karibal habang isinasayaw ang babaeng nililiyag, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bukidnon. Kinilala ang biktimang si Jeshua Nieles, 20, hotel service crew at residente ng Purok 2, Pinatilan, Valencia City Bukidnon habang tugis naman ang suspek na kilala lamang sa alyas Boy. Batay sa report ng Valencia City police, naganap ang insidente sa isang sayawan sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente, iisang babae lamang ang nagustuhan ng dalawa at tinangka ng suspek…

Read More

LOLO KINATAY NG KARIBAL; RELASYON BUKING SA TEXT 

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang lolo na ang pagmamahal nito sa isang babae ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan katayin ito ng tricycle na driver na kasintahan ng kanyang karelasyon, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang biktimang si Marcelino Penuliar, 61, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si James Berbon, 44, at kapwa taga Alaminos City, Pangasinan. Batay sa report ng Alaminos Police Station, bago ang insidente, inaya pa ng suspek ang biktima na mag-inuman para maisakatuparan ang plano nitong pagpatay kay Penuliar.…

Read More

AAGAWIN SI MAHAL; KARIBAL PINASLANG 

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng suspek na pinaniniwalaan karibal nito sa babaeng kanilang nililiyag habang nakatambay ang una sa labas ng kanilang bahay, kagabi sa Cebu City. Kinilala ang biktimang si Niño Aguilar, 39, ng B. Aranas Street, Brgy. Duljo Fatima, Mambaling, Cebu City. Batay sa report ng Mambaling Police Station, dakong alas 12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa nasabing lugar. Lumabas sa imbestigasyon, nakatambay ang biktima sa labas nang dumating ang suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril…

Read More

AWAY SA BABAE; LALAKI KINATAY NG KARIBAL

(NI HARVEY PEREZ) NASAWI ang isang  tricycle driver nang pagsasaksakin ng lalaking naging karibal niya sa isang babae, Biyernes ng gabi sa Escolta, Sta.Cruz, Maynila. Idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Matronilo  Zambales, ng Brgy. 303 Zone 29 Sta. Cruz, Maynila na nasawi sa dami ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Police Station 3 , sa kanyang bahay ang suspek na si Jamael Madali, 37, ng Guzman St. Quiapo,…

Read More