BUHAY KO, HAWAK MO

KAMAY

Sa kalinisan ng kamay nakasalalay ang kalusugan

(Ni Mac Cabreros / Huling Labas)

PAANO nga ba maproprotektahan ang kalusugan ng tao kung ang mga kamay pa lang ay hindi na malinis.

Hindi nga ba’t kamay ang unang gamit sa paghawak ng kung anu-anong bagay sa anumang gawain natin lalo na sa pagkain.

Kailangang malinis ang kamay lalo na sa pagkain dahil ito ay lumalapat sa ating mga labi at bibig upang magpasok ng pagkain.

Kaya naman ang itinuturo sa atin sa mga paaralan, mas higit ang mga eksperto, na sundin ang mga sumusunod para sa kalinisan :

l Hugasan ang kamay bago, habang, at matapos maghanda o magluto ng pagkain; bago kumain;

l Bago at matapos ma-expose o mag-alaga sa taong maysakit.

l Bago at matapos

maglinis ng hiwa o sugat.

l Matapos magbanyo, matapos magpalit ng diaper ng bata o matapos hugasan ang bata na gumamit ng palikuran.

l Matapos bumahing,

suminga, o umubo.

l Matapos humawak ng hayop, pakain sa ha­yop, o dumi ng hayop.

l Matapos humawak ng basura at pera, matapos humawak ng mga bagay na nakapitan ng iba.

l Matapos makakapit

sa taong may sakit.

l Matapos humawak

sa kemikal.

Tamang paghuhugas ng kamay

Ayon sa World Health Organization, kinakailangan tumagal ng 40 hanggang 60 seconds ang wastong pag­huhugas ng mga kamay. Katumbas ito ng pagkanta ng “Happy Birthday” nang dalawang beses. Sundan ang mga sumusunod:

Basain ang mga kamay ng malinis na tubig at lagyan ng sabon; pagkiskisin ang mga palad saka ipatong ang kanang palad sa likuran ng kaliwang kamay saka kaliwang palad sa likuran ng kanang kamay.

Pagsuotin ang mga daliri sa pagitan ng bawat isa. Kuskusing mabuti.

Pagharaping muli ang mga palad nang nag-eekis ang mga daliri. Gamitin ang gilid ng mga daliri para sabunin ang isa’t isa. Iporma ang mga kamay nang parang magkukusot ng damit ngunit hawak ang isa’t isa para sabunin ang likod ng mga daliri. Hawakan ang kaliwang hinlalaki gamit ang kanang palad at sabunin paikot. Gawin din ito para sa kanang hinlalaki.

Kuskusin nang paikot ang palad ng isang kamay gamit ang dikit dikit na daliri ng kabilang kamay. Gawin para sa parehong kamay. Banlawan ang mga kamay nang mabuti gamit ang malinis na tubig. Tuyuing mabuti ang mga kamay gamit ang malinis na basahan, tuwalya o hand dryer.

Ugaliin ding magdala ng hand sanitizer o alcohol bilang paunang pamatay ng disease causing germ, virus at bacteria.

Hindi lamang ang kamay ang dapat manatiling malinis. Maging sa iba pang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng hygiene at sanitasyon. Maligo at magtoothbrush. Panatili­hing malinis ang bahay lalo ang mga palikuran.

Base sa pag-aaral, madalas lumiliban ang isang bata na pumasok sa paaralan dahil sa sakit gayundin kapag nagkakaroon ng ‘buwanang dalaw’ ang mga babae.

Dahil dito, ipinupursige ng DepEd ang paggamit ng feminine pads.

Pinagdadala din nila ang mga babae ng pads para may magamit agad kung sakaling datnan habang nasa paaralan upang manatili at magpatuloy sa pag-aaral kesa umuwi na lamang ito o cutting class.

Hindi lamang nakasalalay sa ating kamay ang ating kalusugan. Dapat kapit-kamay ang lahat. Ika nga: Hawak NATIN ang ating buhay!

Please follow and like us:
Read More

KAMAY NA KADIRI

HAND WASH

Sampung mga daliri, yakkkks, marumi

(Ni Mac Cabreros / Unang bahagi)

“I have two hands, the left and the right. Hold them up high, so clean and bright. Clap them softly, one, two, three. Clean little hands are good to see.”  Kadalasan ang awiting ito ang unang natututunan sa paaralan na hanggang sa bahay ay nadadala-dala sapagkat bahagi ito ng kaalamang itinuturo para sa kalinisan ng kamay para sa magandang kalusugan.

Sabi nga, ang kalusugan ay nasa ating kamay. Pero paano kung walang tubig at sabon na panghugas ng kamay? Tiyak ang liriko ng kanta ay: “I have two hands, the left and the right. Hold them up high, so… yakkkkkkkkss… kadiriiiiiiiiiii.”

Lalo pa siguro kung ang wash area ay ‘kinukulong’?

Sa press conference sa pagbubukas ng water, sanitation, and hygiene o WASH in Schools (WinS) ng Asian Ministries, sinabi ni Education Undersecretary Alain Del B. Pascua, na nadidismaya sila nang matuklasang nawawala ang mga gamit gaya ng faucet sa wash area sa mga paaralan kaya napipilitan silang ‘ikulong’ sa pamamagitan ng paglalagay ng rehas at kandado rito.

“Lagay kami nang lagay ng wash facilities, pero napi­pilitan kaming ‘ikulong’ dahil nawawala ang mga gamit gaya ng fauce,” wika ni Usec. Pascua. Aniya, nilalagyan nila ng rehas na bakal at kinakandado ang wash area.

Nakakatawa ang aksyon na ito subalit hindi nakakatuwa. Kaya naman umapela si Usec. Pascua sa mga magulang na iwasang nakawin ang mga gamit sa wash area dahil napakahalaga ang sanitasyon upang maiwasan ang iba’t ibang sakit.

Batid naman ng lahat na mahalaga ang tubig lalo na sa pang-araw-araw na gawain ng mga bata.

Pero bakit ganito ang ginagawa ng mga magulang? Kinukuha ang mga gamit gaya ng faucet sa wash are. Batid kaya ng mga magulang na kanila na ring ‘ninanakaw’ ang kinabukasan ng kanilang mga anak?

Paano kung magkasakit at masawi ang kanilang anak dahil nagkasakit bunsod nang hindi nakapaglinis nang maa­yos sa paaralan?

Ipinabatid ni Dr. Maria Corazon C. Dumlao, health division chief ng Health and Nutrition Center ng DepEd na maraming paaralan pa rin ang walang WASH facilities.

Bunga nito, mahalaga ang pagpupulong ng Asian Ministers para matalakay at malapatan ng karampatang aksyon ang pagtiyak na may tubig sa mga paaralan at magkaroon ng magandang sanitasyon at hygiene.

Iniulat ng World Health Organization at UNICEF na wala pang kalahati ng mga paaralan sa mundo ang may sapat na supply ng tubig, walang gender-segregated na palikuran at walang handwashing facilities na may tubig at sabon.

Para mapunan ang kakulangan, ipinapatupad ngayon ng DepEd ang Integrated Helminth Control Program o IHCP, paggawa ng water at handwashing facilities para maagapan ang Influenza AH1N1 at Essential Health Care Program o EHCP.

Masigasig din ang pagta­tagauyod sa Water in Schools program kung saan layon nito na magkaroon ng supply ng tubig sa mga paaralan na maaring inumin gayundin ang paghuhugas ng kamay at pag­lilinis sa mga pasilidad lalo ang mga palikuran. Sa ngayon ay abot na sa pitumpu’t limang porsyento ng mga paaralan ng sumali sa WinS program, ulat pa DepEd.

Mahalaga ang papel ng kamay sa ating pang araw-araw na buhay. Malaking porsyento ng ating gawain ay nangangailangan ng ating mga kamay para maisagawa. Higit sa lahat, nakasalalay ang ating kalusugan at ating buhay.

Simula pagkabata, lagi tayong pinapaalalahanan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kamay. Ito ay dahil malaki ang posibilidad na may nakakapit na germ, virus at bacteria na maaring makapasok sa ating katawan kapag nagsubo at nahawakan ang ilong, mukha at balat.

Please follow and like us:
Read More

KAMAY PUTOL SA KAPITBAHAY

crime44

(NI ANNIE PINEDA)

PUTOL ang kamay ng isang ama makaraan pagtatagain ito ng kanyang kapitbahay na hindi inimbitahan sa pamamanhikan ng kanyang anak, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Julito Buen, 62, habang tugis naman ang suspek na kinillang si Rosales Saralde, 33, at kapwa residente ng Brgy.Cambalidio, Libmanan, Camarines Sur.

Batay sa report ng Libmanan-PNP, namanhikan ang anak na lalaki ng biktima sa kasintahan nito at hindi naimbitahan ang suspek.

Habang nasa kalagitnaan ng okasyon, bigla na lamang sumugod ang suspek na armado ng itak at galit nag alit na kinompronta ang biktima bakit hindi man lamang ito inimbitahan.

Sinubukan pakalmahin ng biktima ang suspek pero pinagtataga na ito at sinangga niya ang kanyang kamay kaya ito naputol.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima para at nilapatan ng lunas habang mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Please follow and like us:
Read More